Chapter 13

1784 Words
Jace Pov "What was that, Jace?" galit na tanong ni Savrina sakin. "Can you atleast act matured savrina? Why the heck would you cause a trouble to someone like her?" "Huh! So what? Is she that special?" masuring aniya. "Yes, because she's a doctor. She treated me in the hospital where I was confined. Can't you understand that?" napupunong tugon ko. Bakit siya pa yung galit, na sa katunayan ay wala syang dahilan para magalit. "Answer me Jace, is she just a doctor to you? Nakikita ko ang mga tinginan ninyo, lalo ka na! Hindi ganyan tumingin ang hindi magkakilala" nag uusisang tanong niya. I can see through her eyes the jealousy and anger. "I don't need to say something about that, you might get hurt. Please leave" malamig kong pakiusap dito. Kahit anong gawin ko, naaawa pa rin ako kung pakikitunguhan ko siya ng hindi maganda. Whereas in the first place, I could grow a hatred towards her. "No, hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasagot ang tanong ko sayo. May gusto ka ba sa babaeng yun?" naiiyak na tanong niya. "Can you please stop and leave? While I'm asking you politely. Just leave" tugon ko habang nakatingin sa kawalan. "Now, you're acting like there's really something between you and her. Kaya pala ayaw mo akong pumupunta dito. Hanggan kailan pa to?" umiiyak na aniya. "It's none of your business, savrina. Umuwi ka na" malamig na tugon ko. "You're drivin' me sane. I can not believe you. I was just out for a second, yet.." aniya habang pinupunasan ang mga luha. I don't want to see her face. Baka mas lalo akong mairita at makabitaw pa ng masasakit na salita. "Okay then, don't answer my damn question. Diyan ka naman magaling e, sa pagtatago. Besides, I don't want to hear it. Let's talk some other time. I'll go ahead" aniya. Hindi ko na siya nilingon pa, naramdaman ko nalang na kinuha niya ang mga gamit niya saka sinirado ang pinto. Gusto ko mang kausapin si yncse ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko para makinig siya sakin. Pero bahala na. Kailangan ko na talaga siyang makausap. Agad akong pumunta sa office niya. Hindi na ako gumamit ng kahit anong support para makalakad dahil kaya ko naman at hindi naman ako aabot hanggang first floor sa paglalakad. Nung nasa harapan na ako ng office niya ay kumatok muna ako. Ilang sandali pa ay bumukas naman agad ito. Ngunit hindi si Yncse, kundi si nurse caren ang nandito. "Oh, Mr. Huxley? What is it?" magiliw na tanong niya sakin. Nakakahiya mang sabihin pero wala na akong choice pa dahil nandito naman na ako. "Ah, can I talk to Dra. Hellary? If it's possible" nakangiting tugon ko. "Oh, you're looking for her. Can I ask why? Is it anything about your health or condition? Is it very important?" kumalingang aniya. "Uhm no, it's just a personal concern" sagot ko nalang. Hindi naman maaaring ipagsasabi ko pa sa kanya ang mga nangyayari. Kaya mas mabuti na sigurong si yncse na lang ang kakausapin ko. Marami akong gustong sabihin sa kanya. "Oh, okay but unfortunately, natutulog pa si Doctora. Pero pwede namang gigisingin ko kung gusto mo?" nakangiti pa ring saad nito. Ang masayahin nila. "Ah, hindi na nurse caren, babalik nalang ako mamaya o bukas" tugon ko. "Okay, sasabihin ko nalang sa kanya kapag nagising na siya. Kaya mo bang bumalik sa room mo? Gusto mong tulungan na kita? " pag presenta nito. "Ah, hindi na. I'm also excercising para mas mabilis ang process of healing" sagot ko. Matapos magpaalam ay bumalik na ako sa room ko. Kaya pala parang wala sya sa mood kanina, baka inaantok lang. It's quarter 6 and I really feel bored, so I open my laptop and surf in the internet. Hindi ko namalayan na nasa wall na pala ako ni Yncse. I stalk at her timeline and saw alot of pictures of her, wearing the hospital gown. She's totally happy and adorable in every pose and selfies. Then, there's some photo na kasama niya ang isang lalake. Base sa suot nito ay isa rin itong doctor ngunit iba ito sa uniform nila. The other photo that caught my attention was taken at the restaurant, hindi lang silang dalawa ang nandun dahil naroon din ang mga co-worker ni Yncse. They both smiled infront of the camera as if they were so close. Hindi lang iyon, may ilang beses pa silang nagkita sa ibang lugar. Who's this guy? He looked familiar. Hanggang sa hindi ko namalayan ang oras at alas syete na pala ng gabi. Hindi pa ako kumakain dahil wala akong gana kanina kaya tumawag at nagpahatid nalang ako sa counter ng makakain ko. Kahit anong pag iisip ko ay hindi ko mapangalanan ang pamilyar na lalake sa litratong nakita ko. I kinda feel weird. I think I know him but at the same point, I don't know where I saw him. Matapos kong kumain ay uminom na ako ng gamot na dinala ng nurse. Marami sigurong pinagkaabalahan si nurse caren kaya hindi siya ang naghatid ng gamot ko ngayon. Habang nagpapahinga ako ay may narinig akong kagulohan sa labas ng room ko. Hindi ko gaanong maririnig pero dahil tahimik naman dito palagi kaya kahit anong kaluskos sa labas ay maririnig dito sa loob. May mga nagtatakbo, nakikita ito sa ibaba ng pintuan ko. Their shadow is reflecting inside my room. Because of my curiousity, lumabas ako ng kwarto ko. Hindi naman ako nagkamali, parang may tinutulungan nga silang pasyente. Malayo ito sa room ko kaya hindi na ako nag uusisa lalo't hindi pa ako gaanong makakalakad kaya umupo nalang ako sa may upoan sa labas ng kwarto ko dahil wala naman din akong magagawa sa loob. Hindi ko rin masilip kung kaninong room iyon dahil nagkakagulo ang mga tao sa labas. Maya-maya ay nakita kong lumabas ang iilang doctor at nurses mula sa room na iyon ngunit marami pa ring nakaharang, pati sa ibang room nahaharanagan na ng mga tao ngunit malinaw naman na nasalba ng mga doctors ang pasyente sa loob. Hindi nagtagal ay nakita ko ang assistant nurse ni Yncse, si Nurse Caren. Tumatakbo at dumaan sa harapan ko. Nagmamadali at halatang umiiyak dahil sa mga luhang dumadaloy sa pisngi niya. Gusto ko man syang tanungin pero parang hindi naman niya ako nakikita dahil sa okyupado ang kanyang isip kaya hinayaan ko nalang. Nagsisialisan na rin ang mga taong naguusisa doon. "Kahit papaano ay nakakaawa talaga ang babaeng yun." rinig kong boses sa tabi ko. "Ziethro?" tawag pansin ko dito. "Kailan ka pa nandiyan? Multo ka ba at kahit saan ka nalang sumusulpot" ani ko habang nakatingin siya sa room na iyon. "Buti nalang at na agapan siya agad. Kawawang Yncse" aniya saka bumuntong hininga. Ano daw? "Si Yncse? bakit? anong nangyare?" paguusisang tanong ko sa kanya. "She experienced Sudden Unexplained Nocturnal Death Syndrome" aniya. "What's that? Malala ba yan?" nagugulohang tanong ko. Malay ko ba kung anong sakit yan. "Bangungot iyon dito sa atin, but if nurse caren missed out even her three minutes, she might gone" seryosong aniya. "What's the reason behind that?" pag uusisang tanong ko. Naguguluhan. "It's usually occured in anytime most especially at night during sleep. There's also a huge chance na bangungutin ka kapag mataas ang lagnat mo na hindi mo namalayan o di kaya ay may fatigue ka saka iba pang mga sakit o dinaramdam mo na maaaring pagmulan upang mangyare ang SUNDS. But as what I've said, it will happen in any moment of our life. In short, it's unexpected death for us. Worst, you'll be able to suffer cardiac arrest if you're not awaken inopportunely and die in no time. Matapos marinig yun ay hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Gulat at takot sa kung anong nangyari sa kanya "I should check on her" tugon ko. "Wag muna, papakalmahin muna siya nina dad. We all know she's in shock but don't worry, she'll overcome this" nakangiting sagot niya. "Is this not the first time?" tanong ko sa kanya. "Nope, it's not. Kung ang panahon ay may season, ganun din sa condition niya. Hindi yun mapipigilan at magagamot. Mawawala lang yun ng kusa" aniya. Then, his phone suddenly vibrated. He took his phone out from his pants and check the text message. "I'll go ahead bro. I just receive a text from dad. I have to get ready for Yncse's operation" napabuntong hininga na aniya. What? Operation? "W-what do you mean?" naguguluhang tanong ko. Akala ko ba bangungot lang, bakit kailangan niyang operahan? "Ah, haha yung pasyente pala ni Yncse... Ibig kong sabihin, I'll take over her patient sa OR." nakangising aniya. Ganun ba sila ka mindless sa mga sinasabi nila? Aatakihin ata ako sa puso. "By the way, you're healing fast than expected. Congrats bro!!" nakangising saad niya. Bakit parang wala lang sa kanila ang mga nangyayari? Nakuha pa nilang tumawa. Mga weirdo. Makalipas ang kalahating oras kong pagbabantay na may lumabas sa office ni yncse ay napagdesisyonan kong puntahan na sya. Hindi na ako mapapakali dito lalo at hindi ko nalalaman ang kalagayan niya. Nung nasa harapan na ako ng office ni yncse ay kumatok muna ako at hindi naman nagtagal ay bumukas agad. Si Nurse Caren. Makikita mo ang pamamaga ng mga mata niya sa pag iyak pero hindi na gaanong malungkot ang itsura niya. Such a real friend, nagdudusa dahil sa kaibigan niya. Minsan lang tayo makatagpo ng ganito. "Mr. Huxley, what is it?" agad na tanong nito matapos akong makita. Malalaman talagang sinusubukan niyang ipakita na walang nangyari kahit meron naman talaga. "Can I talk to Yncse, if she's still awake? Don't worry, kukumustahin ko lang sya" magalang at nakangiting tugon ko. "Yeah, sure. Ikaw na muna ang bahala sa kanya ha, baka pareho kaming mababaliw kapag kaming dalawa ang mag uusap. May aasikasuhin pa rin kasi ako" aniya. Pagkaalis ni nurse caren ay pumasok na agad ako. Maliwanag ang office ni yncse at ang tahimik. Nasa kabilang bahagi ng office na to ang kwarto niya at ang tanging harang papunta dun ay curtine lang kaya makikita mo siya sa loob. She's lying on her bed habang nakatingala sa langit. Maraming bituin ngayon kaya masarap pagmasdan. Hindi naman niya agad ako naramdamang pumasok kaya umupo nalang ako sa tabi ng kama niya at pinagmasdan sya. Maya-maya ay nagsalita naman sya bigla ng hindi ko inaasahan. "Maaari bang magloko ang panaginip?" aniya habang ang mga tingin ay nasa langit. Hindi ko alam kung anong gusto niyang marinig na sagot. I didn't even expect for her to ask this kind of question. Pero ang masasabi ko lang ay kung ano talaga ang sagot ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD