NIAHM “Paano ka napapayag ni Kuya Ivan sa kalokohan na ito?” kunot ang noo na tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero kanina pa nakapagkit sa kanyang mukha ang ngiti niya sa labi. “Kalokohan ba ang tawag mo sa ginawa namin?” “Oo, derechong sagot ko.” Ngumiti siya ulit at nakita ko na naman ang pangmais niyang ngipin. Napatitig ako sa kanya. Para kasing ang sarap...ang sarap ng…hoy! Ginising ko ang sarili. Para na pala akong lutang na nakatingin sa kanya. Habang busy siya sa pagmamaneho ng sasakyan. “For me hindi kalokohan ang ginawa ko. Ipinagpaalam pa kita kay Ivan para masolo kita ngayong gabi.” “Gabi? What do you mean? Hindi mo ako iuuwi? Bakit? Huwag mong sabihin itatanan mo na ako?!” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Hindi puwede! Hindi pa ako ready

