“Nasa trabaho tayo Kayden, ano ba.” pagbabawal ko sa kaniya ng hilain niya ako para mapaupo sa kaniya. “Ano naman ngayon? I just miss you Av. Yung tagal ng panahon na hindi kita halos kinakausap, gusto kong bawiin minu-minuto.” Nakagat ko na lamang ang labi ko dahil sa sayang nararamdaman ko. Napahigpit na lamang ang pagkakayakap niya sa akin, hinawakan ko na lamang ang mga kamay niyang nakapulopot sa katawan ko. “Paano kung hindi mo ako naabutan sa bahay?” tanong ko, may lakas na ako ng loob na tanungin siya dahil nagiging komportable nanaman ako. “I will find you no matter where you are, kung kailangan kong halug-hugin ang buong Manila gagawin ko.” nilingon ko naman siya sa kaliwa ko, sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ko. I really love this man, kahit na sabihin nilang mas

