Nang makita ko ang dala ni Kayden ay bigla na lang akong naglaway sa tinolang manok. Inalis naman na ni Gilbert ang inorder nila Clara para sa akin at binigyan ako ng ibang pinggan, naglagay na rin ng sabaw sa isang maliit na bowl si Kayden. Mas lalo ko tuloy naramdaman ang gutom ko. “Huwag matigas ang ulo Avyanna, kung kailangan ka naming bantayan ni Kayden gagawin namin.” wika pa ni Gilbert. “Kumain ka na, dala ko nga rin pala ang vitamins mo. Nakalimutan mong inumin kanina.” Maybe I should set an alarm para sa pag-inom ko ng vitamins ko dahil kapag marami na akong iniisip ay nakakalimutan ko na. Tahimik na lang akong kumain at ganun na rin ang dalawa kong kasama. “Kayden,” napalingon kaming lahat kay Meredith na kapapasok lang. Inalis ko ang paningin ko sa kaniya at ipinagpatulo

