“Charles!” bulalas ko nang pumasok na rin siya isang linggo matapos ang libing ng kanyang mama. “Ikaw? Kumusta na?” balik tanong niya sa akin. Papasok na kami sa building ng unang subject namin. “Okay lang, may trabaho na kami nila Cloe at Tinay sa restaurant ni Kuya Ivan kaya hindi na ako mamomoblema pagka-graduate.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Really? Eh tayo? Paano tayong dalawa?” Napatigil ako sa pagpasok ng room dahil sa sinabi niya. “Naalala mo na siya hindi ba? Ibig sabihin yung pagmamahal mo sa kanya noon, naalala mo na din?” Napasinghap ako at ngumiti sa kanya. “Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sayo, ayaw kitang saktan pero—” “Okay na yun, I know wala akong laban sa bestfriend ng kuya mo.” Mapait siyang ngumiti at nauna siyang pumasok sa loob. Sinalubong

