ED EP 2
.
.
Habang nagdadrive kami pauwi ni Chel..
"Parang grabeng trauma ang tumama sa mag-ina ni Dayang mahal.. Awang awa ako sa kanila.. Naiiyak din tuloy ako.." malungkot na sabi niya habang parang maluluha na naman.
"O wag kana umiyak, please..Dadagdag ka pa e, ikaw na nga lang kakampi ko.." sabi ko sa kanya.
"Hindi na po Mr. Saviour.." sabi niya sabay ngumiti.
"Iba rin ang dating mo sa family nila, para talagang ikaw yun man of the house nun nandun tayo. Kahit si Eve iba respeto sayo.. Kung hindi malungkot yun ambience baka nagselos ako e.." sabi pa niya.
"Thanks, Chel.. Thank you for keeping an open mind about this.. I know it's not easy, especially may past kami ni Dayang.." sabi ko naman.
"It's okay mahal.. Naiintindihan ko naman kung bakit kailangan mong gawin yun..
Wag ka mag-alala, tutulungan pa rin kita. Ganun kita kamahal!" siya naman.
"Hahahah.. Na touch naman ako dun.. I-touch mo pa nga ako.. Dun naman, dun.." sabay nguso sa baba ko.
"Hahahahah.. Pitikin ko ulit yan, gusto mo?" biro niya.
"Bad girl!" ganti ko.
.
"Pero seriously, kitang kita ko kung gaano ka kamahal ng mga tao dun, lalo yun mag-ina nila Cloude at Dayang. Ramdam ko yung pagiging family niyo kanina. Parang tatay talaga tingin sayo ni Cloude no?" tanong niya.
"Sorta.. daddy-tito tawag sa akin dati nun.. Saka mahilig rin sa basketball yun, magkakasundo kayo." sagot ko.
"That's nice.. Tapos si Dayang, halatang halatang mahal na mahal ka pa rin niya.. Parang gusto na ako paalisin para solohin ka e! Alam kaya niya kung ano mo ako?" tanong niya ulit.
"Hmmmm.. Not sure. Parang lutang siya sa sobrang stress ng pinagdaanan saka sa nainom niyang wine e.. Based sa experience ko, malamang hindi siya sure if what happened today is real or just a dream.. Ganun ako dati e.. Hirap na ako i-distinguish kung alin ang reality vs sa mundong nabubuo ko sa isip ko.." paliwanag ko sa kanya.
"Uhmm ganun pala yun.. Nakakatakot pala yung ganun, parang border na ng mental disorder yun ah.." sabi niya.
"Actually, it already is. Pero bihira lang kasi ang nagtetake nun seriously.. Lalo dito sa tin na hindi naniniwala sa depression, sasabihan ka lang ng tamad, walang ambisyon, lasenggero.. Kesa alamin ang root cause bakit ka nagkakaganun.." paliwanag ko ulit.
.
"Okay.. ganun pala.. Pero, I'm proud of you, mahal. Kasi kaya mo nang pagusapan tong mga to nang hindi ka na natitrigger malungkot bigla. Hindi na nagbabago bigla ang aura mo.." Nakangiti niyang sabi.
"Siyempre naman.. Magaling kaya ang therapist ko.." sabi ko sabay kindat.
"Sino ba yan?" kunyari hindi niya alam
"Yun future wife ko.." nakangiti kong sabi.
"Yyyiihhh... Kinilig ako dun mahal, pero slight lang.." natatawa niyang sabi.
.
.
After a few more minutes..
"Bakit?" tanong ko dahil nakatitig lang siya sa kin.
"Wala, na-gwagwapuhan lang ako sayo" nakangiti niyang sabi.
"Sus, ever since naman, poging pogi ka sa akin.. What's new.. Kaya kabado ako lagi pag-uwi e.. Baka bigla mo na lang samantalahin ang kahinaan ko.." biro ko.
"Hahahhaha.. Umatake na naman tong si Mr Pogi e! Kelan ka kaya matatauhan?" tumatawa niyang sabi.
"Bakit hindi ba totoo?" biro ko ulit.
"Hindi yang pagmumukha mo ang kinainlovean ko ng todo, yun pagkatao mo ang gwapong gwapo.. Bilisan mo na nga magdrive jan.." sagot niya.
"Bakit, nasi-CR ka na?" tanong ko.
"Hindi, gusto kitang laplapin sa kitchen counter." tumatawa na niyang hirit.
"Language, Chel, language! I'm so disappointed.. Di kita ganyan pinalaki, I mean pinatanda pala. Hindi ka nga pala lumaki.." biro ko sa kanya.
Hindi na naman siya magkamayaw sa kakatawa habang pinagkukukurot ako kung saan saan.
.
.
And true enough, pagdating namin sa bahay ay nasa kusina na agad kami. Nakapatong si Chel sa counter habang nasa harap niya ako at hinahalikan siya.
"Hhhhhmmmmmm.. Sige pa mahal.. Ang sarap diyan.." ungol niya habang hinahalikan ko sa bandang leeg.
"Ang bango mo Chel.. hhhmmmm.. gusto ko ikaw ang naaamoy ko gabi gabi bago matulog.." bulong ko sa kanya.
"I'm all yours mahal.. All of me.. Ooohhhhh.." ungol niya nang umabot ang kamay ko sa pang-upo niya.
Hindi na ako napagpigil at kinalas ko ang butones ng pants niya.
Saka ko siya tiningnan sa mata..
.
"I'm all yours mahal.. Hindi kita pipigilan sa kung ano man ang gusto mong gawin natin.. Pero isipin mo rin yun gusto natin mangyari.. Ilan weeks nalang yun.." nakangiti niyang sabi.
"Hhhhrrrrr... Peer pressure..." gigil kong sabi
Tawa naman siya ng tawa.
.
"Talikod ka mahal, pasan mo ako sa room tapos massage na lang kita.. Then I'll sleep on top of you.. Gusto mo yun, di ba?" sabi niya bago humalik sa labi ko.
"Yes, Chel.. I would love that.." sagot ko sabay talikod para pasanin siya.
.
.
.
Kinabukasan ay medyo late na rin kami nagising ni Chel. Inabutan ko siya nagluluto ng breakfast.
"O bakit nagluto ka ata ng breakfast ngayon? Usually coffee lang tayo di ba?" tanong ko sa kanya.
"Good morning mahal.. E kasi naisip ko baka ginutom ko sa mga nangyari kahapon, kaya ginawan kita nito. Puto kawali Inay's recipe.." proud niyang sabi.
"Good morning.. Ang sweet naman ng wife ko.. Pakiss nga.." sabi ko sabay nguso.
"Nagtoothbrush ka na ba?" biro niya.
"Is this my first day being with you?" sagot ko bago ko siya hinawakan sa bewang at hinalikan.
"Hhhhmmmm.. sarap, lasang toothpaste.. Hahahaha.." sabi niya.
.
.
After a few minutes..
"Kain ka na mahal, kinancel ko muna yun visit natin sa manufacturing mo. Sinabihan ko na si Jerry na re-sched na lang muna. Balikan na lang muna natin si Dayang to check on her.." nag-aalalang sabi niya.
Napangiti naman ako.
.
"Ang swerte ko sayo no? Sobrang maasikaso, maaalalahanin, mapagmahal.. Pati dapat trabaho ng secretary, ikaw na rin.. Just perfect.." malambing kong sabi.
"Kaya hindi ako nagkamali ilaan ang puri ko sayo e.." sabay bawi kong pabiro.
.
"Hahahaha.. Okay na mahal e.. Ang ganda na.. Dinagdagan mo pa ng puri mong hindi ko alam kung nag-eexist..
Siyempre naman, di ba nga I'll do anything to make you happy.." masaya niyang tugon.
"Anything daw, pero ayaw magpa slam dunk, puro dribble ang gusto.." biro ko pa.
"Who says ayaw ko?" pilya niyang sabi.
.
"Gusto ko na rin mahal, kaya wag mo akong sisihin dahil pareho nating ginusto na gawin yun promise natin.." nakangiti niyang sabi.
"Joke lang.. Patikim nga niyan subuan mo nga ako niyan puto kawali mo. Baka mas masarap yan kesa sa puto kawali ko." bawi ko naman sabay nganga.
Natawa naman siya pero sinubuan pa rin ako.
.
.
Habang nagdadrive kami papunta kina Dayang.
"Mahal! Di ba sabi mo favorite nila ang Fried Itik? Dalhan kaya natin sila para sumaya sila.." suggestion niya.
"Sige, try natin kung bukas na yun bilihan. Alam ko kasi, hapon pa yun nagbubukas e." sagot ko.
"E ikaw, what do you want?" tanong ko naman sa kanya.
"Wala, katabi ko na." palambing niya.
"Wassshhuuuu.. Nagpapakilig ang future wife ko ah.. E kung ikaw kaya pakiligin ko.." nakangisi kong tugon.
"Hahahaha.. No need.. Kahit hindi mo ako pakiligin masaya na ako kasama ka, mahal." sabi niya.
"Talaga? Kahit bigyan kita nito?" sabi ko sabay labas ng isang plastic na may tatlong manggang hilaw.
.
"WAAAAAHHHHHH!!!!! Thank you mahal!!! Nagke-crave talaga ako dito.." masayang masaya niyang bulas.
"San ka bumili nito?? E magkasama tayo?" nagtatakang tanong niya.
"Who said na binili ko yan? Ninakaw ko kina Aling Virgie yan.. Nakalawit kasi sa kalsada ang mga bunga.." sabi ko.
"Hahahaha.. Siraulo ka mahal, baka sumakit tiyan ko dito ah.." tawa niya.
"Joke lang, nanghingi naman ako, kaya nga nakaplastic.. Hindi na ako tirador ng mangga ngayon.. Buraot na lang. Hahahah.." tumatawa kong sagot.
.
"Mahal, itabi mo saglit." sabi niya.
"Bakit? Na cr ka? balik muna tayo sa bahay.." sabi ko.
"Hindi, I want to kiss you." malapad ang ngiti niyang sabi.
Napangiti rin ako at pinagbigyan siya.
.
.
Pagdating namin kina Dayang..
"Good morning Tito, Tita Chel!" masayang bungad sa ni Cloude na nagdidribble ng bola sa garahe nila.
"Good morning, buddy! Where's your mom? Is she feeling better?" tanong ko.
"A bit better, Tito. Let's go inside." aya niya sa amin.
.
"Good morning Kuya! Ayun, mas maganda gising ni ate ngayon. Hindi wine ang hinanap, nagkape saka kumain tapos ayun, naligo ng maaga. Palabas na yun, wait nyo na lang. Kape po?" masaya rin nitong bati sa amin.
"Sige, thank you, tapos na kami mag kape. Mabuti naman kung ganun. Konti na lang napagkamalan ko na siyang taong grasa kagabi." biro ko.
"Ay sinabi mo pa kuya.. Bumawi bawi na nga yan e.. Lalo nun first week nila dito, akala talaga namin bibigay na.. Buti me naibigay kami na nagustuhan naman niya.." kwento nito.
"Anong naman binigay nyo? Baka drugs yan ah, papatokhang kita Eve.." biro ko dito.
"Hahahaha.. Si kuya! Hindi, lika tingnan mo to.." sabi niya sabay aya sa akin sa pwesto ni Dayang kagabi.
.
"I-It's my shirt..." mahina kong sabi.
"Iniabot ni Cloude nun isang linggo, ayun medyo kumalma. Inaamoy amoy niya lang yan saka hinahaplos haplos sa mukha niya.." parang naiiyak ulit siya.
"O wag ka na umiyak, magsisimula na naman e.. Sige na, balik ka na sa ginagawa mo at okay na kami rito. Hintayin na lang namin siya lumabas." pigil ko rito.
"Salamat kuya.." pero lumuha pa rin to saka yumakap sa akin.
"Okay na.. Wag ka na umiyak.. Aayusin natin to.. All of us.." alo ko naman dito.
.
Ilang saglit pa ay lumabas na rin si Dayang..
Bagong ligo at maayos ang suot..
Medyo basa pa ang buhok habang sinusuklay niya..
Parang nakabawi na rin sa tulog kahit konti dahil hindi na ganun kalalim ang mga mata niya.
Bumalik kahit paano ang natural niyang ganda..
"Good morning Hon!" masiglang bati nito sabay halik sa pisngi ko.