Caren's Pov
Sa tagal naming pagsasama ni Yncse, napansin kong ngayon lang sya nagkaganito. Parang may nagbabago sa kanya.
Bukod sa palaging okyupado ang isip niya, naaapektuhan niya pati ang trabaho niya bilang doctor. Marami siyang nakakalimutan at nakalagtaang mga importanteng bagay. Kung hindi ko pa ipaalala, tiyak na malilimutan niya talaga.
Hayss!
Isali mo pa ang pasyente niyang si Mr.Jace Huxley, kailan pa sila naging malapit sa isa't-isa? Kung iisipin, isang pasyente lang siya, pero bakit kailangan niyang kausapin si Yncse sa personal na bagay? Isa ito sa gumugulo sa isip ko. Wala naman akong nalalamang magkakilala sila pero kung magtinginan sila ay parang kilala na nila ang isa't-isa.
"Natapon mo na ang tubig" rinig kong boses sa likuran ko.
Sa laking gulat ko ay nahulog ko ang plastic cup sa sahig na puno ng tubig.
"What a waste. Tsk! Tsk!" napailing na aniya.
"Hindi sana yan matatapon kung hindi ka nanggugulat. Kainis" sagot ko saka pinagpag ang nabasang uniporme.
"Malay ko bang lutang ka. Matulog ka kaya" sarkastikong ani zeithro.
"Paano ako makakatulog pagkatapos sa nangyari kay Yncse aber? Abnoy din to e, hindi nag iisip" tugon ko saka minamap ang tubig sa sahig.
"Huh! ako pa abnoy? Sinasabihan ka na ngang natatapon na yung tubig" naaasar na aniya.
"Oo, abnoy ka talaga. Sa sobrang ka abnoyan mo, ipapatapon ka ng daddy mo sa mental hospital at hindi dito" sagot ko.
"Alam mo, ang ingay mong ipis ka" aniya.
"Huh, ipis? Nagsasalita ang bangaw oh!" tugon ko.
"Sa pogi kong ito? ikokompara mo ko sa bangaw? Swerte ka at nasa hospital tayo. Ayokong masira ang pagka professional ko. Hindi tulad mong ipis ka, ang ingay ingay mo" naasar na aniya
"Look who's talking" bulong ko nalang sa sarili.
Napaka immature talaga ng lalakeng to, parang hindi doctor. Yung bibig parang tindero ng isda sa palengke.
"How's Yncse, by the way?" pag uusisang tanong nito.
"Yan, maging matino ka sa kinakausap mo" tugon ko.
"Aba! Sumasag-"
Bago siya makapagsalita ay inunahan ko na sya.
"She's stable now, but I think she hasn't overcome about nighmares yet " napapailing na sagot ko.
"That's expected. It's an horrible experience tho. I even got goosebumps if I were to be her. Just comfort her since you're the closest friend" sinserong aniya saka ininum ang kape mula sa coffee vending machine.
Matino minsan, madalas baliw.
I usually thought how his patients go through with his behaviour. Tch!
"Oh, just tell her that the operation was succesfull. She can rest up whenever she wants. She's still suffering overfatigue, so let her fully recovered before coming back to work" saad niya saka umalis matapos magpaalam.
Hindi kami gaanong malapit kay Zeithro, lalo't may hidwaan sila noon ni yncse.
I even remember how desperate he was that time to challenge Yncse for an operation just to win the position of being a head doctor of our department. The General Surgeon Department. But as what we all can see, he's the assistant head instead. It is his specialization, so he can't just become a head doctor to any department he wants.
"Nurse Caren, the chairman needs our attendance at the conference room right away" ani nurse Jess na nakasilip sa pinto dito sa snack's room para sa mga nurses. Siya ang isa sa mga nurses sa counter area as of now.
"Okay, susunod ako. Thankyou!" ngiting sagot ko.
Inayos ko muna ang aking sarili dahil sa nabasa kong uniporme saka ako agad na tumungo sa conference room.
Marami na ring mga doctors and nurses na narito kaya umupo na ako sa bakanteng upoan.
Elliptical form ang table ng confroom kaya makikita ang mga nandirito. Kilala ko naman lahat ng doctors at nurses sa iba't-ibang department kaya lang may isang lalaki na nakaupo sa unahan na hindi naman dapat na nandito.
Kakausapin ko sana sya pero dumating agad ang director namin.
"I'm sorry for consuming your time, but it will be quick" pagpaumanhin ng chairman.
"Since all of you already know each other in a long time as a matter of working in this hospital. I shall introduce to you our new radiologist doctor. Mr. Amadeo Miller. He's also a great doctor in one of the well-known hospital in the Philippines" tuwang-tuwa na pahayag niya samin.
Pagkasabi nang chairman sa pangalang iyon ay muntik pa akong mabilaokan sa sarili kong laway.
Jace Pov
Hindi ako makatulog ngayon dahil sa nangyari kanina.
Flashback>>>
"Anong saysay ng panaginip na iyon?" bulong ni Yncse sa sarili.
Wala akong alam kung ano mang nakikita nya sa panaginip pero kung huhusgahan ang reaksyon nya ay labis siyang nalungkot at nasaktan na parang nahuli sya nang katotohanan.
"Maaari bang magloko ang panaginip?" seryosong tanong niya habang nakatingala sa langit.
Kahit sya ay hindi kombinsedo sa kasagutan ng tanong niya.
Napabuntong hininga nalang akong nakatingin sa bilog na buwan.
"Hindi ako sigurado, pero baka dahil sa panlilinlang mo sa iyong puso, napurohan ang isip mo kakaisip sa hindi naman bahagi ng buhay mo kaya gumawa ng kalokohan ang isip mo at pinapabaliw ka sa katotohanan na hindi mo gustong matuklasan dahil matagal mo na itong tinatakasan. Takot kang harapin ang katotohanan dahil baka hindi mo kayaning paniwalaan"
Hindi ko alam ang mga sinasabi ko pero iyon ang nararamdaman ko.
Lumingon siya sakin at nagkatagpo ang mga mata namin, ngunit hindi ko mawari ang reaksyon ng kanyang mukha. Naguguluhan o nagugulat.
"Gumagawa ang isip mo ng senyales para malaman mo paano lumaban sa sarili mong digmaan. Pinagigising ka sa katotohanang hindi ka mabubuhay ng mag isa at kailangan mo ng mananatili sa tabi mo" dagdag kong sabi.
At yun ay sana..ako nalang.
Namutawi ang katahimikan sa pagitan namin.
"Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gagawin sa katotohanang sa palagay ko ay hindi ko na maiiwasan" aniya habang nakatingin sa akin.
Parang may gusto siyang sasabihin sakin ngunit pinipigilan niya lang ang sarili.
"Natatakot ka ba dahil hindi mo ito matanggap?" tanong ko sakanya.
Bumuntong hininga siya saka tinignan ang maliwanag na buwan sa labas ng bintana.
"Hindi kaya siya nalulungkot nang nag iisa? Kung sakali man, sana ganyan din ang mga tao. Hindi kailangan na magkunwaring masaya at hindi nasasaktan dahil alam nila kung paano magpakatotoo sa sarili at sa ibang tao" wala sa sariling tugon nito.
Kapag nakikita ko siyang nasasaktan ay mas lalo akong nasasaktan. Ayokong makita na nalulungkot siya.
Magdamag ko siyang naiisip sa mga nakaraang linggo at araw. Hindi ako mapakali, gusto ko siyang kumustahin at makausap pero anong karapatan kong kausapin siya gayong hindi maganda ang unang nangyari sa aming dalawa? Lalo't sa pagkakaalam niya ay ikakasal na talaga ako.
Gusto kong humingi ng tawad pero hindi ko alam paano at saan sisimulan. Gusto kong sabihin yung nararamdaman ko sa kanya pero pakiramdam ko hindi ito ang tamang oras para dun. I want to comfort her, but I don't know how because I know nothing much about her. Ang alam ko lang ay gusto ko siya.
"Why are you here, by the way?" biglang tanong niya sakin.
"I just want to check on you. I heard what happen" nahihiyang tugon ko.
"I know you have something to tell me. Caren told me that you came here" malamig niyang tugon.
Gusto kong sabihin lahat pero parang nababara ang dila ko.
"Is it about the one night stand?" diretsong tanong niya habang nakatingin saking mga mata na nagpabilis nang t***k ng puso ko.
"Don't feel guilty towards me, I already forgotten. It's your fiance you should feel guilty to, becuase you're fooling around all this time" malamig na saad niya.
"You should tell her before she'll know. It's a bigger scandal if she discovered it by herself. If I had to apologize, I'll do it. Don't worry, I won't go against between you and won't run away from my mistakes" malamig na aniya.
"She is not my fiance" agad kong tugon.
I don't want to mess this out anymore.
Nilingon niya ako ngunit hindi agad makapagsalita.
"W-what do you mean? I'm pretty sure that you're engaged with her" nagugulohang aniya.
"That was before. I was blinded because of my love for her. She cheated and lied to me, because in the first place all she ever wanted is my money and property especially to make use of our company. Her greed pushed onto me and gain my family's trust
And the truth is.. she's in a relationship for about three years with somebody" saad ko.
"W-what? That's horrible than mine!" hindi makapaniwalang aniya.
"Huli na nang malaman ko pero hindi ko pa rin ito pinansin, ang importante sa akin noon ay manatili siya sakin" sinserong tugon ko.
"Ganun ka kabaliw? Fantastic!" hindi makapaniwalang sabi niya.
Natawa naman ako sa reaksyon ng mukha niya. Parang gusto niyang mulatin ang mga mata ko hanggang sa makita ko ang lawak ng buong mundo.
"That was before, tch! Kung makatingin naman" natatawang sagot ko.
"I didn't expect you're that fragile pagdating sa babae. Tsk! hindi babagay sayo ang ganyan" aniya.
"Oh, right! Kung hindi mo siya fiance, bakit lumalapit pa rin siya sayo na parang walang nangyari? Bakit binabantayan at inaalagaan ka niya ngayong broken naman pala ang engagement niyo? Parang maka asta siya asawa ka niya" naaasar na tanong niya.
Bakit mas galit pa 'to kesa sakin?
"Are you jealous?" natatawang tanong ko.
Lumingon siya sakin saka hindi makapaniwalang tumitig.
"The heck are you talking about! I'm not, why do I have to get jealous over nothing? We don't share special feelings, so why would I?" nagtatakang aniya.
"You're too obvious" nakangising sagot ko.
"I'm not" pagdepensa niya ulit sa sarili.
"Yes, you are" natatawang tugon ko.
"No, never" aniya.
"Okay, fine. Now that you know, please don't get it wrong" tugon ko.
"Whatever" nagkasalubong ang kilay na sagot niya.
"I'm serious on what I have told you before" saad ko.
Nagugulohan naman siyang napaisip.
"Saan dun?" tanong niya.
"Marry me!" sagot ko saka diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.
What a gorgeous creature.
"Paano kung papayag ako?" blanko ang mukhang tugon niya.
I don't know if she's playing around, because if she is, I'm sure to be hurt cause I'm not pretending.