Ed Ep 7

1824 Words
ED EP 7 . . After a week ay naging okay na rin ang pakiramdam ko. Ako na ulit ang nagdadrive ke Chel sa mga lakad namin. "Mahal punta tayo today sa production.. Me problema daw sa previous batch ng stocks sabi ni Jerry. Baka me maka out na damage stocks.." sabi Chel habang nagkakape kami. "Okay.. Ako na bahala dun. Sila Itay, wala naman daw bang problema sa delivery?" tanong ko. "Maganda problema nun nila Itay. Hindi ma fulfill lahat ng orders. Magdagdag na tayo ulit ng Van, gusto mo?" tugon niya. "Pwede, pero mag brand new na tayo. Nakakabawas pa sa net natin yun sa maintenance e, parang ganun din. E sure naman ang pasok ng mga deliveries kaya it will pay for itself. Me warranty pa." suggestion ko. "Okay! Sabihin natin kila Itay para malaman din natin kung ano gusto nila gawin. Nga pala, mag fiesta daw dun, uwi daw tayo sabi ni Inay.." masaya niyang sabi. "Ang saya mo na naman, makikita mo ang Ina mo sa labas.." biro ko. "Hahahaha.. Mas mahal na ako ni Inay kesa sayo damuho ka daw kasi.." bawi niya. "Okay lang sa kin yun, asawa naman kita.." sagot ko. "SSsuuuss.. Nagpalambing pa to. Una ka na sa bathroom, sunod na ako. Kuha lang ako ng towels natin." sabi niya. "Sabay tayo ulit?" nakangiti kong sabi. "Bakit bawal ba? Ayaw mo ata e.." pabiro niyang tampo. "Hahahaha.. Gusto po.. Sige, hugasan ko lang to mugs natin.." sabi ko sabay tapik sa pwet niya Kumembot naman siya. . Nasasanay na rin siya sa mga kalokohan ko talaga. Ang sarap mabuhay dito kasama siya.. Wala ka na mahihiling pa.. . Kung natuloy lang sana yun kasal namin, next week na yun.. Sayang.. Hindi bale, ang mahalaga, magkasama kami.. Madali na lang naman magset ng bagong wedding date.. . "Mahal! Bat ang tagal mo! Naunahan pa kita rito.." tawag niya sa kin. "Coming!!" sigaw ko bago lumapit. . . . Habang biyahe.. "Chel, kamusta nga pala sa inyo? Hndi na ba talaga nagreach out daddy mo sayo?" tanong ko. "Ganun katigas ang puso nun. Kaya wala na natirang kamag-anak yun kasi basta hindi ka sumunod sa gusto niya, kalaban ka na. Pati mga kapatid nun iniwan na siya. Kaya hindi namin masyado kilala mga pinsan namin. Ang naiiwan na lang ay yun mga buddies niya, kasi marami siyang pera." sagot niya, pero hindi na dark ang aura niya. "I'm proud of you, Chel.. Unti unti mo na nagagawang patunayan na you can live your own life as you see fit.. Na kaya mong tumayong mag-isa.." sabi ko sabay pisil sa kanya. "Natin, mahal. Natin. Lagi kitang kasama." nakangiti niyang sabi. "Just you and me.." sabi ko sabay offer ulit ng hinliliit sa kanya. . Ilang salit pa.. "Mahal, nag-aaya nga pala si Dayang sa kanila daw sa farm this weekend. Gusto mo sumama tayo?" tanong niya sa akin. "Sure, uwian lang naman yun and wala naman tayo gagawin di ba?" sagot ko. "Laundry sana, pero pwede naman natin gawin ng gabi para pwede tayo." sabi niya. "Sige ako na gagawa mamaya pag-uwi natin. Isama mo na kasi yun mga panty mo, bakit kasi hinihiwalay mo pa.." natatawa kong sabi. "Hahahaha.. E basta, ako na maglalaba ng panty ko.. Nakakahiya e.." natatawa nitang sabi. "Para namang hindi ko nakikita at nahahawakan yan panty mo.. Me treasure ka ba jan na tinatago?" biro ko pa. "Basta wag kana makulit mahal! Hayaan mo na ako sa panty ko.. Hhahahaha.." tawa niya. . "Sakto nga pala, panahon ng mangga ngayon dun.. Matitikman mo na yun sinasabi ko sayo.." sabi ko. "Wow! Gusto ko yun! Tayo ba kukuha? Di ko pa natry manguha ng mangga.." masaya niyang tanong. "Try mo dun kina aling Virgie! Samahan kita. Bilisan mo lang tumakbo ah, kasi me aso dun.." biro ko "Hahahah.. Tinuruan mo pa talaga akong magnakaw ng mangga? Siraulo ka talaga!" tawa niya. . "Tingnan natin.. Baka kasi na harvest na nila. Pero kung hindi, sige, aakyat ako ng puno para ikuha ka ng mangga.." nakangiti kong sabi. "Sweet naman ng husband ko.. Basta mag-iingat ka ah.. Pag ikaw nahulog dun, sasaktan kita.." biro niya. . . "Bakit ka nga pala naka ganyan?" puna ko dahil naka office attire siya. "Wala lang, lagi kasi tayo naka casual clothes lang e. Para maiba naman. May i-meet naman tayong bagong client e, malay mo maimpress, di ba?" sagot niya. "Sabagay.. Sana sinabi mo para dalawa tayo. Dress to kill couple.." biro ko. . "Hahahaha.. Pag mainit mamaya, me dala akong pamalit." tugon niya naman. "Wag.. Wag ka magpapalit." sabi ko. "Bakit?" kunot noong tanong niya. "Basta. Kahit pagkauwi natin, wag mo muna palitan yan. I want to kiss you in that attire.." nakangiti kong sabi. "Ssuuusss... Nain-love ka na naman sa kin.. Pwede ka naman mag request kung ano gusto mo isuot ko pag nasa bahay tayo.." malambing niyang sabi sabay haplos sa mukha ko. "Tigilan mo ko sa ganyan, ililiko ko sa sogo to.." biro ko. "Hahahaha.. Ang bilis mo naman bumigay mahal!" masaya niyang sabi. . . Mabilis lang din natapos ang araw namin. Ikot sa mga resellers para magcheck ng stocks nila and kung kamusta market sa area nila.. Punta sa production para kamustahin kung kumpleto pa materials and kung maayos ang labas ng yari.. Hindi rin pinapabayan ni Chel mangamusta kina Itay sa deliveries ng vans.. Tapos pag me time pa sa hapon ay dadaan kay Jerry para kumuha ng updates. . Reseller na nga rin pala namin siya. Pero bago kami pumayag ay me kasunduan muna na bawal ang prio, pipila siya sa queue sa paglabas ng stocks, para walang silipan. Naintindihan naman niya. Yan din talaga maganda pag nararamdaman ng mga tao yun tiwalang ibinibigay mo sa kanila. Iniiwasan din nilang gumawa ng kahit anong mali dahil baka masayang yun tiwalang ininvest niyo sa isa't isa. . . Pagkauwi namin sa bahay.. "Mahal, check ko lang yun sa stocks ko ha, sa room muna ako.." paalam niya. Malaki na rin ang inimprove ng stocks na nilalaro niya e. Mas mayaman na talaga siya sa akin. Gusto niya nga, i-joint account na yun mga assets namin, pero ayaw ko. Sabi ko, yun pera namin sa businesses ang gagamitin namin sa expenses namin, yun pera niya tago niya lang para me pambili siya ng mga gusto niya. Pumayag na rin siya kahit labag sa kalooban niya kesa pag-awayan pa namin. Balak ko kasi magpabili ng Rolls Royce sa kanya pagdating ng araw. Trip ko kasi yung payong. LOL . . "Mamaya na yan.." sabi ko pagkapasok namin ng bahay. "Bakit? Kumain na tayo sa labas di ba? Lutuan pa kita ng food, gusto mo?" tanong niya. "Hindi.." sabi ko. "E ano? Tulungan kita maglaba? Sige, saglit lang to. Ready mo na." sabi niya. "Hindi nga.." sabi ko. " E ano nga mahal.. What do you want me to do.." parang nangigigil niyang sabi sabay kurot sa pisngi ko. "Di ba sabi ko sayo I want to kiss you in that attire?" nakangiti kong sabi sabay hawak sa bewang niya. "Ayyiiihhh.. Ang sweet ng husband ko.. Sige, where do you want to kiss me?" malambing niyang tanong. "Where, as in place? Or which part?" Nakangisi kong sabi. Namilog na naman ang cute niyang mata. . "Mahal!!! Di na ako magtatanong! Karga mo ako sa kitchen.. Hahahaha.." masaya niyang sabi. Kinarga ko naman siya pero sa sofa ko lang siya dinala. "What if I want to kiss you right on this sofa.. So the question still stands.. Where?" bulong ko sa kanya. "Mahal.. Wag mo na ako i-tease.. Tumatayo na balahibo ko sayo.. Kiss mo na ako.. Please.." sabi niya. At tuluyan ko na siyang hinalikan.. . . Later that evening.. "Ano pala dadalhin natin sa weekend? Ano ba activities dun?" tanong ni Chel habang naglalaba kami "Hhhhmmmm.. Almost farm lang naman siya. Me hoop set kung gusto natin mag shoot around. Mamimitas tayo ng mga gulay at prutas for sure.. Tapos kainan. Ganun." sagot ko. "Ahh okay. Kala ko gaya kina Inay na may swimmingan.." sabi niya. "Alam ko me ilog dun e, pero diko sure kung malapit lang. Magdala na rin tayo panligo para sure. Yun hiking bag na lang dalhin natin para isa bag na lang tayo." tugon ko naman. . "Parang gusto ko mag swimming, mahal.." lambing niya. "Nagsuswimming na nga tayo ngayon, ayaw mo pa?" biro ko. "Hahaha.. Nagswimming sa labada.. Hindi, I mean yun sa dagat or sa ilog.." sabi niya. "Hhhmmm sige sabihan natin si Dayang kung gusto nila. Or kung gusto mo, check-in na lang tayo tonight sa meron pool facilities.." suggestion ko sa kanya. "Ay gusto ko yan mahal.. Sige check in tayo after nating maglaba.." masayang sabi naman niya "Edi sige, magbook ka na. Ako na tatapos dito." sabi ko naman. "Tapusin na muna natin to mahal, konti na lang naman e.." tugon naman niya. "Okay lang po, para makaalis na tayo agad after.. Saka ikaw naman magaling sa mga book book na ganyan.. Kiss mo na lang ako bago ka pumasok sa loob.." lambing ko sabay nguso sa kanya. "Sige na nga.. Thanks mahal! Mwaahh!!" sabi niya bago kumiss. . . Pagkatapos maglaba.. "Oh, bakit hindi ka pa nagready? Wala ka pa nabook?" tanong ko dahil nakita ko siya nanonood ng tv. "Hindi, parang tinatamad na kasi ako lumabas mahal.. Next time na lang tayo mag book.. Lika dito, massage na lang kita dahil ikaw naglaba.." lambing niya. "Yan ang gusto ko.." sabi sabay pwesto agad padapa sa sofa. Pagkadapa ko ay nagulat ako dahil dumapa lang din siya sa likod ko. . "Akala ko mamassage mo ako?" nakangiti kong tanong. "Oo nga, pero di ko sinabing intensive. Pipindut pindutin lang kita from here.. Hahahaha.." tawa niya. "Wag ka mag-alala, inorderan kita ng pizza dahil good job ka today." sabi pa niya. "Siraulo ka na rin talaga Chel.. Mas malala ka na ata sa akin.. Hahahah.." tugon ko. "What can I say.. I learned from the best.. Hahahaha.." biro niya sabay halik sa batok ko. "Pasalamat ka, mahal kita. Kung hindi hinulog na kita jan.." biro ko naman. . "Ihuhulog mo ako mahal?" lambing niya. "Siyempre hindi.." bawi ko. "Yan.. Ganyan.." masaya niyang sabi. "Papalabasin kong aksidente ang pagkahulog mo para walang sabit.." biro ko ulit. "Hahahahah.. Kakapit ako sayo mahal. Kapit tuko.." ganti niya. "Kiss mo pa ako, Chel.. Sarap ng kiss mo sa batok ko.." lambing ko naman. "Ikaw pa ba mahal? Sure, iki-kiss kita.." sagot niya. "Kahit saan?" biro ko. "Hahaha.. Ang berde mo mahal.. Pero matapang na ako ngayon.. Oo, kahit saan. Kahit sa luneta pa." sakay niya . . "Tulog na tayo, Chel.." aya ko. "Wala pa yun pizza mahal.. Antok ka na ba? Napagod ata husband ko.. Sige na massage na kita ng totoo.." bawi niya. "Hindi, wag na. Jan ka na lang.. Gisingin mo ako pag kakain na tayo pizza.." sagot ko. "Okay! Sige po.." tugon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD