Kiss

1280 Words
(Thala’s Point of View) Bago pa ako muling makahiyaw ay ginamit niya na na pangtali sa aking mga palapulsuan ang katatanggal niya lang na necktie. Inilagay niya ang aking mga kamay sa ibabaw ng aking ulo sabay pinatahimik na ako gamit ang kanyang malambot na labi. Still, I can't seem to stop making noises... or more like moans. Nang matauhan at nararamdaman ang pagkalas ng pagkakahawak niya sa aking palapulsuan, wala sa sarili ko siyang nasampal. Kapwa nagulat kami sa nangyari kaya mabilis akong tumayo. Iniwan ko siyang natulala sa lakas ng sampal na dumapo sa kanyang pisngi. He deserves it! He's a pervert! Naglakad ako paalis nang nakayuko at hindi na talaga makangiti. Iniwan ko siyang nagngingitngit ang awra sa galit. Hindi na niya ako tinawag kaya bumalik na ako sa pagtatrabaho. Dinaluhan ako ni Hanni upang makiusyoso sa naging usapan namin ni Alaric kanina ngunit tanging kibit-balikat lamang ang aking isinagot. Sana hindi niya nakita 'yong paghalik ni Alaric at ang pagsampal ko sa kanya. Paniguradong malaking issue 'to sa makaaalam. "Walang hiya ka, Myrthala!" Hindi pa nga ako nakaka-recover kay Alaric ay meron na namang panibagong problema ang sumulpot. Isang matangkad at magandang babae ang humarang sa amin ni Hanni at binigyan ako ng napakalakas na sampal. Napahawak ako sa humahapdi kong pisngi at nagtatakang tinignan ang babae. Hindi ko siya kilala o ni minsan man lang ay nakasalamuha. Sino siya? "W-Who are you?" naitanong ko sa kabila ng kahihiyang nararamdaman sapagkat pinagtitinginan na kami ng maraming tao rito sa Doomscape. Sa halip na sagutin ang tanong ko ay isang malamig na vodka ang sumalubong sa aking mukha. Napahiyaw ako sa gulat at sa kabastusan na ginawa niya. Sana man lang kinausap niya muna ako para maintindihan ko ang pinagmumulan ng kanyang galit. "Murderer!" Kaliwa't kanang sampal ang muli kong natanggap na aking ikinaupo. Ang sakit sa aking pisngi ay mas nanuot pa dahil sa katagang lumabas sa kanyang bibig. "Clavein, tama na. Nasa Doomscape tayo," awat ng isa sa kasamahan niya. Hindi niya ito pinakinggan at nakuha pang lapitan ako. "Pinatay mo ang kuya ko! Wala kang puso!" sigaw niya na may luhang lumandas sa pisngi. Kuya? Is she Larry Gonzales' sister? Sa pagkakaalala ko kay Larry lang naman ako nasangkot. "How dare you flirt with my brother? Pagkatapos mo siyang ipasok sa gulo, nakuha mo pa siyang ipapatay!" Ang sasama ng tingin ng mga tao sa paligid namin. Kasing sama ng titig ni daddy noong akusahan at palayasin niya ako sa bahay. Dahil sa ala-alang iyon ay napangiti ako ng mapait. Sinuklay ko paitaas ang aking buhok at dahan-dahang tumayo upang harapin siya. Hindi ako papayag na tratuhin ulit ako ng ganito. I feel like s**t. "May proweba ka ba?" matapang kong pagharap sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay at nanggagalaiting sinuklian ang madilim niyang titig. "Napakawalang hiya mo rin eh 'no? Huli ka na nga, dini-deny mo pa! Tama ngang pinalitan ka ni ate Penelope bilang heiress. Isa ka kasing kahihiyan sa mga Laurenco! Nakakasuka ka!" Nagpanting ang mga sinabi niya sa aking tainga. Lalo na at binanggit niya pa ang pangalan ng bwesit na babaeng iyon. Nagdagdag lamang ang babaeng ito ng panggatong sa nag-aapoy kong galit. Nakahanda na akong ubusin sa paghila ang kanyang buhok subalit may mga bisig na yumakap sa aking baywang. Pilit ako nitong pinipigilang saktan si Clavein. Ibinuhos ko na ang aking buong lakas ngunit hindi pa rin ako makawala sa matigas na braso ng lalaking nakayakap sa akin. "Let me go! Tang'na, huwag kang makialam dito!" Sumabog na talaga ako sa puntong gusto ko ng manakit. Hindi ko lang kayang lunukin ang pang-aakusa ng babaeng ito. Hindi ko alam pero biglang tumahimik. Ni ang grupo ni Clavein ay para ng mga tuta kong umasta. Si Hanni naman, animo'y nabuhusan ng malamig na tubig sapagkat hindi na nakagalaw sa kinatatayuan. "Sino ka para akusahan ako? Tang'na!" Halos maluha na ako sa lakas ng sigaw at sa nag-uumapaw na galit na bumalot sa akin. Wala akong nagawa kun'di ang sumigaw na lamang sapagkat hindi pa rin ako pinapakawalan ng lalaking ito. "Are you done? Go," maotoridad na sabi ni Alaric na siya palang yumakap sa akin. Kaya pala takot na takot sila. "Ano ba? Why did you let her go? Bumalik ka rito!" Muli akong nagpumiglas kaya binitbit na ako ni Mr. Atkinson na parang sako papunta kung saan. "Saan mo ako dadalhin?" naiinis kong tanong. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon dala ng galit at kagustuhang gantihan ang babaeng iyon. Nasagot ang tanong ko nang ipasok niya ako sa isang silid at marahas na ibinaba sa kama. Bakas ang iritasyon sa kanyang malalamig at nakaigting na panga. Para siyang manlalamon o makakapatay sa ekspresyon niya ngayon. Napapaligiran siya ng kadiliman kaya biglaan akong dinalaw ng kaba. Nabitin ba siya sa ginawa niya sa akin kanina? Oh my gosh! "Are you out of your mind?" His voice thundered all over the room as he pinned me on his bed. "She's one of our VIP!" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at paulit-ulit na niyuyugyog. Natigilan ako sa sobrang pagkakagulantang. Ibang-iba kasi ang titig niya ngayon. Blangko na animo'y gigil na gigil sa ginawa ko sa kanyang VIP. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagyelo na lamang bigla sa kama. Galit na galit siya sa akin at ngayon ko lamang naramdaman ang matakot ng ganito. Like any minute ay sasaktan na niya ako lalo pa't ipinatunog niya ang buto ng kanyang mga daliri. "Ano ngayon? Siya ang nauna!" sagot ko nang tuluyang mabawi ang lakas. Napalunok ako nang mapansin ang pag-iiba ng kanyang awra. Mas nakakatakot ito ngayon dahil hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang utak habang tinititigan ako. He leaned forward, eyes narrowed and looking like a monster ready to attack. "M-Mr. Atkinson?" I stuttered and lost my words as I glanced at his lips. May kaunting sugat dito na dala siguro ng sampal ko kanina. Muli kong ibinalik ang aking atensiyon sa kanyang mga mata. Nahuli kong nakatitig na rin siya sa aking labi. Nanginginig ang aking mga tuhod na animo'y nakasakay ako ngayon sa rollercoaster. May kung anong nagsisimulang mamugad sa aking tiyan na nagpapabaliw sa akin lalo. My heart is racing so damn fast that I can almost hear it. "You deserved to be punished, Zara," seryosong sabi ni Alaric. Hinawakan niya ang aking baba at iniharap ito sa direksiyon niya. Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa dahilan kung bakit pigil-hininga akong umiling. Nalalasing at naduduling ako sa presensya niya. Kaunti na lamang ay maglalapat na ang aming mga labi. Nararamdaman ko na ang nakakakiliti niyang hininga sa aking leeg na mas nagpapagulo ng aking sistema. Gumalaw ako upang iwasan sana siya ngunit mali ata dahil iniwas niya rin ang kanyang mukha papunta sa direksiyong iyon. Sa halip na maiwasan ay nahalikan ko si Alaric. Sa aming dalawa, siya pa ang mas nagulat. He didn't intend to kiss me. He's just teasing me but we ended up kissing because of my foolishness. Kaagad siyang lumayo sa akin ngunit hinila ko ang kanyang damit pabalik. Nakangisi ako bago ko siya hinalikan sa labi. Not a peck but a passionate one. He's not the only one who knows how to play with feelings. Hindi niya dapat ako tinulak sa sukdulan kung ayaw niyang mabalikan. Punishment, huh? Tignan natin kung sinong mapaparusahan sa amin. “What the fvcking f**k?!” sunod-sunod niyang mura. Look who's pissed when I just returned his kiss. Badtrip ka talaga, Alaric! Ang hilig mong manira ng araw. Bwesit. I may not be able to climb your walls but I can break it, Alaric. Tss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD