Ed Ep 8

2045 Words
ED EP 8 . . Maaga kami nag ready come that Sunday dahil pupunta nga kami sa farm nila Dayang. Pagbangon ko ay naghahanda na ng coffee saka sandwiches si Chel sa kitchen. Kaya nag toothbrush ako ng mabilis saka lumapit sa kanya. "Ang aga naman niyan, wifey.. Mabilis lang biyahe natin dun, mga 3 hours lang. Saka Sunday naman, walang traffic.. Good morning.. Hhhhmmmm.." bati ko. "Good morning, Mahal.. Para lang sure.. Kasama natin si Cloude, alam mo naman yung batang yun, member ng prat. Prating gutom. Kiss ko muna.. Mwah!" sagot niya "Shower na tayo para makaalis na tayo ng maaga. Iiwan natin si Blue dun sa kanila, SUV nila gamitin natin dahil marami tayo. Saka para marami kang maiuwing mangga." sabi ko habang nakayakap sa likod niya. "Tapusin ko lang to mahal.. Wag mo muna idikit sa akin yan.. Na-aarouse ako.. Kay aga aga.." sagot niya. "Hahahaha.. Talaga, naaarouse ka?" biro ko. "Oo nga.. Hawakan mo pa.." nakangiting ganti niya. "Ang tapang mo na ah.. E kung hipuin ko nga to.." sabi ko sabay kapa sa harap niya. . "MAHAL!!" saway niya saka ako pinandilatan ng mata. "Sabi mo.." natatawa kong tugon. "Joke lang yun.. Matutumba ako dito sayo mahal.. Lika na shower na tayo.. Yaan mo na sila magutom! Binuhay mo na dugo ko.. Hahahaha.." sabi niya sabay hila sa kamay ko. . . Sa bahay ni Dayang.. "Good morning, Tito! Tita Chel!" salubong sa amin ni Cloude. "Good morning! Ready na kayo?" bungad ni Chel. "Almost, nagpack lang si Mommy ng sandwiches." sagot nito. "Ay may ginawa din ako.." sabi niya. "Okay lang po Tita, leave it to me.." nakatawang sabi ni Cloude. . Niready ko na rin yun SUV nila para makalakad na. Nagtatanong din si Cloude, parang gusto matuto. Sinasagot ko naman mga tanong niya. Parang okay naman kahit masyado nagagamit yun sasakyan. . "Pina tune up ko yan saka change oil kahapon, Hon.. Para lang sure. Hindi nagagamit masyado e.." bungad ni Dayang pag labas. Kasunod niya sila Chel at Eve. "E tara na kung ready na kayo para mas matagal tayo makapag stay dun.." aya ko. . "Chel, okay lang ba tabi kami ni Ed sa harap? Gusto ko kasi sa harap para kita ko yung buong scenery pag malapit na sa kanila Tatay.. Kung okay lang naman.." paalam ni Dayang kay Chel. "O-Okay lang naman.. Sige dito na lng kami sa likod nila Cloude at Eve.." sagot niya habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko na lang ng balikat para hindi na maging issue. . Habang biyahe ay masayang nagkukwentuhan sila Cloude at Chel tungkol sa NBA. "So do you think OKC can do back-to-back?" tanong niya ke Cloude. "Hhhhmmmmm.. Not 100% but I sure do hope so! They got some players that they can trade for better assets, and with the championship experience, they are worth so much higher now," sagot nito. Natuwa naman ako. Ang talino talaga ng batang to para ganun niya kaagad nakikita yun aspect na yun ng game. . "How about Lebron? How much longer do you think he'll play?" tanong naman niya ke Chel "Feeling ko last season na niya. Kasi for sure, di na niya aabutin si Bryce, e nahihirapan na siya kumuha ng team who is willing to pay top dollars dahil sa declining na performance niya.." sagot naman ni Chel. Sarap pakinggan ng dalawa na to.. Manang mana sa akin. . "Waaahhh.. Wala ako naiintindihan sa pinag-uusapan niyo mag tita!! Hon, kausapin mo nga ako. Sumasakit ulo ko sa dalawa na to." natawa naman ang dalawa. "Me balita ka pa kina beki?" tanong niya. "Oo, nagpaparamdam pa rin naman yun bruhang yun. Mabait talaga siya, kaya pala kasundo mo yun.. Siya nag refer sa seassonal project kung san ko nakilala tong bebe girl ko. Di ba Bebe girl?" asar ko ke Chel. "Heh! Wag mo ako tawagin bebe girl!" kunyaring tampo nito. "Hahahah.. E sila boss?" tanong pa ni Dayang. "Okay naman din, actually invited nga dapat sila sa kasal namin ni Chel kung natuloy lang.. Di ba bebe girl?" patuloy ko. "Mahal!!! Tigilan mo ako! Hindi talaga kita papansinin pag tinawag mo pa ko niyan.." banta niya sa akin. "You're still cute when you're mad hahaha.. Sige na.. Hindi na, peace na tayo... Penge ako nun sandwich mo please?" bawi ko. . "Eto hon, me ginawa rin ako. Favorite mo to. Pandesal sandwich. O try mo." sabi ni Dayang sabay subo sa akin ng gawa niyang sandwich. Tiningnan ko si Chel pero wala naman siyang reaction kaya binuka ko bibig ko para tanggapin yun bigay no Dayang. "Sarap no? Di ba yan gusto mo? Mayo and bacon.." sabi pa niya. "Oo, sarap nga. Thanks.." sabi ko na lang. "Chel, asan yun coffee ko?" tanong ko. "Ay hon, ginawan rin kita dito. Yun timpla mo to, Black, no sugar.." masaya niyang offer. Sinilip ko pero parang nakasimangot na ang mahal ko. . "Hindi, kasi Dayang, me gamot yun coffee ko.. Meds ko.." palusot ko. "Ay ganun ba? Okay!" sagot niya Nakita ko naman napangiti si Chel ng konti. Okay na.. Hayss.. . . After an hour or so.. "Hon, natatandaan mo ba yan? Yan yung cafe na tinuro mo dati diba?" sabi ni Dayang "Ahhh oo, yun sabi mo sosyal.." sagot ko. "Yan nga, tapos dun tayo kumain sa tabing palayan.. Gusto mo kain ulit tayo dun?" masiglang aya ni Dayang. Sinilip ko si Chel, wapakels na nakatingin sa labas. . "Hindi ba kayo nag breakfast? Maaga kasi gumising si Chel kaya nagbreakfast kami bago pumunta sa inyo.." palusot ko ulit. Ngumiti ulit si Chel. "Ay sayang naman.. Sige na, punta tayo dun, namimiss ko na yun e.. Light snack na lang kayo dun.. Di ba masarap din goto dun?" sagot niya. "A, e sige. Why not. Maaga pa naman tayo e.." hindi na ako nakalusot. Pero kita ko rin na natawa si Chel sa likod. . Pagdating sa Resto Bar sa gilid ng palayan, pinauna ko na pumasok sila Dayang, Cloude at Eve. "Ang tahimik mo.. Bakit po?"tanong ko ke Chel. "Wala, hindi lang siguro ako sanay na hindi tayo magkatabi.." mahina niyang sagot. "Nagseselos ka?" biro ko sa kanya. "Bakit ako magseselos, e magkaibigan na lang naman kayo diba?" sagot niya. "Oo nga. Ang tahimik mo kasi.. Di ako sanay ng hindi ko naririnig ang tawa mo.. Namimiss ko kaagad.." lambing ko sa kanya "E enjoyin mo na lang yun tawa ni Dayang, tutal kayo naman ang magkatabi e.." halatang naiinis siya. "Wag ka na magtampo, bebe girl.. Promise, hindi na ako papayag hindi tayo tabi mamaya pauwi.. Deal?" bawi ko. "Okay.. Pero wag mo na akong tawagin bebe girl mahal.. Parang awa mo na.." sabi niya at yumakap na sa bewang ko. "O sige, hindi na.. Tara!" aya ko sabay tapik sa pwet niya. "MAHAL!!" gulat niyang saway. . Tawa naman ako ng tawa habang nakaakbay sa kanya. . "Ang saya niyong dalawa ah! Tara na order na tayo!" sabi ni Dayang sabay aya kay Chel para silang dalawa ang umorder. Pagbalik namin ng sasakyan pagkatapos kumain ay masigla na ulit si Chel at naririnig ko na ulit ang tawa niya. Hay salamat.. . . Pagdating namin sa farm ay nakaabang na kaagad si Tatay at si Nanay sa labas. Hindi pa pala nila nakikita ang mag-ina mula nang makauwi sila dito. "Lolo!! Lola!!!" sigaw ni Cloude sabay takbo. "Nay.. Tay.." lumuluha agad si Dayang pagkakita sa mga magulang. Binigyan muna namin sila ng time habang inaayos namin ni Chel yun pagpark ko ng sasakyan. "Basta wag na kayong aalis dito. Dumito na kayong mag-ina. Kaya nating mabuhay ng maayos dito, hindi niyo na kelangan lumayo.." sabi ni Tatay habang nakayakap ke Cloude. "Kahit makuba kami ng Tatay niyo, ayus lang, basta alam namin na maayos ang lagay nyo.. Huwag niyo lang kaming iiwan.." umiiyak na sabi ni Nanay.. . Nasa tabi lang kami ng sasakyan nila Chel at Eve. "Ay tara, pasok muna tayo at bakit ba tayo dito nag-iiyakan mag-iina.. Nagluto ako para sa inyo.." aya ni Nanay. . Pagkapasok ay dumiretso muna kami sa sala. Hinayaan muna namin sila magcatch up at nagstay lang kami sa sofa sa gilid. Naiintindihan din naman namin na kailangan nila to para maibsan ang bigat sa mga puso nila.. . After some time ay nag-aya na si Nanay sa kusina para mag merienda muna. "Ed, halika saglit dito anak, tulungan mo lang ako.." tawag ni Tatay sa akin. "Sige po tay!" sagot ko. "Wait lang, Chel. Sama ka muna sa kanila. Tulungan ko lang si Tatay.." paalam ko. "Go!" sabi niya sabay palo sa pwet ko. Natawa naman ako sa kalokohan niya. . Paglabas namin ni Tatay ay inakbayan niya kaagad ako. "Salamat anak at hindi mo pinabayaan ang mag-ina kahit nagkahiwalay kayo ni Dayang.. Sana hindi ka magsawa sa pagsuporta sa kanila.." ngayon ko lang nakita si Tatay na parang nangingilid ang luha kaya hindi ko alam kung paano ako magreact.. "Tay, nangako naman po ako sa inyo na gagawin ko ang lahat para sa kanila.. Hinding hindi ko po sila papabayaan.. Kahit naman po hindi kami magkatuluyan ni Dayang, mahal ko pa rin naman po siya. Saka si Cloude.. Para ko na rin po talagang anak yang bata na yan.. Makaka-asa po kayo tay, hindi ko po sila papabayaan.." sagot ko. Naramdaman ko ang higpit ng akbay ni Tatay sa kin. "Salamat anak.." sabi niya . Pagpasok namin ulit sa kusina ay kumakain na sila ng ginataang bilo bilo. "You should try this, Tito. Snack and dessert at the same time!" masiglang sabi ni Cloude. "Kain na Kuya!" aya ni Eve. "Saluhan mo na lang ako dito, Hon. Alam ko di ka mahilig sa sobrang tamis.." aya naman ni Dayang sabay subo sa kin ng kutsara niya. Ayaw ko naman siya mapahiya kaya binuka ko ang bibig ko. Wapakels na naman ang mahal ko. . "Ang sarap nay! Pero mas favorite ko pa rin ang mga gulay niyo.." sabi ko sabay upo sa tabi ni bebe girl. "Eto po si Chel, mahilig din sa gulay, may kaagaw na ako sa luto niyo!" sabi ko pa. Kinurot niya ako sa tagiliran. . "Pero ang dinayo po talaga nito ay ang mangga dito, Nay! Me bunga pa po ba?" tanong ko. "Aba'y marami!Pagkakain kumuha tayo para meron din tayong makain sa tanghalian.. Hahaha.." masaya naman niyang sagot. "Ay tara hon! Akyat ka ulit ng puno tapos pipicturan ka namin ni Chel! Hahahah.." biro ni Dayang "Sure! I think Cloude can also do it na, di ba buddy?" balling ko dito. "Let's do it, Tito!" masaya niyang sagot. . Pagkakain ay dumiretso na kami sa likod nila. "Wow! Ang laki ng talong nila mahal!! Ang hahaba! Tingnan mo!" masiglang bungad ni Chel. "Oo na, malaki na, wag mong isigaw at panget pakinggan!" biro ko sa kanya. Tawa naman ng tawa sila nanay at Eve. Puro kurot naman ang inabot ko. "Ang cute mo Chel.. Hahahaha.. I love you na.. Sobrang inocent ng soul mo.." si Dayang naman sabay yakap sa kanya. Natawa na rin siya. . Pagdating namin sa mga puno ng mangga.. "Wow.. Parang Christmas tree! Ang daming bunga!" manghang sabi ni Chel "Amoy mangga nga dito! Excited na ako!!" sigaw pa niya sabay nagpatiuna sa pagtakbo palapit sa mga puno. "Hon, parang ganyan ka rin dati nun una ka pumunta dito.." biro ni Dayang. Natawa tuloy si Nanay. . Umakyat na nga ako ng puno, pero dalawa na kami ni Cloude. "Don't hold on to thin branches, buddy! Choose the sturdy ones! Ingat ka!" paalala ko dito. "Yes, Tito! Ang sarap pala mag climb ng tree!!" masiglang sagot niya Napakarami naming nakuhang mangga. At ang dami pang nakakalat na nahulog dahil sa pag akyat namin ni Cloude. Hindi lang ata dalawang sako nakuha namin. . "Me naalala ka dito, hon?" pilyang tanong sa akin ni Dayang. "Oo, ang dami rin nating nakuha noon e!" iwas ko. . Si Chel naman ay buyong buyo mamulot ng mga nalaglag na mangga. "Ang sarap mahal!!! Try mo to!" sabay alok ng kinagatan niyang medyo manibalang na na mangga. "Hindi mo na talaga hinugasan ah.. Sarap nga! Mas masarap to lagyan natin ng bagoong!" sagot ko. Nakita ko naman si Dayang na nakatingin lang sa amin ni Chel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD