Chapter 6

1583 Words
Yncse POV After knowing the patient that I've operated ay tila nakabagabag ito sa akin. Hindi ko alam ngunit natatakot akong makilala niya ako at ano nalang ang masasabi niya patungkol sa akin?! Nakakahiya ito para sa trabaho ko. Isang doctor nakikipag s*x sa isang lalakeng hindi naman kakilala kahit ang pangalan nito. Ano nalang ang iisipin niya? That I'm a w***e? Hell no!! "Doctora" nabalik ako saking sarili ng tawagin ako ni Caren. Nasa harapan ko na pala sya, hindi ko man lang namalayan ang pagpasok niya sa opisina ko. "Y-yes? What is it?" tanong ko sa kanya. "Bakit tila ba'y wala ka sayong sarili nitong mga nagdaang buwan? Napansin kong lagi ka nalang tulala. Ano bang nangyayari sayo? May iniinda ka ba Yncse? may problema ba?" aniya na halatang nag aalala. "Wala, wag mo nalang akong intindihin" ani ko na nakangiti para hindi na sya mag alala pa. "Lagi ka naman ganyan e, paanong hindi ka intindihin, mas lalo ka atang lumala e. Feeling ko tuloy may tinatago ka sakin" aniya na parang nanghihinala. "Ano namang itatago ko aber? Pagod lang talaga ako. Lagi akong pagod, tch!" saad ko sabay ngiti. "Tss kahit di naman. Ang sabihin mo, lagi kang lutang na parang naiinis na naguguluhan. Baka isang araw malaman kong nabaliw kana" bulong niya sa sarili. "Did you say something?" tanong ko. "Nevermind. Alam ko naman na kung ayaw mong sabihin, ay ayaw mo talaga tsk!. Anyways, good news!! Patient from 402 is awake naaa" masayang saad niya. Ano daw?! "402? That man I operated? That critical guy? The comatose patient?" labis na paglilinaw ko. "Oo nga. Ba't gulat na gulat ka? Ayaw mo ba siyang magising? Dapat nga masaya ka diba dahil ikaw nag opera sa kanya, tapos nagising na ang pasyente mo. Ngunit sa lagay mong yan parang gusto mo pa syang patulugin ulit ng dalawang buwan e " aniya . Bakit gising na? I mean, bakit ngayon pa? Ano nalang gagawin ko kapag makilala ako nun? Nakakahiyang makaharap siya. Wala na akong mukhang maihaharap pa. Mas mainam sana kung in comatose pa sya dahil malaya ko syang macheck dahil unconcious naman yung tao. Ngunit ngayong gising na pala, ano ng gagawin ko? "Hello!! Yncse, naririnig mo ba ako?" mahinang sigaw ni Caren sa tenga ko. Parang tanga naman to! "Kailan lang sya nagising?" natarantang tanong ko sa kanya. Gulat naman akong tinignan nito. "Kahapon lang, nung nasa conference room kayo at nagme-meeting kasama ang chairman, director at board members" sagot nito. "Kahapon lang? Bat di mo sakin pinaalam agad?" kinakabahan kong sabi. "Sasabihin ko naman sana sayo kaso cannot be reach ka. Hindi ba't umuwi ka agad pagkatapos ng meeting kasi sabi mo masakit ang ulo mo? Ako na nga nagtatrabaho sa trabaho mo sana e. Tinatawagan kaya kita, e ayaw mo naman sagutin. Hinahanap ka nga ng chairman kahapon e" mahabang paliwanag nito. Nagtaka naman ako. Bat naman ako hahanapin ng chairman?. E kakikita lang namin sa ConRoom. "Bakit daw ba ako hinahanap?" takang tanong ko. "Luh sya! Seryoso? Aba'y para dalhin ka sa mental doc. Malamang, para batiin ka at ipakilala sa pasyente na ikaw ang doctor niya at ang nag opera sa kanya" salaysay niya Ang lutang ko na tuloy. Kasalanan ko naman talaga lahat ng to! Paniguradong hahanapin ako ng director anytime. Ano na? Uuwi nalang kaya ako? Katangahan kasi e. Hindi ko naman kasi alam na ganito pala ang mangyayari. Bakit kasi nadisgrasya pa yun. Tatanga-tanga pa kasi. Sana hindi ko nalang hinayaang mangyari ang nakakahiyang gabi na yun. Magkukunware nalang akong may sakit para makauwi, pwede ba yun? Mag leave nalang kaya ako? Naku! Hindi. Hindi pwede, paniguradong hahanapin pa rin ako dahil tiyak na magtatagal ang lalakeng yun dito. Kailangan niya pang magpagaling e. Kailangan niya ng specialist dito. Mag resign nalang kaya ako? Ano namang valid reason na ibibigay ko para sa resignation? "Nababaliw na ako!!!" malakas na sigaw ko. Pagkaharap ko ay napagtanto ko na nasa harapan ko na pala ang Chairman at si Zeithro na anak nito. Gulat nila akong tinignan na parang nakakita ng baliw. "What happen to you Dra. Yncse? Are you sick? Bat ka nagsisigaw diyan?" alalang tanong sakin ng chairman. Napahiya naman ako sa ginawa ko kaya napayuko ako. "May problema ka ba doctora? Bakit ka naman mababaliw?" natatawang sabi ng zeithro. "Shhh" ani ng ama niya. Pinandilatan ko nalang ng mata ang hangin saka sininyasang umalis siya. "Uhm dad, puntahan ko muna si Jace" pagpapaalam niya at tumango naman ang ama nito saka ako tinignan. Mabuti at sumunod agad. "Umamin ka nga Yncse, may problema ka ba? Napapansin kong lagi kang okyupado nitong huling buwan hanggang ngayon" seryoso ngunit nag aalalang tanong nito. "Ah, No sir. I'm just not feeling well. Masakit po kasi ang ulo ko mula pa kahapon" sagot ko. "Nabanggit nga sa akin ni Nurse Caren iyan. Hindi pa ba humupa ang sakit ng ulo mo? Baka naman nalipasan ka na ng gutom. Uminom ka kaya ng gamot" aniya. "I will, sir" sagot ko nalang. "Ano nga po pala ang kailangan niyo sakin sir?" tanong ko dito. "Well, I guess you already know that, Jace Huxley, your patient from comatose case is awake now. You must pay a visit as his official doctor" tugon niya sakin ng nakangiti. "I will, sir. Magpapahinga po muna ako saglit para maibsan kahit kunti ang sakit ng ulo ko saka baka sisipunin pa ako" magalang na tugon ko dito. "Good. But you must pay more attention to your health lalo na ngayon at maraming nangangailangan ng tulong ninyo.. Wag mong pabayaan ang sarili mo dahil mahirap ang magkasakit ngayon" seryosong usal nito. Tumango naman ako bilang sagot. "Mabuti nga at nagising na sa wakas ang pasyente. Tiyak na labis ang saya ng pamilya ng batang yun. Akalain mo ay dalawang buwan siyang natulog at nakahiga lang" dagdag nitong sabi. "That's probably a good news sir. I know that he will survive this. Alam kong lumalaban siya, simula pa lang nung una bago namin sya operahan" nakangiting tugon ko. "Well, thanks to your hard work at sa ibang doctors na nag assist, talaga namang malaking success iyon hahaha" proud niyang usal. "Salamat na din sa kanya dahil nakayanan niya po ang ganung operasyon" sinserong sagot ko. "Kaya nga. Oh sya, mauna na ako. Pumunta lang talaga ako para batiin ka. You did well, so congratulations, Doctora Yncse" aniya habang nakangiti. "Ginawa ko lang po ang trabaho ko at makakaya namin sir and thank you so much din po" tugon ko dito ng may ngiti. Nagpaalam naman sya agad at umalis na din. Since I worked in this hospital, hindi ko naramdamang iba ako sa mga doctors and high positions dito dahil mabait at maalaga ang chairman namin. Ganun din yung director namin pero nasa ibang department ang administration niya. Sobrang swerte ng mga employees dito lalo na ako at isang tulad niya ang chairman ng hospital na pinagta-trabahoan namin. Hindi lang pera ang benefits na nakukuha namin ngunit pag aalaga rin na galing sa kanya. Nabalik ako sa katinoan ng biglang may kumatok. "Come in" ani ko. Bumukas ang pinto saka pumasok si Caren. Akala ko kung sino na. "Saan ka galing? Bat nawala ka bigla kanina?" takang tanong ko dito. "Nagpaalam kaya ako sayo na pupuntahan ko ang pasyente sa first floor para e check. Ayan tulilings ka na naman" nang aasar na saad nito. Wala naman akong narinig na paalam galing sa kanya ah! "Nabigyan ko na nga pala ng gamot ang patient from 402 at nagpa physical theraphy na sya as of now sa third floor" pagbibigay alam sa akin ni Caren. "Kamusta naman daw ang memorya niya? Hindi ba naaapektuhan?" curious kong tanong nito. "Yun na nga e, nung kahapon ng gabi daw ay bumisita ang family and fiance niya. Nakilala naman niya ang mga kapatid at ina ngunit hindi niya maalala ang fiance" paliwanag sa akin ni Caren. Ganun? He lost his memory? As far as I remember, sa case niya ay posibleng mawala ang memorya niya pansamantala five years from the present. Nakalimutan nga talaga niya? Sana naman totoo yun. Nakakahiya pa namang malaman niya na ako ang doctor niya na nakikipagtalik sa kanya bago siya ma aksidente. Tapos engage na pala, ang hanep. Bakit nagba-bar pa kung engage na pala? Tsk! Tsk! Mga lalake talaga! Hindi ko naman siguro kasalanan yun? Ba't pa siya nandon e ikakasal na pala. Huh!! makakati talaga ang mga lalake ngayon. Eh may chance naman na hindi ako patulan diba? Umalis pa nga ako e, kaso hinatak niya ako. So hindi lang ako ang may kasalanan dito. Don't worry Yncse! No attachment in between naman. Isang pagkakamali lang yun. I know it was wrong, pero hindi ko naman alam na engage na sya. Malay ko ba! "Yncseee!!" sigaw sa akin ni Caren. Gulat naman akong nakatingin sa kanya. "Ayan, tulala mode ka na naman diyan" sabi nito. "May iniisip lang" saad ko. "Isang daang beses mo na yang palusot" aniya. "Anong oras nga pala matatapos ang session niya kay doctora Sofia?" pag iiba ko ng usapan, tinutukoy yung physical therapist. "Mamayang 11AM pa, three hours kasi session nila. Bakit? Pupuntahan mo?" aniya. "May choice pa ba ako?" sagot ko. "Mabuti naman kung ganun. Aalis muna ako may aasikasuhin lang" pagpapaalam niya. "Okay. Just call me if you need me" saad ko. "I will" sagot nito saka umalis na ng tuluyan. Everything will be alright between your conflicts, Yncse Hellary.. I hope soooo!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD