I.

1982 Words
“Good morning! Welcome to Sweet Sou—” Nabitin sa ere ang dapat sana ay sasabihin pa ni Beads nang makita at mapagsino ang mga dumating na iyon sa café na pinagtatrabahuhan at pagmamay-ari niya, ang Sweet Soul Café. Ang nakangiti at ang gwapong-gwapong mukha kaagad ni Sly ang una niyang nabungaran kasunod ang mga kaibigan, kuya, at ka-grupo nito sa MAXIMUM LIMIT na sina Rio, Raven at Six. Tuwing umaga, may schedule man ang mga ito o wala, palaging pumupunta sa coffee shop na iyon ang apat na kalalakihan para magkape at saglit na tumambay. Naging loyal customers na nila ang mga ito kaya ganoon na lamang din ka-patok ang Sweet Soul Café na pagmamay-ari niya at ng kanyang matalik na kaibigan sa mga avid fans at supporters ng grupo. She's been living in the Philippines for almost three years already. She grew up in States with her family but then when her father died in illness, she decided to move out of their house and live alone. She wasn't in good terms with her mother when she left. Hindi kasi niya matanggap na halos tatlong buwan pa lamang nang mawala ang kaniyang ama ay naipagpalit na nito kaagad sa ibang lalaki. She's not against the idea of her mom having a new relationship pero sana naman ay pinalipas muna nito na maka-isang taong wala ang kaniyang ama at makapagbabang-luksa bilang respeto na rin. Pero hindi ganoon ang nangyari. Nagkasagutan sila ng kaniyang ina dahil doon hanggang sa magdesisyon siya na umalis na lamang dahil hindi niya masikmura na makasama sa iisang bubong ang lalaking ipinalit nito sa asawa, sa kanyang daddy. For the past three years, she's living alone until she found her friend, Thei, who then became her business partner and co-fan of MAXIMUM LIMIT. They share the same interests in many aspects that's why they clicked instantly. “Good morning, beautiful.” Kaagad na rumehistro ang bungisngis sa kanyang mga labi dahil sa ibinungad na iyon sa kaniya ni Sly. Napakaagang pagpapakilig naman niyon para sa kaniya. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin niya lubos maisip na magiging boyfriend niya ang nag-iisang Sly Lopez. How lucky could she be with that, eh? Parang dati, pinapangarap at tinatanaw lamang niya ito sa stage mula sa malayo. Pero heto ngayon at hindi lamang pagkausap ang nagagawa niya. She got to touch, hug, kiss and even tell him her feelings, without hiding to anybody. “Alam kong maganda ako. Hindi mo na kailangang i-broadcast, doodie,” sagot niya na ikinatawa nang una. “Doodie?!” sabay-sabay na bulalas at pagre-react ng mga nasa likuran nito dahil sa narinig na iyon. She arched her eyebrows up on at them for that. They've got a problem on that? Porque bago na naman ang tawagan nilang dalawa ni Sly ay ganoon na makapag-react ang mga ito? Mukhang hanggang ngayon talaga ay hindi pa rin sanay ang mga ito sa takbo ng utak at trip niya sa buhay. Nagsasawa na kasi siya sa tawagan na baby at babe. Masyado ng mainstream at maraming gumagamit. Sobrang common na, kumbaga. Gusto niya iyong kakaiba naman. “Why? You've got a problem with that? May angal kayo sa doodie?” nakataas pa rin ang kilay na sikmat niya sa mga ito. Eventhough she and Sly share the same age of 24, minsan ay mas matured pa siyang mag-isip sa apat na kalalakihang nasa harapan niya. Natural na sa kaniya ang pagiging mataray kaya naman hindi siya nangingimi na tarayan ang mga ito lalo na kapag talaga namang kataray-taray ang ipinapakita ng mga ito sa kaniya. She saw Raven scratching the back of his head while having that grin on his face. “Hindi naman, baby Beads. Ang cute nga ng tawagan niyo, eh. I should talk to you some other time. Hihingi rin ako sayo ng magandang endearment para sa amin ng Ate Klio mo,” anito saka siya kinindatan, “para mas maging exciting pa lalo ang buhay mag-asawa namin.” She couldn't help but to giggle on that. Kitang-kita kasi sa mukha nito ang kakaibang kislap ng pagmamahal para sa asawa at isa iyon sa mga bagay na hinahangaan niya rito. He's a full time husband and a full time father while also being a dedicated and active member of their group. She nodded her head on that while having a grin on her face. “Sure thing, Kuya Raven,” sagot niya saka huminga nang malalim, “So, anong order niyong apat? Para mai-prepare na namin.” Sly leaned and put his elbows at the counter while looking intently at her. “Same order kami, Moomie pero may iba pa kaming o-order-in ngayon.” “Moomie?!” muli ay sabay-sabay na bulalas ng ma ito sa narinig. She stopped herself from rolling her eyes at them. She tsked while slightly shaking her head, “Sige na, sige na. Maupo na kayo doon sa pwesto niyo. Mahiya naman kayo sa ibang customers namin na hindi maka-order kasi nakahara kayo dito sa harapan ng counter.” She always wonder why they need to come in front of the counter, full force, when they're about to order. Pwede namang isa na lamang sa mga ito ang gumawa niyon pero hindi, dahil sa inaraw-araw na lamang na pagpunta ng mga ito roon, araw-araw din na ganoon ang kanilang set-up. “Blame your boyfriend for that, Beads. Nahihiya raw na um-order ng siya lang mag-isa,” ani Rio kasabay ng pag-iling din. Her mouth formed an ‘O’ because of that as she glanced at Sly who's now busy looking at the menu at the top of the counter, together with Six. Napairap tuloy siya nang wala sa oras dahil doon. “Beads, 'yong dating order pa rin namin para sa kape. Sa pagkain naman, sina Six at Sly na ang bahalang magsabi sayo.” Tumango na lamang siya sa sinabing iyon ni Rio saka inihatid ng tingin ang mga ito patungo roon sa pwestong palagi nilang inuukopa kapag narooon ang mga ito. Saglit niyang iniwan ang dalawang kalalakihan na mukhang hindi pa rin makapag-decide sa kung ano ba ang o-order-in. She went inside the kitchen, kung saan dinadala at ginagawa ang mga orders ng kanilang mga customers. Hindi rin kasi niya kayang tingnan nang matagal ang pagkakadikit nina Sly at Six. Masyadong masakit sa kanyang mga mata ang tanawing iyon. Inis talaga siya sa tuwing makikitang magkasama at magkadikit ang dalawang iyon. Ewan ba niya pero hindi rin talaga niya mawari kung bakit ganoon na lamang ang pagkainis niya kay Six. Dati naman ay hindi ganoon. She really like and adore Six and Sly's closeness like real brothers do. Parehas kasi na only child ang mga ito kaya ganoon na lamang kalapit at kaganda ang turingan ng mga ito sa isa't-isa. Pero simula nang maging ka-close niya ang apat na kalalakihang dati ay hinahangaan lamang niya mula sa entablado, nagsimula na rin siyang makaramdam ng pagkainis sa Six Leonel Alfonso na ito. Kapag kasi kasama siya ng mga ito, wala ng ibang ginawa si Six kundi ang asarin at badtrip-in siya. He's like the pest in her system that she could not remove, kahit na gaano niya kagustong gawin iyon. She can still remember clearly how she was noticed by the four of them. Tandang-tanda pa rin niya kung paano nagsimulang umusbong ang magandang pagtitinginan sa pagitan nila ng kanyang boyfriend. Kung saan kasi may fan gathering event ang mga ito ay naroroon siya. Kapag may mga mini-concerts ang grupo, naroroon din siya. Kapag may mga TV guestings at commercial shoots ang mga ito, hindi siya nawawala roon. Simula nang magpasya siyang manirahan sa Pilipinas at makipagsapalaran sa pagtatayo ng negosyo, wala na siyang ibang pinagkakaabalahan bukod sa pagpa-fangirl niya sa MAXIMUM LIMIT. Naging parte na iyon ng daily routine niya. At sa halos dalawang taon at mahigit niyang palagiang pagbuntot at pagsuporta sa mga ito ay natandaan na siya ng apat na kalalakihan iyon. Hindi naman kasi talaga siya iyong tipikal na kagaya ng ibang fans ng mga ito na sobrang OA kapag nasa paligid ang mga iniidolo. Madalas na behave lamang siya sa harapan ng mga ito pero deep inside ay halos maghurumentado na ang kalooban niya sa sobrang kakiligan. Saka niya pinapakawalan lahat nang nararamdaman niyang kilig at kasiyahan kapag nakauwi na siya sa kanyang tinutuluyang apartment. Saka niya inilalabas ang lahat ng kilig na naranasan niya sa encounter niya sa mga iniidolo. At para naman sa kung paano naging sila ni Sly, would you believe that his co-members helped him court her. Alam naman kasi ng mga ito na si Sly talaga ang pinakagusto niya sa kanilang apat at nang malaman at makumpirma ng mga ito na may gusto rin sa kanya ang binata ay kaagad na tinulungan ng mga ito na ilakad sa kanya ang kaibigan ng mga ito. Napansin kasi ng mga ito na palagi siyang hinahanap ni Sly kapag may event ang mga ito na fansigning at palaging tinaanong kung nakapagpa-sign na raw ba siya o kung nakita na siya ng mga ito. Mga ganoong bagay. Natatandaan pa niya, may isang beses siyang hindi nakapunta sa fan gathering at signing event ng mga ito sa isang kilala at sikat na mall sa Pasay dahil kinailangan niyang mag-overtime sa trabaho. Panay raw ang tanong ni Sly sa mga ka-miyembro kung nagpunta raw ba siya, kung nakapagpa-sign na siya at kung ano-ano pa, ayon sa kwento sa kanya ni Raven. Doon daw napatunayan ng mga ito na tamaang hinala ng mga ito na may gusto sa kaniya ang bunso ng mga ito. That's when they talked to him and made him admit his real feelings for her. They even asked him what he's plan until Sly told them that he wanted her to be his girlfriend but then, he didn't know how to court her. Kaya rin naging regular customer ang mga ito ng pagmamay-ari niyang coffee shop ay dahil na rin sa ligawang nangyari, two months ago. Their relationship is still new but she felt like she's been with him for the longest time now already. Pakiramdam nga niya ay kilalang-kilala na niya ang kasintahan mula ulo hanggang paa kahit pa na ganoong bago pa lamang silang magkarelasyon. She's busy reminiscing about her journey with her beloved MAXIMUM LIMIT when she was suddenly interrupted by the shouting voice of her friend, Thei. “Hoy!” Halos mapatalon siya sa gulat dahil sa ginawang pagsigaw na iyon ng kaibigan malapit sa kanyang tainga. She couldn't help but to glare at her because of what she did. “Kailangan talagang sa tainga ka sumigaw, Thei?” nakasimangot niyang sabi na ikinahagikhik naman ng huli. Hinawi muna nito ang bangs na bahagyang nagulo bago muling nagsalita sa kanya. “Para ka kasing timang na nakatulala lang diyan sa kawalan,” anito saka muling tumawa nang mapang-asar sa kaniya, “Kanina ka pang hinahanap nina Six at Sly doon sa may counter. Mukhang o-order na yata sila.” She almost frown after hearing that from her friend. Minsan talaga, napapatanong na lang din siya sa kaniyang sarili sa kung paano niya nakassundo ang luka-lukang kaibigan niya na ito Bukod sa madalas sa madalas siya nitong binabara at pinaprangka, madalas din siya nitong pag-trip-an. “Oh, bakit hindi mo pa kinuha kung kanina pa pala nila akong hinahanap?” she asked as she starts walking back at her place a while ago. Thei shrugged her shoulders, “Kinukuha ko na nga, eh kaso ayaw namang ibigay ni Six. Ikaw daw ang gusto niya.” Napatigil siya sa narinig na iyon. Sinasabi na nga ba, eh! Gusto talaga siya ng Six Alfonso na iyon kaya palagi na lang siya ang nakikitang inisin at pagkatuwaan! She almost shiver at that thought. Never in her wildest dreams that she imagined being like by that annoying Alfonso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD