ED EP 12
.
.
Pagigising ko kinabukasan ay wala na si Chel sa tabi ko. Kaya agad ko siyang hinanap.
"Oh, bakit bumangon ka na kaagad? Musta na pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya nang datnan ko siya sa kitchen.
"Good morning mahal! I'm feeling a lot better now, thanks sa pag-alaga mo sa kin kahapon.. Kiss ko?" malambing niyang sabi.
"Good morning.. Buti naman okay na pakiramdam mo.. Wait lang, toothbrush lang ako saglit." paalam ko sa kanya.
"Mamaya ka na mag toothbrush mahal.. Kiss mo muna ako.. Please?" lambing niya
Kinarga ko ulit siya paakyat sa counter saka ko siya hinalikan.
.
.
A few moments later..
"Parang medyo mainit ka pa rin.. Wag ka na muna sumama sa akin sa pag ikot ah.. Pahinga ka pa dito. Para sa weekend, okay ka na talaga." sabi ko sa kanya
"Okay na ako mahal.. Gusto na kita samahan sa pag rounds.. Nabobore ako dito sa bahay pag wala ka e.. Please.." pakiusap niya.
"E may sinat ka pa kasi, my pretty.. Bahala ka pag ikaw hindi gumaling, hindi tayo makakapunta sa fiesta. Magtatampo si Inay sayo.." sabi ko
"Awwee.. Sige na nga.. Basta tawagan mo ako pag nagdadrive ka.. " tugon niya.
"Sure, I'll call you. Lika na, sa room ka na lang ulit." aya ko sa kanya.
.
"Mahal.. Dito na lang ako sa bahay, pero wag na sa room please.. Sobrang bored na ako dun.. Saka hindi na rin ako makakatulog dahil ang haba na ng tulog ko.. Let me make you breakfast, tapos sa sala na lang ako pag-alis mo." lambing niya.
"Okay, basta wag ka na masyado mag gagalaw dito ah.. Magpahinga ka lang.. And wag ka na rin magluto ng lunch. Uwi ako dito para sabay tayo kumain, ano gusto mo?" tanong ko.
"Hhhhmmmm.. Parang gusto ko ng malaking siopao saka chinese mami.." sagot niya.
"Okay, bilhan kita. Tara shower na tayo? Bago ka magluto." aya ko.
"Tara!" masaya niyang sabi.
.
.
Gumanda na rin naman ang pakiramdam ni Chel the following day. Wala na siya lagnat at back on her feet na talaga siya. Makulit na ulit.
Kasama ko na rin ulit mag-ikot.
"Sa wakas! Nakalabas rin ulit! Bored na bored na ako sa bahay mahal.. Tapos ayaw mo naman ako payagan mag-ayos man lang dun.. Hahahaha.." sabi niya habang nasa biyahe kami.
"E baka kasi mabinat ka pa.. Di ba effective naman, para ka na ulit kiti kiti ngayon.." biro ko.
"Kiti kiti talaga mahal? Grabe ka sa akin.." natatawa niyan tugon.
"Don't be offended! I love that about you.. Yun energy mo, positive attitude.. Very lively.. Kaya gusto ko lagi kasama ka, nakakahawa kasi energy mo.." nakangiti kong sabi.
"Aawwweee.. Thanks mahal.. Wag ka mag-alala madami akong energy today, na pent up to simula pa nun nagkasakit ako.. Hahahaha.." masigla niyang tugon.
.
.
Ilang saglit lang..
"Mahal, me mangga oh.. Bilhan mo ako, please!" sabay turo niya sa naglalako ng mangga.
"Bilhan na lng kita sa market mamaya, gusto mo? Nasa gitna tayo ng kalsada.." sabi ko.
"E gusto ko yan mahal.. Masarap bagoong niyan.." lambing niya.
"Sige na nga.. Pinag polo mo pa ako at slacks, pabibilhin mo lang pala ako ng mangga.." biro ko.
"Hahahaha.. Ang gwapo mo nga e.. Ganyan ka na lang everyday mahal.." sagot niya.
"oo na po, nabola mo na ako. Ibibili na nga kita oh.. Eto na.." biro ko ulit.
"I love you.. Hahahaha.." tugon niya.
.
.
After a few moments..
"Ano oras pala tayo alis sa Sabado, mahal? Agahan natin para matulungan pa natin si Inay sa paghahanda.." sabi niya habang kumakain ng mangga.
"Bago ko sagutin yan, me towel jan sa compartment, latag mo sa lap mo at baka matuluan pa yang dress mo. Ang ganda mo pa naman today.." biro ko.
"Sssuuuss.. Dress ko daw, takot ka lang matuluan ng bagoong tong seat cover ni Blue.. Hahahaha.." biro rin niya.
"Well.." sakay ko sa biro niya na ikinatawa naman niya.
"Pwede naman tayo umalis ng maaga. Tawagan mo si Dayang mamaya tanong natin kung kaya nila ganun kaaga. Nagchecheck ata sila ng school ni Cloude e.." sabi ko.
"Buti naman magbabalik school na yun bata.. Sayang ang oras.. Matalino pa naman yun, baka masayang.. Sige tawagan ko si Dayang mamaya.
Pwede rin tayo dun mag dinner, gusto mo? Dala tayo fried itik.. Gusto ko rin nun e.. Hahahaha.." sagot niya.
"Mangga, fried itik.. Nilagnat ka.. Tapos kanina, kurot ka ng kurot sa akin.. Tell me the truth, buntis ka ba? Ang bilis mo naman, 1 week pa lang ah! Naglilihi ka na??!!" biro ko.
"Hahahahaha.. Excited pa lang mahal, hindi pa.. Darating tayo jan.." tumatawa naman niyang tugon.
.
.
Kinagabihan nga ay kina Dayang kami nagdinner. Kapansin pansin ang closeness nilang dalawa ngayon. Mukha naman genuine dahil kilala ko naman sila pareho and malalaman ko kung nagpaplastikan lang sila.
"Bakit parang bff na kayong dalawa? Nagseselos na ako ah!" biro ko sa kanila.
"Hahahaha.. Wala hon, mas love ko na si Chel kesa sayo.. Mas nagkakaintindihan kaming dalawa.." biro ni Dayang.
"Oo nga mahal, ikaw na ang third-wheel sa aming dalawa.. Hahahaha.." si Chel naman.
At nag high five pa ang dalawa.
.
"Tito, is the hoopset still there in Lolo Itay's beach house?" tanong ni Cloude habang masayang kumakain ng itik.
"Oo, buddy, andun pa. Laro tayo nila Tita Chel mo dun pagdating natin." sagot ko rito.
"Kahit kampi kayo ni Lito, kaya namin kayo ni Cloude, 2v2. Di ba?" baling ni Chel sa bata.
"Do you honestly believe that, buddy?" pabiro kong tanong.
"Aahhhhmm.. No, not yet. But soon, Tito. I need more practice pa. Matatalo din kita some day." nakangiti nitong sagot.
"Ikaw talaga Cloude, dapat sinabi mo yes. Hindi ako matatalo niyan tito mo pag ginusto ko! Isang tampo ko lang jan, magpapatalo na yan.." biro ni Chel.
At nagtawanan kaming lahat.
.
.
Bago kami umuwi ay nahuli pa ako ni Chel na binubulungan si Dayang sa kusina.
"Ay ang sweet nun hon!! Sige gusto ko yan.." sabi ni Dayang sabay kiss sa pisngi ko para magpaalam.
Nginitian ko lang si Chel at kumunot naman ang noo niya.
.
Habang biyahe ay tahimik lang siya nakatingin sa labas.
"Ang tahimik ng mahal ko ah.. Care to share?" pukaw ko sa kanya.
"Wala.. Napagod lang siguro ako mahal.. Hayaan mo lang ako.." matipid niyang sabi.
"HHhhhhmmmm.. Me namumuo na namang doubt jan sa isip mo. Alam ko." nakangiti kong sabi.
"Hindi mahal.. Napagod lang siguro ako.. I have no doubts.. I completely trust you." pilit ngiti niyang sabi.
"Kung hindi kita kilala, baka naniwala na ako sayo. Basta wag ka mag-alala dun sa nakita mong bulungan namin ni Dayang kanina. Me binabalak kasi dapat akong surprise number para sayo. Ayan tuloy, hindi na surprise yun..
Ayoko kasi magdamdam ka na naman, tapos iiwan mo na naman ako.." sabi sabay hawak sa kamay niya.
"Balak lang naman kita pasayahin.. Magsasayaw sana ako ng nakahubad sa harap mo." biro ko pa.
.
"E bakit mo sinabi, paano pa ako kikiligin niyan!" ganting biro niya rin at gumanda na rin ulit ang aura niya.
"Ikaw kasi e, baka magtampo ka na naman.. Ayaw ko na nga maulit yun e.. Ayoko ng sumasama loob mo.. Pinapaakyat mo ako ng bundok na me hawak na mabigat na bag.." sagot ko.
"Hahahhah.. Hindi ko naman sinabi na dalhin mo yun bag mo na napakalaki mahal.. Sorry na.. Sige hindi na.. Happy na ako ulit.." malambing niyang sabi.
.
Pagdating sa bahay, magbibihis na dapat kaagad ako pero inawat ako ni Chel.
"Mamaya ka na magbihis mahal.." makangiti niyang sabi.
"Uy! Napopogian sa akin ang wife ko.. Gusto mo ako ikiss na ganito suot ko no?" biro ko.
.
"Hahahaha.. Nakakainis ka! Bakit lahat na lang alam mo?!! Hindi na kita ma surprise!" natatawa niyang sabi.
"Hindi mo na kasi ako kelangan i-surprise.. Masaya na ako na lagi ka sa tabi ko.. Mukha mo nakikita ko pag gising ko sa umaga.. It's your kiss that I feel before I drift to dreamland..
Dun pa lang, kinikilig na ako sayo.. Wag ka na masyado mag effort, baka mangisay na ako sa sobrang kilig.." sabi ko.
Nakangiti lang siya nakatingin sa akin.
"Take me to the counter mahal.. I want you to kiss me there.." masaya niyang sabi bago ko siya binuhat at dinala sa kusina.
.
.
.
Pagdating ng Sabado ay maaga kaming nagready ni Chel dahil dadaanan pa namin sila Dayang sa kanila.
"Mahal, naeexcite na ako makita ulit si Inay!" masaya niyang sabi habang gumagawa ng sandwiches.
"Ang sweet mo ke Inay no? Talagang nagpa-ampon ka na ng tuluyan.." biro ko.
"Ay talaga mahal.. Ngayon lang ako nagkaroon ng nanay na may puso. Hahahaha..
Si mommy ko, robot yun e, nakaprogram sundin si daddy." biro niya pero ramdam ko yun lungkot niya.
.
"Hhhhmmmmm.. Sige na nga, share na tayo ke Inay. Mukha naman mas mahal ka na ni Inay kesa sa kin.." biro ko naman sabay yakap sa kanya.
"Damuho ka daw kasi.. Hahahaha.. Pero ano ba meaning nun, mahal? Baka sabi ako ng sabi, bad words pala yun.." natatawa niyang tanong.
"Hahahaha.. Matagal mo na akong sinasaktan hindi mo pala alam ang meaning?
It means stupid, dumb, aggressively angry without rational reason. Tatawagin mo pa akong damuho?" nakangiti kong sabi.
'Hala! Hindi na... Sorry mahal.. Hindi ko naman alam.. You're none of those.." sagot niya sabay yakap sa akin.
"Hahahah.. That's okay.. Pag sila Inay kasi nagsasabi nun sakin e hindi naman yun direct meaning, parang iba ang context..
Parang 'Damuhong bata to = makulit na batang to or siraulong bata to..' parang ganun.. Kaya wag ka na maguilty. Lambing lang nila sa akin yun.." paliwanag ko.
"Aaahhh okay.. Me isa pa akong tanong mahal.." sabi niya.
"Yes, what's that po?" tanong ko.
"Bakit nakasalute na naman to? Naarouse ka ba sa akin?" nakangisi niyang biro.
"Flag ceremony yan. Halika, shower na tayo para masaluduhan na kita.." biro ko rin.
"Hahahaha.. Ang cute.. Tara!" sakay niya sa biro ko.
.
.
Maaga rin kami nakarating kina Itay. Papasok pa lang kami sa kanila ay nakaabang na ang dalawa sa labas. Nakita ko rin si Lito na nagkakape sa may bintana.
"Lolo Itay!!! Lola Inay!!" masayang bati ni Cloude pagkakita sa mga ito.
Tumalon agad ito pababa para salubungin ang dalawa.
"Cloude!! Kamusta ka naman apo? Where's your mommy?" masayang bati ni Inay.
"She's with us! And also Tita Chel.. She's also pretty like my mom.." sabi ni Cloude.
"Ay oo, kilala na namin yan Tita Chel mo.. Mahilig na rin sa gulay yan! Ikaw ba kumakain pa rin ng gulay?" magiliw na tanong ni Itay sa bata.
"Yes po, kahit kanila Lolo, lagi ako kumakain ng gulay. Para lumakas din ako gaya ni Tito.." malambing nitong sagot habang hindi na bumbitaw sa pagkayakap ke Inay.
.
"Inay! Itay!!" sigaw naman ni Dayang pagbaba niya ng sasakyan.
"Dayang! Kamusta ka na, nak? Ang ganda mo pa rin.. Wag na kayong aalis dito ha? Sama sama na lang tayo dito, kaming bahala sa inyo.." bati naman ni Itay dito.
"Namiss ko po kayo.." lambing nito bago nagmano sa dalawa.
.
Naakbay naman ako kay Chel habang masaya namin silang pinapanood.
"Ay tara muna sa loob! May hinanda akong meryenda para sa inyo. Chel, anak, tara tulungan mo ako maghanda." aya ni Inay.
"Sige po Nay!" sagot niya. .
"Ako rin po, tulungan ko na kayo.." masiglang prisinta naman ni Dayang sabay akbay kay Chel.
"At mabuti naman at marami akong katuwang sa pagluluto.. hahaha.." sabi ni Inay.
"Kunyari pa yan Inay nyo, pero tuwang tuwa lang kasi marami siyang maayusan na babae.. Haahah.." bulong sa amin ni Itay.
Natawa naman kami nila Eve at Cloude dito.
.
.
"Hey Cloude, I'll show you something," aya ko dito.
"What's that, Tito?" tanong niya.
"Look!" sabi ko sabay bukas ng styro na may malalaking alimango.
.
"Wow!!! Those are huge!!! Are those mudcrabs?" tanong niya.
"Ang laki kuya! Kakainin ba natin yan?" tanong din ni Eve.
"Siyempre, sa atin lahat yan. Uulamin natin mamaya, tapos handa natin sa fiesta yun iba.." masayang sabi ni Itay.
"Meron pa darating bukas,mga sugpo naman.." bida pa nito.
"Wow! Ang sarap niyan for sure Lolo Itay!!" masayang sabi ni Cloude
"Mamaya, help me take it upstairs so your lola can cook it, okay? Akyat muna natin mga gamit natin. Let's go!" aya ko sa bata.
.
Pag-akyat ay hinayaan ko na sila Dayang ang gumamit ng room ko na mas malaki, dun na lang kami ni Chel sa guest room dahil dalawa lang naman kami.
"Thanks, Hon! Balik muna ako sa kusina, tinuturuan kami ni Inay mag gawa ng palitaw.." paalam ni Dayang pagkaayos ng gamit nila.
"Mahal tikman mo to.. Ang sarap ng tsokolate ni Inay.." bida ni Chel sabay abot sa akin ng hawak niyang tasa.
"Hhmmmm.. Sarap nga.. Me nagawa na kayo palitaw? Sarap yan partner.." sabi ko.
"Wala pa, pero dalhan kita pag meron na. Balik muna ako dun. Mwah!" masigla niyang sabi sabay halik bago bumalik sa kusina.
.
Ilan saglit lang ay si Itay naman ang umakyat.
"Halika nga Erwin at tuwangan mo na kami ni Lito. Ihanda na rin natin yun mga mahabang mesa. Baka masikip tayo sa kubo, marami tayo." aya nito sa akin
"Sige po, baba na ako." sagot ko.
.
"Wanna help us, buddy? Or go with the girls in the kitchen?" Aya ko ke Cloude.
"With you, Tito. Hindi naman ako girl e.. Dun ka na ate Eve." natatawang sabi nito.
.
.
Nang makapag-ayos at makaluto ay sabay sabay na rin kaming kumain ng tanghalian.
"Wow! Ang sarap nito Itay!" sabi ni Dayang habang may hawak na malaking alimango sa kamay.
"Eto rin Dayang, try mo to.. Si Inay nagpakain sa akin dati nito, ngayon favorite ko na.." alok ni Chel ng paborito niyang ginataang gulay.
"Naku, tataba ako dito bes! Lahat ng foods masarap!" sagot ni Dayang habang natatawa.
"That's okay, mommy, we'll all get fat together!" sabi ni Cloude.
"Hahahaha" sabay sabay naming tawa.