ED EP 4
.
.
Nasaan na naman ako?
Bakit ang liwanag?
Kaninong kwarto to?
Ang daming toys..
Baka nursery..
.
Sino tong apat na bata na to?
Ang cucute ah..
Daig ang pa yung nasa commercial ng pulbos..
Puro kulot saka tisoyin..
Kasing pogi ko..
Hahaha..
.
Makisali kaya ako sa kanila..
Ang gaan ng pakiramdam ko..
Para akong lumulutang..
Nakasayad ba paa ko sa lupa?
Bakit wala akong paa? Bakit ako nakasaya??
At bakit walang lupa?
.
Wow, ang saya nila.. Puzzles..
Gusto kong sumali..
O bakit tatayo agad kayo kakarating ko lang..
Ahh, hugging game..
Okay.. Group hug sa mga cute babies!
.
Hey, why are you pushing me?
Hey! Don't push me!
Shoot, may edge pala to platform na to..
Kala ko ko patag lang..
Pero wala naman ako makita sa ilalim..
Parang blurry lang siya.
.
Tama na, kids!
Stop pushing!
May fear of heights ako!!!
.
At nagtatawanan pa talaga kayo?
Kung hindi lang kayo cute, pinatulan ko na kayo..
.
Kiss? Sige..
Aba marunong magbless!
Mababait na babies..
Oh, bless tapos kiss..
Next..
Bless tapos kiss..
.
O babay agad?
Ayaw nyo na magplay?
.
Teka, push na naman?
Tama na, mahuhulog na ako..
Wala ako parachute!
Bakit ang lalakas niyo??!!
.
Wait..
WAaaaaaiiit!!!!
.
.
.
Mukha ni Chel ang bumungad sa akin nang magmulat ako ng mata.
"Good morning my pretty.." bati ko sa kanya.
"Anong morning? Gabi na ulit mahal.." naluluha niyang sabi sa akin sabay kiss sa pisngi ko.
At may narinig akong tawanan.
Pag-ikot ko ng paningin ko ay nandun sila Inay, Itay at ang mga tropa.
Nakita ko rin sila Dayang at Cloude.
"Ano ginagawa niyo rito?" tanong ko sa kanila.
"E nasaan ka ba?" tanong naman ni Inay.
Inikot ko ulit ang mata ko.
"Hindi natin kwarto to, Chel. Asan tayo?
Nasaan na yung mga babies?" nagtataka kong tanong.
"Anong babies? Nandito tayo sa hospital Mahal, nawalan ka na naman ng malay kagabi.." naiiyak na sabi ni Chel.
"O wag ka na umiyak.. Pipikit ulit ako, sige.." biro ko sa kanya.
"Subukan mo lang bubugbugin na talaga kita.." natatawa pero naluluha niyang sabi.
At nagtawanan sila lahat.
.
Ilang saglit pa..
"Paano mo ako nadala rito?" tanong ko sa kanya nun naguwian na yung iba.
"Hindi ko rin alam kung paano kita nabuhat pasakay ng kotse mahal.." natatawang sabi ni Chel.
"Chel, una na din kami.. Gumagabi na.." paalam ni Dayang.
"Are you sure? Pwede naman kayong magstay, me bed na nakaready jan.." tugon ni Chel.
"Hindi na, sa bahay na kami matutulog. Balik na lang kami ulit bukas." tanggi nito.
"O sige, tara hatid ko na kayo sa baba.." alok ni Chel
"Okay na kami, just stay with him.
Ed, una na kami. Pagaling ka kaagad ah.. Babalik kami bukas.. Me gusto ka ba kainin?" paalam niya sa akin.
"Ikaw." parang reflex ko nasabi.
Napangiti naman siya.
"Umayos ka jan yari ka ke Chel.." nakangiti niyang sabi sabay beso ke Chel.
"Bye, Tito.. Get well soon.. Bastketball tayo pag galing mo.." sabi naman ni Cloude.
"You got it, buddy! Stay awesome!" sagot ko sabay fist bump dito.
.
.
"Siya pala gusto mo kainin ah.." tampo ni Chel sabay kurot sa kin nang dalawa na lang kami.
"Hindi, reflex lang yun kasi biruan namin dati yun.. Alam mo naman ikaw ang mahal ko.." lambing ko.
"Wag ka na. Dun ka na ke Dayang, magkainan kayo.." tampo pa rin niya.
Napangiti naman ako.
.
"Ang cute mo talaga magtampo.. Bakit gusto mo ba ikaw ang kainin ko?" biro ko
"Ang manyak mo mahal, bahala ka jan.." nakasimangot pa rin siya.
"E ano ba gusto ng mahal ko? Lika nga rito.. Hindi kita mayakap.. Hahahah.." natatawa kong sabi.
"E bakit ka kasi nagjojoke ng ganun sa kanya.. Hindi na nga kita pinagdadamot, tapos me ganyan pa.." parang naiiyak niyang sabi.
"O, wag kang iiyak, pipikit ako sige.." biro ko ulit.
"EEEhhhh.. Mahal naman e.. Ang daya mo.." sabi niya sabay subsob sa dibdib ko.
.
"O sige na po, sorry na. I shouldn't have said that joke. Basta na lng kasi lumabas out of reflex. Pero tama ka naman, inappropriate yun.. Okay na po ba tayo?" paghingi ko ng tawad sa kanya.
"Basta mahal.. Ako lang dapat.." at hindi niya itinuloy ang sasabihin niya.
"Ikaw lang dapat ang ano? Ang kakainin ko?" biro ko ulit.
"Mahal! Ang bibig mo naman e!
Oo, gusto ko ako lang. Sa akin mo lang gagawin lahat yun." maktol pa rin niya.
"Okay! Pag-uwi natin, kakainin na kita." patuloy kong pang aasar.
"Mahal!!! Naiinis na ako sayo.." natatawa na niyang sabi.
"Bakit ba? Hindi na kita maintindihan, gusto mo ba dito na? Ang wild mo ah.." biro pa.
"Hahahahahah.. Napaka siraulo mo talaga! Rumerex navarete ka na naman! Hindi ka na nga makagalaw jan!" tumatawa na siya finally.
.
"Yan ganyan.. Wag ka na magseselos.. Alam mo kasi, nagpromise kami nun ni Dayang na if ever na hindi man magwork yun romantic relationship namin, we'll still continue as friends.. Kaya ganun.. Kaya nga sobrang friendly rin niya sa yo..
Saka ikaw naman pakakasalan ko in a few weeks time, diba? My future wife? Kaya tigilan mo na yan. Wala kang reason to be jealous. Pati ang puri ko nakahanda na for you." sabi ko at natawa naman siya.
"Oo na.. Pero masisisi mo ba ako? E ang ganda kaya ni Dayang. Kahit may pinagdadanan, parang artista.. Tapos yun past nyo pa.. Hindi ka naman magkakaganun kung hindi mo siya minahal ng todo.." paliwanag naman niya.
"Chel alam mo, hindi ka dapat nagiisip ng ganyan.. Alam kong sobrang gwapo ko, feeling mo hindi ka deserving sa ganito kakisig na gaya ko.. Pero tandaan mo, ikaw ang pinili ko dahil ikaw ang mahal ko!" biro ko ulit dito.
"Hhahahahaha... Umandar na naman tong si super gwapo.. Oo na nga, ikaw na pinakagwapo sa buong universe!
Hays.. Bakit ba ikaw pa ang napili ko.. Magkakalaglag ata mga ngipin ko pagtanda ko kakatawa sayo.." sabi niya.
"At least masaya ka. Nakapustiso pero masaya. Di kagaya ng ibang mga lola. Hindi nila kayang magsaya dahil lalabas ang gilagid nila!" patuloy kong biro.
"Hahhahahaha.. Tama na mahal... Nasasapian ka na naman ni dolphy..
But I'm glad ganyan ka..
That means that you're back.." sabi niya sa saka buong lambing na tumabi sa akin sa kama.
.
"Pwede ba yan? Bakit mo ako tinatabihan? Pakitawag mo nga yun nurse at tatanungin ko lang yung mga rights ko dito as a patient.." biro ko ulit
"Mahal tama na.. Iihian talaga kita pag di ka pa tumigil.. Ang sakit na naman ng panga ko sayo.." pakiusap niya habang tumatawa.
"Me isa pa akong alam na dahilan kung bakit sumasakit ang panga ng mga babae bukod sa sobrang pagtawa." sabi ko.
Biglang nanlaki ang mga mata niya at pinaghahampas ako.
.
"Ang bastos mo mahal!!! Hahahaha.." sabi niya.
"Kumain ka ng maraming kalamay! Ano ba iniisip mo? Ikaw yata ang bastos e.." bawi ko naman.
Tawa siya ng tawa.
.
"But seriously, thanks for always taking care of me, Chel.." malambing kong sabi.
"HHhhhmmmm Siyempre naman mahal.. Lagi kitang aalagaan.." tugon niya..
"Hay... Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili ng Yaya.." biro ko ulit at pinagkukurot niya ako.
"Hahhaahahha.. Akala ko tapos ka na.. Kakagatin na talaga kita.. Gusto mo ba dalawa tayong maospital?" sabi niya
.
"Wag na ako na lang.. Ayaw kitang maospital.." sabi ko.
"Awee.. " reaksiyon niya.
"Tamad akong mag-alaga, ayokong maging Yaya." biro ko ulit.
At tuluyan na niya akong kinagat sa tiyan habang tawa siya ng tawa.
"AArraayyy!!!" sigaw ko.
.
.
.
Vasovagal Syncope.
Yan naman daw ang nangyari sa akin. Ang usual causes daw ay overwhelming stress, anxiety, or strong emotional upset.
Tapos ay nagreact daw ang katawan ko sa nangyari sa akin a few months back kaya tumagal ng almost 1 day yun wala akong malay. Nagfull body reset daw pati brains ko kaya ganun.
.
.
Hindi naman kami nagtagal ni Chel sa hospital. After a few days lang ay nakauwi na rin kami.
"O e ano ang balak niyo?" tanong sa amin ni Itay habang magkakaharap kami kumakain.
"Ayun nga po, baka i-postpone po muna namin yun kasal hanggang umayos ang kalagayan nito ni Mahal.." paliwanag ni Chel.
"E kayo masusunod, kasal niyo naman yan. Hamo't kami na ang magsasabi sa mga kamag anak natin kung ano nangyari." sagot nito.
"Yung mga inihanda nyo po baboy at baka, hindi po ba kayo malulugi dun? Babayaran na lang po namin." tanong ni Chel.
"Ano bang babayaran ang sinasabi mo? Yan pagpapagaling diyan sa asawa mo ang asikasuhin mo at kami na ang bahala dun ng Inay mo." sagot nito sabay gulo sa buhok ni Chel.
"Me mga dinala kaming gulay at isda diyan, yun ang pagkakainin niyong dalawa at nang lumakas ang katawan ninyo." si Inay.
"Naihabilin ko na rin kayo ke mareng Kule na tingnan tingnan kayo rito. Nagdala rin kami ng seafoods dun e." patuloy pa nito.
.
.
"O e paano, kami'y lalakad na rin at malayo pa biyahe namin." paalam ni Itay sa amin.
"O e akala ko po me dala kayong sasakyan? E bat kayo lalakad?" biro ko.
Natawa naman si Itay.
"Ako'y tigil tigilan mo muna diyan sa kalokohan mo't asikasuhin mo yang pagpapalakas ng katawan mo! Kababata mo pa e, papahina ka na." pangaral nito sa akin
"Gawan niyo na muna kami ng apo, kahit saka na kayo magpakasal!" biro niya.
.
"O narinig mo yun Chel, gumawa na raw tayo ng apo nila.. Bitawan mo na yan si Inay at tara na sa kwarto" biro ko naman.
"Hahaha.. Umandar na naman tong si Panchito!" ganti ni Inay habang parang ayaw na magbitiw ang dalawa ni Chel.
"Naku ganyan po yan Inay, pag sinumpong, nakikiusap na po ako ayaw talaga tumigil kahit masakit na panga ko." sumbong ni Chel dito.
"Ay hayaan mo na anak. Mabuti at pinatatawa ka, at hindi ka pinapaiyak. Isumbong mo sa kin pag pinaiyak ka't ako kakastigo diyan." nakangiting sagot naman nito.
"Sige po Inay, Itay! Ingat po kayo!" paalam namin ni Chel sa kanila bago sila umalis.