Ed Epilogue

1371 Words
ED EPILOGUE . . Ilang taon ang mabilis lumipas.. Maganda naman ang takbo ng mga business namin ni Chel. Naipasok na rin namin ang products namin sa international market at nag-eexport na rin kami ng mga minamanufacture namin. . Nagboom rin ang seafood business namin nila Itay and mas marami na kaming hawak na restaurants ngayon. Nagbabagsak pa rin naman kami sa mga local markets, pero mostly sa mga food establishments na talaga. . Halos tapos na rin gawin ang resort. Marami nang nakakaalam at dumadayo para mag-bakasyon. Sinunod namin ang design ni Chel na mga cabana sa paligid at may malaking Entertainment Space sa gitna na nakaharap sa dagat. Dito pwedeng kumain, uminom at magsaya ang mga guests. Pag summer at maraming guests ay nagpapalive band din kami bukod sa always available na videoke. . Nagtayo nga rin pala ng business nila ang dalawang mag BFF na Chel at Dayang. Mayroon na silang boutique kung saan nila tinitinda yun mga damit na galing mismo sa mga nagpapatahi. Mayroon din silang tindang mga imported na products galing sa Hongkong, Taiwan at Vietnam. Bumabiyahe kami every now and then para mamili ng mga paninda nila. Mostly si Dayang ang nagmamanage nun, pero halos nandun din naman lagi si Chel dahil BFF na nga sila. Ewan ko lang kung kumikita sila dun dahil sila rin atang dalawa ang umuubos ng tinda nila. Napakarami nilang damit pareho. . ARRAAAAYYY!!!! Joke lang mahal.. Pinapatawa ko lang sila.. Ang sakit mo talaga mangurot.. Ayusin mo kasi! Sinisiraan mo pa kami akala mo naman me fans ka jan sa kwento mo! -Chel . Si Chel nga pala, ang misis ko. Eto buntis na ulit sa pangatlo naming baby.. Meron na kaming boy, si AnJrey Zion. Pangalawa si AnJreya Eden, girl. Tapos wala pa gender tong pinakabago naming angel. Oo, hindi na namin pinagsama ang names namin dahil nababaduyan daw si Chel.. Ewan ko ba dito, walang sense of humor. AAARRRAAAYYY!!! Joke lang!! Bakit ang bilis ng kamay mo sa kurutan!! Bilisan mo na jan at hindi pa naliligo mga anak mo. -Chel Eto na nga, Epilogue na nga lang e.. . . San na ba ako? Ayun, masaya naman ang pagsasama naming mag-asawa, bukod sa madalas niyang pagkurot sa akin.. Oh.. Wait!! Mangungurot ka na naman, joke lang. Peace na. Ayusin mo na, mahal.. Paliguan mo na sila AnJrey.. -Chel Opo, patapos na to. . . Edi ayun nga, masaya naman kami sa buhay mag-asawa namin. Napatunayan namin na kailangan namin ang isa't isa para maging masaya araw araw.. Sabi nga nila Itay, lagi kaming magtutulungan para lalong umunlad ang aming buhay. Kaya mahal na mahal ko tong asawa ko e.. Bukod sa paganda siya ng paganda everyday.. Yan ah, bawing bawi na.. Bati na tayo.. Pakiss na.. MWAH!!! . Mas okay na rin ngayon ang communication nila Chel at ng family niya. Kahit paminsan minsan ay nakakadalaw kami sa kanila para makita nila dad at mom ang mga apo nila. Halatang sabik din sa mga bata ang mga ito dahil kami lang ata ang dumadalaw dun na may dalang bata. Si Chloe, tapos na rin mag-aral. Pero malayo sa construction ang kinuha niyang course para siguro hindi siya ang kulitin ni dad na magpatuloy sa business niya. . Okay din naman na sila Itay at Inay, gumanda lalo buhay nila dun nung lumakas ang seafoods business nila. May mga kasama na rin sila sa bahay para makatulong nila sa mga gawain dahil hindi na rin naman sila bumabata. Si Lito, malapit na rin mag-graduate. Nakakatulong na nga sa amin nun itinatayo pa lang yun mga structure sa resort. Pagkatapos daw niya ay yun isa naman niya kapatid ang pag-aaralin niya. . Sila Tatay at Nanay ay okay rin ang buhay. Tinulungan namin sila mag establish ng market para mailuwas ng Manila yun mga gulay at prutas nila para hindi naman sayang. Si Dayang ang kumakausap sa mga babagsakan nila dito sa Manila. . Speaking of Dayang, she's doing great. Bumalik na ng tuluyan ang dati niyang ganda. Pati yun dati niyang figure ay naibalik na rin niya. Kaya marami na ulit umaaligid sa kanya. Ewan ko ba dun, ang daming manliligaw pero wala sinasagot kahit isa. Gusto na lang ata tumanda ng dalaga. Joke lang, I'm sure darating din yun para talaga sa kanya. . Si Cloude naman, ang panganay ko sa turing ay nag-aaral na ulit sa isang university dito sa atin. Dahil natural na matalino ay hindi naman siya nahirapan mag adjust ulit sa style ng pag-aaral dito. Naka guide naman kaming lahat sa kanya. Mommy niya, mga lolo't lola niya pati kami ng Tita Chel niya. Habang tumatagal rin ay nakukuha na niya talaga yun style ko sa paglalaro ng basketball. Kuhang kuha na niya yung shooting form ko at pumapalag na nang shootout sa akin. Natatalo na nga ako minsan. May bagong hugot na si Tatay konting panahon na lang. Pinagtatry-out ko na nga sa school nila, kaso mas gusto niya daw mag focus sa studies niya. Sa mga paliga na lang daw siya sasali pag bakasyon. Me pinagmanahan talagang poging Tito. . At si Eve. Siyempre, pwede ba naman nating kalimutan si Eve e part of the family yun.. Nakatagpo na rin ng lovelife ang lola mo. And guess who? Anak ni Aling Julie. Si Jaime. Dun na kasi namin siya pinag stay sa resort para siya mag manage pag wala kami. Hindi na rin naman kasi kailangan ni Cloude ng yaya at binata na. Hopefully magkatuluyan at sila na ang mangalaga ng resort. . . O ayan, tapos na. Asan na ba ang makukulit na babies na yan at nang mapaliguan na? Oo nga noh, kaya pala apat na babies ang nakita ko nun nawalan ako ng malay. Apat na babies pala talaga ang maiaambag ko sa earth. Itong tatlo naming angels ni Chel, saka si Ate nila. Si Heaven. Lagi pa rin namin siyang ipinagdarasal ng mommy niya at ng Kuya niya. Pati na rin ang Tita Chel niya. I'm sure she's guiding us from above kaya hindi kami masyadong nahihirapan sa buhay. Love you nak! Mahal, parating na sila. Hindi ka na nakakilos jan.. - Chel. Eto na po mahal kong esposa. Tatayo na. Hanggang dito nalang ako guys! Salamat sa pagbasa! Please hit like and subscribe! LOL . . . . . December 24th evening.. "Mahal pakibuhat naman tong malaking kaserola, please. Isasalin ko na yun murcon sa lalagyan para lumamig." pakisuyo ni Chel. "Sure! Buti nahingi nyo kay Ninang Kule recipe niyan.." tugon ko. "Kami pa ba, hon e favorite suki kami nun.." nakangiting sabi naman ni Dayang. . "Tito, can I go outside and play with Aries and Botchok?" paalam ni Cloude. "Magbabike kayo? E ang liit na ng bike mo sayo.." sagot ko. "Pwede na yun tito, nasasakyan ko pa naman e." sabi niya. . "Akyat ka muna sa room niyo ng mommy mo, me surprise ang Tita mo sayo." nakangiti kong sabi. Nagmamadali naman itong tumakbo paakyat. . "Naku, naka-budol na naman sa inyong dalawa yun bata na yun.." masayang sabi ni Dayang. "Okay lang yun bes, ang tataas ng grades nun.. Reward niya yun.." nakangiting sagot ni Chel. "Wow!! Sa akin talaga tong roadbike??!!! Thank you, Tito! Tita!! Thank you, mommy!! MWAH!!!" masayang sabi nito. "Wag ka na muna mag cleats, pag sanay ka na sa bike na yan saka natin palitan ang pedals." sabi ko naman. . "Ingat kayo ah! Wag kayo lalabas ng village!" bilin pa ni Dayang bago lumabas si Cloude. "Yes mommy!" sigaw nito. "Thanks, baby!" sigaw naman ni Dayang. "Mom!!!" inis na sigaw nito. Tawanan kaming tatlo. . . At nung gabi nga na yun ay salo salo kaming lahat kumain ng mga inihanda namin. Kaming mag-asawa at ang dalawa naming angels. Si Dayang at si Cloude. Saka sila Inay at Itay na gabi na rin ng dumating. Isang malaking family. Magulo man ang mga nangyari sa buhay namin, pero nanatili kaming matatag at nagtitiwala sa isa't isa. Nagdadamayan at hindi hinahayaang may maiwan kahit sino. Kaya kahit pakonti konti ay nagtatagumpay kaming lahat sa buhay.. Kahit mahirap ang mga hamon ng buhay, alam naming kaya naming suungin dahil sama sama kami. Nagtutulungan at nagmamahalan.. THE END.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD