Yncse POV
Mabuti nalang at nakalabas pa naman ako sa kwartong yun ng may dignidad. Nakakahiya talaga!!
"Doctora" mahinang tawag sakin ng boses lalake habang naglalakad ako sa hallway.
Nilingon ko ito at yung kapatid lang pala ni Jace.
His name is quite familiar though.
Sumabay siya sakin sa paglalakad at inabutan ako ng cup of coffee.
"Oh thanks! what can I do for you?" nakangiting tanong ko.
"Uhm, nothing doc. Hihingi lang ako ng pasensya. Pasensya na nga pala sa kuya ko, kahit ano ng pinagsasasabi kanina" natatawang aniya.
They're just similar huh!
"It's okay, I'm well understood. Hindi pa naman siya fully recovered. Anyways, saan ka pala pupunta?" tanong ko.
"Ah, I'm just going to buy some foods and drinks po" nakangiting aniya.
"Wag mong pakainin ng madami ang kuya mo at baka sasakit ang tiyan nun" habilin ko.
"Yes po doc. Ano, una na po ako doctora and have a nice day po" nakangiting sagot nito at sumaludo pa sakin saka pumasok sa elevator.
Ang masayahin namang bata.
Bumalik na ako sa opisina ko at nagpapahatid na lang ako ng makakain namin ni Caren. Napapagod na kasi akong palakad-lakad at paakyat-akyat ng floors.
"Yncse" bulong na tawag sakin ni Caren habang nagsusubo ako ng chicken leg.
"Hmmm" tugon ko saka ngumunguya.
"Cute ng kapatid ni Jace no?" biglang usal niya.
Nabulunan naman ako bigla sa narinig ko. Agad akong uminom ng tubig habang uubo-ubo.
"Are you okay? Hahaha ano bang mali sa sinasabi ko" aniya na patawa tawa pa sa kalagayan ko.
"Anong cute pinagsasabi mo Caren? Ang bata pa nun, gumising ka nga!" sagot ko saka patuloy sa pag inom ng tubig.
"Helloooo!!! twenty four na kaya yun. Magkaedad lang kami. Kahit bata yun tignan pero twenty four na siya" ngiting aniya.
"Kahit na, bata pa rin yun. Jowain mo yung mas matanda sayo, mas matanda mas mature na. Mga 30's ganun, ano ka ba!" suway ko dito.
"Eh? 30's talaga? Mas bet ko yung kaedad ko. Susuwayin mo ba ang tinitibok ng puso mo? hehehe" aniya na parang kinikilig.
"Huy! Kilabutan ka nga" saad ko saka patuloy na kumakain
"Bakit? Hindi mo ba bet yung kuya niya? Ang pogi rin kaya nu--Hala, tubig!!" sigaw ni caren.
Paano ba naman, mas lalo tuloy akong nabulunan sa pagkain dahil sa pinagsasasabi ng babaeng 'to.
"Nabubusog ata ako sa tubig, hindi sa pagkain" usal ko sa kanya.
"Bakit ka kasi nabubulunan?" iritang aniya.
"Bakit ba kasi ang ingay mo at kahit ano na yang pinagsasasabi mo. Tch!" sagot ko saka kinain nalang yung hotdog sa plato ko.
"Bakit? Pogi naman kasi si Jace. Pang hearttrob, kpop idol, saka parang oppa sa kdrama ganun. Hindi mo aakalaing magiging pasyente ko noon, jowa ko na ngayon vibe kayo haha" aniya na tuwang tuwa naman habang nagpapalakpak.
"Kilabutan ka nga Caren!" sagot ko saka ito nilakihan ng mata bilang pagsuway sa kanya.
"Ito naman ang arte. Kaya ka di nagkakajowa e, dahil--"
"Dahil ano? Ano naman?" sabat ko..
"Sobrang ganda mo ngayon Yncse hehe" aniya saka tumahimik na at kumain nalang.
Tsk! Tsk!
Engage na nga yung tao, rereto pa sakin.
Ano daw? kahit naman hindi engage, hindi ako magkakagusto dun. Not even a chance!
Gwapo sya, Oo. pero iba yung hanap ko sa lalaki. Yung mala lowkey person ngunit charismatic and smart. Matapos namin kumain ay may check up session kami sa first floor at isa ako sa voluntary doctor doon kaya agad naman na akong nag prepare ng gagamitin ko.
"Ready na ba yung gamit mo?" tanong ni Caren.
"Yes, lagi namang handa yan" sagot ko habang sinusuot ang lab gown ko.
Hindi nagtagal ay bumaba na kami at nakakasalubong ko pa ang nakangiting si zeithro. Magche-check siguro yun ng pasyente niya.
Lagi nalang nakangiti ang abnormal na yun. Hindi siguro nakakaramdam ng lungkot sa buhay.
Pagkarating namin ay marami-rami ng pasyenteng nandoon at nagsisimula na pala sila. Umupo ako sa nakahandang mesa na nakapangalan sakin at binigay naman agad ni Caren ang forms ng mga pasyenteng nais magpatingin.
Isa-isa ko silang tinawag at saka sinusuri ang kalagayan at dinaramdam nila. Alas kwatro na nung matapos namin lahat ng pasyente. Every friday ay ganito ang event sa hospital namin. May libreng check up ngunit ang mga gamot sa recita ay kailangan na nilang bilhin iyon at discounted nalang kapag within a day bibilhin sa pharmacy ng hospital namin.
Ang taba naman talaga ng puso ng director namin at napakamatulungin sa kapwa.
Kahit nakakapagod ay pinili ko pa ring tumulong dito para kahit sa maliit na bagay ay makakatulong ako sa mga may dinaramdam at kapwa pilipino.
Inaya ko si Caren na puntahan namin ang pasyente ko at e check bago ako umuwi.
"Napalitan ba yung bandage sa paa niya kanina?" tanong ko kay Caren.
"Yes doc"
"How's the wounds?" tugon ko.
"Erythematous doc" sagot nito.
"Okay, just apply Povidone Iodine on his wounds after taking his pain reliever medicine and have an extra care para hindi ma infection iyon" paliwanag ko.
"We will doc" aniya.
Pagkarating namin sa room ni Jace ay kumatok ako at sumagot naman siya na papasokin kami.
Nakita kong nagbabasa ito ng libro at halatang focus sa binabasa.
"Ehem" pag agaw atensyon ko at tumingin naman siya agad sa direksyon namin.
"Oh! I apologize. I thought it was Justin" aniya.
Lumapit ako sa kama niya at sinuri ang dextrose na nakasabit doon. Tinignan ko ng maigi ang mukha niya, the bruises from the accident are still visible but light. Meron sa noo at iilan sa pisngi niya and the wounds from the operation on his foot at sa braso niya are not fully healed yet.
"Nurse Caren, please do change these bandage and apply the ointment on his wounds regularly. It must be clean to prevent health problems" bilin ko kay Caren.
"Yes doc" aniya.
Ano bang nangyari sa lalaking to. Plano ba nitong magpakamatay sa kalsada? Tsk! Tsk!
"Anyway, Mr. Huxley, how do you feel?" tanong ko dito.
"I'm better now. Thanks to you doctora and the nurses" nakangiti at sinserong aniya.
Tumango naman ako bilang sagot.
"That's good. By the way, can I ask you something personal?" tanong ko dito.
But the he looked confuse.
"Y-yeah, what is it?" aniya.
"Uhm.. do you know what happen to you before the accident? May naaalala ka ba?" nag uusisang tanong ko.
Tinitigan naman niya ako ng ilang segundo saka tumingin kay Nurse Caren.
"Nurse Caren, can we have a private conversation? Just the doctor and me?" magalang na tanong nito.
Tinanguan ko naman si Caren bilang pagsang-ayon na iwan muna kami. Baka kasi sobrang confidential ng reason behind this.
"Well, uhm..yeah. sure. I'll go ahead then. Take your time" sagot ni Caren.
Pagkalabas nito ng pinto ay sobrang tahimik na ng room. Ni halos wala kang maririnig na kahit anong ingay ng lamok.
Umupo ako sa guest seat's malapit sa kama niya saka siya tinignan.
"Do you remember me?" diretsong tanong nito.
"W-what do you mean?" pagkukunware kong walang alam.
"That night before the accident" aniya saka seryosong sinuri ang bawat reaction ko.
"I don't know what you're talking about" tugon ko.
"I can't be wrong this time. We knew each other and you're aware of that" aniya.
"Look, I'm just going to ask you if in case you had suicidal thoughts that might be the cause of this accident, Mr. Huxley. But what about this topic you had to open up? " saad ko.
He's not convinced.
"Cut the crap, Dra. Hellary. We spent the night before the acc--"
"Just shut up! Baka may makarinig sayo" ani ko.
Hindi ko na napigilan ang sariling mag react lalo at public place ito. Ayokong may scandal na kumakalat sa workplace ko, ano nalang ang sasabihin ng mga taong makakarinig samin?
"How come? That is why I sent nurse Caren out so we could talk privately and yet yu're overreacting. Tayo lang makakarinig sa usapang ito. So tell me, you remember me, right?" nag uusisang saad nito.
What the heck! I'm doomed.
"Tsk. You're out of your mind" saad saka tumayo.
I just want to escape this time.
"I still remember the sound of yours and I want to hear it again near my ears. Like a beautiful music playing in my ears" nakangising saad niya saka siya kumindat. Ehhh?
"Pervert!!" singhal ko sa mukha niya.
Anong iniisip nito? makakaulit siya? ang bastos ng isip! Ganyan ba kapag gwapo? ang maniac!
"YNCSE HELLARY OF SAN ALFONSO UNIVERSITY. The first and only woman who broke my heart" usal niya.
Bakit naman ako kilala nito?
Nilingon ko siya saka inalalang maigi. Sa bar lang kami unang nagkita at hindi namin kilala ang isa't-isa kahit pangalan naming dalawa. Pero bakit pati ito ay alam niya?
"Who are you? And what's your intention? naiiritang tanong ko.
Nakangisi niya akong pinagmasdan na nangangapa sa kasagutan.
"Me? Maybe your soon to be husband, my sunshine" he smirked.
Kalokohan. Sira ata ulo nito.
"Okay. You seemed so confused. Hindi tayo unang nagkakita sa bar so I will just tell you a fact doctora. Remember, when we were in highschool? It's nearly our acquaintance party. I finally had enough strength to confess what I feel towards you. I have a courage to say those words because I want you to be my partner even just in our acquaintance night.
But it turns out to be.. the president council, my not so good friend was so lucky than me" aniya saka pekeng ngumiti.
Is he talking about..
"Amadeo?" tugon ko.
"Great! Now, you remember him but not me. I guess you probably hate me back then" aniya "But that doesn't matter anymore. I will.. make you mine though" dagdag niyang sabi na nagpatindig ng balahibo ko.
"W-what do you mean?" naguguluhang saad ko.
He smirked and seriously looked at my eyes.
"MARRY ME, HELLARY"