Chapter 19.

1214 Words
MARCUS “Tama siya Ivan. Hindi ko siya nagawang kumustahin noong panahon na wala siyang maalala tungkol sa akin. Kung naging madali lang sana sa akin ang makabangon noon. Kung hindi sana ako nahirapan na hawakan ang negosyo namin at the same time alagaan si dad. Babalik sana ako kagaad. Pero huli na ang lahat para magpaliwanag sa kanya. Bumalik na ang alaala niya at hangang ngayon ay galit pa rin siya sa akin at hindi pa rin niya ako mapatawad.” kausap ko sa kanya habang inaayos ang maleta ko. “Kaya aalis ka na? Susukuan mo na ba ang kapatid ko? Nasayang ang effort ko na tulungan ka kung susukuan mo lang pala siya.” Napabuntong hininga ako at bumaling ako sa kanya. “Susuko? Hindi yun ang gusto ko kaya ako bumalik. Kailangan ko lang ng time para mag-isip kung paano niya ako mapapatawad. Kailangan ko siyang bigyan ng panahon para makapag-isip din. Lalo pa ngayon na graduating na siya. Kailangan niyang mag-focus sa studies niya. Baka kainin ako ng selos at kung ano pa ang magawa ko. Lalo lamang lalayo ang loob niya sa akin.” Paliwanag ko sa kanya. Nagdesisyon na akong sa restaurant muna pansamantala. Habang hindi pa natatapos ang bahay na ipinapagawa ko ay doon muna ako sa restaurant namin ni Ivan tityra pansamantala. “Sigurado ka ba sa desisyon mo?” Tumango ako sa kanya at binitbit ang aking maleta palabas ng guest room. Sinamahan niya akong bumaba. Dumaan kami sa room ni Niamh tumigil ako pansamantala. Umaasa na lalabas siya. “I have to go, magkikita pa naman tayo bukas. Huwag mo na akong ihatid.” Paalam ko sa kanya. Tinapik niya ako sa balikat at bumaba na rin ako. Pagkalabas ko ay dumiretso na ako sa kotse ko. Inilagay ko ang maleta ko sa likuran ng sasakyan. Sasakay na sana ko sa driver seat nang mapa-angat ako ng tingin sa kanyang veranda. Naroon siya at nakatayo habang nakatingin lang sa akin. Gusto kong pigilan niya ako. Mag-usap kami, parang noong dati na wala pa kaming mabigat na responsibilad sa buhay. Pero nanatili lamang siyang nakatayo habang nakatingin sa akin. Kumaway ako sa kanya ngunit wala siyang naging pagtugon. Napasinghap ako at sumakay na rin sa kotse. Sarado na ang restaurant pero may spare key naman ako. May isang maliit na room doon for resting area kaya dito muna ako pansamantala. Kailangan ko din kasing gumising ng umaga para sa opening ng restaurant. Kailangan ko munang bigyan ng time si Niamh at abalahin ang sarili ko nang sa ganun ay hindi ko siya oras-oras na naisip. Kakaupo ko lang sa bed nang tumunog ang phone ko. “Kumusta ang panunuyo mo kay Niamh? Okay na ba kayo?” usisa ni Railey. Napahiga ako sa kama at nilatag ko ang aking likod. “Bumalik na ang alaala niya, pero ayaw niya pa rin akong makita.” Sagot ko sa kanya. “Ano? Bumalik na ang alaala niya pero ayaw niya pa rin sayo?” “Oo…how about you? Kumusta kayo ni Ivan?” “Naku, eh kung sa patorpehan lang naman ay number one na yang kaibigan mo.” Sagot niya na ikinangiti ko. Kung alam lang niya kung gaano siya kagusto ni Ivan pero syempre hindi ko sasabihin dahil pareho ko silang kaibigan. “By the way Marcus, nasabi mo na ba sa kanya na divorce na tayo?” “Hindi pa, ayaw niya kasi akong bigyan ng time na magpaliwanag.” “Ano? Bagay nga kayo ni Ivan na magkaibigan. Pareho kayong torpe. Kung hindi madaan sa usapan eh di gamitan mo ng d@h@s.” suhestion niya. “What? Ano namang tingin mo sa akin? She’s just turning eighteen, Railey—” “Ano bang iniisip mo? Ikaw talaga! Malaki ang kasalanan mo sa kanya kaya dapat lang na patunayan mo sa kanya na gusto mo siya. Ligawan mo, suyuin mo, kung paano ka niya nagustuhan dati. Gawin mo ulit yun. Pero ang pinakamahalaga sa lahat sabihin mo sa kanya ang nangyari sa ilang taon. Ikaw na ang gumawa ng paraan. Matanda ka na kaya mo na yan!” Litanya niya. Pagkatapos naming mag-usap at hinanap ko ang phone number ni Niamh. Wala sa loob na pinindot ko ito. “Anong kailangan mo?” pambungad niya sa akin. “Can we talk?” tanong ko sa kanya. Inunan ko ang isang kamay ko sa ulo ko. Ang tahimik pala dito at madilim din. “Nag-uusap na tayo hindi ba? Sabihin mo na ang sasabihin—” “Can you sing for me? It’s to silent and I’m scared of darkness…I can’t sleep alone…” “Ano? Kalalaki mong tao takot ka sa dilim? Saka bakit ako? Kasama mo naman si Railey.” “Nandito ako sa restaurant. We never treat each other as husband and wife. Oo, sa iisang bahay kami nakatira pero hindi kami magkatabi matulog. At isa pa, matagal na ring walang bisa ang kasal naming dalawa. We never love each other as a couple.” “Wehhh? Lokohin mo ang lolo mong panot.” “Ano pa bang kailangan kong gawin para maniwala ka? Ano pa bang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako bebang?” Hindi niya ako sinagot pero alam kong nakikinig siya sa akin. “Kapag kinantahan ba kita patutulugin mo na ako at hindi mo na ako tatawagan?” tanong niya sa akin. “Yes, I’ll promise.” Tumagilid ako at pinikit ko ang mga mata ko. “Ehem! Kakanta na ako…” “Okay, I’m waiting…” mahinang sagot ko sa kanya. “Twinkle…twinkle…little star…how I wonder what you are? Up above the world so high…Like a diamond in the sky…twinkle twinkle little star…how I wonder what you are…” Sumilay ang ngiti sa aking labi. “Ang ganda pala ng boses mo.” Puri ko sa kanya. Totoo naman masarap sa pandinig na marinig ang boses niya. “Goodnight…” sambit niya. “Goodnight.” Inilagay ko ang phone ko sa ilalim ng unan at derecho na akong natulog. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nagulat pa ang mga staff nang makita nila ako sa rest area room. “Kumusta ang tulog mo?” usisa ni Ivan na kakarating lang din. Nakaligo na ako at nakasuot ng damit pang-chef. Magtraining muna ako dito para naman may alam ako sa nangyayari sa kitchen. “Okay lang, masarap naman ang tulog ko.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Ganun ba? Pinapunta ko dito si Niamh after class. Okay lang ba sayo?” “Really? Bakit?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. “I want to hired her as marketing expert para sa company. Para hindi na siya mahirapan maghanap ng ibang business or trabaho.” “At napapayag mo siya ng ganun lang?” “Of course! Basta kasama niya ang friends niya. So kailangan ko din silang i-hired at syempre nilatagan ko ng salary and benefits.” Nakangiting sabi niya sa akin. “Don’t thank me, ito yung last time na tutulungan kita kapag hindi mo pa rin napaamo ang little tiger na yun. Bahala ka na sa buhay mo.” Litanya niya sa akin bago niya ako talikuran para magpalit na din ng damit. This time I’ll make sure na magiging okay din kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD