Chapter 22

1755 Words

NIAHM “Bakit gising ka pa?” usisa ni Kuya nang madatnan niya ako sa harapan ng swimming pool nakaupo sa sun lounge chair at nakikinig lang ng love songs sa phone. Naupo siya sa tabi ko at ininom ang hawak nyang beer sa can. “Hindi ka rin makatulog?” tanong ko at pagkatapos ay umiling siya. “Ganito siguro talaga kapag tumatanda na. Mas mahirap nang matulog at palagi na lamang nag-iisip. Eh ikaw? Bakit gising ka pa?” Napabuntong hininga ako at napatingin sa makinang na tubig ng pool na natatamaan ng mga ilaw. “I think, I’m ready.” Sambit ko. “Ready to forgive him or ready to have a boyfriend?” Nabaling ang tingin ko sa kanya. “Alam mo? Sa lahat ng kapatid na lalaki, ikaw ang pinaka-supportive sa manliligaw ng kapatid mong babae. Minsan tuloy naisip ko kung bakit botong-boto ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD