Chapter 4

1337 Words
Yncse POV "Doc" sigaw ni caren. "How's the patients?" agad kong tanong sa kanya pagdating ko sa ER. "The highschool students inside the school service van are all fine. Naagapan na po sila nang first aid at binigyan ng gamot saka wala namang malubhang sugat po including the driver na nagamot na rin ang sugat sa ulo niya at hindi naman malalim" mahabang paliwanag ni Caren sakin. "Oh! thanks God at wala namang napuruhan ng malala" sagot ko habang tinitignan at chini-check ang mga pasyente na nakahiga sa kama pati ang dextrose na nakaturok sa kanila habang ang iba ay ginagamot na nang nurses dahil sa mga basag na bubog na nakabaon sa kanilang balat. Ang iba naman ay nakaupo sa wheelchair dahil napurohan ang bente. "Pero yung driver na kabanggaan po nang van ay in critical condition. Nasa ICU po ito at tiyak na kakailanganin ka sa operasyong iyon doktora" dagdag niyang sabi na nagpahinto sakin. "Lumabas na ba ang result ?" agad na tanong ko sa kanya. "Hindi ko pa po alam e" aniya. "Calling the attention of Doctora Yncse Hellary, please proceed to ICU" "Again, Calling the attention of Doctora Yncse Hellary, please proceed to ICU immediately" Tinapik ko ang balikat ni Caren saka sininyasan na magiging okay din lahat. "Please take a good care of the patients, I'll check the critical patient first" saad ko. "Yes doc" sagot nito sakin. Agad naman akong nagtungo sa ICU upang suriin ang resulta ng kalagayan nang pasyente. "Oh, good that you're already here, Yncse" salubong ni Chairman Xy sakin. "Sorry, I'm late" paumanhin ko. The doctors of other departments are also here. "The result has come out and it's quite serious" panimulang saad ng chairman. Tinignan ko naman ang X-RAY saka ang monitor upang suriin ito. "May bali ang kanyang dalawang binti ngunit mas malubha ang left side niya at kailangan niyang ma operahan agad bago ito lumubha" sabi ng orthopedic surgeon sa ibang department ng hospital. "Ang ulo niya ay malakas na natamaan sa glass door dulot ng malakas na pagkabangga kaya may dugo na hindi nakalabas banda dito" sagot ko matapos makita ng masinsinan ang result sa monitor. "Ang vitals niya ay mahina rin kung kaya't kailangan na siyang maagapan bago pa lumala at baka hindi makaya nang heart rate ng pasyente ang multiple operation" saad ng cardiac surgeon namin. "Can you do it Doctora Hellary? Can you be the lead?" tanong sakin ng chairman. "But, I need the most skillful doctor to assist me Chairman Xy. I haven't done an operation alone in a most critical condition patient with multiple operation to perform." ani ko. "Hindi na yan problema Doctora, these professional doctors will help you. Just give us your answer if you can do it and I'll provide the rest" aniya. "I don't have other choices Chairman. Besides, we don't have much time if we're going to find another doctor to operate this patient. He has no plenty of time to bear his body this kind of operation. Hindi niya ito kakayanin kapag mahabang oras o-operahan ang kanyang katawan at mas lalong hindi kakayin ng pasyente na hayaan ang kanyang kondisyon sa mas mahabang oras pa na hindi ito isasalba and gawin ang operasyon." saad ko. "Iyan din ang napag usapan namin doktora, kailangan mabilisan ngunit maingat na operasyon ang gagawin sa kanya" sagot ng isa sa doctor na kasama namin. Napabuntong hininga nalang ako sa sitwasyon ng pasyente at napakamot ng ulo. Hindi naman pwedeng pabayaan namin siya ng ganyan at mas lalong hindi ito makakatulong sa kalagayan niya. "Anyway, does anybody communicate his guardian already?" tanong ko sa kanila. "Yes and they're already here" sagot ni doctor Paul.. Siya siguro ang tumawag sa kanila. "Good. Well, I have to see them. Excuse me everyone, chairman" pagpapaalam ko. Tumango sila kaya agad na akong lumabas sa private room ng ICU. Ito ang room na nakabukod sa ICU at ang mga doctors lang ang makakapasok dito. Agad ko namang nakasalubong ang mga magulang ng pasyente na naghihintay sa labas ng room. "Doc, ikaw po ba ang mag o-opera sa anak ko? Kumusta po siya?" ani isang ginang na umiiyak at halatang kabado dahil di ito mapakali. Napabuntong hininga ako saka pinaintindi sa kanya ang kalagayan ng kanyang anak. "Oh God! Doctora please save my brother at all cost" ani isang babae. May sa twenty five years old na ito. "We will do our very best to save your son ma'am, and I guess he's your brother, miss" baling ko sa babaeng kasama ng ginang at tumango naman ito. "But let me remind you, he's in a critical condition and the only person who can save himself is your son, ma'am, we'll just help him as we could, but it's up to him whom should survive the surgery" pagpapaintindi ko dito. "Oh my God!! Please do all your best doctora" sagot ng ginang na nagsusumamo at tumango naman ako nang may pag galang. "But the worst thing is--" "What is it doctora?" ani ina ng pasyente na lalong kinakabahan. "There is a huge possibility that he'll be in coma after the surgery. One month at least or a three months longer" paliwanag ko sa kanila. "Oh my.. Jessica, anak. Ano nang gagawin natin sa kuya mo" aniya sa babaeng anak at lalong umiyak. "Mom, it will be all right. I know that bro is stronger that we thought. We must believe in him" sagot nito sa ina at naluluhang niyakap ito. Maraming pasyente na akong naoperahan at ganun ang mga reaksyon nila kapag masama ang balita para sa kanilang mahal sa buhay. Ngunit wala naman na kaming magagawa bilang doctor kundi ang tulungan ang pasyente namin at nasa kanila na yun kung kaya pa nilang lumaban o kung kakayanin pa nito nang katawan. Matapos ko silang kausapin ay nagtungo agad ako sa storage room upang kunin ang mga gagamitin sa operasyon kasama ang mga gamot doon. We will perform a multiple operation in which there would be a 50/50 result to make this successful. Nagpatulong na rin ako sa mga nurses sa pagkuha ng kailangan namin sa loob ng OR at pinadala ang mga yun sa loob. Nagbihis naman na agad ako nang scrub ko matapos kong balitaan ang ibang doctor na tutulong sa operasyong ito na kailangan na nilang mag prepare para sa gagawing operasyon. "Sigurado bang hindi mo ako kakailanganin doon Yncse?" ani Caren. Hindi sya makakapasok sa operating room sapagkat bilang na doctor lamang ang pinahihintulutan kong makapasok. Hindi naman sa nagmamaliit ng kanyang kakayahan ngunit marami pang hindi aware si Caren sa mga paraang operasyon at maikling oras lang din ang iguguhol namin at dapat matapos na ito bago ang isa't kalahating oras for a better succession. "I hope you understand as a nurse that this is a critical and most serious operation than the usual we perform" ani ko nang nakangiti. "Baka kasi kailangan mo ang isang shunga na gaya ko e. Hays! pero alam ko namang kaya mo. Walang impossible basta ikaw ang doctor na o-opera, kaya nga lodi kita e" aniya na nagpangiti sakin. Pagkatapos naming mag usap ay pumaroon na ako sa labas ng operating room at nag proper hygiene. "You must save him" napatalon naman ako sa gulat. Aatakihin ata ako sa puso. It's zeithro. "Ano ba, papatayin mo ata ako sa gulat bago makapag opera" mahinang sigaw ko dito saka pinandilatan ng mata. "Tsk! Save him at all cost. Kung hindi, malalagot ka sakin" seryosong saad niya. Pinagsasabi nito? "Ba't parang ngayon ka lang concern sa isang pasyente? Hindi ka naman ganyan" sagot ko. "Gawin mo nalang kasi ang sinasabi ko, isa siyang importanteng tao kaya dapat lang na gawin mo lahat bilang isang magaling na doctor. Patunayan mo dito ang iyong sarili.!" malungkot at seryosong aniya. "Tsk! hindi ko ito gagawin dahil sinasabi mo, gagawin ko ang lahat para mabuhay siya dahil yan ang trabaho ko" saad ko saka siya pinandilatan ng mata. Problema na naman niya ? lakas ng tupak ah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD