I woke up in an unfamiliar room. Tanging ilaw lamang na nagmumula sa lampshade ang nagpapaliwag ng kwartong ito. Dahan-dahan akong umupo at hinanap ang aking shoulder bag. Inabot ko ito sa bedside table at kinuha ang aking cellphone.
Am I still in Alaric's penthouse?
It's nine in the evening already. I haven't eaten anything yet, since morning. Kaya ngayon nangangasim na ang aking sikmura sapagkat wala itong kalaman-laman. I'm so hungry at panigurado'y cup noodles na naman ang kakainin ko mamaya. My family is well-known in the food industry but here I am na processed food lang ang kayang lutuin. Napapikit ako nang maalala ang panic attack ko kanina. Nakita pa talaga ito ni Alaric.
Lumabas ako ng kwarto para makauwi na at makapagpahinga. Natagpuan ko siyang naghahanda ng pagkain. Nabigla pa siya nang pagharap niya ay nakita ako. "You're awake," sambit niya na inilagay na ang isang pinggan at mga kubyertos sa lamesa.
Hindi pa ba siya kumakain? Late na ah?
"Uhm, Mr. Atkinson, sorry sa abala. G-Gan'on na talaga ako kapag nagkaka-panic attack—"
"It's not just a simple panic attack, Zara. It's also due to fatigue, dehydration and hunger. Looking at you now, you're too skinny," salaysay niya na sinuri pa ang aking katawan. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting kahihiyan.
"I-I need to go, Mr. Atkinson. Baka hinahanap na ako ni Hanni—"
"Eat," sabat niya na seryosong-seryoso akong tinitigan. His dark eyes bore into me again kagaya n'ong una ko siyang nakita sa Doomscape.
"Busog pa naman—"
"I said eat. Hindi kita paaalisin kapag hindi mo ako sinunod. Or do you want me to feed you myself, hmm?" panghahamon niya na tinaasan ako ng kilay.
Wala na akong nagawa kun'di ang lumapit sa lamesa at umupo sa hinila niyang upuan para sa akin. Umupo siya sa kaharap kong upuan at pinagmasdan ako. Nakaka-intimidate na naman ang ginagawa niyang paninitig kaya nanginginig kong pinulot ang kutsara.
"Ang konti naman," reklamo niya. Dinagdagan niya pa ang kinuha kong kanin at nilagyan ito ng adobo. "Kumain ka ng marami baka sabihin nilang pinapabayaan ko kayo," aniya na parang si mommy lang kung makapagsalita.
Bahagya akong natawa at sumubo na lamang ng pagkain para itago ito. Tinapunan niya ako nang nagtatanong na mga mata kaya sinagot ko lamang siya ng, "You sounded like my mom, Mr. Atkinson." I chuckled and kind of like his cooking. Pinagluluto niya rin kaya ang girlfriend niya?
"Is that a good thing?" he queried, clueless.
"Kind of," I shrugged. Kahit papaano ay nawawala na ang pagkailang ko sa kanya. "Hindi ba magagalit ang girlfriend mo kung nandito ako? I mean, baka magkasiraan kayo dahil dito," I said trying to get away from the topic. I don't want to open doors of questions when it comes to my family's affair.
"Well, wala naman tayo sa kama ngayon. So, it doesn't matter right?" mapanuya niyang sagot na ikinaubo ko.
Mabilis akong uminom ng tubig at napatayo dahil sa tinuran niya. Is he damn serious?
"You're overacting, Zara. I don't have a girlfriend, okay? Kumain ka na," natatawa niyang sabi.
Tinitigan ko siya ng masama at siniguradong hindi siya nagsisinungaling. "Ayaw kong maging headline na naman bilang kabit. Baka tuluyan na akong tanggalin ni daddy sa family register kung nangyari 'yon," paninigurado ko. "Mukha ba akong kabit? Pang-number one ako, 'no," dugtong ko pa na nakuha siyang irapan.
He bursted into laughter and look at me like I am being ridiculous. "Wala nga. Really. Pero kung gusto mong sumabit pwede naman," sakay niya sa biro ko na muling humalakhak. Pinagkakatuwaan na naman niya ako.
"Walang nakakatawa kaya huwag kang tatawa," pagsusungit ko sabay masama siyang tinitigan.
"Kumain ka na, babe," tukso niya na nagpipigil ng tawa.
"Are you for real? Tumigil ka na sabi!" sita ko na umikot na sa lamesa upang malapitan siya. "Isa, Alaric," may pagbabanta sa boses kong wika.
"Okay, I'll stop. Bumalik ka na roon at tapusin mo ang pagkain. Titigil na nga," he smirked.
Bumalik ako sa kinauupuan ko at muling kumain. This time nawala na talaga ang hiya ko sa katawan at tuloy-tuloy na kumain. Kahit papaano nakatulong ang pagbibiro niya para maging komportable ako. Natahimik siya kaya dinapuan ko siya ng tingin. He's staring at me blankly. Like he's solving a puzzle or a difficult math problem.
"I've received the wedding invitation. Balita ko wala ka sa list. What happened?" pang-uusisa niya. I tried to get away from the topic but he ended up opening it again.
"Penelope and my dad hated me. Hindi ba obvious?" I said bitterly. "Well, ang gusto ko na lang ngayon ay linisin ang pangalan ko. Bahala na silang mag-ama kung anong mga plano nila sa buhay," I mumbled. Itinuon ko na lamang ang atensiyon ko sa kinakain. Ayaw kong mabasa ni Alaric ang mga iniisip ko ngayon.
"I know you didn't mean that. You sounded bitter," puna niya. "What's your plan?"
"May alam ka rin 'di ba? You even know about Larry's case so bakit hindi mo rin paimbistigahan ang pamilya ko?" I said sarcastically. "You have the connections," pabalang kong dugtong na sinalubong na ang kanyang titig.
Yeah, that's right. He has connections. What if sa kanya ako humingi ng tulong? Sa tingin ko naman pareho kaming ayaw sa mga so called kapatid namin. What if sumabit nga ako sa kanya? Damn, I'm being ridiculous again.
"I see. You don't have a plan, huh," konklusyon niya na itinuon pa lalo ang atensiyon sa akin. Nanliit tuloy ako sa paraan ng paninitig niya.
"What about marriage? Are you up for it?" I asked confidently. My intrusive thoughts won again.
Hindi siya kaagad nakakibo dahil sa sinabi ko. Sinigurado niya pang nagbibiro lang ako pero tinatagan ko ang aking sarili at pinanindigan ang sinabi. "You don't have a girlfriend and this marriage can save both of us," dagdag ko pa na medyo natitibag dahil sa mga titig niyang tumatagos sa aking sistema.
"What can I gain from that?" he asked full of sarcasm.
"You have a stained name. A murder suspect and you're not the heiress of Laurencos anymore. You are not in good terms with your family and they even abandoned you." He started enumerating my insecurities. "So tell me, why should I marry you when there's a lot of woman out there who's more capable than you?" straightforward niyang salaysay. He waited for my response subalit tanging ang paglunok lamang ang aking nagawa.
Nanliit ako lalo sa sinabi niya. Naghanap ako ng maisasagot pero na-stuck lamang ang utak ko sa ideyang wala nga akong maibibigay sa kanya o magandang maidudulot sa kanyang kompanya. Pinanghinaan ako ng loob at natahimik na lamang habang patuloy na pinapakinggan ang pangmamaliit niya sa akin.
"You're indecisive. You can't do things well and you lived with a princess treatment kaya ka naghihirap ngayon. Not a wife material and can't even distinguish what you wanted to achieve in life." Huminga siya ng malalim bago ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin. "Here you are proposing marriage out of nowhere, like you're selling something," he chuckled darkly at his own statement.
Nakaramdam ako ng inis sa mga sinabi niya. Hindi lang dahil pinapaliit nito ang tingin ko sa aking sarili kun'di dahil alam kong tama ang mga sinabi niya. Isang takas na luha ang bumaybay sa aking pisngi. Masyado lang akong nasaktan dahil nasampal niya ako ng katotohanan.
Mabilis ko itong pinahid ng aking palad. Hindi ko na siya naharap pang muli. Hiyang-hiya ako sa mga oras na ito kaya sa halip na sagutin siya ay mahina akong ngumiti. Tumayo ako at nakayukong nagpaalam sa kanya.
"Thank you for the food, Mr. Atkinson," I said genuinely but it turned out bitter and cold. Tinalikuran ko na siya ngunit muli siyang nagsalita.
"Zara, I didn't mean to—"
"I'm sorry. Just forget it, Mr. Atkinson. Maybe it's not necessarily meant for you, it was for someone," I sighed.
"I'm gonna marry someone soon and leave this damn miserable place," konklusyon ko na medyo nagtutunog sarcastic. Hindi na ako naghintay ng sasabihin niya at umalis na. It's rude but it's the only way to save my face.