Part 3

1563 Words
Eleven months earlier... "Bes, hahabulin ng suklay 'yang buhok mo, 'lika ayusin natin. Ma-kikyeme na naman tayo ni Chucky n'yan," tukoy ni Lenie--ang kaibigan niyang nurse--sa bakla nilang supervisor. Magkasabay sila ng duty sa araw na iyon. Hinila siya nito malapit sa banyo ng nurse station at kumuha ng suklay sa sariling bag. "Ano ba'ng nangyari sa 'yo? Masyado bang tight ang schedule mo't hindi kana makapagsuklay man lang?" "Naglaba kasi ako before ako pumasok kaya di na 'ko nakapag-ayos." "Umupo ka nga rito," turo ni Lenie sa upuan na nasa gilid ng water dispenser. Kinalas ng babae ang tali at sinimulang suklayin ang kanyang buhok. "Ah--!" Napahawak si Ella sa anit nang makaramdam ng kirot doon. "Masakit ba? Mahina lang naman ang pagkasuklay ko." Kinapa ni Lenie ang ulo niya at saka napamulagat. "Bes! Ano 'to? Ba't ang laki ng bukol mo? Anong nangyari?" Tumayo na siya at tinali ulit ang buhok. "Nabunggo lang sa cabinet." Pum'westo siya ulit sa lamesa at ginawa ang mga patients' charts. "Bes, sinaktan ka na naman ba ni Denis?" Nang hindi siya sumagot ay inikot nito ang swivel chair na inuupuan niya at tinitigan siya sa mata. "Hanggang kailan ka magtitiis sa kanya, Ella? Hindi na pagmamahal 'yang ginagawa mo, alam mo ba?! Katangahan!" Umiwas lang siya ng tingin. Kilala nito ang boyfriend niya, nag-meet na ang dalawa nang ilang beses at alam ni Lenie kung ano ang ginagawa ni Denis sa kanya. "Huwag kang maging martyr. Hindi na uso 'yan, ano ka ba? Nurse ka, for God's sake! Makakakita ka pa ng mas mabuting tao," gigil nitong sabi at umaktong sasabunutan ang sarili. "Bad mood lang s'ya kagabi kaya n'ya nagawa 'yon." "Wooow! Bad mood lang, nambugbog na? Anong karapatan n'ya? Ano bang nagawa n'ya sayo? I-report ko s'ya kay satanas, e." "Gawin mo na iyan," turo ni Ella sa mga charts. "Baka nakakalimutan mo, charge nurse ka ngayon," aniya para maputol na ang usapan. "Tumahimik ka d'yan." Inis na ito alam n'ya. "Ella, please do yourself a favor, break-in mo na si Denis. Kung hindi, ako magre-report sa kanya sa mga pulis, tandaan mo. Ke-bait-bait mong babae, ang liit pa, ginaganyan ka niya? May bayag ba siya? Ang mga ganyang tao pagkakaalam ko ang mga duwag. Kasi hindi nila kayang ilabas ang galit sa ibang tao kasi naduduwag sila kaya babae ang pinagdidiskitahan nila! Naku talaga!" Hindi na lamang kumibo si Ella at pinagpatuloy ang ginagawa. Noong panahong iyon ay totoong may takot sa kanyang dibdib at panghihinayang sa tuwing iniisip niyang hiwalayan ni Denis. They've been together for years. Mabait naman ito at sweet, gentleman din lalo na noong bago pa lang ang kanilang relasyon. In fact, she already saw herself stading in front of the altar with him. Ngunit nang tumuntong sa pangalawang taon ang kanilang relasyon, unti-unti na itong nagbago. Nagsimula sa pagiging bugnutin kapag pagod mula sa trabaho. Hindi na sila masyadong nakakapag-usap. Napadalas na rin ang kanilang pag-aaway, halos araw-araw na.  Pero pagdating ng gabi, muli silang magbabati kapag bumangon na ang kagustuhan nitong makipag-contact sa kanya. He made love to her as if he was so inlove at walang away na nangyari. Ngunit pagdating ng umaga, bumabalik na naman ang pagkamainitin ng ulo. Ang ganoong mood ay mas lumala, lalo na noong nawalan ito ng trabaho. Doon na nga nag-umpisa ang pagbubuhat nito ng kamay sa kanya kapag nagagalit. Takot siya na baka kung makipag-break siya, kung anong gagawin nito sa kanya. Baka sa galit, ay mapatay na siya nito. Tiniis niya iyon ng mahabang panahon, pero katulad nga ng sabi nila, walang permanente sa mundo. Ang mahaba niyang pasensiya ay nalusaw hanggang sa wala nang natira. With Lenie's support, nagkalakas-loob siyang hiwalayan ang lalaki. After five months... Nakangiting nakaharap sa cellphone niya si Lenie, maya-maya ay nag-type ito. "Bes, tingnan mo, I'm so happy for them, really." Binitiwan ni Ella ang bote ng dextrose at pinagulong ang upuan palapit sa kaibigan at sinilip kung ano ang gusto nitong i-share. Wedding picture ang pinakita nito, isang garden wedding. Matamis ang pagkakangiti ng bride, nakahilig ang ulo nito sa balikat ng isang malaking lalaki. Nakasuot ito ng tube cut dirty white gown, hawak ang punpon ng white roses. Ang groom naman ay kalbo na naka three piece suit na dark gray, may nakadikit na puti ring bulaklak sa kaliwang dibdib nito. It was a picture of a real happiness, sa ngiti ng babae at sa mga namumulang mata ng lalaki na halatang kakagaling lang sa iyak, parang nararamdaman na rin niya ang saya na nasa loob ng ikinasal na pareha. "Itong lalaki, friend ng kuya ko," sabi ni Lenie. "Ah..." tango ni Ella. "Very interesting ang love story nila, alam mo ba. Kasi, 'di ba, ang kuya ko nagbakasyon ng ilang taon sa preso," anang babae na ngumisi. "Naging best friend n'ya tong lalaki roon, then itong babae penpal ni lalaki. After two years na LDR, lumabas si guy then after almost a year, nagpakasal agad sila. O 'di ba, destiny!" "Penpal? P'wede pala makipag-penpal sa preso?" tanong ni Ella habang nililista ang mga stocks na natanggap. "Aw, siguro kasi 'yon ang nangyari sa mga 'to e." Nagsimula nang magsulat sa charts si Lenie. "Nakakatakot siguro 'pag gano'n." "Well...pero sabi kasi ng kuya ko, mababait na kadalasan ang mga tao ro'n kasi nga nakatikim na ng matinding consequence sa buhay. Nagba-bible study nga raw sila every week e, 'yong iba napaka-God fearing na daw." "Talaga? Interesting. Siguro destiny talaga nila na mapunta do'n para mas mapalapit sila sa God," aniyang kinuha ang isa pang supot na may lamang stocks. "Yeah..Why don't you try?" "Hmn? Ang alin?" sabi niya na nilingon ang kaibigan. "Ang makipag-penpal sa isang inmate." "Whaaat?!" baling niya sa kaibigan. "Why not, 'di ba? Malay mo makahanap ka ng true friend doon, or...true love. Yeee!" sabi nito na kinilig. "Sabi mo nga, wala ka nang makitang matinong lalaki dito sa labas so why not try sa loob," hagikhik ni Lenie. "Ewan ko sa'yo, Lenie," sagot niya habang iiling-iling na tinapos ang sinusulat. "Anyways, I'm so happy na nagbreak na kayo ni Denis, so happy." Napangiti lang si Ella. Oo, isa iyon sa mahirap na desisyon na ginawa niya dahil minahal niya ang lalaki pero wala siyang kahit katiting na pinagsisihan sa paghihiwalay nila. *** KALALABAS lang ni Ella mula sa banyo. Tumutulo pa sa leeg niya ang tubig na mula sa basa niyang buhok. Ang puting robe niya lang ang nakatabon sa bagong ligo niyang katawan. Hawak niya ang tuwalya habang kinukuskos ang buhok gamit niyon. Nagpunta siya sa cabinet para kumuha ng damit nang makita niya ang repleksyon ng sarili sa mahabang salamin na nakadikit doon. Mataman niyang tiningnan ang sarili, saka unti-unting kinalas ang tali ng roba. Hinawi ang tela sa magkabilang balikat kaya nalaglag iyon sa paanan niya. Wala nang pasa ang katawan niya, wala na ring masakit pero ang kahungkagan sa kalooban ang pumalit. She felt alone. Well, she's literally alone. 'Kung sana may pamilya lang ako, 'yong matatawag kong akin.' Nagsimulang gumilid ang luha niya sa mga mata hanggang sa tumulo na nga iyon at dumaloy sa pisngi. Bakit naman iyon pa ang pinagkait sa kanya? Tunog ng notification ng f*******: ang gumising sa kanya mula sa pagda-drama. Pinulot niya ang robe at sinabit sa hanger, pumili ng damit at nagbihis.  Pabagsak na naupo si Ella sa kama at kinuha ang cellphone. May nag-invite lang pala sa isa sa mga friends niya na i-like ang page. 'Okay, like.' pindot niya. Naalala ni Ella ang litratong pinakita sa kanya ni Lenie sa f*******:. 'Buti pa sila.' Dahil sa bagay na iyon ay may ideyang pumasok sa kanyang isip. Binuksan niya ang google search at nag-type, ilang sandali lang ay nakita na niya ang hinahanap. PrisonerPenPal.com.ph Binuksan niya ang website. Write and connect! Make friends with our brothers and sisters inside the prison. Nag-click ulit siya, pagkatapos masagutan ang ilang katanungan ay lumabas ang listahan ng mga inmates na naghahanap ng penpals. Napangiti si Ella. "Amazing, ang dami pala nila." May field kung saan puwedeng mamili ng specific na qualification sa hinahanap na penpal at kung saang lugar. Natuwa siyang mag-scroll at basahin ang mga nakalagay sa profile ng mga ito. Kasama ng pagpapakilala sa sarili ay may mga pictures din. Nahinto ang pagscroll ni Ella nang makita ang isang punit na litrato. Kuha siguro iyon ng lumang cellphone dahil hindi pa masiyadong malinaw. Sa kabila noon, halata naman ang hitsura ng lalaki. He's quite tall, and has fit body dahil medyo bumakat pa ang braso sa manggas ng damit, medyo maputi ito. Nakasuot ng light blue polo shirt na pinaresan ng gray shorts na hindi umabot sa tuhod, nakapaloob ang isang kamay ng lalaki sa bulsa. Sa pose nito, masasabi niyang nakahawak ang isa nitong kamay sa baywang ng isang babae dahil nasisilip pa niya ang kaliwang braso ng katabi pati na ang tagiliran nito, nakadress ng itim. 'Girlfriend? Baka ang ex.' Maliwanag ang bukas ng mukha ng lalaki, he can see gentleness in his smiling eyes. Mas mataas ang kurba ng kaliwa nitong labi kesa kabila. Sa standards niya, masasabi niyang gwapo. "Anong ginawa mo? Ba't ka napunta sa loob?" kausap ni Ella sa litrato habang pinadaan ang hintuturo sa mukha ng lalaki. She decided to click the profile and scanned the content. "Marcos Peter Villano," basa niya sa pangalan ng lalaki na parang nilalasap sa bibig. "Pati pangalan tunog g'wapo," aniyang napangiti. 29 years old From San Fernando, La Union God fearing, Kind and Respectful Na-curious siya sa nabasa kaya pinindot niya ang 'more' button. Lumabas ang address at steps kung paano magpadala ng sulat para sa lalaki. Kinuha niya ang planer sa drawer katabi ng kama at sinulat ang detalye. Bukas, bibili siya ng stationery.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD