ED EP 3
.
.
"Good morning Hon!" masiglang bati ni Dayang sabay halik sa pisngi ko.
"Good morning.. How's your sleep? Nakatulog ka ba ng mahaba?" kamusta ko dito.
"Amazing! I don't think I've ever had a sleep that peaceful in years.. Thank you!" nakangiti nitong tugon.
"That's nice! Ah, Dayang, si Chel nga pala.." pakilala ko sa kanila.
.
"I know, your girlfriend.. Alam ko na kagabi pa. Hindi ko lang sure kung totoo ba kayo or nag hahallucinate na naman ako.. Hahahah.." tugon niya.
"Hi Chel, nice to meet you! Sorry to have met you in such a state.. I'm such a mess.." baling niya kay Chel.
"How did you know she is my girlfriend?" curious kong tanong.
.
"Come on, Hon! I've seen how you look at her. That's exactly how you look at me when we were together," nakangiti niyang sabi.
"Nice to meet you too, Diana. Totoo nga sinabi ni Ed, napakaganda mo nga pala talaga.. Para kang artista.." namumulang tugon ni Chel.
"Thank you! I'm sure you're just saying that to compliment me, but I'll take it. And please call me Dayang, we're family! Ed's family is my family too," nakangiti nitong sabi.
"And you are very pretty yourself! Mukha kang manika.. Sobrang cute ng face mo.. You gotta let me work some makeup on you someday.. Papatuluin natin laway nitong si Ed.." magiliw niyang patuloy.
"E kaso, ayaw naman niyan ng me makeup!" sumbong ni Chel dito.
"I know.. Matanda na kasi yang lolo mo kaya ganyan yan, galit sa blush-on at maskara.." sabi pa nito
"Nagkaroon pa yata ng kampihan dito.." biro ko
At nagtawanan silang dalawa.
.
"Nga pala, Dayang, me dala kami para sa inyo ni Cloude. I'm sure you missed this.." sabi ko sabay labas ni Chel ng mga Fried Itik namin na dala.
"WOW!!! Namiss ko talaga to!!! Thank you Hon!!!" masaya niyang sabi sabay yakap sa akin.
Napatingin tuloy agad ako ke Chel. Tumango lang naman siya.
.
"Hey Cloude, baby! Look at what your Tito brought us.." tawag nito sa anak.
"Wow! Fried Itik, Tito? Thank you!!! I really missed that!" masaya ring sabi nito pagpasok ng bahay.
"Bring this to the kitchen please, ihanda niyo ni Ate Eve mo para lunch natin.. Thanks, baby!" utos ni Dayang dito na sinunod naman agad.
"Mom, can you please stop calling me baby? I'm almost taller than you!" angal nito.
"Nope, you're my baby until your twenty.." biro nito sa anak sabay halik sa pisngi nito.
"Love you baby!" pahabol pa nito.
"I love you, too, mom.." sagot naman ni Cloude habang nagkakamot ng ulo.
.
"Ang sweet nyo mag mommy, para lang kayong magkapatid.." nakangiting puna ni Chel.
"Oo nga e, saka ang bilis niya lumaki.. Naalala mo hon bago kami umalis, halos sa dibdib ko lang siya. Ngayon kasing tangkad ko na! Hahahaha.." tugon naman ni Dayang.
.
"How time flies.. E kayo, kamusta naman kayo dito? How's your business?" tanong nito.
"Ayun, nagthrive naman yun business. Naipasok na namin sa mga main markets dito and meron na rin kaming resellers sa provinces. Manufacturing na nagiging issue dahil sa demand ng stocks. Pero siyempre, yung ganung problema ang gusto nating pinoproblema.." kwento ko dito.
"Meron ding kaming nakuhang property ni Chel na balak naming gawing resort soon.. Maganda dun, magugustuhan niyo ni Cloude dun.." dagdag ko.
"We'd love to go there! Sabihan niyo lang kami kung kelan pwede, sasama talaga kami sa inyo.." masaya niyang tugon.
.
"Speaking of resorts,kamusta pala sila Itay mo sa beach house?" tanong niya ulit.
"Ayus naman, ayun, me napundar na rin kaming dalawang freezer vans na pinanghahango ng seafoods ni Itay tapos dinadala dito sa Manila. Si Inay naman, ganun pa rin. Hindi maawat kakagalaw sa bahay. Buti nga, gumaling agad yun sakit niya dati..
Eto si Chel ang bago niyang favorite nun nawala ka. Dito naman tinuturo mga recipes niya.." kwento ko naman.
"Talaga? nice!! Awweee.. namiss ko tuloy si Inay.. Ang lambing kaya nun, feeling ko talaga anak niya ako..
Naturo na niya ba sa iyo yun fish na may kamias niya? Ang sarap nun!" masayang sabi niya kay Chel.
"Ay oo, favorite ko rin yun, Dayang!! Magkakasundo tayo jan.." masayang sagot din nito at nag high five pa sila.
"Ipinagluto ka rin ba niya ng gulay na hindi lasang gulay?" tanong pa ni Dayang.
"Yung ginataang sitaw at kalabasa?" maluwang ang ngiting tugon ni Chel at nag high five na naman sila bago nagbubungisngisan.
"Uhurrmmm.. Maiwan ko na ba kayo dito? Mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa e.." biro ko.
"Hahahaha.. Ganito ba talaga ka KJ tong BF mo, Chel?" biro ni Dayang.
"Aba malay ko, sayo galing yan e, sinalvage ko lang.." biro naman ni Chel
At nagtawanan kaming tatlo.
.
.
Habang kumakain kaming lima napuna ko ang pagiging sobrang tahimik ni Chel.
"Hey, ang tahimik mo yata masyado.." bulong ko sa kanya.
"Wala, hindi ko lang magets kung ano nararamdaman ko.. Mamaya kwento ko sayo mahal. Kain ka muna, subuan kita?" sagot niya sabay alok ng pagkain sa kutsara niya.
Binuka ko naman ang bibig ko para tanggapin yun.
Nakatingin din si Cloude.
.
Pagkatapos kumain ay pinauna kami ni Chel sa sala.
"Sige na mahal, samahan mo muna si Dayang dun. Kami na ni Eve bahala dito." taboy nito sa akin.
"Okay, if you say so.." nasabi ko na lang.
.
.
Nang maiwan kaming dalawa sa sala ay sumandig agad si Dayang sa balikat ko.
"I missed you, Hon.. Akala ko hindi ko na kakayanin..
Yun memories na lang natin ang nagsesave sa sanity ko e..
Kahit wala ka na sa tabi ko, alaala mo pa rin ang nasa isip ko..
Kaya ayokong bumitaw..
Nagbabakasakaling makita pa kita ulit..
Kahit hindi mo man ako mapatawad..
Basta makita lang kita..
At makapag sorry sayo..
I am so sorry, Hon..
Hindi ko talaga alam..
Huhuhuhu.." at tuluyan na ulit siyang umiyak.
.
"Hey.. Wag ka muna umiyak.. Hindi kita maintindihan e..
Bakit ka ba sorry ng sorry? Kung tungkol to dun sa pagkakahiwalay natin, wag mo na isipin yun, okay?
Hindi ako nagalit sa yo. I am sure you have a reason why you chose to do that..
We're good, okay? Wag ka na umiyak.." alo ko sa kanya.
"Its not that Hon.. I lost our baby.. Huhuhuhuhuhuhu" at lumakas na lalo ang iyak niya.
.
.
.
Natigilan naman ako.
Hindi ko alam ang sasabihin ko..
Ang gagawin ko..
.
.
"W-We had baby?" wala sa sariling tanong ko.
"We did.. Pero hindi ko rin alam.. Hindi ko alam na buntis ako nun umalis kami ni Cloude.. Nalaman ko lang nun nahulog ako sa hagdan at kinailangan ako dalhin sa hospital..
Ayun nga, sabi nila, wala na daw si baby.. Huhuhuu..
I am sorry, hon.. I am so sorry..." hagulgol niya.
Hindi ko na rin napigil ang pagtulo ng luha ko.. Napayakap na rin ako sa kanya habang sabay kaming umiiyak..
Naramdaman ko rin si Chel na yumakap sa kin sa likod at umiiyak..
.
.
.
Matagal kami sa ganoong eksena.. Walang nagsasalita.. Tahimik lang na umiiyak ang bawat isa..
.
Nang makabawi na ako ng konti ay inayos ko ang sarili ko.
"Don't worry about it, Dayang.. We'll pray for her.. I'm sure she's happy wherever she is right now," pag-alo ko sa kanya.
"Hindi ka galit sa akin? Napatay ko ang baby natin hon.. Wala na siya.. Huhuhuhu.." humagulgol ulit si Dayang.
.
Inangat ko ang mukha niya para magkita kami sa mata.
"Hey, look at me.. Hindi ako galit sayo, okay? Hindi mo kasalanan yun.. I am sure that you will never do anything like that, especially not to our baby," seryoso kong sabi sabay yakap sa kanya.
"HUhuhuhuhu.. I'm sorry hon.. Sorry..." patuloy niyang pag-iyak.
"Tama na.. We'll get through this.. All of us.." sabi ko habang hinihimas ang likod niya.
Hinihimas naman din ni Chel ang likod ko habang patuloy rin sa pag-iyak ng tahimik.
.
.
Nang humupa ang mga luha ay tumayo ako para ikuha sila ng tubig.
Pagbalik ko ay magkayakap na silang dalawa.
"Thanks, Chel.. Thanks for understanding.. Salamat at hindi mo pinagdadamot si Ed kahit hindi na kami.. It's just that he is the only one who can help me right now..." sabi ni Dayang.
"I understand.. Nakita ko rin ang struggles ni Ed kaya ayokong mangyari rin sa yo yun.. Just let me know kung ano pa magagawa namin, I'm willling to help.." sabi naman ni Chel.
"Thank you.. Thank you, Chel.. You have no idea what this means to me..." seryosong sabi ni Dayang.
"O inom muna kayo ng tubig at baka madehydrate na kayo kakaiyak niyo.." biro ko.
"Akala mo naman siya hindi rin umiyak.." biro naman ni Chel
At natawa kaming tatlo.
.
.
"Just hold tight, Dayang. Andito ako, kami, kung kailangan mo kami.. Magsabi ka lang.. And please talk to us, wag mong sarilinin yan. Hindi ka makakarecover sa ganun.." payo ko sa kanya.
"Also, keep away from alcohol or any substance na nagpapakalma sa iyo.. Akala mo lang it helps, pero temporary numbness lang ang makukuha mo dun.. Kaya madali kang mahook at ma-addict.. Trust me, I know.." payo ko pa.
"Okay, I will.. Thank you.. Both of you.. At least now I know na may kakampi ako.. I can start thinking how I want to live my life moving forward..." mahinang sabi ni Dayang.
Pinisil ko naman ang kamay ni Chel dahil narinig ko na rin sa kanya yun dati. Napangiti naman siya.
.
Ilang saglit pa..
"Are you okay now, Dayang?" tanong ni Chel.
"I'm better than yesterday, thank you Chel.. Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko..
Salamat din Hon kasi hindi mo ako kinasuklaman.. Akala ko hindi mo na ako matatanggap dahil sa nangyari.." parang maiiyak ulit si Dayang.
"Oh, iiyak ka na naman e.. Wag na please? Okay na nga tayo e. Hindi ako galit sayo and wag ka magalit sa sarili mo.. It's not your fault.. Let's just pray for Heaven's soul.." sabi ko.
"Heaven?" takang tanong ni Dayang.
"Let's just call her Heaven para me identity siya. And also, I think that's where she is right now..." seryoso kong sabi.
"Ang bilis mo naman mag-isip ng pangalan hon.. Di mo ako inform.." nagbibiro na ng konti si Dayang.
"Naku ganyan yan, Dayang. Yun itinanim naming puno sa may talampas, pinangalanan niya rin." dagdag naman ni Chel.
"Hahaha.. Ang cute.. Anong name niya?" tanong nito.
"Erchel daw para both our names together. Ang korni. Hahahaha.." kwento ni Chel sabay pisil sa ilong ko.
"Ang cute kaya, Erchel.. I like that..
Sana nga masaya si Heaven kung nasaan man siya ngayon..
Sana maging masaya ang life niya, kahit hindi na niya ako patawarin.." si Dayang.
"Hey, don't say that.. I'm sure she can hear us right now and nalulungkot siya to see you like this.. Alam niyang hindi mo ginusto ang nangyari and alam niyang mahal mo siya, kahit saglit mo lang siya dinala..
So please stop blaming yourself, okay? Just stop it, please?" pakiusap ko sa kanya habang nakaluhod sa harap niya.
"Okay.. Thanks, Hon.." sabi niya saka yumakap sa akin. Kaya niyakap ko na rin siya.
Naramdaman ko naman si Chel na yumakap sa likod ko.
.
.
.
Pagkauwi namin..
"Are you okay, mahal? Ano gusto mo paghahanda kita.." tanong ni Chel.
"I'm okay, Chel.. Thank you.." matipid kong sagot.
Yumakap siya sa akin paharap saka ako tinitigan.
"Are you sure? You can tell me anything, mahal.. Ayoko magipon ka na naman ng bad cargo diyan sa puso mo.. You can cry if you want.. I'll cry with you..." sabi niya.
.
.
At hindi ko na ulit napigil ang mga luha ko na kusang tumulo.
"It's gonna be okay, mahal..
Baka hindi pa rin talaga tamang time for her to live in this cruel world..
I'm sure Heaven is so proud looking at what you've become..
She's happy na hindi mo pinapabayaan ang mommy niya.." umiiyak na sabi ni Chel habang hinihimas ang likod ko
.
.
.
"MAHAL!!!!!"
Ang sigaw na iyon ni Chel ang huli kong naalala bago nagdilim ang lahat.