Chapter 15

1383 Words
Jace Pov Matapos ang usapang iyon ay dumating si Nurse Caren kaya bumalik na rin ako sa aking kwarto. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng tuwa kahit papaano dahil nasabi ko na rin sa kanya ang totoong nangyari at kahit hindi ko pa siya nakakausap ng masinsinan tungkol sa aming dalawa ay kontento na akong alam niyang wala ng namamagitan sa amin ni savrina. KINABUKASAN maaga akong nagising sa tunog ng cellphone ko. It's almost 7AM nang magising ako and I saw savrina's name appeared on my screen. "Goodmorning Jace!" masayang bati nito sa kabilang linya matapos kong sagutin ang tawag niya. "What do you want?" inaantok na tugon ko. "I'm sorry if I can't visit you today. I have some-" "It's fine, that's better. I'll hang up now" sagot ko saka pinatay ang linya. Ayaw kong marinig ng matagal ang boses niya. I don't hate her, I just don't want to give her hope that I'll comeback to her. Dahil hindi naman ako makatulog ulit ay bumangon nalang ako saking kama saka naligo at nagbihis. Malamig ang panahon ngayon kaya malamig din ang tubig. Ayaw ko ring bumabad ng matagal dahil para akong nagiging yelo. Sakto namang pagkatapos kong magbihis ay nandito na si Justinryl. Sem break daw nila kaya siya muna ang nag presentang sumama sakin dito, kakatapos lang din ng final exam nila. "Nagugutom ka na kuya? Kumain na tayo, bumili ako ng pagkain pagpunta ko dito" aniya. "Anong binili mo?" takang tanong ko sa dala niyang malaking paper bag. "Chicken nuggets" masayang sagot niya. Isang bucket ng chicken nuggets lang ang binili niya. Plano siguro nitong maging manok. "Bakit yan lang? At saka mauubos mo ba yan?" takang tanong ko. "Mauubos to, hanggang dinner natin" seryosong aniya. Adik talaga sa chicken nuggets ang batang to! Dinamay ba naman ako?.. "Ano? kakain ka o kakain ka?" seryosong aniya. "Tch! Bili ka ng ulam mamayang lunch ha! Ayokong magiging manok matapos ang araw na to" tugon ko habang nage-enjoy naman siyang kumain ng nuggets niya. Pambihira! Matapos namin kumain ay dumating naman agad si Hellary. Oo, hellary lang muna. Sa susunod ko pa to magiging asawa. Ani nila, love takes time. "Oh, you just finished your foods?" tanong niya saka inilapag ang dalang stainless na lalagyan sa mesa ko. "Uhm yeah. Have you done eating?" nakangiting tanong ko sa kanya. "Kakatapos lang din. Oo nga pala, inumin mo muna yung gamot mo. Twice a day nalang ito saka dalawang gamot nalang ang iinumin mo every day since papagaling kana" magiliw na aniya. I just realize how she bloomed each day, mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko. "Thanks alot doctora" tugon ko saka ininom na ang mga gamot. Mabuti nalang at natapos na rin ang pagi-inject nila sakin. Dahil maganda naman daw ang nagiging process ko ay inaasahan nilang makakalabas na rin ako next week. "Oh siya, kung may kailangan ka ay magsabi lang kayo ng kapatid mo" aniya. "By the way, where's your brother? I saw him this morning" tanong nito. "Ah, yeah. Nasa toilet lang, naghuhugas. Medyo maarte din kasi yun" nakangiting sagot ko. "Hindi yun pagiging maarte, malinis lang talaga siyang lalaki" ngiting tugon niya. Oo nga pala, doctor ang kausap ko. "Okay then, I'll just see you around" nakangiting aniya. Sa ilang buwan at linggo kong nanatili dito, ngayon ko kang siya nakitang ngumingiti sakin. Madalas ay seryoso siya at parang walang pakealam sa mga tao sa paligid niya. "Ah... wait!" pagpigil ko sa kanyang umalis. "Yes? What is it?" takang tanong nito. "Kaya mo na bang bumalik sa trabaho? I think you should have a good rest" nag aalalang tanong ko. "Wala naman akong nararamdamang kakaiba kaya walang dahilan para hindi pumasok. Besides, maraming pasyente ang nangangailingan sakin" nakangiting aniya. She's too positive to look over her health. Akala niya ay lagi siyang healthy dahil doctor siya. Tsk! Kailangan din kaya niya ng sapat na pahinga. Matapos niyang umalis ay humiga lang ako sa kama habang naghihintay sa oras. Mamayang 10AM pa kasi ang session ko kay doctora sofia ngayong araw. "Justin" tawag ko saking kapatid. Kanina pa kasi siya ngumingiti habang nakatingin sa cellphone. Humihiga tapos umuupo na naman sa sofa ng nakangiti. Hindi naman halatang kinikilig. "Yeah?" maikling tugon nito habang nasa cellphone pa rin ang atensyon. Nagmana naman sakin ito sa itsura pero parang adik kung ngingiti siyang mag isa. "Para kang baliw!" ani ko. Lumingon naman agad ito sakin saka ako takang tinignan. "Sino?" takang tanong niya saka nilibot ang paningin sa kwarto. "Malamang ikaw. Yung ngiti mo mapupunit na" tugon ko. "Hindi ako ngumingiti ah! Kailan pa ako ngumiti?" deny niya saka nakatingin na naman sa cellphone. "Sino yan? Sinong kausap mo at wagas kang makangiti? Talo mo pa nanalo sa lotto" ani ko. "Tch! ano ba kasi yung kailangan mo?" naaasar na baling niya sakin. "Nakita mo ba si Nurse Caren?" tanong ko. Pagbanggit ko sa pangalan ng nurse ay agad naman itong namula. Hindi pala kuta sa babae ang kapatid kong to dahil sa pagiging tahimik nito. Introvert kung baga. "Ehem" pagklaro nito sa boses. "Bakit mo naman natanong?" nag uusisang aniya. "May gusto lang akong sabihin sa kanya" tugon ko. "Ano yun?" seryosong aniya. "Wala kana dun, wag kang sumasali sa usapang ito" tugon ko. "Tch! may gusto ka sa kanya?" diretsong aniya. "Ang dumi ng isip mo" suway ko dito. Hindi pwedeng hihingi lang ng pabor? tch! Nahihiya kasi akong sabihin mismo kay Yncse. But I'm happy though, hindi na kasing lamig ng yelo ang pakikitungo niya sa akin. Mabilis lumipas ang oras at natapos na rin ang session ko kay doctora sofia. Maganda ang improvement ng katawan at muscles ko sa binti kaya mas nagiging komportable na akong maglakad ngayon. "Justin" tawag ko dito habang nakaupo siya sa waiting area. Hindi na kasi siya sumama sa loob ng practice room dahil nakakalakad naman daw ako kahit ako lang mag isa. Wala talagang konsiderasyon sa kapatid niya. "Oh! ang bilis namang natapos?" takang aniya. Ngunit ang mas ipinagtataka ko ay kasama at kausap niya si Nurse Caren. Ano namang pag uusapan nila? Parang may seryoso silang pinaguusapan. " Hello nurse!" maligayang bati ko saka kumaway. "Goodnoon sir! Congratulations pala sa good improvement ng iyong theraphy" nakangiting bati nito sakin. Ngayon ko lang napansin, bagay pala sila sa isa't-isa. "Well, thankyou Nurse Caren! I'm also glad for my fast recovery. Hindi ko rin to inaasahang mas mapadali, swerte nga lang siguro. Matagal tagal na rin akong nags-stay dito" nakangiting tugon ko. Pwede naman kaming makalabas ngunit sa ground area lang, ayaw ko namang magpahangin dun dahil marami ring tao at nasisilaw pa rin ako sa sikat ng araw. "Oh siya, mauna na ako mga Sirs" natatawang aniya saka ko naman siya nakangiting tinanguan. "Anong pinag uusapan niyo kanina?" agad na tanong ko kay Justin habang naglalakad kami pabalik sa room ko. "Wala kana dun" aniya. Anyare dito? Speaking of... "Shitttt. Dammit! " Nagtaka namang tumingin sakin si Justin. "Ano? bakit? may masakit ba sayo?" nag aalalang aniya. "May sasabihin nga pala sana ako kay Nurse Caren" saad ko saka napakamot nalang sa ulo. "Ang saya niyo nga kanina e, hindi na ako nakakasali sa usapan, nakaligtaan tuloy na meron palang sasabihin" bulong nito sa sarili. "Alam mo ba kung saan siya ngayon?" agad kong tanong dito. "Bat ko naman sasabihin?" malamig na tugon niya. "Alam mo nga? samahan mo nga ako dun" pakiusap na ani ko. "Hintayin mo nalang, baka pupunta din siya dito" sagot niya. Paano kung hindi? Malapit na akong ma discharge wala pa akong nagagawa. Dahil hindi naman ako sinamahan ni Justin ay lumabas nalang ako para hanapin si Nurse Caren ng mag isa. Iwan ko ba sa kapatid kong yun, biglang ganun kumilos. Pagkalabas ko sa kwarto ay naglalakad na ako sa kabilang hallway saka pinapalibot ang paningin. Ngunit sa di kalayoan ay natanaw ko si Yncse, may kasamang lalake, hindi ko ito kilala dahil nakatalikod ito sa gawi ko. Masaya silang nag uusap at may dala-dalang bouquet of red flower si Yncse saka sila pinagtitinginan ng ibang tao. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Ngayon ko lang to naramdaman dahil lang sa isang babae. Hindi ko maipaliwanag. Bumalik nalang ako sa kwarto at nanatili sa loob hanggang sa makatulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD