Chapter 5

1530 Words
Jace POV TWO MONTHS HAVE PASSED Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tanging mapuputing dingding lang ang nakikita ko. Bukas ang bintana kaya pumasok dito ang sinag ng araw. Walang ibang tao sa kwartong ito maliban sa isang babae na tila sinusuri ang dextrose na nakasabit sa tabi ko. Napansin lamang ako nito nang dumaing ako. "Hello sir? Can you hear me?" aniya at tumango naman ako kahit mahina pa ang pandinig ko. "Do you know where you are?" tanong niya sakin at tumango pa rin ako. "Wait, I will call doctora" saad nito saka ako iniwan. Bakit pakiramdam ko, ang bigat ng katawan ko na parang isang daang taon akong nakaratay dito? Maya-maya lang ay bumukas ang pintoan at pumasok ang isang doctor saka yung nurse kanina. "How about the vital sign?" the doctor asked. "Gladly, it's normal doc" rinig kong usapan nila habang papalapit sa kama ko. "How do you feel sir?" tanong ng doctor pagkalapit sa akin. Akala ko ba doctora ang tatawagin ng nurse, bakit lalake namang doctor ang nandito. Nabibingi na ata ako. "Excuse me sir, can you hear me?" ulit na tanong sa akin ng doctor. "A-ah yeah, where is my mom by the way, doc?" tanong ko dito. "They just got home including your siblings, kanina pa kasi silang gabi nandirito kaya pinauwi na muna namin at ang mga nurses na muna ang titingin sayo" sagot niya. Tumango naman ako bilang sagot. "How's your feeling? May masakit ba sayo?" aniya. "Medyo nahihilo lang po. Kailan po pala ako makakalabas dito?" agad na tanong ko sa doctor. Bumuntong hininga pa muna ito habang nakatingin sakin bago tumugon. "Unfortunately, we have to examine your body first. Kung kaya mo na bang maglakad at dahil nga nahihilo ka pa sabi mo, side effects po iyan sa operasyon at gamot na tini-take ninyo. You have to stay a month or more than that hanggang sa magiging malusog ulit yung katawan and muscles mo dahil sa mahabang pagkahiga mo riyan" aniya. "W-what? mahabang pagkakahiga ho? What do you mean doc?" naguguluhan kong tanong. "You're already two months lying in this bed.. You've been in coma, and luckily you're awake earlier than average time" nakangiting sagot nito. Ganun ako katagal nakaratay dito? Kaya pala parang ang bigat ng katawan ko. "For now, you have to rest and gain your energy back" nakangiting aniya. "May naalala ka ba o alam mo bang na aksidente ka?" dagdag nitong tanong. Umiling lang ako saka binalikan ang ala-ala na yun. "I just passed out and I don't know what happen next. It's so sudden and I can't open my eyes nor hearing anything" tugon ko sa kanya. "Wag kang mag isip masyado para maiwasang sumakit ang ulo mo. Saka nalang natin pag usapan yan kapag maayos na ang kalagayan mo" tugon niya saka nagpaalam ng umalis. Dahil dun, napaisip naman ako kung ano ang nangyare sa company namin sa mahabang panahon nang pagtulog ko. Ilang sandali lang ay hindi ko namalayang nakatulog na naman pala ako. Pagkagising ko ay pagabi na. Naramdaman kong maraming tao ang nasa loob ng room ko at may maiingay na rin akong narinig. Pinalibot ko ang aking paningin at may tao nga. My mom is here. My brother and sister and... Savrina? "Jace" tawag sakin ni mommy matapos akong makitang gising na. "Mom" natutuwang tugon ko. Nilapitan agad ako ni mommy saka niyakap ng mahigpit. "Thanks God, you're waking up. Labis kaming nag aalala sayo hijo" aniya na naiiyak pa. Ramdam kong masayang masaya siya sa pag gising ko. "Kuyaaaa" sigaw ni Jesica, my sister, saka ako niyakap ng mahigpit. May pagka maarte ang babaeng ito ngunit mapagmahal sa pamilya. "Ang ingay at ang bigat mo. Mas lalo ka atang bumigat" biro ko sa kanya. Hinampas naman ako nito sa braso. Pikon talaga to kahit kailan. "Yan! bagay yan sayo" naaasar na sabi niya. "Aray naman!" pag kunyare ko na sobrang nasasaktan. "Wag mo naman hampasin ang kuya mo, jessica. Kakagising lang niyan hinahampas mo pa" pagsuway ni mommy dito. "Hala! sorry kuya, saan ba masakit? Ikaw naman kasi e, hindi naman magandang biro e tapos binibiro mo ako ng ganyan" aniya na naiiyak pa. Natawa naman ako sa kapatid ko, sobrang iyakin nito pero maldita. "How are you bro?" ani nakakabata kong kapatid na lalaki. Si Justinryl. Tahimik lang to ngunit mapag alaga. "Tsk, kala mo naman patay na muling nabuhay. Magaan naman na ang aking pakiramdam kumpara kaninang umaga" sagot ko ng nakangiti. "Good to hear that, para kang lantang kangkong e" biro nito saka ako tinawanan. "Kultusan kita diyan e" ani ko na tawang tawa naman sya. "Tigil niyo na yan, mga isip batang 'to" suway ni mommy kaya natigil naman sila. "Hello, Jace. Are you feeling well?" bungad ni savrina na parang iiyak na. Ngayon natin gamitin ang acting skills natin. "Who are you?" kunwareng takang tanong ko sa kanya at pinapakita sa expresyon kong hindi ko talaga sya kilala. Gulat naman siyang nakatitig sa akin. "Y-you don't remember me?" gulong tanong nito. "Mom, who's this woman?" baling ko kay mommy. "Son, she's savrina. Your fiance" nag aalalang sagot niya. Darn that f*****g word. Fiance? Feel na feel naman talaga ng babaeng to ang pagiging fiance niya sa akin. Fiance na pera lang ang habol. The heck! Well, I love this woman before. For the entire f*****g five years. I loved her and that makes me blind sa pang-gagago niya sakin. I give all she wanted, buy her this trend and that. But that was before. Nagising na ako sa katotohanan nang panloloko niya, na noon ay binalewala ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya. But it will never happen again. "Mom, pwedeng paalisin niyo muna sya. Nahihilo ako just looking at her" malamig na ani ko. "Jace! Watch your word. Nakakasakit ka ng tao. Ano bang problema mo?" ani mommy. Hindi ko na sila pinansin pa at binaling nalang ang atensyon sa tv. "It's okay tita, baka hindi lang maganda ang pakiramdam niya. Babalik nalang po ako bukas ng umaga" sagot nito. Tch, wag kana lang bumalik! "Are you sure?" nag aalalang sabi ni mom at tumango naman ito. "Kung ganon ihatid na kita hija" saad ni mommy sa kanya. "Mom, I want to eat orange. Peel me one please" pakiusap ko dito para iwan niya si savrina na umalis mag isa. Ayoko lang na pati magulang ko paiikutin niya sa plastic niyang magandang asal. "Do as he please tita, kaya ko po umuwi mag isa" saad nito kay mom saka siya bumaling sakin. "Have a good rest Jace, babalik ako bukas para bantayan ka" nakangiting aniya. "My family's here. There's no need for you to come back" sagot ko. "Jace!!" mahinang sigaw ni mom sakin. Napabuntong hininga nalang ako. Ano bang magagawa ko? "I'm tired, get home safely" saad ko nalang para hindi lalong magalit si mommy. "I will. See you tomorrow" sagot nito na parang iiyak na. Tch, who cares. Pagka alis ni savrina ay saka naman lumapit si mommy sakin. "Ano bang nangyari sayo Jace? bakit ka ganun makitungo sa fiance mo? Kung alam mo lang, paano ka niya bantayan at alagaan habang abala kami sa kompanya" aniya Kung alam mo lang mom, baka ikaw pa mas galit kesa sakin. Tinatago ko lang talaga lahat kasi ayokong masira ang tingin ng pamilya ko kay savrina. Lubos na malapit sila sa isa't-isa sa tagal ng relasyon namin. Gustohin ko mang kumawala ngunit hindi ko alam kung saan at sa anong paraan ko sasabihin kay savrina ng hindi sya lubos na masaktan. Batid kong labis na nagsisisi siya sa pangloloko sakin at ramdam ko ring bumabawi siya. Ngunit sa panahong ito, ako na yung sumusuko. Wala na akong pagmamahal sa kanya at nauubos na ang pagmamahal na naiwan ko sakanya. Awa at respeto nalang ang natitira sakin para sa kanya. Matapos kong kumain ng sariwang prutas ay nanonood na muna ako ng palabas habang sina mommy at mga kapatid ko ay kumakain sa labas. Bawal pa daw ako sa mabibigat sa tiyan na mga pagkain sabi ng doctor kaya sa labas ko sila pinapakain para di ako matakam. Maya-maya lang ay may kumatok sa pinto. Wala naman akong inaasahang bisita at wala ring sinabi sina mom na may darating ngayon. "Come in" tugon ko. Yung nurse kaninang umaga pala ang kumatok. "Here is your medicine sir. Since you're awake, you'll be taking this from your assigned time kahit po madaling araw, kaya wag po sana kayong magtataka kung darating ako or yung ibang nurses para magbigay nito sa inyo ano mang oras" paliwanag niya pa. "Okay! I understand, thank you nurse" sagot ko saka ininom agad ang mga ito. May sa apat na gamot yata yung binigay sakin. "You're welcome po and to let you know sir, bawal po kayong mag 3 hours sa panonood ng tv po and pag c-cellphone" paalala niya. "Yeah, I won't. Thank you again for taking care of me as your patient. I'm really grateful!" ani ko at tumango naman sya saka umalis na. Pangalawang buhay ko na to, kaya utang ko sa kanila ang buhay na to, at hindi ako magsasawang magpasalamat sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD