ED EP 9
.
.
After namin mamitas ng mangga ay dumiretso ako ulit sa poso sa gilid ng bahay nila.
Nagulat naman ako at katabi ko na si Chel habang nagiipon ako ng tubig.
"Yun totoo Chel, dati ka bang ninja?? Paano ka napupunta sa tabi ko nang hindi ko namamalayan?" biro ko.
"Kung ninja ako, pinaslang na kita.. Ang landi landi mo.." walang emosyong sabi niya.
"Hindi pa rin okay ang mahal ko.. Uwi na ba tayo?" sabi ko at tinry akbayan siya.
"Mamaya na.. But I'm watching you.. Bahala ka jan.." sagot niya sabay pagpag ng kamay ko paalis sa balikat niya pagkahugas ng sarili.
Napakamot na lang ako ng ulo.
.
.
Pagkabalik sa bahay ay nakaready na ang lunch.
Inihaw na pork liempo, bulalo, grilled bangus saka mga gulay. Chopsuey, steamed gulay saka paksiw na gulay.
"Wow ang sarap nito nay!" bulas ko nang makita ang pagkain.
"Tara na dito nak, kain na tayo!" aya naman ni tatay.
"Sige po tay! Kain na tayo! Sakto, namiss ko to luto ni Nanay!" masaya kong sabi
Tatabi sana ako ke Chel kaso tinabihan na siya ni Dayang.
"Tabi tayo Chel.. Hayaan mo silang mga kambing jan.." biro nito.
Tawanan naman kami.
.
Habang kumakain ay tinitingnan ko si Chel. Mukha naman nasasarapan din siya sa luto ni Nanay dahil natuto na siya talaga kumain ng gulay kay Inay.
Napangiti naman ako dahil dun.
.
"Ano Sniper, ready ka na ulit? Me laro ulit tayo sa susunod na linggo. Laro ka na." aya ni Tatay.
"Tay, kakagaling lang niyan sa hospital, di pa pwede lumaro ng basketball yan.." sambot ni Dayang sa akin.
"Ahh ganun ba.. Sayang naman.. Bilisan mo nga lumaki Cloude, palitan mo na to Tito mo. para me taga panalo na tayo dito sa tin.." baling nito kay Cloude.
"Almost, Lolo. Nagpapractice na ako ng dribbling.. Mamaya, I'll show you my shooting skills..." bida niya
"Tita Chel, do you want to shoot hoops with me later?" Aya nito.
"Sure! Kaso di pa ako magaling magdribble ah.. Shooting lang.." sabi niya sabay tingin niya sa akin.
Kinindatan ko naman siya pero inirapan niya ako.
.
.
Pagkakain ay tumambay muna kami sa veranda nila..
"Haayyyyy... bundat na naman ako.." biro ko
"Bundat ka naman lagi pag si nanay nagluto.." sabi ni Dayang.
"Paampon ka na kaya! Hahaha." biro pa niya.
Tumawa na lang ako para wag na humaba.
"Chel.. Massage mo ako sa kamay, Please?" lambing ko para lumapit siya sa kin.
"Ako na hon! Ako naman nagturo sa yo di ba? Mas magaling ako mag massage kesa sayo.. Hahahaha.." sabi ni Dayang.
"Sige Dayang, masahehin mo na yang panget na yan.. Tara Cloude, setup natin yun hoop!" aya ni Chel na hindi man lang tumingin sa akin.
.
.
After a few minutes..
"Sarap ba hon? Ganito rin kita minassage nun me game ka against ke Brandon.. Naalala mo ba yun? Ang saya kaya natin nun.. Kumain pa tayo ng fishball ni Cloude.." masaya niyang sabi.
"Dayang.." sabi ko habang minamassage niya ako.
"Yes hon?" tugon niya.
"You know I love you and Cloude, right?" tanong ko.
"Of course.. And I haven't thanked you enough for it..." malambing niyang sabi.
"And you know that I'll always be there for both of you no matter what.." sabi ko.
Hindi na siya sumagot.
.
"I love you, Dayang.. You know that..
You and Cloude both..
But we can't be like we were before..
I have Chel now..
I don't want to hurt you..
But if you keep doing it like that, we'll end up hurting her..
And I know you don't want that..
So please..
I love you, but let's respect our positions..
I am sorry Dayang.." madamdamin kong sabi.
.
"I understand, Hon.. Sorry for going overboard..
Ang bait pa naman ni Chel sa kin..
You and she both..
I am just glad na hindi mo kinalimutan yung promise natin to remain friends..
Thank you.." sabi niya pero nakita ko siyang umiiyak..
Niyakap ko siya.
.
"Hey, Please don't cry.. Nothing's changed.. Magkaibigan pa rin naman tayo.. Mahal ko pa rin kayo ni Cloude.. Hindi magbabago yun kagustuhan kong tulungan at suportahan kayo..
I only ask that you include Chel in the mix..
Cause I love her too...
And I won't be here if not for her..." paliwanag ko.
.
"Sorry hon.. Nasanay lang kasi ako na ako lang ang mahal mo.. huhuhuhhu.." iyak niya sa dibdib ko.
"I love you, Dayang.. But we have to accept the changes that happened," sabi ko sabay kiss sa ulo niya.
"Thank you, hon.. Thank you for everything you've done for me.. Simula dati hanggang ngayon.. I love you.." sagot niya.
"I love you too.." sagot ko naman.
Dun kami inabutan ni Chel. Tapos bigla siyang lumabas ulit.
.
"Go after her, hon.. Thank you.." malambing na sabi ni Dayang.
Hindi na ako nagsalita at hinabol ko na si Chel.
.
.
"Hey Tito! Take a shot from there!" hamon ni Cloude sabay hagis ng bola.
Nasalo ko naman at tinira ko para pagbigyan siya.
"Tsuuuk!"
"Nice shot! Isa pa Tito!" sabi niya.
"Where's your Tita Chel?" tanong ko
"Make the shot and I'll tell you," pabiro niyang sabi.
"Tsuuk!"
"I think she went that way..." turo ni Cloude habang natatawa..
"I'll be like you someday, Tito.. I promise.." narinig kong sinabi niya.
.
.
"Chel? Asan ka na?" tawag ko sa kanya.
"Iuwi mo na ako.. Gusto ko nang umuwi.." sabi niya habang naka siksik sa gilid ng SUV
.
"Come on, stand up.. Ano balak mo, jan ka matutulog?" sabi ko.
"San ba daanan dito pauwi.. Uwi na lang ako mag-isa.." malungkot na sabi niya.
I took my shirt off tapos pinatayo ko siya.
.
"Tayo ka muna jan." sabi ko.
"Huh?" nagtatakang sabi niya.
"Tayo ka muna, madudumihan ang mahal ko. Dito ka umupo." sabi ko sabay latag ng tshirt ko.
"Bat kasi pinupuntahan mo pa ako dito e mahal mo pa pala siya.." galit pa rin niyang sabi.
"E bakit hindi kita pupuntahan dito e ikaw ang mahal ko? Kaya mo bang hindi ako puntahan pag kailangan kita?" seryoso kong sabi.
"H-Hindi... E bat sabi mo kasi mahal mo pa rin siya.. Huhuhuuh" umiyak na siya..
Niyakap ko lang siya at hinayaan ko siyang umiyak..
.
"Chel.. What would it take for you to believe me..." sabi ko nun yakap ko na siya..
"That I love you more than anybody else... I can't stop loving Dayang.. Just the same as I can't stop loving Cloude.." sabi ko.
"But that doesn't mean that you are not the most important person in my life..
Kaya nga ikaw ang napili kong pakasalan e..
Kasi ikaw ang pinaka mahal ko sa buong universe..
So please..
Stop thinking that I would choose anybody else but you to be with me for the rest of my life..." sabi ko
.
"MAHAL!!!!" iyak niya.
"Chel.. I love you.. Ikaw ang pinili ko.. Alam kong pwede naman mag bago isip ko but I chose not to.. Kasi ikaw lang ang gusto ko..
Gaya ng sabi ng bebe girl ko dati.. It's simple..
I like you.. I don't like them..
So please..." sabi ko sa kanya.
"Mahal... huhuhuhu... " iyak niya sa akin.
"I love you Chel.. I love you more than anything.." tugon ko sabay yakap sa kanya.
"I love you too.." nakangiti niyang tugon.
Saka yumakap na rin sa akin.
.
.
.
Magkaakbay na kaming bumalik sa bahay..
"Kainan na!!" sigaw ni Nanay nang matapos sila magluto ni Eve.
Nilabas na nila yun pancit bihon saka biko.
"Wow! That looks delicious!!" sabi naman ni Cloude.
"Madami tayong nakuha na hinog na mangga diba? Tara, gawa tayo manggo shake!" aya ko ke Chel.
"Tara gawa tayo!" sigaw naman ni Dayang saka niya kami hinila ni Chel para gumawa..
.
Sa kusina..
"Chel, sorry ah.. I didn't mean na saktan ka sa nakita mo kanina.. Gusto ko lang naman mag lambing ng konti kay Ed dahil namimiss ko na yun mga ganung moments namin dati..
Napakabait mo pa naman sa akin.. Sa amin ni Cloude..
Sorry if I went overboard kanina.." paghingi ng paumanhin ni Dayang sabay niyakap si Chel.
"That's okay, Dayang.. Nag-usap na rin kami ng panget na to.. Nasaktan lang kasi ako nun nakita ko kayo magkayakap, tapos nag I love youhan pa kayo..
Pero don't worry. Inexplain na ni Ed sa akin lahat.. We're good.." paliwanag naman ni Chel.
.
"Yan, dapat ganyan kayong dalawa.. Tayong tatlo na nga lang magkaibigan dito magtatampuhan pa ba tayo?" sabi ko sa kanila.
"Saka wag niyo akong pag-agawan.. Alam ko gwapo ako.. But.. Please.." pahabol kong biro.
"ANG KAPAL MO!!!" tawa nila at sabay akong kunurot.
"ARAAAYY!!!" sigaw ko.