ED EP 11
.
.
"Ganun pala yun mahal.. Masarap na masakit.. Masakit nun una tapos sumarap na..
Thank you, mahal.. Thank you for making this memorable..
It's all worth the wait..
And thank you for taking care of me.." malambing niyang sabi habang nakayakap sa akin sa loob ng tent.
.
"Did you enjoy it?" tanong ko.
"So much! Hhhhmmmmmm.. Wait lang, di pa ako nakakagetover sa naranasan ko.. nanamnamin ko muna, mahal.. " sagot niya.
"I'm glad.. Cause I did.. Ang sarap mo talaga mahalin, Chel.. And now, you just gave me another reason why I should love you more," nakangiti kong sabi.
"Hhhhmmmmm.. Kinilig ako dun mahal.." masaya niyang sabi.
.
"Nararamdaman ko pa rin yun dineposit mo sa akin.. Bakit ang dami? Ganun ba talaga kadami yun? Hahaha.." natatawa niyang sabi.
"Naipon kasi ng matagal na panahon. Buti nga hindi nag s**o sago.. Hahahaha.." biro ko naman.
"Hahahaha.. Ang siraulo mo.. Pero ang sarap sa pakiramdam mahal.. Knowing na pwede mo na ako mabuntis dahil dun.. Naeexcite ako.." tugon niya.
"Bakit, gusto mo ba mabuntis kaagad?" tanong ko.
"Siyempre.. Kaya nga natin ginawa to e, para mag procreate.. I want to bear your babies, mahal.." sagot naman niya.
.
"Sobrang pure ng isip mo Chel.. I love it.. Lalo akong naiinlove sayo.." nakangiti kong sabi.
"Talaga ba? Bakit yun iba ba ginagawa lang yun for fun? Alam ko meron mga ganun, pero hindi naman siguro marami.." sabi niya.
.
"Actually, sa lahat ng naka s*x ko, ikaw lang ang ganyan." natatawa kong sabi.
"Seryoso?? Pati si Dayang??" gulat niyang sabi.
"Well, nagmahalan din naman kami sa dulo, pero for satisfaction din kami nag start.. Alam mo naman yun story namin.." sagot ko.
"Hhhhmmmm.. Ilan na ba ang nakasex mo talaga?" tanong niya ulit.
"Secret.." nakangiti kong sabi.
"Hahahaha.. Dali na.. Bulong mo sa akin.." lambing niya.
Binulong ko naman.
.
.
"Ha??!! Seryoso??!! Ano ka porn star?? Hala ka mahal, baka hinawaan mo ako ng sakit ah.. Puputulin ko yang sundalo mo.." biro niya.
"E nagtanong ka e, sinagot ko lang." natatawa kong sabi.
"Hindi ko kasi ineexpect yun sagot mo. Sa escort service pa ata ako napunta.. Hahahaha.." sabi naman niya.
"Escort service pala ah.. E kung escortan kita dito.." biro ko.
.
"Hahahaha... Joke lang mahal.. Alam ko naman nagbagong buhay ka na.. Ako na lang ang pwede mong galawin from now on.. Sa akin na finally tong pikachu mo." sabi niya sabay haplos sa may puson ko.
"O bat umaangat na naman yan mahal.. Pigilan mo yan.. Gusto ko pa kaso baka hindi na ako makababa dito sa bundok.. Sa bahay na lang ulit, please.." malambing niyang sabi.
"E tara, baba na tayo at nang makarami.." biro ko.
"Hala anong marami! Wala akong sinabing marami mahal! Hahahaha.. Ang horny mo!" biro rin niya.
.
.
Magka-akbay kaming umuwi sa bahay nila Itay. Inabutan namin silang naghihintay sa may bintana.
"O san ba kayo nagsuot? Pinahanap na namin kayo ke Lito hindi rin kayo nakita." bungad ni Itay.
"E dun ko po sa may bundok nahanap tong mamanugangin niyo tay.." sagot ko bago kami magmano ni Chel sa mga ito.
"Sa bundok? E ano naman ginagawa mo dun anak?" tanong naman ni Inay.
"Naiinis po kasi ako sa panget na to, Inay. Kaya gusto ko lumayo muna.. Sorry po, nag-alala kayo ni Itay.." sagot niya sabay yakap kay Inay.
.
"E ang mahalaga ay hindi kayo napaano. At mukhang magkasundo na kayo. Sa susunod, kapag meroon kayong hindi pagkakaunawaan, wag kayong mag-iiwasan..
Paano niyo maayos ang problema kung hindi kayo mag-uusap?
Tingnan mo kami niyan Inay niyo. Sa tingin niyo ba hindi kami nag-aaway niyan?
Madalas din kaming magkatampuhan. Pero hinahayaan lang namin kumalma ang isa't isa tapos pinag-uusapan na.
Kung tunay kayong nagmamahalan, kahit gaano pa kasakit ang nagawa niya, makakakaya niyong magpatawad dahil iisa ang inyong damdamin" payo ni Itay.
.
"Ay siya, tara at kumain muna kayong dalawa. Hindi pa kayo naghahapunan. Mukha kayong gutom na gutom.." aya naman ni Inay.
"Ipinagluto kita ng paborito mo, Chel. Ginataang sitaw at kalabasa.." nakangiti nitong sabi.
"Wow! Salamat Inay!" masiglang sagot niya.
.
.
Habang kumakain ay nag-uusap pa rin kaming dalawa. Parang mas lalo pa siyang lumambing pagkatapos ng nangyari sa amin. Sinusubuan pa ako habang nakikipagkwentuhan.
"Matulog na rin tayo ng maaga ah, para makabiyahe tayo agad bukas ng madaling araw. Marami tayo iikutin bukas, di ba?" sabi ko sa kanya.
"Sige, ako na lang din mag drive nun kotse pabalik, ako naman nagdala nun dito e.." sabi niya.
"Wag na, angkas ka na sa akin para mabilis tayo makauwi. Ipadrive na lng natin sa tao ni Itay pagbiyahe nila bukas yun kotse." sabi ko naman.
"E wala ako jacket e, hindi ba ako lalamigin? Tapos madaling araw pa alis natin.." angal niya
.
"Meron. Wait mo ako dito saglit." nakangiti kong sabi.
"Me pakulo na naman tong panget na to.." natatawa niyang tugon.
Pagbalik ko ay hawak ko ang isang riding jacket na katerno nun sa akin, pero size niya.
.
"Wow!!! Akin to mahal? Ang ganda! Terno tayo!!" sobrang saya niyang sabi.
"Siyempre, sayo yan. Ibibigay ko dapat after natin mag dinner date, e kaso tinakbuhan mo ako.." biro ko.
"EEehhhhh.. Ang ganda mahal.. Kinikilig ako! Hahahahaha.. Thank you!!" sabi niya sabay yakap sa akin.
.
"Excited na ako umangkas sayo bukas!! Mabilis ba yun bago natin motor?" tanong niya nang makaupo na kami ulit.
"Malakas, paramdam ko sayo bukas. Magugulat ka sa power ng acceleration.. Dapat kumapit ka na ng mabuti, baka mahulog ka pag biglaan.." sagot ko.
"Gusto mo pati paa ko iyakap ko sa bewang mo? Payag ako dun mahal.. hahahah.." biro niya.
"Gusto ko sa harap ka sumakay para paharap ang yakap natin.." ganting biro ko naman.
"Hahahaha.. Makakapagdrive ka ba nun? Baka hindi na tayo makauwi nun dahil sa kalandian natin.." sabi niya.
.
.
After a few minutes..
"Bilisan mo na kumain mahal.. Pasok na tayo sa room.." nakangiti niyang sabi.
"Wait lang, bakit nagmamadali ka? Me lakad ka ba?" biro ko.
"Gawin mo ulit sa akin yun ginawa natin mahal.." bulong niya sa akin.
"Hahahaha.. At ako pa sinabhan mo ng horny ah.." biro ko sa kanya.
"EEhhhh.. Wag ka na mang asar.. Basta bilisan mo na.." nakangising sabi niya.
.
.
Kinabukasan, mga wala pang 5 am ay nakahanda na kami ni Chel umuwi.
"Inay iwan na lang po muna namin tong bag. Babalik rin naman kami sa Sabado para sa fiesta. Okay lang po ba isama namin sila Dayang at Cloude?" tanong ni Chel
"Aba'y oo naman. Namimiss ko na rin yung makulit na batang yun.. Saka si Dayang , makamusta naman siya.. Sige, isama niyo't para mas masaya tayo." sagot ni Inay.
"Itong alimango, baka maiwan niyo.." paalala naman ni Itay.
"Tay, sa linggo na lang po kami mag-uuwi ng seafoods, naka motor lang kami e, wala paglalagyan" tanggi ko.
"Edi sige. Maibigay na lang muna kina Lito to, baka masayang." tugon nito.
"Ang ganda naman ng suot ninyo, terno pa! Teka mapicturan ko kayo't para me remembrance ako." masayang sabi ni Inay.
.
.
Ilang saglit pa ay nasa biyahe na kami ni Chel.
"Mahal ang lamig pala pag ganito kaaga.." sabi niya.
"Malamig talaga.. Suot mo ba yun bigay kong gloves?" tanong ko sabay abot ng kamay niya.
"Oo sinuot ko. Pero malamig talaga.. Para tayong nasa Baguio.. Hahahah.. " biro niya.
"Pasok mo na lang sa bulsa ng jacket ko kamay mo para hindi lamigin.." sabi ko.
.
Medyo tahimik nga siya habang biyahe kaya nun tumigil kami para magpahinga saglit ay chineck ko siya.
"Medyo mainit ka, Chel.. How are you feeling?" nag-aalala kong tanong.
"Medyo giniginaw lang mahal. Pero kaya ko naman.. Bilisan na lang natin, malapit na rin naman di ba?" sagot niya.
"Mahigit isang oras na lang siguro. Are you sure? Pwede tayong magpahinga kung nahihirapan ka.." sabi ko sa kanya.
.
"I'll be fine, mahal. Kasama kasi kita." pacute niya
"Pacute pa tong wifey ko.. Sige na, maganda ka na.. Basta pag me nararamdaman ka, tell me para makatigil tayo, okay." tugon ko.
"Mahal me nararamdaman ako.." sabi niya.
"What's that? Masakit ulo mo?" tanong ko sabay tatanggalin dapat ang helmet niya.
"Hindi.. Nararamdaman kong mahal kita.." sabi niya sabay ngisi.
"Hahahahaha.. You got me there, my pretty.. Tara na at baka dito pa kita laplapin." biro ko naman.
"Language mahal! Hahahaha" tawa niya.
.
.
Pagdating namin sa bahay ay inasikaso ko na siya agad. Pinagbihis ko kaagad saka pinahiga muna sa kama.
"Dito ka muna, gawan kitang soup. Gusto mo pandesal? Bibili kita.." tanong ko.
"Soup na lang mahal.. Tapos balik ka agad dito.. Kiss mo muna ako please?" lambing niya.
"I'll be right back.." sabi ko bago siya hinalikan.
.
"Parang alam ko na kung bakit sumama pakiramdam mo.." sabi ko sa kanya habang pinapakain ko ng soup.
"Bakit? Baka nasobrahan lang ako sa pagod.. Pinagod mo kasi ako.." biro niya.
"Hindi, kasi nagbabad ka sa lamig sa taas ng bundok kagabi. Matagal ka na ba dun nun dumating ako?" tanong ko.
"Medyo.. Ang tagal mo kasi.." biro pa niya ulit.
"Paano mo naman na sure na pupuntahan kita dun? Paano kung sa iba ako naghanap?" tanong ko.
.
"I'm sure pupuntahan mo ako dun mahal.. Dahil alam kong hindi mo ako matitiis.. Makakaya mo bang hindi ako puntahan pag kailangan kita?" nakangisi niyang sabi.
"Ang cute mo.. Kagatin ko ilong mo e.." biro ko.
"Hahahaha.. May sakit ako, mahalin mo lang dapat ako ngayon.." lambing pa niya.
Kaya pinisil ko na lang ang ilong niya.
.
"Pero seriously, pag magtatampo ka naman, wag naman ganun kalayo kina Inay.. Tingnan mo tuloy, nilagnat ka..
Sa susunod, dito ka na lang sa paligid.. Dun sa pondohan.. O kaya sa loob ng washing machine, kasya ka naman dun e.." biro ko.
"Hahahahha.. Ang siraulo mo mahal!! Runaway nga e, me runaway bang hindi man lang umalis ng vilage?" tugon niya
.
"Basta wag ka na basta aalis.. Natataranta ako e.. Sobrang pag-aalala ko sayo, pati sa place closer to heaven, hinanap kita. As if naman pupunta ka dun mag-isa.." sabi ko sa kanya.
"Opo, hindi na.. Pero naappreciate ko yun sobrang effort mo paghahanap sa akin.. Nag message din sa kin kapatid ko hinahanap mo daw ako sa kanya..
Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal mo sa kin.. Thank you.." parang naluluha niyang sabi.
.
"O wag ka na umiyak.. Okay na nga tayo e.. Siyempre, kahit saan ka pa pumunta, sasamahan kita.. Di ba nga? Just you and me.." nakangiti kong sabi.
"Mahal.. huhuhuhu.." natuluyan na nga ang iyak niya..
"Stop na.. We're good. I love you and I'll go wherever you go. Hindi mo ako matatakasan.. Bwahahaha.." ako naman ang nag boses villain.
"Hindi bagay sayo mahal.. Leave the dubbing to me.." biro niya kahit me luha sa mga mata.