Chapter five - Familiar feelings

1945 Words
5 - Familiar feelings MADILIM na ang langit ng magising ako. Napakunot ako ng malamang mag isa lang ako sa loob ng sasakyan. Makakaramdam na sana ako ng kaba ng napatingin ako sa labas ng bintana. Nasa tapat kami ng isang sikat na fast-food. Natuon ang tingin ko sa lalaking naglalakad palapit sa kinaroroonan ko. May dala itong paper bag. Umikot ito sa driver seat at agad kaming nagkatinginan ng ganap itong makapasok sa loob ng sasakyan. "Nasaan na tayo? Saan mo ako dinala? Iuwe mo na ako, baka hinahanap na ako ni Thea." Napatanga lang sa'kin si Vann, marahil nagulat ito sa sunod-sunod kong tanong. "Kumain ka muna." Nakatingin lang ako sa iniaabot nitong paper bag na pinaglalagyan ng pagkain na binili pa siguro nito sa fast-food. Huminga ako ng malalim bago napatitig dito. At ang kumag nakipagtitigan din sa'kin. Hmp! Kundi dahil dito may trabaho pa sana ako. "Eat it while it's still hot." "Baliw! E di napaso naman ako kung kakainin ko agad yan." "Oh, f**k!" "Pagkatapos mo akong sapilitang isakay dito. Mumurahin mo ako." Nakita ko itong napakamot sa sintido. Baliw yata talaga itong kumag na ito. "Hindi kita minumura, But I'm sure one day you'll be the one to say that word to me." "Hindi ko gagawin yun! Kahit naman kumag ka, Hindi ko magagawang magsalita ng ganun sayo." " Are you sure? Let's see if you're true to your words." Sinimangutan ko ito ng makitang parang pinagtatawanan ako nito. Pero ang pagsimangot ko ay napalitan ng pagkagulat ng bigla ako nitong hawakan sa magkabilang pisngi at kabigin para halikan. Hindi naman matagal ang halik parang lumapat lang saglit ang labi nito sa labi ko. Subalit nag iwan iyon ng kakaibang pakiramdam. Bwesit na kumag na toh! Nakakailang halik na sa'kin. Nakatingin lang ito sa'kin habang nakangiti. Ugh, hindi na nga yata talaga ako makakapag asawa. Lagi na lang ako nitong hinahalikan. "Alam mo bang ang sabi ko noon-" panimula kong sabi pero umiwas ako ng tingin dito. "Na ano?" dinig kong tanong ni Vann. Muli akong tumingin kay Vann. "Na ang una kong pagbibigyan ng halik, e yong mapapang asawa ko. " Tinaasan ko ng kilay si Vann at mariin kong tinikom ang bibig ko para ipakita dito na naiinis ako sa kanya. "Pero! Kumag kah! Dahil lagi kang nanghahalik!" Sigaw ko malapit sa mukha nito. Ngunit nagkamali na naman ako dahil mas nakahanap lalo ng tiempo ang kumag. Ang malakas kong sigaw ay tila naipit sa kawalan ng muli na naman ako nitong sinunggaban ng halik. Nanlaki ang mata ko ng makitang nakapikit pa ito habang panay ang likot ng labi sa ibabaw ng labi ko. "Baby..Open your mouth for me." Narinig kong malamyos na tinig ni Vann sa'kin. Balak ko sanang magsalita pero naging hudyat lang yon para ipasok nito ang dila sa bibig ko. Habang marahan nitong idinadampi ang labi sa labi ko, ang dila naman nito ay ginagalugad ang bibig ko at nililikot ang dila ko. Naramdaman kong gumapang ang kamay ni Vann papunta sa likod ko at pilit akong kinakabig. Pakiramdam ko'y kakapusin ako ng paghinga, ngunit unti-unting bumaba ang labi ni Vann papunta sa leeg ko at marahan doong sumisipsip. Hindi ko na namalayang nakapikit na rin ako, dahil sa sensasyon na nadarama. Napamulat ang mata ko ng maramdaman kong ang labi ni Vann ay nasa itaas na bahagi na ng dibdib ko. At ang kamay nito ay nasa loob na ng suot kong damit at malaya na ding pumipisil sa baywang ko. Ang init na namamagitan sa'min ay biglang napalitan ng pagkailang ng biglang tumunog ang tiyan ko, tanda na gutom na ako. Mabilis akong bumitaw kay Vann at umiwas ng tingin. "Eat this first." Muling alok sa'kin ni Vann. Napakagat labi na lang ako sa sobrang hiyang nadarama. Sunod ay nag sink in sa utak ko ang sinabi nito. Eat this first. Ha? Tapos Anong sunod? Napayuko na lang ako sa sobrang hiya, dahil sa mga naisip ko. **** ILANG oras din ang binyahe namin bago kami nakarating sa lugar na pinagdalhan sa'kin ni Vann. Inabot na kami ng Gabi. Sa sobrang inis ko dito ay hindi ko ito pinapansin, hanggang sa makababa ako ng sasakyan nito. Lalong nadagdagan ang inis ko ng hindi ko makontak si Thea. Laging operator ang sumasagot sa tawag ko dito. Pero mas lamang ang pag aalala ko dahil ito ang unang pagkakataon na hindi ko ito makontak. Hawak ang cellphone ko habang sinusubukan pa ring kontakin si Thea. Subalit katulad ng mga nauna kong tawag dito ay operator pa rin ang sumasagot. "Let's go inside." aya sa'kin ni Vann, 'di ko na namalayang nasa harap na pala kami ng isang may kalakihang pintuan. Medyo nagulat pa ako ng bigla nitong hawakan ang kamay ko. "Remember what grandma knows, you're my girlfriend." Sagot sa'kin ni Vann ng tumingin ako sa kamay namin. Bakit may pakiramdam ako na parang matagal na nitong ginagawa sa'kin. Ang hawakan ang aking kamay. Binalewala ko na lang iyon at nagkibit balikat na lang ako. Pagpasok namin sa loob ay agad akong namangha sa nakita. Agad na naagaw ng pansin ko ang mataas na hagdan tapos ang sumunod ay parang may sumagi sa isip ko na isang senaryo. Isang babae na nakasuot ng puting damit na tila damit pangkasal. Nakangiti itong bumababa sa mataas na hagdan. "Are you okay?" "Huh?" tanging nasabi ko habang hinihilot ang sintido ko. Bakit biglang kumirot ang ulo ko? Muli akong sumulyap sa nag aalalang mukha ni Vann. Napansin kong nakaupo na ako sa malambot na sofa. Napangiwi ako sa hiya. Hindi ko namalayang inalalayan pala ako ni Vann papunta sa malambot na sofa. "Are you really okay? I'm sorry I shouldn't have brought you here." "Ano ka ba, okay lang ako. Nahilo lang ako ng kaunti." pinilit ko pang ngumiti. Kahit na tila may gumugulo sa isipan ko. Mas lalo pa akong naguluhan ng makita ang ayos ni Vann. Ang dalawa nitong palad ay nakakuyom na nakatuon sa mga tuhod nito. Hinawakan ko ang dalawang kamay nito at ngumiti ako. Pagkatapos niyon ay biglang umaliwalas ang mukha nito at walang sabing niyakap ako nito ng mahigpit. "I'm sorry I couldn't protect you before."-Mahina at halos pabulong lang na sabi ni Vann, kaya hindi ko iyon naunawaan. Naagaw lang ang atensiyon namin ng biglang may tumighim. Mabilis akong bumitaw sa yakap ni Vann, ayaw pa sana nitong kumalas sa yakap kung hindi ko pa ito tinapik sa balikat. Nakangiting babae na nasa mid fifties siguro ang edad ang nakatayo sa harap namin ni Vann. Lumapit ito sa'kin at nanlaki ang mata ko sa gulat ng yakapin ako nito. Napalunok pa ako ng makitang kinusot nito ang mata na para bang umiiyak ito. Mabilis na tumayo si Vann at hinawakan ako sa kamay. Ang kabila naman nitong kamay ay pumatong sa balikat ng babae. Agad na tumingin ang babae kay Vann at tumango ito ng marahan. Gusto kong magtanong pero..Wala akong maisip na itanong. Pwede pala yong ganun? Hehe! Inakit kami ng babae sa dinning area. Inang Belen pala ang pangalan nito. Ang mga isipin ko ay tila tinangay ng hangin ng makita ang ibat-ibang putahe na nakahain sa lamesa. Kumain naman ako kanina sa sasakyan, subalit di naman ako nabusog. Agad akong pinaghila ng upuan ni Vann at wala naman akong dahilan pa, para mag inarte pa. Masama kaya tumanggi sa pagkain. **** SA Villa Escobar pala sa Quezon ako dinala ni Vann. Kaya pala inabot kami ng dilim bago kami makarating. Ngayo'y nakaupo ako sa single sofa dito sa loob ng kwarto na pinagdalhan sa'kin ni Vann. May ilang oras na rin ang lumipas pagkatapos naming Kumain. Nakapaligo na rin ako. Nagulat pa ako ng makita ang mga cabinet na punong-puno ng mga damit pambabae at lahat ng iyon ay parang sinukat sa'kin. Ipinagpalagay ko na lang na baka kay Vanna ang mga damit. Pero.. mas matangkad ito sakin. haist!! Sumasakit ang ulo ko sa mga naisip ko. Naisipan ko na lang na tawagan si Thea. SA ilang subok ko ay operator pa rin ang sumasagot. Hanggang may notif na lumabas sa cp ko. Agad ko iyong tiningnan. Friend..sorry! Kailangan ko lang ng space. Uuwe muna ako sa probinsya. Nakausap ko na si Giovanni at s'ya na bahala magpaliwanag sayo. Tulala akong paulit-ulit na binabasa ang chat na iyon ni Thea. Space? Kanino? SA akin ba? Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Bakit naman n'ya kailangan ng space? Bakit n'ya pa ngayon naisipang umalis e, kanina lang masama na pakiramdam n'ya..tapos umalis pa s'ya? Mabilis kong ti nap ang video call sa account ni Thea. Ngunit... Hindi iyon nag riring tanda na hindi na online si Thea. Nag send ako ng message subalit couldn't send ang lumalabas sa tuwing mag SE send ako ng message. Mabilis akong tumayo at lumabas ng silid. Si Vann, kailangan ko s'yang makausap. Anong meron? Nagtataka ako bakit kay Vann? Diba ayaw nga ni Thea na lumapit ako dito. Tapos... Si Vann pa pala ang magpapaliwanag sa'kin kung bakit kailangan n'ya ng space. Nagtatampo ako kay Thea at the same time ay naiinis din. Pa'no n'ya nagawang umalis ng hindi ako nakakausap. Tapos sa kumag na yon pa.. Ahhhhh!!! -sigaw ko sa isip sa sobrang inis. Pigil ang emosyon ng makita ko sa hagdan si Vann nasa kalagitnaan na ito ng hagdan paakyat. Agad na nagkatinginan kami. Bubuka pa lang ang bibig ko para magsalita- "Let's go to my room." Ano daw? Hindi ba dapat sa library? E bakit sa room n'ya? Napalunok ako't natigilan kaya nilampasan ako ni Vann. "Teka nga! Bakit kailangan sa silid mo pa?" inis kong tanong na nagpahinto dito. "Okay, let's talk in your room." bawi nito sabay papasok na sa silid na nilabasan ko kanina. "Mag uusap lang naman tayo, bakit kailangang sa kwarto pa." Lumingon sa'kin si Vann. Napalunok ako ng laway ng matiim ako nitong tiningnan sunod ay marahan itong humakbang palapit sa'kin. "Okay fine, where does my baby want us to talk?" Dioskopo! Pakiramdam ko lulubog ako sa hiya ng ibulong iyon ni Vann malapit sa tainga ko. Napasulyap ako sa labas ng bintana. "Sa labas." mabilis kong sagot, kahit di pa lubusang humuhupa ang init sa'king pisngi. Biglang nawala sa harapan ko si Vann. Pumasok ito sa silid nito. Napakunot noo ako at handa na sanang sumunod dito pero saglit lang ay lumabas din ito. "Kailangan mo nito, It's cold outside, you might catch a cold." Ipinatong ni Vann sa'kin ang isang Cashmere sweater. Sunod ay hinawakan na nito ang kamay ko at sabay na kaming bumaba ng hagdan. **** SA labas ng malaking bahay nina Vann. Umupo kami sa isang porch swing. Sa gilid nito ay may mga halamang ornamental. "Si Thea-" "She's with Dwaine." -sagot sa'kin ni Vann kahit di pa ako tapos magsalita. "Dwaine? Sino yon? Anong kinalaman n'ya kay Thea? " Sunod-sunod kong tanong. "Hindi ko alam kung anong meron sa kanila, But I'm sure, She's safe with my cousin." "Anong safe? E, hindi ko nga kilala yong Dwaine na sinasabi mo." "He's a good person and Thea is safe with him." "Safe? Gaano ka kasigurado?" "A hundred percent-" "And from now on, you'll be with me." "Ha? " Takang sabi ko, bakit biglang napunta sa'kin, e si Thea pa ang pinag uusapan namin. "Baby, please don't ask too many questions, I'm tired, can we go to sleep?" Nanlaki ang mata ko ng lumapit ito sa'kin at siniksik ang ulo sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang hininga nito sa leeg ko. Dioskopo! Bakit kapag malapit ito Wala na akong masabi. Ano ba itong pamilyar na pakiramdam na ito? pero hindi ko maipaliwanag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD