Kabanata 1.1
Ang sabi nila kapag pinakasalan mo ang taong mahal mo ay ikaw na ang pinakamasayang tao sa mundo sa mga oras na yun pero hindi nangyari sa akin. Pinakasalan ko ang lalaking matagal ko ng gusto pero heto ako, gustong magsisi dahil ang taong pinakamahalaga sa akin ay nawala sa akin ng parang bula. Nawala yung taong nandiyan palagi para sa akin, yung taong mas nag-aalala kesa sa mga magulang ko.
Kung pwede lang ibalik ang mga oras, mas pipiliin ko na lang na manatili kami sa kung anong relasyon naming dalawa. Tama nga sila, huwag kang magmamahal ng kaibigan dahil ang relasyon at samahan niyong matagal mong iningatan, mawawala ng parang bula.
Nanahimik na lang sana ako, hindi na lang sana ako pumayag sa kasal naming dalawa na plano ng mga magulang namin. Napabuntong hininga na lang ako, ano pa nga bang magagawa ko, nangyari na ang lahat, nawala na siya sa akin kaya para saan pa.
Pumasok naman na ako sa bahay and as usual tahimik pa rin. Ilang buwan na kaming kasal pero wala pa ring nagbabago, hindi pa rin bumabalik ang best friend ko. Hilaw akong natawa sa isipin ko, paano pa nga ba babalik ang best friend ko kung asawa ko na siya ngayon?
“Wala pa rin ba si Kayden?” tanong ko sa katulong namin ng makaupo ako sa sofa.
“Wala pa rin po ma’am, hindi pa rin po siya nauwi simula kagabi.” Napatango na lang ako sa sagot ng katulong namin, naihilig ko na lang ang ulo ko sa sofa. Ano pa nga bang aasahan ko? uuwi lang naman siya kung kailan niya gusto. Uuwi siya kung kailan niya maisipan dahil ano nga lang ba ako? I am just his former best friend and now his wife. Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga saka dumiretso na sa kusina para makakain na.
Nag-over time na ako sa trabaho dahil akala ko pagdating ko ay maabutan ko na siya rito. Kagabi pa siya hindi umuuwi, hindi ko rin siya nakikita sa kompanya o baka pumapasok siya pero hindi nagpapakita sa akin. Pagkatapos kong kumain ay pumasok na ako sa kwarto para makatulog na. Pagod na ako sa trabaho ko kaya hindi ko na hahayaang mapagod pa ang isip ko kakaisip sa kaniya. I am also tired loving him for f*****g 10 years.
“Good morning pretty!” masiglang bati nanaman sa akin ni Clara.
“Good morning,” ngiting bati ko sa kaniya. Naupo naman na ako sa pwesto ko saka hinarap ang mga papeles.
“Ganda, kailan ka ulit gagawa ng cookies? Ang sarap sarap ng gawa mo.” natatawa na lang ako kay Clara dahil nangungulit nanaman siya sa cookies.
“I don’t know,”
“Ganda sige na please, babayaran ko yun promise! Mas masarap pa kasi yung gawa mo kesa sa mga pastries na nadadaanan ko diyan sa labas.” Muli niyang pangungulit, nilingon ko naman siya at naiiling na lang ako sa kaniya.
“Hayaan mo kapag wala na akong gagawin, gagawa ako pero sa ngayon alam mo namang pareho tayong busy diba?”
“Hays, sige na nga. Basta one for me na ha? babayaran ko at iuuwi ko hehehe.” Anas niya nanaman, tumango na lang ako sa kaniya. Mahilig ako magbake pero nandito ako sa kompanya nila Kayden para magtrabaho ng dahil din sa kaniya para palagi ko siyang kasama at makikita pero mukhang pati rito ay iniiwasan niya ako.
Napailing na lang ako saka itinuloy ang mga trabaho ko, nang matapos ko ang ilang mga papeles ay kinuha ko na iyun saka tumayo para ibigay na lang sa sekretarya ni Kayden. Hindi ko naman kasi siya naaabutan sa office niya, wala rin akong alam kung saan ba siya pumupunta.
Kumatok naman na ako ng tatlong beses sa pintuan niya.
“Come in,” rinig kong saad kaya napakunot ang noo ko. Kapag si Kurt kasi ang nandito ay pinagbubuksan niya ako ng pintuan. Binuksan ko naman na iyun saka pumasok, napahigpit na lamang ang hawak ko sa mga papel ng makita ko kung sino ang nakaupo sa swivel chair ngayon. Diretso lang ang tingin niya sa laptop niya habang nakakunot ang noo niya. Bahagya na lang akong napangiti, ngayong alam kong nandito na siya ay panatag nanaman ang loob ko.
Napatigil naman siya sa ginagawa niya at kunot noo akong binalingan.
“What do you need?” tanong nito sa malamig na tono, bakit pa nga ba ako umaasa na balang araw ay babalik ang dating Kayden na nakilala ko, ang Kayden na sweet pagdating sa akin.
“Ibibigay ko lang itong mga ito, you need to sign these papers Sir.” saad ko.
“You can give that to Kurt, he’s my secretary and you don’t need to give me that in person.”
“I’m sorry Sir, kay Kurt ko naman talaga ito ibinibigay palagi hindi ko naman alam na kayo po pala ang nandito.” Usal ko, ngayon ko lang naman ulit siya naabutan dito sa office niya pero kung makapagsalita akala mo palagi kong idinederetso sa kaniya ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan.
“Just put it there and leave, don’t disturb me while I’m at work.” Masungit niyang saad, tumango na lang ako saka ko ibinaba sa lamesa niya ang mga papeles. Bahagya pa akong yumuko saka tumalikod, pagbukas ko ng pintuan ay siyang pasok din ni Gilbert.
“Oh Avyanna, mabuti at nandito ka. Sabay na tayo nila Kayden kumain. Ang tagal na nating hindi yun nagagawa.” Nakangiting saad ni Gilbert, nilingon ko naman si Kayden pero blangko lang ang mga tingin niya sa amin.
“Marami pa kasi akong gagawin Gilbert eh, siguro sa susunod na lang.” saad ko sa kaniya saka akmang lalabas ng hawakan niya ang braso ko para pigilan.
“Mamaya pa naman eh, baka matapos mo na bago magtanghalian.” Inilingan ko naman siya, I appreciate Gilbert but not now.
“Avyanna naman, minsan lang naman eh. Nasa iisang kompanya tayo pero hindi pa tayo magkaroon ng oras para sa isa’t isa. If you remember, we always did this when we were still studying.” Yes, I know pero iba na kasi yung sitwasyon ngayon.
“I’m really sorry Gilbert but I have to go now, I have a lot of works.”
“Kayden, ano ba. Hindi mo man lang ba pwedeng bawasan muna ang trabaho ngayon ni Avyanna, parang hindi tayo magkakaibigan ah.” Seryoso niya ng saad kay Kayden, siniko ko naman si Gilbert pero hindi niya ako pinansin. Pilit kong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko at bubuksan na sana ang pintuan ng magsalita siya.
“Fine, go back to your work Avyanna and come back here before lunch.” Rinig kong saad ni Kayden.
“Did you hear that? come back here Avyanna, don’t be stubborn. Hmm?” saad ni Gilbert na ikinangiti ko na lang.
“Hmm, sure!” masigla kong sagot sa kaniya, ngumiti naman siya sa akin saka ako kinindatan. Natawa tuloy ako sa kaniya. Lumabas naman na ako ng office ni Kayden saka muling ginawa ang mga trabaho ko. Mabuti pa si Gilbert, hindi kinakalimutan ang mga naging samahan namin.
“Ganda, paturo naman ako nito. Nahihirapan kasi ako.” saad ni Clara kaya nilingon ko siya. Binasa ko naman ang ginagawa niya, nang matapos kong basahin yun ay itinuro ko na lang sa kaniya ang gagawin niya. Napatango tango naman siya ng makuha niya.
“Salamat,” anas niya, tinanguan ko na lang siya.