ED EP 1
.
.
"C-C-Cloude??!!" gulat kong tanong nang makita kung sino ang bisita namin ni Chel sa bahay.
"TITO!!!!" sigaw nito nang makita ako at tumakbo para yumakap sa akin.
.
Halos hindi ko siya nakilala. Ang laki kaagad ng pinagbago niya. Kung dati ay halos sa bewang ko lang siya ay nasa dibdib ko na kaagad siya katangkad!
Medyo pumayat rin siya, pero normal naman siguro yun dahil nga tumangkad siya.
.
"Hey, what happened buddy? Why are you here? Where's your mommy? Are you okay?" sunod sunod na tanong ko sa kanya habang umiiyak siya.
"Mahal o, painumin mo muna ng tubig, kanina pa umiiyak yan.." sabi ni Chel.
"Cloude, buddy, calm down.. I'm here for you.. It's gonna be okay..
Inom ka muna ng tubig oh.." alo ko dito.
.
Hinayaan ko muna siyang umiyak dahil mukhang malalim ang pinaggalingan ng iyak niya. Kahit na gigil na gigil na akong magtanong ay pinigilan ko muna ang sarili ko.
Mga ilang minuto pa siyang umiyak bago dahan dahan humupa ang paghikbi.
"It's okay, buddy. I'm here.. Drink some water, it will calm you down." sabi ko habang hinihimas ang likod niya.
"It's my mom, Tito.." pinipilit niyang magsimula kahit patuloy ang tulo ng luha
"Why, what happened? Is she okay?" nag-aalala kong tanong.
"No, she's not. I tried everything to help her, but she just won't come back.. Huhuhu.." iyak ulit niya.
"What do you mean? Where is she? Did she came back with you?" tanong ko habang hinihimas ulit ang likod niya.
Pati si Chel ay nakikihimas na rin sa likod niya para pakalmahin siya.
.
"She's at home.. Ate Eve is with her.. We can't leave her alone, or she might do something to herself.. Please, Tito, help her!! I don't know what else to do!!" lalong lumakas ang iyak nito.
"Hey buddy, I'm here.. I'll help her, don't worry about it.. But I need you to calm down first.. We can't go and help her until you are calm," sabi ko sa kanya.
"I'm sorry, Tito. I just can't help it. I just can't bear looking at her like that.. Please save her.. Please.." papahina na ang iyak nito
.
"Puntahan na kaya natin siya mahal?" suggestion ni Chel.
"Are you sure?" tanong ko sa kanya.
"E tingnan mo naman tong bata, kawawa naman.. Para lang at least alam natin kung ano nangyari sa kanila" naiiyak na ring tugon ni Chel.
"Okay. Wait for us here, buddy. Magbibihis lang kami, then puntahan natin si mommy mo, okay?" sabi ko dito.
"Okay, Tito, thanks.." parang nanghihina nang tugon nito.
.
.
Sa kwarto..
"Are you sure it's okay na samahan mo kami to check on Dayang?" tanong ko ke Chel.
"E hindi ko naman kayang tiisin yung bata mahal, tingnan mo naman.. Saka wag mo na akong tanungin ng ganyan, kung gusto mong tulungan sila, edi gusto ko rin.. Di ba nga tayong dalawa?" sagot niya.
Kahit nag-aalala ay napangiti ako sa sinabi niya.
"Thank you Chel.. You're really an angel.." sabi ko sabay yakap na ginantihan naman niya.
.
.
Sa sasakyan.
"Paano ka nga pala nakapunta dito mag-isa?" tanong ko ke Cloude sa rear view.
"Ate Eve booked me a grab car to get to your place. Saka medyo natatandaan ko pa naman yun sa inyo Tito.." parang nanlalambot niyang sagot habang nakasandal kay Chel.
Sa likod ko na pinaupo yun dalawa para may katabi si Cloude.
.
"Do you want to tell me what happened? Bakit kayo umuwi ng mommy mo agad? Hindi pa tapos ang studies mo ah.. Buti pumayag si Gerard?" sunod sunod kong tanong.
"I am glad that we are back here, Tito. Maganda lang yun itsura ng place dun, pero it was hell.. Especially Gerard's family.. They treat us like trash.." at nagsimula na naman siyang umiyak.
"Mamaya mo na tanungin ulit, mahal. Pagod na pagod na yung bata.. Pagpahingahin mo muna.." nag-aalalang sabi ni Chel.
At nakatulog nga si Cloude habang bumabiyahe kami pauwi sa kanila.
.
.
Pagdating sa kanila ay nauna na akong bumaba dahil natutulog nga si Cloude sa lap ni Chel.
Pagsilip ko ay parang me nakita akong tao sa corner ng garden nila.
Nakaupo sa garden chair, may hawak na baso ng wine at nakatanaw sa malayo.
"D-D-Dayang??" mahina kong sabi.
Tumingin ito sa akin pero bumalik rin sa pagtingin sa malayo.
Nilapitan ko na ito para makasigurado sa nakikita ko.
Si Dayang nga ito.. Ang babaeng sinamba ko..
Pero parang napakapayat niya ngayon..
Nandun pa rin naman ang ganda niya at nangungusap na mata pero..
Kitang kita ang pagkahumpak ng pisngi..
Parang natuyot ang balat niyang dati ay walang kasing kinis..
Parang wala rin siya sa kanyang sarili..
.
"Dayang.. Is that you?" tanong ko dito nang tuluyan na akong makalapit.
"H-H-Hon?? Hon? HONNN!!!!!!!" sigaw nito nang makilala ako at halos madapa sa pagpunta sa akin.
Agad itong yumakap sa akin ng mahigpit at umatungal ng iyak.
.
"HOONNN!!!! I'M SO SORRY.. HUHUHUHU...." halos nagwawala na nitong iyak sa dibdib ko.
"It's okay, Dayang.. I'm here.. I'm really here.. I got you.." sabi ko sa kanya kahit parang naiiyak na rin ako.
Pagtingin ko sa paligid ay nakatingin na sa amin sila Chel at Cloude habang umiiyak.
Pati na rin si Eve na kakalabas lang galing sa loob ng bahay.
Me mga kapitbahay na ring nakasilip sa mga gate nila dahil sa lakas ng iyak ni Dayang.
.
"Hon, I'm sorry... I'm very sorry.. I didn't know.. Huhuhuhuhu.." patuloy niyang hagulgol.
"Hey.. It's okay.. Don't worry about it.. I am here for you.. Let me take you inside, okay?" sabi ko sabay akay sa kanya papasok ng bahay
.
.
Pagdating sa loob ay inupo ko muna siya sa sofa kahit halos ayaw na niyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin.
"Pakisarado muna yun pinto, Chel, please. Nakatingin ang mga kapitbahay.." pakiusap ko.
"Eve, pakisamahan muna si Cloude sa room niya, okay lang? Kami na muna bahala dito ke Dayang.." baling ko naman kay Eve na umiiyak din.
"Sige po, kuya. Salamat." sabi nito bago inakay si Cloude papasok ng kwarto.
.
"Dayang,wait for me here, okay? Ikukuha lang kita ng tubig.." paalam ko dito.
"No.. Don't leave me.. Please.." pakiusap nito sa kin.
Kaya sinenyasan ko na lang si Chel na kumuha ng tubig.
.
"It's okay, Dayang.. You're home safe now.. Andito na ako oh.. I'm glad to see you again," alo ko dito.
"I'm sorry Hon... I'm so sorryyy.. Huhuhuuhhu" patuloy nitong pag-iyak.
"It's okay.. Cry as hard as you want.. Ilabas mo na yan.. Para mamaya makapag kwentuhan na tayo.." sabi ko pa
.
.
May kalahating oras pa yata siyang umiiyak bago dahan dahang bumagal ang pag hikbi.
"Are you good? Inom ka muna ng tubig para makahinga ka ng ayos.. Tingnan mo, nagpuputik na yun mukha mo oh.. Nababawasan ang kagandahan mo.." sinubukan ko siyang biruin.
"HUhuhuhuhu" umiyak na naman siya kaya kinurot ako ni Chel.
.
Inabutan ako ni Chel ng tissue para punasan ang mukha ni Dayang. Uminom na rin ito ng tubig matapos mapunasan ang mukha niya.
"Hon, I'm sorry.. Hindi ko talaga alam.. Kung alam ko lang hindi na sana kami umalis ni Cloude.. Edi sana.. Huhuhuhu.." umiyak na naman siya.
"Hey, It's okay.. Wag mo na muna isipin yun.. Ang mahalaga, nandito ka na ulit.. Whatever that is, pinapatawad na kita.. We're good.. Okay?" try ko ulit siya pakalmahin.
"You don't understand, Ed.. You can't just forgive me like that.. It's all my fault.. I'm so sorry.. Huhuhuhu.." lumakas ulit ang iyak niya.
Sumenyas sa kin si Chel na wag na lang muna magsalita para makakalma si Dayang.
.
.
Nang medyo kalmado na siya..
"Gusto mo muna sa room mo para makapagpahiga ka ng maayos.. Nakarami ka rin yata ng wine e.. Tara sa room mo, massage kita.." sabi ko dito.
"Thanks, Hon.." sagot nito sabay taas ng kamay, gaya ng dati pag nagpapakarga siya.
Tumingin muna ako ke Chel na parang humihingi ng permiso.
Tumango naman ito kaya kinarga ko si Dayang papasok ng kwarto niya.
.
She definitely got lighter..
Mas mabigat pa ng konti si Chel sa kanya e mas maliit si Chel..
.
Pagdating sa kwarto ay inihiga ko siya kaagad sa kama niya at inayusan ng unan at kumot.
"Hon, massage mo ako sa head please.." lambing niya.
"Of course.. " sabi ko sabay sinimulang masahihin ang ulo niya.
"Sarap niyan Hon.. Namiss ko yan.. sobra.. Thank you.." sabi niya.
"Sige lang, enjoy mo lang hanggang makatulog ka.." sabi ko naman.
"Namimiss ko na rin ang boses mo pag kinakantahan mo ako.. Kantahan mo ako hon, please.." pakiusap nito.
Tumingin muna ulit ako ke Chel, at pagtango niya ay nagsimula akong kumanta.
Kusa namang lumabas ng kwarto si Chel para hindi na maging awkward ang sitwasyon.
.
.
"O, tulog na si mommy mo, let her sleep okay? Pag hinanap ako, sabihin nyo, we'll come back tomorrow..
Sabihin niyo bawal siya uminom ng wine sabi ko..
And sabihan niyo agad ako pag me nangyari.. Alam mo naman number ko, diba, Eve?" bilin ko sa dalawa.
"Opo kuya, naka save naman sa akin." sagot nito.
"Thanks, Tito. For taking care of my mom.." sabi ni Cloude na parang naiiyak na naman.
.
"Hey, hey! Don't cry.. Your mom needs you now.. Don't let her see you crying, kasi malulungkot lalo yun.. Ano ba yun turo ko sayo dati?" sabi ko dito.
"Always be awesome.." nakangiti nitong tugon.
"Now is your chance to show it, buddy," nakangiti kong sabi dito sabay fist bump.