“Ay ganun ba? sayang naman.” Kakamot kamot pa niyang saad saka siya napalingon kay Erick na tila ngayon niya lang narealize na may kasama pa kami. “Ay pasensya ka na Erick ha? ganto lang talaga kaming dalawa.” Nahihiya pa niyang saad. “Okay lang,” nakangiti niya lang na sagot. Alam nga pala ni Erick ang tungkol sa nararamdaman ko kay Kayden pero hindi niya alam na mag-asawa kaming dalawa. “Tama yung bestfriend mo, hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom.” Dagdag pa niya kaya nagkunwari pang nasamid si Clara. “Oh sige na, nag-aalala na ang lahat sayo.” singit ni Clara. Ang daldal talaga, natatawa na lang tuloy sa kaniya si Erick, mas bagay pa nga yata silang dalawa eh. Kumain naman na kaming tatlo saka bumalik sa mga trabaho namin. Nang mag-uwian ay magcocommute na lang sana ako nang humi

