Jace POV
Matapos ang session ko kay doctora ay pabalik na ako ng kwarto kasama si Justinryl. Siya na muna ang pinaiwan ko para makapag pahinga naman sina mom and Jessica since may trabaho pa ang mga yun.
"Kuya" tawag sakin ni Justin.
"What?" agad na tugon ko.
"Tumawag nga pala sakin si ate sav kanina, hindi daw sya makakapunta ngayong araw kasi may importanteng meeting sya" paliwanag niya.
Hindi ko naman siya hahanapin. Mas mabuti nga at wala sya, naiirita ako sa mukha niya.
"Oh! Natahimik ka? Ano? Nalulungkot ka. Pag nandiyan yung tao lagi mong pinapa--"
"At sino namang nagsabi sayo na nalulungkot ako, aber? Bilisan mo na nga akong itulak, nagugutom na ako e" saad ko.
Pagkarating namin sa pinto ng kwarto ko ay nagtaka naman kami't bukas ng unti ang pintoan.
"Akala ko ba hindi pupunta si savrina?" naiiritang usal ko.
"Oo nga, tumawag sya kanina e. Baka surprise ka niya ngayon hehe" aniya.
Siraulo. Anong surprise? Hindi nga ako natutuwa dun, surprise niya nalang ako na wag na sya magpakita sakin ulit. Tiyak na matutuwa ako, tsk!
Agad na lamang akong pumasok ng hindi tinitignan kung sino ang nasa loob. Baka mag expect siyang nangungulila ako sa presensya niya.
"Umalis ka na lang, hindi naman kita kailangan dito. Kung isa to sa pa surprise mo ay wag mo ng ituloy pa. Mas gusto kong magpahinga at mapag isa muna" ani ko.
Ngunit ilang saglit na ang makalipas ay wala akong narinig na sagot sa inaasahan kong tao.
Kaya naman tinignan ko kung sinong na sa loob at laking gulat ko sa hindi inaasahang bisita.
"Excuse me? Ako ba yung kausap mo, sir?" tanong ng isang d-doctor habang tinuturo ang sarili nito.
Narinig ko namang bumungisngis si justin sa likoran ko.
Teka! Pamilyar siya sakin.
Siya yung nakasama ko nung gabi bago ako ma aksidente. Isa siyang doctor? Wah!
Hindi ako pwedeng magkamali, siya yun. Tandang-tanda ko pa ang mukha niya kahit lasing ako nun.
"Hello? Can you hear me?" tanong nito na winawagayway pa ang kamay sa mukha ko.
Impossible namang hindi ako nito nakilala.
O di kaya'y sa sobrang lasing niya kaya hindi niya ako maalala noon?
"Sir!" malakas na boses ang nagpabalik sa aking sarili.
"Y-yes?" mabilis kong tugon.
"Can't you hear me? or you can hear me?" aniya.
"I can. I-i'm sorry doc" pagpaumanhin ko.
Nawala ata ako sa sarili.
"Hello? Nurse Ardian? Umakyat ka nga dito sa room 402, isama mo na rin si Jeffrey" aniya sa telepono saka muling bumaling sa kapatid ko.
"Can you prepare his stuffs and pack all his things sir, please" saad nito.
"Yes doc" nakangiting sagot ng kapatid ko.
"Anyways, I'm sorry if late na akong bumisita at masuri ang pasyente ko. I am your official doctor by the way and I called your mom bago lang, to inform her na kailangan mo ng ilipat ng room. Baka kasi maka apekto sayo ang mga amoy ng medisina dito. And since maayos naman ang responses ng katawan mo, I'm sure na gagaling ka rin not too soon" nakangiting saad nito.
"Thank you doc" sagot ko nalang.
Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin at magiging reaction. Talagang hindi ko siya inaasahang makita dito lalo pa't siya pala ang doctor ko. Maganda nga siya, walang katumbas ang ganda niya. Lalo na kapag nasisinagan ng araw ang mukha niya, pagkakamalang anghel talaga.
"May kailangan ka ba? Kung may hindi ka komportable, maaari mong sabihin" aniya.
"Wala naman doc, except sa foods" nahihiyang saad ko.
"Oh, what about foods?" takang tanong niya.
"Kailan nga pala ako makakain ng usual na pagkain doc?" tanong ko.
"Well, pwede naman na ngayon pero dahan-dahan lang muna at baka mabigla ang sikmura mo." sagot nito.
Yung sayo? Kailan ulit?
"Ngunit, pwede pong magtanong?" usal ko.
"Ofcourse, what is it?" seryosong sagot niya.
"Nagkita na po ba tayo dati? Before this accident happen?" pag uusisang tanong ko.
Natigilan naman siya at plastic na ngumiti sakin.
"Uhm, I think we haven't meet before sir. Why do you ask?" aniya.
"You're familiar to me. Kaya naisip ko na baka nagkasalubong na tayo dati" nakangiting sagot ko.
"Ah! Baka ibang babae yun sir. Baka kung saan-saan ka nagpupunta kaya kahit sino at kahit anong mukha ang nakakasalamuha mo" parinig nito.
Pinapatamaan ba ako?
"If you don't have any concern sir, I will excuse myself and have a great day ahead" nakangiting aniya saka umalis na.
Agad namang dumating ang mga nurse na tinawagan niya kanina para ilipat ako ng kwarto at ang mga gamit namin.
Hindi pa rin nagbabago, mas lalo pa siyang gumanda. Mas lalong nakakabighani.
Pagkatapos mailipat lahat ay nagpahinga na muna ako sa kama habang si Justin ay may bibilhin lang daw sa labas kaya mag isa ako ngayon sa kwarto.
Mas maayos nga dito sa kwartong to, mas gumaan ang pakiramdam ko.
Now, I feel like I'm home. At nakikita din mula sa floor na to ang mga gusali sa labas.
Narinig ko namang may kumatok sa labas ng kwarto ko. Baka gamot na naman na ipapainom sakin.
"Come in"
Bumukas ang pinto at isang doctor na naka lab gown ang pumasok.
"Wazzup, Jace Huxley" patawa tawang aniya.
Look who's here!
"Ikaw pala yan" walang ganang saad ko.
"Grabe! welcome na welcome ako sa tono ng boses mo, parang pinapaalis mo na ako." aniya.
"Anong sadya mo na naman ba. Ang alam ko ay hindi ka kasama sa titingin sakin. Pumunta ka lang dito para mag iingay e. Bago pa lang tayo nagkita ah" saad ko.
A while ago...
"Who's there?" takang tanong ko sa kumakatok sa labas habang binibihisan ako ni Justin.
"It's me" then a familiar voice appeared.
Pagkatapos kong makabihis ay saka ko siya pinapasok.
He opened the door saka lumapit sakin
"How are you?" aniya.
"Looks fine. Nagre-recover, obviously" tugon ko.
"Bakit ka kasi nabangga. Hindi ka naman siguro marunong mag maneho. Turuan kita minsan bro para hindi ka na madisgrasya pa" seryosong aniya.
Talaga lang ha!
-----------------------------------------
"Tsk! I'm sure, you already meet her?" pag uusisang aniya
Sino bang tinutukoy nito?
"You mean?" takang tanong ko.
Gulat naman niya akong tinignan.
"Wag mo sabihing hindi pa siya bumisita sayo? Nakasalubong ko nga bago lang e. Balita ko ay siya yung in-charge sa paglipat ng room mo?" aniya.
"Oh? Si doctora? Bakit? Anong meron?" takang tanong ko.
"Seriously, Jace Huxley? Kinalimutan mo talaga ang lahat tungkol sa kanya? Pati mukha di mo maalala? Well, mas lalo nga naman siyang gumanda no?" aniya.
Hindi naman siguro niya alam na may nangyari sa pagitan namin, diba? Na may connection kami bago ito nangyari sakin?
"Just get me straight to the point. Ano bang sinasabi mo diyan?" curious na tanong ko.
"Tsk! It's Yncse Hellary bro! She's your doctor" paglilinaw niya. "Yung naglipat sayo ng room at nag opera sayo ay si Yncse yun" dagdag niyang sabi.
Natigilan naman ako at muling inisip.
Si Ynsce? Yncse Hellary? Siya yung doctor ko at ang babaeng naka one night stand ko?
The heck is happening on here?