Ed Ep 13

2611 Words
ED EP 13 . . Kinagabihan ay sama-sama rin kami sa labas para magsaya. Dahil bukas pa naman ang Fiesta kaya kami kami muna buong pamilya ngayon. Sila Itay at Inay, Dayang, Cloude at Eve, saka kaming dalawa ni Chel. Kasama rin namin si Lito at ang mga kapatid niya. Masaya kaming nagkakantahan sa videoke. Halos mag concert na sila Dayang at Chel dahi sunod sunod ang mga kanta nila nakasalang. . Nahuli na naman kami ni Chel na nagbubulungan ni Dayang. "Kinikilig agad ako Hon.. Can't wait!!!" masayang sabi ni Dayang. "Wag ka na magtampo bes, sasayawan ka daw ni Hon mamaya. Hubad. Hahahaha.." hirit niya kay Chel kaya nakitawa na rin to. Pero humigpit ang hawak sa kamay ko. . Nakailang kanta pa sila nang humirit sila na ako naman ang kumanta. Pinagbigyan ko naman sila at kumanta ako ng Forever ng Damage. Tapos I love the way you love me. Para lang kami nagrereminisce habang kinakanta ko yun song.. Yun last na kanta ko ay 'I do' by 98'. Tumayo ako at inakay ko si Chel na samahan ako habang kumakanta. Pinagbigyan naman niya ako at nagfocus siya sa akin. Hindi niya tuloy namalayan ang paggalaw nila Dayang sa likod niya. . "I do cherish you For the rest of my life You don't have to think twice I will love you still From the depths of my soul It's beyond my control I've waited so long to say this to you If you're asking, do I love you this much? I do" . Pagkatapos kong kumanta ay yumakap siya sa kin. "Ang ganda nun mahal.. Thank you.." malambing niyang sabi. "Oh, wag ka muna kiligin.. Di pa ako tapos.." biro ko sa kanya. "Look behind you," nakangiti kong sabi. "Huh?" naguluhan pero sumunod naman siya. . Isang malaking sign ang hawak nila Dayang, Cloude at Eve. Nasa tabi rin nila sila Itay at Inay. "WILL YOU MARRY ME?" "Mahal!" gulat niyang sabi at pag harap niya ulit ay nakaluhod na ako at may hawak na kahon na may singsing sa loob. . "I'm sorry it took me some time to ask you again.. Sabi mo kasi gusto mo magpagaling muna ako e.. Eto, magaling na ako.. Let's get married.. Will you marry me, Chel?" buong pagmamahal kong sabi. . "MAHAL!!!!! HUhuhuhuhuhu.." iyak niya sabay hatak sa kain patayo para makayakap siya. "I love you.. I love you so much.." masayang masaya niyang sabi. "I love you too, Chel.. So much that I can't wait to marry you.. I'm sure matutuloy na to ngayon.. Wala na makakapigil sa kin pakasalan ka.. I can't wait to spend my life with you..." malambing kong sabi habang yakap ko siya. "Ang daya mo mahal.. Pinapaiyak mo na naman ako.." sabi niya kaya nagtawanan lahat.. "Teka lang.. Bago maubos ang luha mo, sumagot ka muna.. Nangangalay na sila oh.." biro ko naman. . "Ang siraulo mo talaga.. Yes, I will marry you.. I love you mahal.. Huhuhuhu.." natatawa niyang sabi at nagtilian naman sila Dayang at Eve. Hindi naman magkamayaw sa pagpalakpak sila Cloude, Inay, Itay at sila Lito. At hinalikan ko siya sa labi sa harap nilang lahat. . . Later that night.. "San nanggaling tong cake e wala naman tayo dala niyan?" nagtatakang tanong ni Chel. "Secret.. Tanungin mo si Eve kung paano niya naipuslit yan.." nakangiting sabi ni Dayang. "Ang sarap, Dayang! Gawa mo ba to?" tanong ko naman. . "Oo naman, Hon! Wala ka ba tiwala sa akin? Awayin mo nga yan bes.." sumbong niya kay Chel. "Hoy panget! Wag mo inaaway bes ko ah.. Baka masaktan ka namin.." sakay niya sa biro ni Dayang. At nagtawanan kami ulit. . . Sa kwarto.. "Mahal, sobrang saya ko pa rin.. Para akong lumulutang.. Salamat.." sabi ni Chel nun magkayakap na kami sa kwarto. "I'm glad.. Kahit naman ako, sobrang saya ko rin.. Para kasing sobrang informal nun una ako nag propose sayo dati.. Pero ngayon, feeling ko, wala ka na talaga kawala.. Matutuloy na talaga ang kasal natin.." masaya kong sabi. "Parang hindi ko maimagine na capable akong magbigay ng ganito kasobrang pagmamahal.. Wala na ata ako mahihiling pa kundi matuloy na yun kasal natin at tumagal ang pagsasama natin hanggang tumanda tayo.." tumulo ulit ang luha niya. "I'll make sure that it will happen, my pretty.. Mahal na mahal din kita.." malambing kong tugon. "Umayos ka ng higa mahal.. Gusto ko matulog on top of you tonight.." nakangiti niyang sabi bago pumatong sa akin at yumakap para matulog. . . . Ilang buwan pa ang matuling lumipas hanggang sumapit ang araw ng kasal namin. May ilan linggo na rin kaming abala sa pag aayos at pagfinalize ng mga details sa kasal. Kahit si Dayang na Maid of Honor ni Chel ay hindi na mapakali sa dami naming inaasikaso. Ang bestman ko? Ayun, nagdidribble sa labas. Oo, napagkasunduan namin na gawing Maid of Honor si Dayang at Bestman si Cloude. Ang kapatid naman ni Chel ay ginawa niyang abay. . "Mahal, finally!! This is our day!!!" masayang sabi ni Chel. "Oo nga e.. Parang napakatagal nang hinintay natin.. Pero this is it.. Just you and me.." malambing kong sabi "Just you and me.. I love you.." tugon naman niya sabay halik sa labi ko. . "Wala na yatang mas sasaya pa sa araw na to mahal.." masigla niyang sabi sabay yakap sa braso ko. "You think?" sabi ko sabay kindat sa kanya. "Me binabalak ka naman naman.. Sabihin mo na sa akin.." sabi niya. "Basta surprise ko sayo yun.. Isipin mo na lang, wedding gift ko sa yo, my wife.." malambing kong sabi. "Waaaahhhh... Nacurious ako mahal.. Sabihin mo na.." pilit niya sa akin. . "Hoy tama na yan lovebirds at aayusan na to si bes!" awat sa min ni Dayang. "Cloude, baby, go take a bath na rin at sabay kayo ni Tito mo papuntang church!" baling naman nito kay Cloude. "Yes mom.." kamot ulo na lang nito . . Nauna na nga kami sa simbahan. Napakaganda ng paligid.. Napakaraming bulaklak at palamuti ang buong paligid kahit mula pa sa labas hanggang sa loob. Napakabango rin ng simoy ng hangin dahil sa dami ng bulaklak.. Habang naghihintay kina Chel ay namataan ko agad ang kapatid niya. "O Chloe, asan na sila?" taong ko dito. "Nandiyan na kuya. Hinihintay lang si ate sa labas." masayang sabi nito. "Thank you.." sabi ko saka ako humalik sa pisngi nito. . . Pagdating ni Chel ay nagpalakpakan na ang lahat.. Napakaganda niya sa suot niyang wedding dress na may mahabang train.. Siya na yata ang pinaka magandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko nung mga sandaling iyon.. Kahit hindi mapigil umagos ang mga luha sa mga mata niya ay kitang kita ang labis labis na kasiyahan sa kanya.. Paano nga ba naman siya hindi sasaya.. I got her the perfect gift for this special occasion.. Nakumbinse ko ang Daddy niyang ihatid siya sa harap ng altar.. . "Take care of my daughter.. And if ever you need help, you know where to find me. Thank you, Erwin. Thank you for everything you've done for her.." seryosong sabi ng Daddy niya bago iabot sa akin ang kamay niya. "Makakaasa po kayo. I'll do everything I can to take care of Chel, and I'm gonna love her for the rest of my life. Thanks, sir." tugon ko. "Just call me dad." nakangiting sabi nito sabay tapik sa balikat ko. Napangiti rin ako. Kahit ang mommy niya ay hindi mapigil ang luha sa sobrang saya. Kaya paglapit ng daddy niya dito ay mabilis din itong yumakap sa braso at sumandal dito. . "How did you that, mahal? Paano mo naconvince si daddy to come here?" tanong niya habang naghihitay ng queue para lumakad na kami. Ngumiti lang ako. "It's for me, your mom, and Chloe to know, and for you to find out. And remind me nga pala, I owe Chloe one, big time.." biro ko sa kanya. Kinurot niya ako sa tagiliran. . . Pagkatapos ng ceremony ay dumiretso na kami sa reception. Umiikot kami sa lahat ng mga bisita para magpasalamat sa pagpunta nang mamataan namin sila beki. "Hey! Buti nakarating kayo. Nagkita na kayo ni Dayang?" bati ko dito. "Oo, nagkita na kami. Oi congrats daddy! Ang gwapo mo today! Bagay na bagay kayo ni Chel.. O Chel, inihahabilin ko na sa yo si daddy ko ah.. Alagaan mo yan, kundi, babawiin ko siya sayo!" biro nito. At nagtawanan lahat pati sila boss, kuya at mga iba pang tropa. . "Pare, hindi pa rin ako makapaniwala.. Biruin mo, hindi nga kayo nagkatuluyan ni Dayang, pero itong si kumareng Chel naman ang nahuli mo sa dulo! Ibang klase ka talaga.. San ka ba nakakakuha ng ganyan kagagaganda?" biro ni pareng Balong. "Congrats pare, kumagat ka na sa patibong." biro naman ni pareng Deng "Sayang, wala si pareng Loy, sigurado iiyak yun.." biro rin ni pareng estong. At natawa na din si pareng Arvin. . "Tatay! Nanay! Buti po nakarating kayo?" bati ko sa mga magulang ni Dayang. "Ay siyempre, ikaw pa ba ang hihindian namin. Congrats sa inyo! Mag sama kayong masaya at nagtutulungan lagi.." masayang sabi ni Tatay. "Nandito lang kami para sa inyong dalawa. Wag kayong mahihiyang lumapit.." masayang sabi naman ni Nanay. "Maraming salamat po!" sagot namin bago kami nagmano sa dalawa. . "Anak, halikayo dito't nang makilala kayo nila Konsehal!" masayang tawag ni Itay na halatang nagsisimula nang mag-inom. "O Konsi, eto anak ko, si Erwin. Eto naman ang pinaka bago kong anak, si Chel.. Maganda pareho boses niyan. Pag me kasiyahan ka, imbitahan mo na lang tong dalawang to para makatipid ka. Hahahaha.." masayang pakilala niya sa amin. Napakamot na lang kami sa ulo mag-asawa habang nagtatawanan sila sa mesa. Umikot pa kami para magpasalamat sa mga pumunta. Kahit ang mga nakabatch namin sa seasonal project ay may ilan ding nakapunta. . . Nang matapos ang program at nakakain na rin lahat ay unti unti na ring nag-aalisan ang mga bisita. Namataan ko si Dayang na nagliligpit pa ng ilang ginamit sa program. "Lapitan ko lang si Dayang, mahal. Wait lang ah?" paalam ko ke Chel. "Sure." masaya niyang sagot. . "Dayang, tama na yan. Pahinga ka na.. Sila na maglilinis niyan.." sabi ko sabay alis ng hawak niyang kahon sa kamay niya. Nakita kong me luha sa mga mata niya. "O, why are there tears?" sabi ko sabay harap ng mukha niya sa akin para punasan ang luha niya. "I am just so happy for you and Chel, Hon.. Feeling ko ang saya saya ko para sa inyong dalawa.. Kung dati lagi akong me lingering thoughts na magkabalikan pa tayo ulit.. Pero ngayon, I am genuinely happy.. And ang sarap sa pakiramdam.. Parang napakagaan na ng pakiramdam ko ngayon.. Ang wish ko na lang is sana hindi mawala yun friendship natin.. And sana maging part pa rin kami ni Cloude ng buhay mo.. Niyong dalawa ni Chel.. I love you both.." at tuluyan na siyang humagulgol. . "Of course, hindi ba nga family tayo? Extended family pa rin namin kayo, no matter what happens.. We love you too.." sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Maya maya pa ay umiiyak na rin si Chel habang nakayakap sa likod ko. Kaya kinuha ko siya and isinama sa yakap namin ni Dayang. "Hey, wait for me! Sali ako!!" sigaw ni Cloude. "Ako din kuya!!" si Eve naman. And our hug became a group of five hugs. . . Pagdating namin sa bahay ay napakahabang mesa ang nakalatag ni Itay. Ang dami ring seafoods na nakahain pang pulutan. Hindi ko na nakita yun family ni Chel dun dahil umuwi na daw at may flight kinabukasan ang daddy niya. Dapat nga daw ay kanina pa yun, pero nagpa-adjust para maihatid siya sa altar. Sila Itay at Tatay naman ay masayang nagkukwentuhan kasama ang mga kaedaran nila sa gitna ng mahabang mesa. Sila Inay at Nanay ay nasa bintana ay masaya ring nagkukwentuhan. . "Iwan na natin sila dito, mahal." bulong ko kay Chel. "Napagod ka na mahal? Tara, masahihin kita.." lambing niya. "Hindi, hindi pa ako tapos sa pagpapakilig sa yo today.." nakangiti kong sabi sabay kindat. "Pag yan bastos mahal, hindi ka makakaisa sa kin tonight!" biro niya "Hahahah.. Hindi bastos to.. I'm sure you'll love this.." bulong ko sa kanya. . Nagpaalam kami at sinabihan si Dayang na aalis na kami. "Sige hon, ako na bahala dito. Ingat kayo." paalam nito sabay halik sa pisngi namin pareho. . "O, suot mo to." sabi ko sabay abot ng panyo kay Chel habang nagdadrive kami. "Ano gagawin ko dito, mapupuno ng makeup to mahal.." sabi niya. "Piringan mo mata mo. Hindi mo pwede makita surprise ko hanggat nandun na tayo.." sabi ko. "Ang daming pakulo.." nakangiti niyang angal. "Bakit, ayaw mo ba ng mga surprise ko?" biro ko. "Gusto. I love them all.. Sige na magtatakip na ng mata.." sabi niya. . "Ayan.. Hindi mo kasi dapat makita kung saan ang baryo ng mga aswang.." biro ko. "MAHAL!!! Sinasabi ko sayo, wag mong sabihing kakakasal lang natin.. Bahala ka jan, tatanggalin ko na to.." maktol niya. . "Hahahahaha.. Joke lang! Namiss ko yang mga maktol mong ganyan.. . Hays.. Who would have thought na parang nagbabahay bahayan lang tayo dati, tapos ngayon asawa na kita.. . And we are also capable of supporting ourselves dahil sa pagututulungan natin dalawa.." masaya kong sabi. . "And nakuha mo na rin ang puri ko.. Hindi ka na nakatiis maghintay ng kasal bago mo ako pinagsamantalahan.." biglang biro ko. "Mahal!! Ang ganda na e.. Hahahaha.. Ang siraulo mo talaga.. Kakagatin kita jan kahit nakapiring ako, alam ko kung nasan ka.." ganti niya. "Sigurado ka bang ako ang katabi mo!!" pananakot ko habang nagmomodulate ng boses. "Hahahaha.. Hindi ka nakakatakot mahal.. Si mike enriquez kaboses mo hindi si noli de castro!" biro niya . "Ahh ganun ba.. Hahahaha.. I'm so happy, Chel.. Today is the start of us living as husband and wife..." buong lambing kong sabi sabay hawak sa kamay niya. Pinisil niya rin ang kamay ko. . . Ilang saglit pa ay narating na rin namin ang destinasyon namin. Inakay ko siya papalapit at tumigil kami sa harap mismo ng pinto nito. Saka ko dahan dahan tinanggal ang piring niya. . "San to? San tayo mahal?" tanong niya dahil nahihirapan pa mag-adjust sa liwanag. "Yun resort ba natin to mahal??!!! Wow!! Bakit me cabana na agad dito??!!" masayang niyang bulas nang malaman kung nasaan kami. "Tara nga dito, layo tayo ng konti para makita ko ng buo.." sabi niya sabay hila sa kin palayo. "Eto nga!! Design ko to mahal!!! Waaahhhhh... Naiiyak na naman ako.. Kaya pala ayaw mo ako isama dito saka uwi ka ng uwi mag-isa ah.. Ang ganda mahal.. Thank you.." sabi niya at umiiyak na naman. . "Hindi ba sabi mo, ang romantic kung dito natin gagawin ang honeymoon natin.. Here it is! Nagpauna na ako ng isang model unit para me magamit tayo tonight." malambing kong sabi. "Wag ka mag-alala alam na ni aling Julie to, hindi niya tayo tatagain ng trespassing sign." pahabol kong biro . "Wala na ako masabi mahal.. Sinagad mo na ang capability kong maging happy today.. Hindi lang memorable ginawa mo sa wedding day natin.. Pinasaya mo ako beyond measure.. Lumagpas na sa heart ang happiness ko.. Thank you so much.." seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mukha ko. Saka ako hinalikan.. . "Hindi ka ba nahihiya na makita tayo ng ibang tao?" nakangiti kong tanong. "Hayaan mo sila.. Wala naman tayong inaapakang ibang tao.. At totoo namang mahal natin ang isa't isa.." nakangiti niyang sabi saka ako ulit hinalikan.. The End.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD