bc

From Kulungan With Love (COMPLETED)

book_age16+
1.0K
FOLLOW
20.5K
READ
second chance
arrogant
badboy
sensitive
comedy
bxg
bully
enimies to lovers
rejected
cruel
like
intro-logo
Blurb

This story is a tribute to our dear brothers and sisters inside the cell.

Sila man din ay may karapatang mahalin at magmahal. Karamihan ay gustong magbago at mamuhay ng tahimik.

Tunghayan po natin ang makuwelang love story ni Ella at ni Pedro the Preso.

chap-preview
Free preview
Part 1
"Ano? Dala mo na ba?" tanong ng payat na lalaki sa kaibigan habang nagsusulat sa isang yellow paper, palinga-linga ito sa likuran. "Andito na." Inilabas ng kausap ang isang picture na halatang pinunit lang sa kalahati. Pagkatapos ipagsama ang tinuping papel at picture sa loob ng puting sobre ay ibinigay sa lalaking naka-duty sa opisina. "Boss, pakidikit na lang, ha. Pakisigurado na maisali sa ilalabas." Tumango naman ang sinabihan. "Ano? Tara na, mayayari tayo 'pag nakita tayo dito," sabi ng payat at magkasabay na umalis doon ang magkaibigan. *** NAGKAGULO ang kumpol ng mga kalalakihan sa canteen nang bumangga sa isang mesa ang may katangkarang lalaki habang sapo ang tagiliran. Ang mukha ay napuno na ng butil-butil na pawis at nakangiwi. Malaki ang pangangatawan nito at balot ng tattoo ang magkabilang braso. May hikaw na kasinglaki ng isang wedding ring sa kaliwang tenga at kalbo. Kahit pilit nitong pinapatatag ang sarili ay hindi pa rin nito nalabanan ang panghihina ng katawan sanhi ng sugat na natamo. Ang bandang tiyan ng suot nitong itim na sando ay nabasa na ng kulay pulang likido. "Ugh-uh!" Ang tanging lumabas na salita sa bibig ng biktima, unti-unting dumaloy ang dugo sa bibig nito. Umingay ang buong silid nang magsitayuan ang mga kumakain. "Chip! chip! May bumulagta dito!" Sigaw ng isa sa mga nakiusyoso. Pinalibutan na ng mga tao ang nakahandusay sa katawan. "Anong kaguluhan 'yan?!" tanong ng jail guard na naka-asul na uniform. Naglakad ito papunta kung saan ang kaguluhan pero hindi makikitaan ng pagmamadali sa kilos. "Si Isog, napuruhan!" sagot ng isa sa mga nakigulo. "Pambihira, ang laki mong tao, naisahan ka, Isog?" anang pulis na tinanggal ang radyo sa baywang at tumawag ng kasama. "Akala ko ba matinik ka?" Halos mawalan na ng ulirat ang kinakausap nito, malubha na ang habol ng hininga. Habang abala ang iba sa nagaganap, sa isang sulok ay nag-usap ang magkakaibigan. "Jackpot, Pedro! Nadali mo rin!" pabulong na siko ni Badong sa lalaki. "Umeskapo na tayo rito," bulong din ni Payat. Pasimpleng naglakad ang tatlo palayo sa canteen habang abala pa ang lahat sa nangyaring kaguluhan. "Wohoo! Da best! Idol talaga kita, Pedro. Ilang preso na ang gustong maitumba si Isog pero ikaw lang ang nakagawa," masayang sabi ni Badong na minamasa-masahe ang balikat ni Pedro. Medyo pandak tingnan si Badong sa height na five feet and three inches, may katabaan at malaki ang mga mata. "Marami na ring inagrabyado ang Isog na 'yun kaya mas mabuting mawala na siya. At least, nabawasan ang matitigas dito," sagot naman ni Payat. Katulad ng palayaw nito, payat din talaga ang lalaki, may kaputian at singkit ang mga mata. Ang sabi ay may lahi daw na intsik ang ina nito kaya ganoon ang hitsura. "Sino ba'ng isusunod natin?" tanong ni Pedro sa dalawa. "Sa ngayon, okey na muna 'yon. Palamig muna tayo kasi balita ko mag-oobserba ang mga guwardya para sa susunod na parole. Malinis ang pagkakagawa mo kaya mahihirapan silang alamin kung sino ang dumali kay Isog." Nasa basketball court sila nang sandaling iyon dahil free time. Sa isang araw, pagkatapos nilang makumpleto ang mga nakatokang gawain, may dalawang oras silang puwedeng gawin kung ano man ang gusto nila. May ilang mga presong naglalaro ng basketball sa gitna ng court, ang iba naman ay nakatungo sa hawak na baraha. May sari-sariling grupo at abala sa pakikipagkwentuhan kaya hindi maririnig ang pinag-uusapan nila. Ang pinakamalapit na grupo sa kinaroroonan nila ay nasa dalawampung metros ang layo kaya kampante sila. "Wala akong pakialam sa parol-parol na 'yan. Isusunod ko si Blue, para masira na ang peste n'yang grupo," sabi ni Pedro at hinithit ang sigarilyong nakaipit sa dalawang daliri. "Anong ibig mong sabihin? Ayaw mo bang makalabas dito? Okay lang sa'yo'ng dito na mamatay?" si Badong. "Nandito na ang buhay ko. Kaya ko namang mabuhay dito, mas masarap nga, e, libre lahat. Ano pa bang hahanapin ko? Tingnan n'yo ngayon, patambay-tambay lang ako pero may kinakain parin, may yosi pa!" saad niyang bahagyang itinaas ang hawak na sigarilyo. "Pedro, iba ang buhay sa labas, may laya ka kung ano'ng gusto mo. Ikaw lang ata ang kilala kong ayaw lumabas, e. Lahat dito araw-araw lumuluhod sa altar para mabigyan ng parole, tapos ikaw dehins?" saad ni Badong na umupo sa sementong bench katabi ni Pedro. "Naghihintay na ang fiance ko, magpapakasal kami paglabas ko. Nami-miss ko narin si inay," anitong malungkot na yumuko. "Ikaw, Yat?" "S'yempre miss ko na ang asawa at anak ko, lagi na lang akong wala tuwing pasko at sa mga birthday nila. Ikaw ba, Pedro? Ayaw mo bang makasama ulit ang pamilya mo?" Magkatagpo ang mga kilay na umiwas ng tingin si Pedro. "Wala na 'kong pamilya at wala akong pakialam kung ano'ng klaseng insekto na ang ngumangatngat sa katawan nila." Nagkatinginan si Badong at Payat pero hindi na nagsalita. Iniba na lamang nila ang topic para hindi na masira ang mood ni Pedro. *** "Uy, Payat!" tawag ng guardiya habang pinapalo ng batuta ang metal na rehas, gumawa iyon ng nakakabulabog na ingay kaya napalingon ang tinatawag mula sa pagbabasa ng libro. Napabangon naman si Pedro at Badong mula sa kama na kasalukuyang nagsa-sound trip. "Badong, may dalaw kayo," dugtong ng guardiya bago umalis. "Huwebes na pala, and'yan na'ng mag-ina ko," excited na sabi ni Payat. Tumayo ito at nag-ayos ng sarili. Gano'n din ang ginawa ni Badong. "Si Clara sigurado ang naghihintay!" si Badong na binuksan ang maliit na cabinet at kumuha ng bagong t-shirt. Pakanta-kanta pa habang nagpapahid ng kaunting gel sa buhok saka sinuklay patagilid. "Kay sarap ng may minamahal." "Naks naman! Parang dinilaan lang ng kalabaw, a!" ngingisi-ngising biro ni Payat. "Siyempre, para sa future 'to," sagot ng lalaki habang nakaharap sa salamin. Napaismid na bumalik sa pagkakahiga si Pedro, sinalpak ulit ang headphone sa tainga at pumikit. Ipinailalim ang isang kamay sa ulo. Lihim na nagpalitan ng mga tingin si Badong at Payat. Nang masigurong hindi nakadilat si Pedro ay pasimpleng ikinampay ng huli ang isang kamay para sumenyas. 'Nasaan na?' Kumibit-balikat naman si Badong. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik ang guwardiya at muling pinukpok ang rehas. "Pedro! Ikaw rin, may bisita." Kunot ang noong bumangon si Pedro at timingin sa guwardiya. Sa halos apat na taon niya sa kulungan ay ikalawang beses lang siya nakatanggap ng bisita, ang ex niya na girlfriend palang niya noon at ang abogado. Maging anino ng kanyang pamilya ay hindi man lang sumilip. Nangyari iyon noong unang buwan niya pa lang. Sa tagal niyang nanirahan sa loob ng preso, nasanay na siyang walang nakikitang kamag-anak. Ang tinuturing na lamang niyang pamilya ay ang dalawang cholokoy na kasama sa kuwarto. "Sino?" "Ella daw, penpal mo." Ang nakakunot na noo ni Pedro ay mas lalong nalukot nang marinig ang sinabi ng guwardiya. "Ano?!" "Naka-jackpot ka sa isang 'yon, a!" Nag-iwan ito ng nakakalokong ngisi bago umalis. "Ano'ng pinagsasasabi ng nog-nog na 'yon?" sabi ni Perdo na nilingon ang dalawang kaibigan. Busy-busy-han si Badong sa pagkalkal ng bag habang nakatalikod naman na nagsusuklay ng buhok si Payat. Sa mga kilos nito, bumangon ang padududa sa isip ng lalaki. Tumitig siya ng masama bago nagsalita, "Anong kagaguhan ang ginawa n'yo?" "Huh?" saad ni Payat na tumingin kay Badong saka kay Pedro. "Ano'ng kagaguhan ang ibig mong sabihin?" "May kagaguhan ba?" sabi naman ni Badong na pinilit magmukhang inosente ang hitsura. "Kayong dalawa," saad ni Pedro na pinatuwid ang daliri at tinuro ang dalawang lalaki. "Kung malaman ko lang na pinaglololoko ninyo ako, mag-goodbye na kayo sa parole ninyo." "Hala, grabe naman s'ya!" usal ni Badong. "Para sa future mo rin naman ang iniisip namin, Pedro. No harm, just love." "Ano'ng ginawa ninyo?!" "Magbihis ka na muna, Perdo, sige na. Naghihintay na si Ella sa iyo," sabi naman ni Payat. "'Tang-ina," padaskol na tumayo si Pedro sa pagkakaupo sa ibabang kama ng double deck kaya lumangitngit iyon ng malakas. "Teka lang, Pedro, relax." awat ni Payat. "Umupo ka muna."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.9K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
853.1K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K
bc

Married to a Hot Magnate

read
357.0K
bc

Reckless Hearts

read
256.7K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
27.5K
bc

Stubborn Love

read
98.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook