II.

1962 Words
Ilang minuto na siyang nakatayo sa harap nina Sly at Six pero mukhang hindi napapansin ng mga ito ang presensiya niya roon. She heaved a sigh as she cleared her throat to get their attention. Luckily, she did. Kaagad na ngumiti sa kanya si Sly nang makita siyang muli. Pero ang kasama nitong si Six ay hindi, bagkus ay kumunot pa ang noo nito nang tingnan siya. She want to glare at him because of that. Mabigat talaga ang loob nila sa isa't-isa. Wala nga siyang maalala na kahit isang pagkakataon na hindi sila nagsinghalan at nagbangayang dalawa. Hindi niya napigilang maiikot ang mga mata dahil sa nakitang reaksiyong iyon ni Six bago siya nakangiting nagbaling ng tingin sa kanyang gwapong-gwapong boyfriend, si Sly. She's really in love with this man standing and smiling in front of her. How could she be so lucky having him as her boyfriend? Just by looking at those light brown tantalizing orbs of his, she can feel something churning inside her stomach. Ang klase kasi ng mukha ni Sly ang hindi nakakasawang tingnan at pagmasdan kahit na gaano pa katagal. Kumbaga sa pagkain, hindi nakakaumay. His facial characteristics are way matured than his real age but then it does not lessen the handsomeness in him. Palibhasa ay may dugong banyagang nananalaytay sa dugo nito kaya ganoon na lamang ang hitsura nito. Isa sa mga makaagaw pansin na feature sa mukha ng kasintahan ay ang makurba nitong labi, na kahit yata hindi ito nakangiti ay talaga namang kapansin-pansin. Idagdag pa ang natural niyong pagkapula na siyang kinahuhumalingan ng karamihan sa mga humahanga rito. “Nakapili ka na, doodie?” she asked without putting of that sweet smile on her face. Tumango naman doon ang binata saka nito isa-isang sinabi ang mga napiling orders. Siya naman sa kabilang banda ay mabilis iyong ipinunch sa touchscreen monitor na nasa gilid niya. And as a protocol at their cafe, she repeated all of his orders. Ang dalawang kaharap naman niya ay patango-tango lamang habang ginagawa niya iyon. “That would be all?” tanong pa niya habang nag-aangat ng tingin sa mga ito. “Yes.” Mabilis siyang napasulyap kay Six dahil sa ito ang sumagot sa tanong niyang iyon. Ilang saglit pa silang nagtinginang tatlo roon. She's waiting for their payment pero mukhang hindi kaagad iyon nakuha o na-gets nang dalawang binatang kaharap niya kaya minabuti na niyang ilahad ang palad para hingiin na ang bayad ng mga ito. Sly immediately snapped on that, “Oh, wait! Kukunin ko muna kay Kuya Rio ang card. Wait lang, moomie," saad ni Sly sa kanya pagkatapos ay mabilis na binalingan ang katabi, “Dito ka na, Kuya Six. Ako na lang ang kukuha.” Tumango naman doon ang huli at nang makaalis na roon si Sly ay saka siya tiningnan nang nakataas ang kilay at may maliit na mpang-asar na ngiti sa mga labi. Syempre, hindi siya nagpatalo roon. Tinaasan niya rin ito ng kilay, telling him that she's not intimidated by that act of him as she went back on sorting some things at the touchscreen POS machine at the counter. “So, what's with the moomie and doodie endearment this time, huh?” Amusement was clearly written on his voice while asking her that. Siguradong-sigurado siya na may maipang-aasar na naman sa kaniya ang tukmol dahil sa tawagan nilang iyon ng kaniyang boyfriend. Hindi niya ito pinansin mula sa katanungan niitong iyon at umaktong busy siya sa pagpindot sa POS monitor. “Ang baduy ng endearment niyo.”, komento pa nito na binuntutan nito ng mapang-asar na pagtawa. Napatigil siya sa pagpindot kasabay nang mariin niyang pagkagat sa kanyang mga labi. The heck? Kung literal lamang na umuusok ang ilong, baka nagsimula nang umusok ang kaniya dahil sa labis na kainisan. Bigla ay parang gusto niya itong bigyan ng sapak sa mukha para naman makita at malaman nito ang baduy na sinasabi nito. How could he laugh at their endearment like that? How could he call their endearment baduy when it's not? Palibhasa kasi ay wala itong dyowa kaya ganoon na lamang ito ka-inggit sa kanila ni Sly. “Tangina? Mas baduy ka.”, mahina pero may diin niyang saad dito. She almost cursed out loud as she glared at him when she felt a stinging pain on her forehead because Six has just flicked it. And right at that moment, she wished that some glares could shoot laser beams. Para nakabulagta na ngayon ang Six Alfonso na epal sa kasiyahan niya. “Bunganga mo,” saway ng binata sa kaniya na muli niyang ikinairap. “Bunganga ko pa rin. Duh.”, mataray niyang bwelta saka ito bahagyang pinandilatan. Akmang pipitikin na naman nito ang noo niya pero natakpan niya kaagad iyon at humakbang siya palikod para hindi na siya maabot pa nito. Isang beses niya pa itong pinandilatan na mahinang tinawanan lamang nito habang umiiling-iling bago muling bumalik doon si Sly dala ang card na kinuha nito kay Rio. “Enjoy your coffee, doodie,” she sad in her most sweetest tone to her boyfriend as she handed him their receipt and the number stand for their order. “Thanks, moomie.” Narinig pa niya ang isang beses pang pagtawa roon ni Six bago tuluyang pumunta ang mga ito sa kinaroroonan ng dalawa pa nilang kasama, pero dineadma na lamang niya iyon. Lagot talaga sa kaniya mamaya ang tukmol na ito. She took a mental note to herself that she's not going to give him the foods she's going to bring at their studio later. Then that's it. Life goes on as it is. Labas-masok ang mga customer. Diretso naman siya at ang mga staff niya sa cafe na iyon sa pagtatrabaho. Siya ang nakapwesto at nakatoka bilang cashier nang araw na iyon kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na panaka-nakang sulyapan ang gawing kinaroroonan ng kaniyang boyfriend at mga kasamahan nito. May mga pagkakataon na nahuhuli niya ang pagturo ni Six sa may direksyon niya tapos ngingiti at kung minsan ay tatawa naman ng kaunti roon si Sly. Kung minsan ay may kasama pang pagsuntok sa braso ng kausap. Teka... Mukhang pinagtatawanan yata siya ng mga tukmol na iyon. Na-curious tuloy siya sa kung anong mga pinagsasasabi ni Six sa boyfriend niya at ganoon na lamang ito kung maka-react. Maya-maya pa ay isa-isa nang nagsipagtayuan ang apat na kalalakihan mula sa kanilang kinauupuan at naghanda na para umalis pero bago iyon ay muli silang lumapit sa counter kung nasaan siya. May mangilan-ngilang customers sa loob ng coffee shop ang napapasulyap sa mga ito at kakikitaan ng paghanga sa kakisigang taglay ng apat. Well, she could not blame them, though. Talaga namang makaagaw-pansin ang taglay na kagwapuhan at lakas ng charisma na mayroon sina Rio, Raven, Six at Sly, kaya hindi niya masisisi ang reaksiyon ng mga naroroon din sa lugar na iyon. “Alis na kami, Beads. Thank you sa masarap na kape palagi.” She couldn't help but to smile on what Raven has said. Kahit paulit-ulit at araw-araw nito iyong sinasabi sa kaniya ay palagi pa rin siyang napapangiti. Ewan ba niya pero sobrang ganda sa pandinig niya ang paraan ng pagkakasabi nito, eh. She nodded on that as she gave them a warm smile of appreciation, “Salamat din sa inyo. Ingat kayo sa pagbyahe.” Nauna nang lumabas ng café sina Raven at Rio samantalang si Sly ay nagpaiwan kasama pa rin syempre ang epal na si Six. Minsan talaga, may oras na hindi mapaghiwalay ang dalawang binata. Palaging magkasama at magkadikit ang mga ito sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan. “Are you going to the studio later, moomie?” untag na tanong ni Sly sa kanya kasabay ng pag-lean forward nito sa counter. She enthusiastically nodded her head on that, “Yep! Anong gusto mong dalhin ko na pagkain? Or ulam?” He smiled. If she's also not mistaken, she saw his cheeks blushing, which makes him hundred times more attractive in her eyes. “Anything, moomie. Ikaw ang bahala. Basta naman galing sayo at ikaw ang nagluto, kakainin ko.” Her eyebrows almost arched up because of what he has said. “Kahit ako?” she jokingly asked. It was meant to be a harmless joke but then Sly stilled and looked at hee as if he's taken aback by what she has asked. Hindi nakatakas sa paningin niya ang bahagyang paglikot ng mga mata nito at ang paggalaw ng adam's apple nito, indikasyon na napalunok ito dahil sa katanungan niyang iyon. “W-what?” Bigla tuloy ay gusto niyang pagsisihan ang pabirong tanong na iyon. Why did she even asked that in the first place? Napalabi siya dahil sa pagkapahiyang nararamdaman kasabay nang pagtawa niya nang pilit dito. “Wala. Sabi ko, kahit ako na lang naman talaga lagi ang nagde-decide ng dadalhing pagkain para sa inyo,” palusot pa niya saka muling binuntutan iyon ng awkward na pagtawa. Sly gave off a small laugh on that also while slightly shaking his head. Even Six was doing the same thing. “Ang cute mo talaga, moomie. Kaya mahal kita, eh.” She could not help but to pout on that. She really doesn't want to be called cute. For her, that term is for puppies only, and she's not a puppy for Pete's sake! Masyado siyang maganda para tawaging cute lang. “Hindi kasi ako cute, doodie. Dyosa kasi. Gorgeous. Fabulous. Stunning. Mga ganoon kasi.”, pagtutol niya kasabay nang mahinang pagpadyak bilang hindi pagsang-ayon sa nauna nitong sinabi. Mas lalo siyang napasimangot nang bigla na lamang ay magkasabay na bumunghalit ng tawa ang mga ito. May nakakatawa ba roon sa sinabi niya? Kung pwede lamang niyang sakalin ang dalawang kaharap, baka kanina niya pang nagawa. Pagtawanan daw ba ang sinabi niya? Tama ba naman iyon? Mga bastos na nilalang! “Sige, tawa pa. Kabagan sana kayo.”, nakasimangot pa rin niyang saad na siyang naging dahilan para pisilin ni Sly ang kaniyang pisngi. “That's so cute of you, moomie,” he said, as he again leaned forward to kiss her on her left cheek, “Alis na kami. Don't forget to eat your meal later. Bye!” Her eyes almost widened in shock because of what happened. The heck? What was that? She felt like her cheeks just got super red because of what Sly did. Pakiramdam din niya ay naubusan siya ng oxygen dahil sa ginawa nitong iyon. At dahil sa masyado pa rin siyang shocked at stunned sa nangyari, hindi na siya nakahuma pa nang patakbo na itong lumabas at humabol doon sa dalawa nitong kasamahan na nauna nang lumabas kani-kanina lamang. She gulped on that as she tried to gain her sanity back. Pero saka lamang siya tuluyang natauhan nang maramdaman niyang may pumitik nang pagkakalakas-lakas sa kaniyang noo. Marahas siyang napadaing doon kasabay nang pagtingin niya nang masama sa salaring gumawa niyon. Six Alfonso! You are so dead! “Huwag mo namang masyadong ipahalata na patay na patay ka sa kaniya,” Six commented with his voice that seems so damn cold and serious, “Minsan, magpakita ka rin ng kaunting pagpapakipot. Obvious na obvious ka masyado.”, he then smirked, “If you could just see your face a while ago, it was so epic. Mukha kang may LBM.”, saka ito mapang-asar na tumawa sa sinabing iyon. Akmang babatuhin pa sana niya ito nang nahagip niyang paper cup na naroroon pero nakatakbo na ito palayo habang kumakaway sa kaniya. Nabubwisit talaga siya sa Six na iyon. Pinakamalaking epal sa buhay niya. Inggit masyado sa kasiyahan niya. Panira ng moment. ‘May araw ka rin sa aking Alfonso ka. Nasa akin ang huling halakhak. Makikita mo.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD