(Thala's Point of View)
Nagtagumpay si Alaric na itulak ako palayo. Tumayo siya at naiwan akong nakaupo na sa kama. Kung kanina ay takot na takot ako sa kanya, ngayon ay natatawa na lamang ako sa naguguluhang ekspresyon niya. The look on his face tells me that I am someone he can't mess with.
"What the fvck are you doing?!" he groaned. Napuno ng mura ang buong silid dahil sa problemado at iritadong si Alaric. Napahilamos siya sa kanyang mukha gamit ang kanyang kamay at pumikit sandali. Kita ko ang ilang ulit niyang paghugot ng hininga bago umigting ang panga. His eyes then crumpled and glared at me, infuriated.
Kahit gaano pa siya kagalit ngayon, hindi ko pa rin mapigilan ang patuyang paghalakhak. "What's the problem, boss?" I acted like it's nothing. When in fact, bolta-boltahe ang naramdaman kong kaba nang maglapat ang aming labi kanina. Muntikan pa nga akong malunod sa tawag ng laman kun'di lamang siya lumayo.
"Pasensya na at nagusot ko ang damit mo, Mr. Atkinson. Gusto mo bang ayusin ko?" nang-aakit kong wika na nagpipigil na ng tawa.
I really need to get a hold of my childish side. Kaya kasi nitong gawin ang kahit na ano basta makita niyang nahihirapan at nakakaganti siya sa taong nagpahirap sa kanya. Kamuntikan pa tuloy akong mapahamak.
"I am your fvcking boss, Zara! Who the hell are you to kiss me? We're not on the same level. Stop dreaming that I will fall for a childish and forsaken waitress like you just because we shared a kiss!" sigaw niya. Kahit ibulong niya ito sa akin, babaon at babaon pa rin ang mga salita niya sa puso at utak ko. Nandidiri ba siya sa halik ko?
“You started it, Mr. Atkinson!” paliwanag ko na napaawang ang labi dahil sa lakas ng pagkakasara ng pintuan. “Inisin mo pa ako dahil damay-damay na talaga 'to!” I whispered between my consecutive sighs.
Gusto ko siyang sumbatan lalo dahil siya mismo ang nagsimula ng larong ito. Siya ang dahilan kung bakit kami nandirito. Sumabay lang naman ako sa agos nang sa gan'on ay mabuhay ako nang hindi tinatapak-tapakan at minamaliit lang. Bakit pagdating sa kanya, ang liit-liit ko?
Napalunok ako upang mawala ang kung anong nagbara sa aking lalamunan. Ang sakit kasi sa dibdib kapag nanatili ito. Alam ko kung ano ang iilan sa kahinaan niya ngunit alam niya rin kung paano ako paduguin nang 'di gumagamit ng dahas.
I thought our house is the only warzone I need to avoid. I didn't realize that everywhere is a battlefield I need to survive.
Tumayo ako nang hindi siya tinitingnan pabalik. I sighed and chuckled again like I lose my sanity this time. "You're fit to become an author, Mr. Atkinson. You should start writing a book about my red flags and fvcked up life. Published it to reach more people," I stated sardonically.
Natahimik siya sa sinabi ko. He soften a little bit and heaved a sigh of guilt. "Stop provoking if you don't wanna meet the beast side of me," may pagbabanta sa boses niyang paalala. He licked his lips and gently close his eyes.
"Then be my boss and stop crossing the line. If you're a beast then I am a monster. You don't have to know how wicked and wild I am because it's my future husband's duty not yours," I uttered meaningfully.
Naiinis siyang lumabas ng kwarto at pabalibag na isinarado ang pintuan. Muli akong napaupo sa kama at pilit na ikinalma ang sarili. Gusto kong sumigaw dahil sa frustrations. Para akong may pasan-pasan lagi na kung anong mabigat na araw-araw ay nadadagdagan.
When will this end?
Kahit na iritado pa rin sa boss namin, ipinagpatuloy ko ang pagtatrabaho. Pilit kong binura sa utak ko ang lahat at hinarap ang mga VIPs na para bang ang saya-saya ng buhay ko.
"Hey, will you drink this for us?" pakiusap ng isa sa aming VIP na may ibinigay na shot glass na puno ng tequila. Hindi na ito bago sa akin lalo pa't gabi-gabi ako sa bar dati para uminom.
Sa kagustuhang huwag gumawa ng eskandalo, walang alinlangan ko itong tinanggap at tinungga. Nagtawanan naman ang magbabarkadang nag-alok sa akin. Nagpaalam na ako sa kanila ngunit hindi pa rin nila ako hinahayaang umalis.
"I'm sorry pero kailangan ko pang magtrabaho," paalam ko. Hindi na talaga maganda ang kutob ko lalo pa at ilang minuto ay nagsisimulang umikot ang aking paningin.
Hindi naman ako mabilis na malasing, ah? Nilagyan ba nila iyon ng kung anong gamot?!
Pinilit kong ginigising ang aking diwa ngunit unti-unti akong nawawalan ng lakas. Sobrang init ng aking pakiramdam na gusto kong hubarin ang aking damit. Patuloy pa rin sa pag-ikot ang aking paningin at hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na ito.
"Bakit ba nagtatrabaho sa lugar na ito ang isang kagaya mo? You're too gorgeous for a waitress." Inakbayan niya ako na pilit kong inaalis sa abot ng aking makakaya. Dapat talaga nag-iingat ako sa ganitong lugar! Maraming mapagsamantala!
"What did you do to my waitress? You are aware of the rules," maotoridad na boses ni Alaric.
Kahit gulong-gulo ang aking isip ngayon at patuloy na nanlalabo ang paningin ay kita ko pa rin ang pagtayo niya sa aking harapan. Kapansin-pansin din ang biglaang pag-alis ng limang magbabarkada. Halatang takot sa presensya ni Alaric.
"Tayo, Zara," utos niya sa akin na hindi ko masunod-sunod.
Sa halip na tumayo ay binuksan ko ang una at pangalawang butones ng aking uniporme. Dala ito ng sobrang init na bumabalot sa akin ngayon. Bubuksan ko pa sana ang pangatlong butones ngunit may nakahawak na sa aking palapulsuan.
"Stop it! Zara!" Tinapik-tapik ni Mr. Atkinson ang aking pisngi subalit wala itong naging epekto sa akin.
Instead na itulak siya, hinuli ko pa ang kanyang nanlalamig na kamay at nilagay ito sa nag-aalab kong pisngi. Isang malutong na mura ang kumawala sa kanyang bibig dahil sa ginagawa ko.
"You're making me lose my mind, Zara," he whispered.
Nagtawag siya ng staff na lalaki dahil kahit siya ay halatang nakainom din. Galit ako sa kanya pero wala na roon ang utak ko. Nagtagumpay ako sa pagbubukas ng pangatlong butones at pagiwang-giwang na naglakad sa 'di ko malaman kung saang direksyon.
"Alalayan mo siya-the fvck? Are you listening to me? Why are you looking at her-fvck it! Pack your things and don't you ever comeback! You're fired!" rinig kong sigaw ni Alaric sa staff.
Wala na akong pakialam sa pinag-aawayan nila dahil iniinda ko na ngayon ang sakit ng pagkakadapa ko sa sahig. Hindi ako bumangon dahil sa lamig na naibibigay sa akin ng sahig.
"Tumayo ka riyan, Zara," utos sa akin ni Alaric na hindi ko rin pinakinggan.
"Malamig," naibulong ko sa gitna ng paghalakhak. Kahit papaano kasi ay naiibsan ang init ng aking katawan. Besides, hilong-hilo na ako para magpatuloy pa sa paglalakad.
"Come with me, freakin' stubborn," he snarled. Naramdaman ko na lang ang paghigit niya sa akin na kalauna'y binuhat na talaga sa kanyang bisig. Medyo madilim ang daang aming binabaybay papunta sa tinutuluyan namin ni Hanni.
Ibinaba niya ako at napasinghap sa inaasta ko ngayon. Patuloy akong naghahanap ng malamig na hangin dahil sa init na hindi ko na talaga makakaya pa. Muli akong nagtangkang hubarin na ang aking polo shirt subalit hindi ako nagtagumpay.
Nasa ibabaw na ng aking ulo ang magkabila kong kamay. Nakadikit ito sa pader at mahigpit na hawak ng iritadong si Mr. Atkinson. Mas lalong nadagdagan ang init na aking nararamdaman at mas nanuot ito sa aking kaloob-looban nang marahas niya akong siniil ng halik. Gusto ko siyang patigilin ngunit wala pa rin akong sapat na lakas upang gawin ito.
"Fvck! I told you to stop... now I can't seem to stop, Zara."