Walls

1852 Words
(Penelope's Point of View) Nadatnan ko si tita Marissa na nagkakape sa balcony. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kaharap niyang upuan, na dati ay inuukupa ni Thala. Kinuha ko ang isa sa mga aklat na nakalagay sa mesa at nagsimulang magbasa. "Ibaba mo 'yan. That book is owned by my daughter," sita niya sa akin na ikinakulo ng aking dugo. Bakit ba ang hirap kunin ng loob nitong babaeng ito? "S-Sorry po tita. Hindi ko naman po inaangkin, hinihiram ko lang po," paliwanag ko sa malumanay na boses. Kung alisin ko na rin kaya siya sa landas ko? Hipokrita! "Stop acting in front of me, Penelope. Aware kami ni Thala kung sino ka talaga. Isa kang mapagkunwari at mahilig manira ng pamilya! I really hate you!" pagtataas niya ng boses na aking ikinangisi. Sinalubong ko ang titig niya at mapanuyang humalakhak. "You're right, tita. Actually pagod na rin akong magpanggap. Acting in front of you is a waste of time. 'Di ka rin naman paniniwalaan ni tito, I mean daddy," I smirked. Kita ko ang pamumula ng kanyang mukha at ang pagkuyom ng kanyang kamay sa galit. "Why are you doing this? What are you up to?" nanggagalaiting tanong niya na sinuklian ko ng pananahimik. Uminom muna ako sa kanyang kape para mas lalo siyang mainis at ipinatunog ang aking dalawang daliri. "Good question you got there, Marissa, I mean tita," panunuya ko bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "Simple lang naman ang gusto ko. Ang kilalaning heiress ng Laurenco, na unti-unti ng natutupad. Gusto ko ring maikasal sa lalaking gusto ng anak mo at ang maglaho kayong dalawa ni Thala sa buhay namin ni daddy. Why? Will you grant that?" Tinaasan ko siya ng kilay dahilan para tuluyan na talaga siyang sumabog. Sinampal niya ako ng pagkalakas-lakas na ikinanganga ko. Hindi pa siya nakuntento sapagkat binato niya pa ako ng libro. Tumama ito sa aking ulo dahilan upang mapahawak ako rito. "Home wrecker! Ambisyosa ka! Walang utang na loob!" sigaw niya sa akin na sa halip na masaktan ay mas lalo pang nagsaya. "Kung ako sa'yo, aalis na lang ako ng kusa at magpapakalayo-layo. Papalayasin ka rin ni daddy soon," I said evilly. Muli akong nakatanggap ng magkabilaang sampal mula sa babaeng ito. Subalit sa halip na manlaban, hinayaan ko siyang saktan ako sapagkat nadatnan ko ang presensya ni tito. Umakto akong nagmamakaawa at nagawa pang umiyak. Napaupo ako at kunwari ay pinagmamalupitan ni Marissa. "Tama na po, tita! Masakit po!" hagulgol ko na ikinagulat niya lalo na't biglang pumagitna sa amin si tito. Daddy nga pala. "Marissa, what are you doing? Bakit mo sinasaktan si Penelope?!" Dumagundong ang boses ni daddy na patago kong ikinangiti. Titig na titig si tita sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi. "Open your eyes, Harris! That woman is evil! Gusto lang niyang palitan ang anak natin, ano ba?" sigaw ni Marissa sa problemado at napapailing na si daddy. That's right, ignore her dad! "Hindi mo siya anak, Harris! Thala's your daughter! Niloloko ka na ng babaeng iyan!" Kapwa nagulat kami ni Marissa dahil sa sampal na nakuha niya mula kay daddy. I can see her tearing up and that scene thrilled me. See? Mas kakampihan niya ako. "Tama na, Marissa! Ikaw ang gumising sa pinaggagagawa ng anak mo! Kinokonsenti mo lagi si Thala kaya laging nagrerebelde!" Tinulungan ako ni daddy na tumayo kaya syempre dapat dagdagan ko ang thrill. "Aray," kunwaring inda ko at umupong muli para dagdagan ang galit ni daddy kay Marissa. Bakit ba? Eh, sa gusto ko silang magsampalan. "What did you do to her, to suffer like this? Sumusobra ka na, Marissa!" Itinapon ni daddy ang tasang may lamang kape sa gilid ni tita. Bakas ang panginginig at takot sa kanyang mukha habang tinititigan si daddy. Hindi siya nagsasalita at naistatuwa na lamang sa kinatatayuan niya. It's my time to end their conversation. Nagiging boring na kasi. "Tito Harris, tama na po. Naiintindihan ko rin po kung bakit galit si tita sa akin. Dapat pala hindi na lang ako nakitira sa bahay ninyo," pagpapaawa ko na umeepekto naman. "No, Penelope. It's not your fault. Isa kang mabait na bata at hindi mo deserved na masaktan ulit. I promised my brother to take care of you no matter what," pagpapakalma niya sa akin na dahan-dahan kong ikinatango. Inalalayan akong muli ni tito at sinipat niya muna si Marissa bago ako inihatid sa aking silid upang makapagpahinga. Nag-uumapaw ang nararamdaman kong saya ngayong araw. Kaunti na lang, makukuha ko na ang mga gusto ko. Napangiti ako habang ginagawang pamaypay ang wedding invitation na hawak ko ngayon. Ikakasal kami ni Nekolauv next month at gusto kong makita ang reaksyon ni Thala. Alam kong sisipot siya kahit na pagbawalan pa ni daddy. Kilala ko ang bruhang iyon, ginagawa niya talaga ang mga gusto niya. Tignan natin kung hanggang saan 'yang tapang mo, Thala kapag nakita mo kami ni Nekolauv na masaya. How intriguing! (Thala's Point of View) Apat na araw na ang nagdaan simula nang magkasagutan kami ni Alaric. Hindi ko na rin siya nakikita sa Doomscape. Ang sabi ni Hanni, hindi na rin ito nagagawi sa fighting arena. Mas napapanatag pa nga ako na hindi na siya nakikita. Kumukulo lang ang dugo ko sa tuwing naaalala ang mga sinabi niya sa akin. "Thala? Ghad, am I really seeing the goddess Thala here?" biro ng kung sino mula sa aking tabi. Sa aking paglingon ay bumungad sa akin ang kaibigan ni Nekolauv na pinsan niya rin. Kahit papaano ay naging kaibigan ko na siya dahil sa palagian naming pagkikita sa mga events na imbitado ang aming mga pamilya. Mas matanda sa akin ng dalawang taon si Syd pero mas nagkakaintindihan kami kaysa sa seryosong si Nekolauv. Mas naging close pa kami n'ong nagpatulong siyang manligaw sa kaklase ko rati. "Syd! It's good to see you again!" I exclaimed. Kaagad ding tumikhim dahil sa nagawa kong ingay. Nagtawanan kaming dalawa at kalaunan ay niyakap ang isa't isa. Hinalikan niya ako sa pisngi na lagi niyang ginagawa kapag nagkikita kami. Actually ganito na naman talaga siya kahit sa ibang babae. "Flirting is prohibited during working hours," sabat ng kung sino galing sa likuran namin ni Syd. Bitterness filled my system when I realized who it was. Mabilis akong umirap na nakita pala ni Syd kaya tinaasan niya ako ng kilay. "Let's talk later, baby," paalam ni Syd na nakuha pa akong asarin dahil sa ibinibigay niyang titig sa akin. He winked at me and walked towards the table where some of his friends were drinking. "Now you're flirting with my brother's cousin?" tanong ni Alaric na binibigyan ng kahulugan ang simpleng interaction namin ni Syd. Huminga ako ng malalim bago tuluyang hinarap si Alaric nang may ngiti sa labi. Mabuti na lamang at sinanay ako sa bahay kung paano ngumiti na hindi nagmumukhang peke. "Do you need anything, Mr. Atkinson?" mahinahon kong tanong. I tried to act professional despite his annoying presence. "You're really desperate, huh? Kahit sino kaya mong patulan para lamang masunod ang mga gusto mo—" Pinutol ko ang pang-iinsulto niya nang hindi pa rin binubura ang ngiti. "Mr. Atkinson, I know you're my boss but it's not your business to meddle with my shits. Besides, there's nothing wrong with marrying a husband material like Syd," pambabara ko sa kanya na kahit papaano ay kababakasan ng iritasyon. "Marrying a man you just met?" he chuckled. "We've known each other since highschool. I think fate is telling me to reconsider him," I beamed. I gave him my sweetest smile and excused myself. Syd is just my friend at isa pa, girlfriend niya si Architect Sapphire. Gusto ko lang talaga na inisin itong pakialamerong boss namin. "Bakit ang dali lang para sa'yong sabihin 'yan? Anong alam mo sa pagpapakasal?" pagpigil niya sa akin na akin namang ikinangiwi. “Mawalang-galang na po pero kung ano mang maging desisyon ko sa buhay ay labas na po kayo roon,” pagtatanggol ko sa aking sarili sabay huminga ng malalim dahil mukhang ayaw niya pa ring magpaawat. "It's not like choosing a partner for your prom night or picking some random food just because you're starving. It's not as simple as that, Zara." He spoke like he's knowledgeable enough to know everything, even my life. Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito. Gayong wala naman dapat siyang pakialam kung ano ang mga desisyon ko sa buhay. Lalo na sa pagpapakasal. What's his point on saying that? He's always getting into my nerves! "I know what marriage is all about, Mr. Atkinson." Napasinghap ako at muli siyang nilingon upang masabi sa kanya ito ng harap-harapan. "You see, my family is not as perfect as you think but I still want to get married despite everything. Not to save face but to keep that little hope I'm holding on. That someday, I'll find home in my husband's presence," I uttered, not taking my eyes off him. "Kasal o sakal? You're drowning with your own fantasies, Zara. Maybe it's time for you to stop reading fictional stories," he simpered. How dare him mock my beliefs? “Kailangan bang magkapareho tayo ng paniniwala, Mr. Atkinson? O sadyang nagseselos ka lang kaya ka nagkakaganyan?” naaasar kong tanong. Ni hindi ko na napigilan ang mga salitang lumalabas sa aking bibig. Napahiyaw ako sapagkat itinulak niya ako bigla. Dahilan kung bakit ako napaupo sa mahabang sofa sa madilim na sulok ng silid na ito. Pinanlakihan ako ng mata sapagkat nabasag ang mga bote ng alak at wineglass na laman ng tray ko. I gasp for air as my eyes darted on the messy floor. Naibalik ko rin ang atensiyon ko kay Alaric dahil sa paghawak niya sa aking baba. He's pissed and I don't know why he's acting this way. Pumaibabaw siya sa akin at muli akong napahiyaw nang ako naman ngayon ang nakaupo sa kandungan niya. Mabuti na lang talaga at malakas ang musika. Hinding-hindi kami mapapansin. Ayaw kong mapahiya. “Why Syd? Hmm?” usisa niya na kulang na lamang ay talian ako upang hindi na pumiglas. "You know what? I realized that I must thank you for rejecting my offer. You don't even deserve my proposal," natatawang saad ko. Naalala ko lang ang mga nangyari these past few weeks. It has been a rollercoaster ride. Niluwagan niya ang suot na necktie na para pang sinasakal siya nito. I saw how he licked his lower lip and how he clenched his jaw in annoyance. Nag-aalab ang mga mata niya at tagpong-tagpo ang kanyang mga kilay ngayon. He's enraged of what I've said. I hit a certain spot in his ego. Kahit papaano ay nagdidiwang ang kaloob-looban ko sapagkat nakikita kong naaapektuhan siya sa mga sinasabi ko. He's not the only one who knows how to turn words into daggers. "You're surrounded by walls and I'm not determined enough to climb it. I'd rather find home than waste my time arguing with a heartless stone," I added, metaphorically. I just added a fuel to his fiery expression. “Try me, Zara,” he lusciously answered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD