NIAMH
“Ang suwerte natin ano? Imagine hindi pa tayo nakaka-graduate may trabaho na agad tayo?” abot tenga na ngiti ni Cloe sa akin. Habang ako naman ay abala sa pagkopya ng assignment sa white board. Hindi pa rin pumapasok si Charles. Pero tumatawag naman ako sa kanya at nangungumusta.
“Baka naman puwede mo rin akong ilakad kay Papa Ivan?” hirit naman ni Tinay. Natigil ako sa pagsulat at bumaling ako sa kanya.
“Ano? Wala pang isang buwan kayong hiwalay ng jowa mo diba?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Kaya lang, hindi ko nga alam kung anong tipo ni kuya. Kasi hangang ngayon wala pa rin naman siyang pinapakilala sa amin.
“Oh? Eh ano naman? Naka-move on na naman ako sa cheater na yun. Saka matagal ko ng crush si papa Ivan. Beke nemen?” dagdag pa niya.
Umiling ako sa kanya. “Naku Tinay, hindi mo kilala si Kuya Ivan. Maboboring ka lang doon. Hindi mo ma-eenjoy ang youth mo kapag nagboyfriend ka ng nonchalant.” Nakangiting sabi ko sa kanya.
“Oo nga naman Tinay, makakahanap ka pa rin naman ng kasing edad natin. Saka mukhang masungit si Papa Ivan.” Segunda naman ni Cloe sa kanya.
“Palibhasa kasi swerte ka sa boyfriend mo kaya mo nasasabi yan. Tapos ako na lamang ang single! Ayoko na sa earth!” bulalas niya sabay tayo at unat ng braso niya. Kaagad namin siyang hinila ni Cloe dahil baka bumalik na yung teacher naming may kinuha lang sa office. Pati yung mga classmate namin napapatingin na din sa amin.
“Ikaw talaga!” saway ko sa kanya. Ngitian lang namin ang nakikimarites sa aming tatlo. After ng class ay derecho na kami sa canteen para kumain. Nag-uusap kami ng oorderin namin nang tumigil sa paglakad si Cloe at napatingin sa kanan. Kaya huminto rin kami at sinundan ang tingin niya.
“Si Primo ba yun?” tanong sa akin ni Tinay.
“Diba ex niya yung kasama niya? Bakit nagsusubuan sila ng halo-halo?” tanong ko din sa kanya. Nagkatinginan kami nang lapitan sila ni Cloe kaya kaagad kaming sumunod.
“Anong ibig sabihin nito Primo?” tanong ni Cloe sa kanya. Pero imbis na magpaliwanag ay hinawakan ng babae ang kamay ni Primo.
“Obvious ba, Cloe? Pinahiram ko lang naman sa’yo ang boyfriend ko—ahhh!!!” sigaw ng bruhang babae nang ibuhos sa mukha niya ang halo-halo.
“Cloe ano ba?!” angil sa kanya ni Primo sabay tulak kay Cloe kaya mabuti na lamang ay nasalo siya ng isang kabarkada nito. Nagdilim ang paningin ko kaya hinablot ko ang necktie niya.
“Sinong may sabi sayong saktan mo ang kaibigan ko ha?!” singhal ko sa kanya.
“Huwag kang maki-alam dito—”
Nakita ko pa ang paglaki ng mata ni Tinay nang basagin ko ang balot niya. Napangiwi siya at napahawak sa kanyang egglot.
“Bagay lang yan sayo. Kung hindi ba naman walang bayag dapat hiniwalayan mo muna ang friend ko bago ka bumalik sa espasol na ito hindi ba?” pangaral ko sa kanya.
“Anong sabi mo?”
Akmang sasampalin ako ni Bruha pero nahawakan ni Tinay ang kamay niya.
“Huwag mo nang subukan, maugat ang kamay ng boyfriend niyan baka humiwalay ang mukha mo sa katawan mo!” pagbabanta ni Tinay sa kanya na ikinakunot ng noo ko. Sa pagkakaalala ko wala pa akong nagiging boyfriend.
Binitawan niya ito at hinila ko na si Cloe palayo ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay may humablot ng buhok ko.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at umikot ako. Narinig kong siyang sumigaw sa sakit at pagkatapos ay siniko ko ang mukha niya. Hangang sa tuluyan nang nagkagulo kami dahil nakisali na din yung mga kaibigan ng Bruha.
Pagkatapos ng naging away namin ay dinala nila kaming lahat sa dean’s office.
“Yan ba ang natutunan niyo sa Universidad na ito? Ang mag-away at gumawa ng gulo?” panenermon niya sa amin. Sampo kaming dinala sa deans kabilang na kaming tatlo.
“Ma’am, sila po ang nag-umpisa ng gulo. Tinapunan ako ng halo-halo ng babaeng yan! Tapos sinipa naman ni Niamh ang p*********i ng boyfriend ko!” katwiran ni Trina. Ang ex ni Primo na masarap lapirutin ang nguso.
“Totoo ba ang mga paratang nila?”
Sasagot na sana ako ngunit pinigilan ako ni Cloe.
“Kasalanan ko po ma’am, wala pong kasalanan ang mga kaibigan ko. Nasaktan lang po ako nang makita ang boyfriend kong may ibang sinusubuan. Siguro naman po kung kayo ang nasa posisyon ko ay iinit din ang ulo niyo.” Sagot ni Cloe sa kanya.
“Hindi ko alam, dahil wala pa naman akong nagiging boyfriend! Saka kababae niyong tao nakikipag-basag ulo kayo sa mga lalaki? Tignan niyo nga ang ginawa niyo kung tama ba?”
Napatingin kaming tatlo sa kanila. May mga pasa, kalmot at nagkadumihan na rin ang uniporm nila. Kumpara sa amin na kalmot lang sa katawan. Yung iba kasi ay nadamay lang dahil umawat. Yung iba naman ay kumampi sa kaibigan nila.
“Niamh!”
Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang pagtawag ni Kuya Ivan sa akin.
“Lagot na.” bulalas ko ngunit nalalaglag ang panga ko nang makita ko din si Kuya Marcus. Talagang sabay pa silang nagpunta dito!
Matapos nang pag-uusap nila ay lulan na kami ng kotse. Magkatabi kaming tatlo sa backset habang yung dalawa naman ay nasa unahan. Tahimik lang kaming tatlo at yung dalawa naman ay panay sulyap sa akin.
“Kuya, sabihin mo na ang gusto mong sabihin.” Wika ko sa kanya. Narinig ko siyang bumuntong hininga. Binalaan kasi kami na kapag naulit pa ulit ang nangyari ay baka hindi kami maka-akyat sa stage sa araw ng graduation namin.
“Kailan pa kayo natutong makipagbasag-ulo? Nakita niyo ba yung itsura ng mga binugb*g niyo? Daig niyo pa ang mga babaeng lumalaban sa ring ah?” seryosong tanong niya habang nakatingin sa rear-view mirror.
“Ay naku papa Ivan. Kung alam niyo lang kung paano. Mag-flying back-kick si Niamh—”
Siniko ko siya sa tagiliran at pinandilatan ng mata. Ang hindi alam ni Kuya nag-enroll talaga kami sa isang boxing gym. Isa din yun sa naging pastime ko noong mawalan ako ng aalala. Pero tatlong buwan lang naman yun kaya hindi ko rin akalain na magagamit namin yun sa ganitong pagkakataon.
“Sorry Kuya Ivan, kasalanan ko talaga. Ako ang nag-provoke ng away. Sana hinayaan ko na lamang sila.”
“Cloe it’s okay…ang mahalaga nakilala mo na agad yung hunyango na yun. Mabait lang pala sa umpisa yun pala patay na patay pa rin sa kanyang bruhang ex.”
Hinagod ko ang likuran niya. Alam kong nasaktan siya dahil halos isang taon din sila ni Primo.
“Huwag na magsisihan, mabuti na lamang at napakiusapan natin ang dean na hindi kayo i-suspend. Pero huwag niyo nang uulitin yun. Paano kung may mga weapon pala sila? Napahamak pa kayo.” Wika naman ni Kuya Marcus pero sa akin siya nakatingin.
“Mabuti pa dumerecho na tayo sa restaurant. Para makakain kayo at magamot na rin yung mga sugat niyo.” Dagdag naman ni Kuya Ivan.
Ilang minute lang ay narrating na namin ang restaurant. Kakatapos lang ng lunch time kaya kakaunti lang din ang tao. Sa employee entrance kami dumaan. Tapos ay nagpunta kami sa opisina nila.
Kinuha ni Kuya Ivan ang medical kit at inabot kay Kuya Marcus.
“Ikaw na muna bahala sa kanila. Maghahanda lang ako ng food para sabay na tayong kumain.” Wika ni Kuya Ivan.
Naunang ginamot ni Kuya Marcus ang dalawa. Tapos ay nag-uunahan na itong lumabas dahil sisilip daw sila sa kitchen. Naiwan kami ni Kuya Marcus sa office.
Kumuha siya ng bulak at panlinis ng kalmot sa akin. Ang tatalas kasi ng kuko ng mga pusang yun! Pati tuloy mukha ko may kalmot.”
“May masakit ba sa’yo?”
Umiling ako sa kanya. “Wala po doc.” Sagot ko sa kanya pero nanatiling seryoso ang mukha niya.
“Mabuti na lamang yan lang ang inabot mo. Pinag-alala mo ako.” Sambit niya. Napatingin ako sa kanyang mukha. Pababa sa kanyang matangos na ilong at kissable lips.
Nakagat ko ang sariling labi pero nahuli niya akong nakatitig sa kanya.
“A-aray! Dahan-dahan naman mahapdi kaya!” angil ko sa kanya. Hinipan niya ang braso kong may sugat. Tapos nilagyan niya ito ng band-aid. Pagkatapos ay hinawakan naman niya ang baba ko.
“Mabuti na lamang hindi tumama sa mata mo.” Seryosong sabi niya ulit sabay dampi ng cotton balls sa gilid ng mata ko.
“Ang hapdi…” nakangiwing sabi ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang lumapit siya at hipan din ang gilid ng mata ko.
Parang may nagtatalong bulate sa tiyan ko. Hindi dahil sa kilig kundi sa gutom dahil wala pa kaming lunch tapos nakiramay na din ang puso kong kanina pa Dug! Dug! Dug!
“Masakit pa?” tanong niya sa akin.
“Hindi na.”
Nagtagpo ang mata naming dalawa. Napalunok ako at hindi ko alam kung paano iiwas. Para akong ice cream na unti-unting natutunaw sa paninitig niya.
Hawak niya pa rin ang baba ko hangang sa unti-unti na siyang lumalapit sa kin. Hahalikan ba niya ako ulit? Teka! Di pa ako ready! Conscious ako sa hininga ko! Amoy menthol kasi yung hininga niya!
“T-tapos na ba?” tanong ko sa kanya nang isang dankal na lamang ang layo ng mukha niya sa akin.
“H-ha? Ah…Oo—lalagyan na lang natin ng band-aid.” Sambit niya. Nakahinga ako ng maluwag nang lumayo na siya at kumuha ng maliit na ban-aid pagkatapos ay nilagay sa gilid ng mata ko. Pagkatapos ay tumayo na rin ako para lumabas ngunit bago pa ako makalabas ay hinawakan niya ang kamay ko kaya nilingon ko siya.
“Napatawad mo na ba ako?” tanong niya sa akin.
“Naniniwala na ako sa’yo. Sinabi na sa akin ni Kuya ang lahat pagka-alis mo sa bahay kagabi. Pero hindi ibig sabihin noon ay babalik na tayo sa dati. Hindi na ako ang bata at makulit na si Niamh. Dalaga na ako at magkakaroon na rin ako ng mga responsibilidad. Pero kung itatanong mo sa akin kung anong nararamdaman ko para sa’yo. Sa ngayon hindi ko pa alam. Dahil hindi naman naging tayo noon nang iwan mo ako. Naisip ko kasing wala naman talaga akong dapat ikagalit dahil wala namang tayo. Kasalan ko dahil nagmahal ako ng taong hindi ko pa puwedeng mahalin.” Paliwanag ko sa kanya.
“Ngayong puwede na, may lugar pa ba ako diyan sa puso mo?”
“Hindi ka naman napalitan eh, so it means nandito ka pa rin.” Pagtatapat ko sa kanya. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
Pagkatapos kong sabihin yun ay lumabas na ako. Dahil baka kung anong isipin ng dalawang yun kapag nagtagal pa kami ni Kuya Marcus sa loob. Ang mahalaga nasabi ko sa kanya ang gusto kong sabihin.