ED EP 10
.
.
Sa bahay the following week..
"Mahal, tikman mo nga kung masarap tong ginawa kong Mango Graham cake.." sabi ni Chel pagkauwi namin isang gabi.
"Wow! Sarap! Gusto ko to, hindi masyadong matamis.." puri ko sa gawa niya
"Hindi ko talaga tinamisan dahil kilala kita. Mamaya hindi mo kainin e.. Magkasakitan pa tayo.." biro niya.
"Ahhh ganun ah.. Sasaktan mo pala ako ah.." sabi ko sabay kiliti sa kanya.
"Hahahahah.. Joke lang mahal! Tama na! Hahahaha.." tawa naman siya ng tawa habang pilit umiiwas sa pangingiliti ko.
.
Kahit nahulog na siya sa sahig ay hindi ko siya tinigilan.
"Mahal awat na! Hahahaha.. Sorry na.." pakiusap niya
.
"Bakit? Pag di ako tumigil, hahalikan mo ako?" nakangiti kong sabi habang nakaupo rin sa sahig.
"Naaalala mo din pala tong pwesto natin na to.." nakangiti niya ring sabi.
"Oo naman.. Dito mo kaya ako unang ninakawan ng halik.." biro ko.
"Ang kapal.. Isa lang ako, tapos naadik ka na, hindi mo na ako tinigilan kakahalik mo.." ganti niya.
"Sarap mo kaya halikan.. Try mo.. Nakakaadik.." biro ko ulit.
Napakunot ang noo niya.
.
"E paano ko naman hahalikan ang sarili ko!! Hahahaha.. Ang siraulo mo talaga mahal!" tugon niya habang tawa ng tawa.
"Edi ako na lang halikan mo.. Masarap din ako.. Try mo.." biro ko ulit.
"Oo na, masarap ka nang halikan.. Adik na ako sayo.. " sabi niya sabay haplos sa mukha ko.
Hindi na ako nakatiis at ako ang kusang humila sa kanya para magkadikit ang mga labi namin.
.
"Hhhhhhmmmmmm" mahina niyang ungol habang ninanamnam ang pinagsasaluhan namin.
"Ang sarap Mahal.. Gusto ko pa.." malambing niyang sabi.
Hindi ko naman siya binigo at muli siyang hinalikan.
.
.
Later that night..
"Mahal, ano plans natin bukas?" tanong niya nun magkatabi na kami sa kama.
"Hhhhmmm wala naman.. Pero baka pumunta ako kina Dayang, nagpapatulong kasi dun sa inaayos nilang kwarto. Bakit po? Me gusto ka gawin?" sagot ko.
Hindi ko sinabi sa kanya na may hinanda akong surprise dahil bukas yun supposed wedding day namin. Nagpa bake ako ke Dayang ng cake para kay Chel.
"Wala naman.. Sige punta ka na lang dun sa kanila. Mas kailangan ka yata nila dun e.." malamig niyang sabi saka pumikit na para matulog.
Hinalikan ko na lang siya sa ulo habang nakangiti saka pumikit.
.
.
Kinabukasan ay maaga ako pumunta kina Dayang para daanan yun cake. Wala pa tanghali ay nandun na ako sa kanila.
"Hi Tito! Go on inside, nagbebake si mommy.." bati ni Cloude sa akin.
"Okay. Sino lamang?" tanong ko dahil nanonood siya ng NBA.
"OKC po, pero halos dikit lang." sagot niya.
"Nice!" sabi ko.
"Good morning Dayang! Okay na ba?" bungad ko.
"Good morning, Hon! Hindi pa, nakasalang pa sa oven. Mga 40 minutes pa yun.. Coffee ka muna. Gusto mo breakfast?" malambing niyang bati sabay kiss sa pisngi ko.
"Coffee na lang. Thank you!" sagot ko.
.
"So, kamusta naman kayo ni Chel?" tanong niya habang nagmimix ng icing.
"We're good.. But I don't think she has any idea about my surprise.. Nagtatampo kagabi saka kaninang umaga e.." sabi ko habang nakangiti.
"Hahahah.. Tawagan mo, baka matuluyan na magalit yun.." sabi niya.
"Okay.."
.
.
After a few minutes..
"Hindi sumasagot e.." sabi ko.
"Baka nagshower.." sabi niya
"Hindi, sabay kaming magshower nun e.." sagot ko.
"Awweee.. How sweet! Namiss ko tuloy.."
"Diana.. Please.." di niya naituloy ang sasabihin dahil sumabad agad ako.
"Ooops, sorry, hon. Got carried away," sorry niya.
"Nasaan kaya yun.. Wala naman kaming lakad ngayon.. Tawagan ko ulit.." sabi ko.
Nagring lang tapos kinancel niya yun tawag.
.
Alam kong hindi siya okay kaya nagpaalam na ako agad kay Dayang.
"I gotta go, balikan ko na lang mamaya yan cake. Nag aalala na ako ke Chel, baka kung ano na nangyari dun.." seryoso kong sabi.
"Sige, ako na muna bahala dito. Go get her." tugon nya.
"Salamat, Dayang." paalam ko sabay tayo.
"O Tito, leaving so soon?" tanong ni Cloude.
"Yes, buddy. Your Tita Chel needs me. Balik ako mamaya." sagot ko sa kanya.
"Okay po, take care!" paalam nito.
.
.
Pagdating ko sa bahay ay wala si Chel. Wala rin yun service car namin na gamit sa production.
"Saan kaya pumunta yun?" tanong ko sa sarili ko.
.
Tinawagan ko ang mga pwede niyang puntahan, pero wala. Kahit ang kapatid niya ay walang alam dahil hindi naman daw tumawag.
Sinubukan ko pang pumunta sa place closer to heaven dahil baka dun siya pumunta, pero wala pa rin.
Ilang oras na rin ako naghahanap pero hindi ko siya makita.
Naka yuko ako sa kitchen counter dahil sumasakit na ang ulo ko sa pag-aalala kung saan siya pumunta.
Nang biglang mag ring ang phone ko. Si Inay.
.
.
"Hi Inay, kamusta po?" malamya kong bati.
"Ano na naman ba ginawa mo at umiiyak tong si Chel?" bungad ni Inay sa akin.
"Nanjan po ba? Kanina ko pa po hinahanap yan, biglang nagtampo. Pwede po bang kausapin?" tanong ko.
"E mamaya na at pinatulog ko muna. Nanlalata na kakaiyak.. Sunduin mo rito't nang magkaayos kayo. Para kayong mga bata.." pangaral sa akin ni Inay.
"Sige po, naka kotseng puti po ba pagdating jan?" tanong ko.
"Oo, buti at nakapagmaneho ng maayos kahit nagkakang iiyak. Gumalaw ka na riyan at hindi dapat pinaghihintay ang babae.." sagot niya.
"Opo, aalis na po ako. Salamat po." paalam ko.
"Mag-iingat ka, nak." paalam rin nito bago magbaba ng tawag.
Nag motor na ako para mas mapabilis ang biyahe. Mas mabilis na rin ang gamit kong motor na kakakuha lang namin ni Chel kamakailan lang.
.
.
.
Ilang oras lang ay nakarating din agad ako.
Pagdating ko kina Itay ay inabutan ko itong nagsasalansan ng mga styro sa silong.
"O, ang bilis mo naman! Nandun sa taas, kasama ng Inay mo. Puntahan mo na run." bungad nito.
"Inay, san po si Chel?" tanong ko agad habang nagmamano.
"Ay ewan ko ba dun, lumabas kanina, hindi pa bumabalik.. E madilim na.. Hanapin mo nga dun sa may dagat baka nandun." sagot niya.
"Sige po, alam ko na kung saan nagpunta yun.." sabi ko naman.
"Ay iwan mo na yang bag mo, bakit dadalhin mo pa?" sabi ni Inay.
"Basta po Inay, babalik po kami agad ni Chel.." paalam ko sabay alis.
.
.
Sa spot namin sa may talampas ko siya nakita. Nakatalungko at nakatingin lang sa malayo.
"I knew you'd be here. Can I join you?" bati ko sa kanya.
Hindi naman siya sumagot kaya basta na lang ako umupo sa tabi niya at inakbayan siya.
.
"Galit ka sa kin?" tanong ko.
"Bakit sumunod ka pa dito? Dun ka na kina Dayang, mas kailangan ka nila." malamig niyang sabi sabay pagpag sa braso ko.
"Hays.. Akala ko ba okay na tayo dun? I am only doing that to help them out.. Kaya nga lagi kita tinatanong kung me gusto ka gawin bago ako pumunta sa kanila, kasi ikaw ang priority ko.." tugon ko.
"E bakit parang mas mahalaga pa sila sayo kesa sa akin.. Ni hindi mo nga ata alam kung anong date ngayon.." malungkot pa rin niyang sabi.
"Sino me sabi? I know na today is our supposed wedding day." nakangiti kong sabi sa kanya.
Sinubukan ko siyang halikan sa pisngi pero umiwas iya.
.
"E bakit wala ka man lang plano para sa atin. Inuna mo pa silang tulungan kesa samahan ako.." sabi niya at parang nangingilid ang luha.
"Kasi po, I don't want to spoil my surprise to you.. Ang totoong dahilan kaya ako pumunta sa kanila is para kunin yung cake na pinabake ko ke Dayang for the celebration we're gonna have tonight." sagot ko.
"Totoo ba yan?" sabi niya at nag-angat na ng mukha.
"Have I ever lied to you? Pero kung gusto mo makasigurado, go and call them." sabi ko sabay hawak sa baba niya.
.
"Okay na.. I believe you.. Minsan kasi nararamdaman ko, parang sobra yun care mo sa kanilang dalawa e.. Kaya nagseselos ako.." sagot niya sabay sandal sa akin.
"And I completely understand..
Sorry, hindi ko alam na nasasaktan na pala kita..
It's just that, alam mo naman na Dayang still needs me..
I just don't want her to go back to her pain over and over again..
Kasi alam ko kung ano pakiramdam nun.. You don't want anybody to be in that situation..
Pero naiintindihan kita, Chel. Maybe sumosobra na nga ako minsan ng pag-aalaga sa kanila na nagkukulang na ako ng time para sayo.
Don't worry. I'll be more mindful about it moving forward..
I'm sorry, Chel.. " mahaba kong paliwanag.
Umiyak lang siya at yumakap na sa akin.
.
"Thank you, mahal.. Thanks for understanding..." sabi niya.
"Anything for my princess.." bulong ko sa kanya.
"Pwede na ba akong kumiss?" tanong ko habang pinupunasan ang luha niya.
"Yes, please.. Kiss me mahal.." sagot niya
At tuluyan ko na muling inangkin ang mga labi niya sa ilalim ng bilog na buwan.
.
.
Ilang saglit pa..
"Wait here. I have another surprise.." sabi ko nang magkahiwalay ang mga labi namin.
"Ano na naman yan mahal.." masaya na niyang tanong.
.
Umalis ako saglit at pagbalik ko ay dala ko ang bag ko.
"Bakit dinala mo pa dito yang bag mong pagkalaki laki mahal!" natatawa niyang sabi.
"Dahil dito." nakangiti kong sabi sabay labas ng isang tent.
Namilog naman ang mata niya.
.
"You mean.. Here?" gulat niyang sabi.
"Why not? Di ba sabi mo gusto mo dito sa tabi ni Erchel?" malambing kong sabi.
"HHHmmmmmm.. I love you mahal.." tanging nasabi niya.
"I love you too, Chel.." tugon ko naman sabay halik sa kanya.
At pinagtulungan naming itayo ang tent ay nilatagan ng comforter. Me dinala pa akong mga dim lights na led na nagpaganda sa loob.
.
.
"Ang romantic ng ambience dito mahal.." sabi niya habang magkayakap kami sa loob ng tent
"Kahit saan naman, basta ikaw ang katabi ko, romantic yun for me.." nakangiti kong sabi.
"Awweeee... Pero kinakabahan na naman ako mahal.. Wag mo bibiglain ah.. Sisigaw ako dito.." sabi niya.
"Walang makakarinig sayo dito, kahit sumigaw ka pa.." natatawa kong biro.
"Mahal..." angal niya.
"Don't worry.. I won't do anything to harm you.. Let me know if hindi mo kaya, we'll stop. Okay?" seryoso kong sabi.
"Okay.. Me tiwala naman ako sayo mahal.. kinakabahan lang talaga ako.. Hug mo nga ako.." lambing niya.
Pinagbigyan ko naman at niyakap siya ng mahigpit.
.
Ilang saglit pa..
"Mahal.." malambing niyang sabi.
"Yes, my love?" tugon ko.
"I think I'm ready.." nakangiti niyang sabi.
"Finally.." sabi ko saka dahan dahan siyang kinubabawan.