4 - New owner
Kusina
"Kumusta na pakiramdam mo?"
"Okay ka lang ba talaga?"
Magkasunod kong tanong kay Thea.
"Okay lang ako, may nakain lang siguro akong panis kahapon."
Nagmumog si Thea ng tubig bago bumalik sa loob. Nakasunod lang ako dito. Nag aalala ako sa kaibigan ko, ilang araw na itong nagsusuka tuwing Umaga. Tapos puro tubig lang naman ang inilalabas nito. Baka kung napapano na ito.
"Sige na, pumasok ka na sa trabaho mo, baka malate ka pa."
Taboy sa'kin ni Thea, hindi naman ako natitinag sa kinatatayuan ko, bagkus ay nakatitig lang ako dito. Napapansin kong namumutla ito at laging nahihilo. Ano kayang sakit nito?
"Ano na? Maria, gorabels na! " Tumawa pa ito at nagpakitang masigla kahit na nga bakas naman sa mata na sobrang sama ng pakiramdam nito.
Nag aalangan man ay napilitan na rin akong umalis.
Hanggang sa pagsakay ng jeep ay tulala ako. Iniisip ko pa rin si Thea, ilang araw na itong 'di pumapasok sa trabaho. Ang sabi lang nito sa'kin naka leave daw ito sa work. May inililihim kaya sa'kin ang kaibigan ko? Kung meron man, ano kaya iyon?
Siguro 'di pa lang ito handang magkwento. Sabagay kaibigan ko nga ito, pero meron pa ring mga bagay na hindi ko alam tungkol dito.
"Ate, pakisuyo po, pakiabot ng bayad."
Kalabit sa'kin ng isang kabataang babae na nagpabalik sa'kin mula sa iniisip ko.
"Bayad daw po." Pasa ko naman sa nasa unahan ko.
Pagkatapos niyon ay dumukot na rin ako ng pambayad ko, baka kasi makalimutan ko.
****
Store
"Bakit ngayon ka lang?" Salubong agad sa'kin ni Fiona mula sa pinto ng store.
"Bakit?" Taka kong tanong, sabay tingin sa suot kong relo. Meron pa akong limang minuto bago malate.
"Hindi mo ba nabasa sa gc? -" kukunin ko pa lang sana ang cp ko sa bag ng biglang dumating si Ma'am Nizza ang store manager namin.
Agad na nagsilapit ang lahat ng co-worker ko kay Ma'am Nizza. Kaya lumapit na rin kaming dalawa ni Fiona.
"Good morning everyone! " Panimula ni Ma'am Nizza.
Anong meron?
"As I said before, the store is now under new ownership and as a result, there will be changes. This includes the layoffs of some employees."
-Ma'am Nizza.
Umugong ang bulong-bulongan sa paligid. Halatang dismayado ang lahat at kabilang ako doon.
Sumunod ay lumabas ang isang babaeng nakasuot ng pink dress at high heels. Naka sabit sa siko nito ang hand bag nito. Ang mahaba nitong buhok ay nakalugay lang.
Teka! Parang nakita ko na s'ya.
Sabi ko sa isip. Nanlaki ang mata ko ng makilala ito. Ito yong buyer kahapon at..
Ito rin yong babaeng pinakilalang fiancee ng nanay ni Vann.
"Let's Welcome the new owner of Classy Gloomers boutique. Miss Yvonne Kendall."
Nagkaroon pa ng mga bulong-bulongan ngunit 'di ko na iyon pinansin dahil inaalala ko ngayon ang kabang bumabalot sa dibdib ko.
Hanggang sa..
"Miss Dimaquha, Follow me to the office."
"Girl, tawag ka ni Ma'am."
"Bakit kaya?" Napalunok ako bigla.
Kibit balikat lang ang isinagot sa'kin ni Fiona.
Ako lang ang tinawag ni Ma'am Nizza at ang lahat ay kanya ng pinabalik sa trabaho.
Sumunod ako kay Ma'am Nizza sa opisina, pagkapasok ko sa loob-
"Miss Dimaquha, I'm sorry to say but you're one of those who will be fired."
"M-Ma'am..pero bakit po?" Nanghihina kong tanong dahil hindi ko maunawaan kung bakit tatanggalin ako.
"I apologize, Miss Dimaquha. I know you are hardworking and dedicated to your work, but I am just an employee and I am just following orders.
Napahugot ako ng malalim na paghinga ng marinig ito. Gusto kong muling magtanong subalit biglang tumunog ang telepono sa ibabaw ng lamesa nito.
May kinausap ito at "okay po Miss Kendall." ang narinig kong sagot nito sa kabilang linya.
"Miss Dimaquha, Miss Kendall is calling you. She is in her office."
"You can go to her office."
Naguguluhan akong sumunod na lang sa sinabi ni Ma'am Nizza.
Pumasok ako sa Main office. Kumatok muna ako, ilang segundo lang ay may boses na nagsabi na pwede na akong pumasok sa loob.
Mapulang labi ang unang pumukaw sa'king paningin. Napalunok ako ng bumuka iyon.
"You can sit down, Miss Nizza probably told you. I apologize because you were one of the ones who got fired." Malambing ang boses nito at tila naaawa talaga sa'kin pero may kakaiba akong pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Wala naman kasi akong natatandaan na naging dahilan kung bakit matatanggal ako.
"Ma'am, pwede po bang malaman ang dahilan bakit tanggal na ako?"
"It's simple, because...I don't like you." Tapat nito, habang nakataas ang kaliwang kilay sa'kin.
Pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan ay pumanhik lahat sa ulo ko.
Bumuga ako ng malalim na paghinga para pigilan ang pag umalpas ng galit.
"Napaka babaw naman po ng dahilan n'yo kung ganon."
"Am I asking for your opinion? Do you know the real reason why I'm firing you? -" Mahinahon pa rin ang boses nito, ngunit bakas naman sa reaksiyon ng mukha nito na naiinis ito sa'kin.
Nakipagsukatan ako ng tingin dito, habang iniisip na 'wag lang itong magkakamaling salingin ako at makikita nito ang hinahanap nito, hindi na ako magpapakababa pa gayong harap-harapan na ako nitong inaayawan.
"Because you're flirting with my fiancé." dugtong nito sa sinabi nito kanina.
Napaisip ako.
"Ma'am, mawalang galang na po. Pero Wala po akong nilalandi." Hayag ko na kaunting kaunti na lang at baka sumabog na ko sa inis dito sa Kendall na ito.
"Really?" Tumayo pa ito at naka pameywang sa'kin.
"Remember Giovanni?" Taas kilay nitong tanong.
Hindi na ako nagulat sa pangalang binanggit nito. May kutob na ako nang una pa lang itong ipakilala kanina, nadagdagan pa iyon ng ipatawag ako't sabihing tanggal na ako. Ngayo'y nabubuo na iyon lahat sa isip ko.
Bunga niyon ay sumakit lang ang ulo ko sa mga naisip. Ngayo'y mawawalan na ako ng trabaho ng tuluyan.
"You can avoid getting fired.. that is if you stay away from Giovanni."
Dioskopo! Parang kdrama lang ah. Buti sana kung ooperan n'ya ako ng milyones.
Naningkit ang mata ko. Napangisi ako sa naisip. Naiinis ako at gusto kong ito naman ang inisin.
"Bakit ko naman gagawin yon?"
At katulad nga ng gusto ko. Nakita kong namula ito sa Galit.
Teka! hindi pa ko satisfied e.
"Hindi ko gagawin ang gusto mo. Maaaring Ikaw nga ang fiancee n'ya. Subalit ako ang mahal n'ya."
"You!" Sigaw nito bigla na s'yang bigla namang may kumatok sa pinto.
"Get out!" Malakas nitong sigaw sa'kin sabay turo sa'kin palabas.
Tumawa ako bilang sagot dito. Tapos walang sabi na lumabas ng opisina nito nakasalubong ko pa sa pinto si Ma'am Nizza.
Hindi na ako nag abala pang kausapin ito, kahit na nga bakas sa mata nito na may gusto itong itanong.
****
Gravity Zoo
Pa'no na ngayon?
Wala na akong trabaho.
Saan na ako pupulutin nito?
Babalik na ba ako sa probinsya?
Sumasakit na ang ulo ko sa mga isipin. Hindi ako pwedeng umuwe, Ako lang ang inaasahan nina tiya Ondin. Pero saan naman ako mag aaply ng trabaho gayong highschool lang ang natapos ko. Maige nga't natanggap ako noon sa boutique kahit highschool graduate lang ako.
Sa sobrang dami kong iniisip hindi ko na namalayang ubos na pala ang pagkain na inihahagis ko sa mga isda.
Muli akong tumitig sa mga naglalangoyang isda. Abala ang mga ito sa paglangoy at pagkain ng mga inihahagis sa kanila.
Ang mga isda ba, napapagod din ba sila sa paglangoy? Napapagod din ba sila gaya ng tao? Kasi ako.. pagod na ako.
Suminghot ako sabay pahid ng luha sa pisngi. Nagsisisi ako ngayon, bakit ko pa ginalit ang Kendall na iyon. E di sana'y meron pa akong trabaho ngayon. Kung pumayag na lang sana ako na layuan si Vann, e di sana'y wala ako ngayon dito sa Gravity Zoo.
"Para kang namatayan."
Mabilis akong lumingon sa nagsalita at napailing na lang na tumingin sa inaalok nitong panyo. Ang lakas talaga ng radar ng lalaking ito.
"Ano na namang kailangan mo?" Tinanggihan ko ang panyo nito at umiwas ng tingin dito.
"Grandma will be staying at home for a month and she asks to see you often."
Napahawak ako sa sintido ko. Ano ba itong napasok ko?
"I'm willing to pay you."
"I know, kailangan mo ng trabaho. Nakausap ko si Fiona."
Napakunot noo ako ng lingonin ito. Kilala nito si Fiona? Pa'no?
"I know you have a lot of questions, but can you come home with me first?"
"At bakit naman kita susundin? E, Ikaw nga ang dahilan kung bakit jobless ako ngayon. Hmp!" Bulalas ko dito.
"What!?"
Talaga lang ha?
Bulalas ko sa isip ng makita ang pagtataka sa mukha nito. Wala nga ba talaga itong alam?
"Ang sabi ko, layuan mo ako. Dahil malas ka sa buhay ko." diretso kong sabi sabay iwan dito.
Tinalikuran ko ito at mabilis na naglakad palayo.
Pero..
Nanlaki ang mata ko ng bigla akong pasanin nito na parang bigas.
"Bwesit ka! Ibaba mo ako! Yong eyeglasses ko! " Mabilis kong hinawakan ng mahigpit ang suot kong salamin sa mata. Mahirap na, baka masira na naman ito.
"Aray!" Malakas kung sigaw ng paluin ako sa pwet ni Vann.
"You still haven't really changed. You're still stubborn. Glasses? Don't worry, we'll buy plenty of that."
"Bwesit ka talagang kumag ka!" Sigaw ko sabay kawag ng mga paa ko, dahilan ng paghawak nito ng mahigpit at muling pagpalo nito sa pwet ko kaya muli na naman akong napasigaw sa sakit.
****
Dahan-dahan ako nitong ipinasok sa loob ng isang sasakyan. Pagkaupo ko ng ayos ay lumapit ito sa'kin. Malapit na malapit kaya naman pakiramdam ko'y hahalikan na ako nito kaya napapikit na lang ako.
Pero...
Napalunok ako at marahang iminulat ang mata. Malapit pa rin ang mukha sa'kin ni Vann pero nakatitig lang ito sa'kin at..
"You need to wear a seatbelt, to be safe."
Tapos ay may hinila ito sa gilid ko.
Sumunod ay umikot na ito at pumasok na din sa loob ng sasakyan.
Ano bang trabaho ng kumag na to?l
Parang dami naman nitong Pera. Naka four wheels naman ito ngayon.
"Saan mo ako dadalhin?"
Tanong ko makalipas ang ilang minuto.
"Sa bahay natin." Nakangiti itong sumulyap sa'kin.
"Baliw!" Tanging nasabi ko sabay simangot at iwas ng tingin dito.
Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa na nagbigay ng kakaibang kiliti sa'kin.
Dioskopo! Ako yata ang nababaliw.
Pumikit ako ng mariin sabay sandig sa gilid ng bintana ng sasakyan.