NIAMH
Minabuti kong kalkalin na lamang ang mga regalo sa akin ng mga bisita ko. Wala pa kasi akong nabubuksan sa mga regalo ko at nakatambak lamang sila sa loob ng aking kuwarto. Napansin ko ang card na nakadikit sa ibabaw ng isang box.
‘To my: Bebang’
‘From: Bebu’
Kinuha ko ang card at binuhat ko ang box upang ilagay sa ibabaw ng aking kama. Sinimulan kong tangalin ang manipis na balot nito. Hangang sa binuksan ko na nang tuluyan upang malaman ang laman ng regalo niya sa akin. Natigilan ako nang mapansin ko ang isang jewelry box at nang buksan ko ito ay isang bracelet ang bumungad sa akin. Parang pamilyar yun sa akin. Naalala ko kasi nang magising ako parang palagi kong tinitignan yung kamay ko. Parang may hinahanap ako na hindi ko maipaliwanag. Kinuha ko ito at hinaplos ko ang nakalagay sa gitna. Isang half-moon—.
"Ingatan mo ang bracelet na yan. Balang araw malalaman mo ang meaning niyan. Sa ngayon, gusto ko palagi ko yang makikita sa kamay mo."
Nabitawan ko ang bracelet dahil sa may na-alala akong pangyayaring yun. Hindi nga lang malinaw kung sino ang nagsasalita sa alaala ko dahil nakatuon ang attensyon ko sa pagsusuot niya sa akin hangang sa— makita ko ang maraming wallet size pictures na nakalagay sa ilalalim ng box. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Awang ang aking labi nang makita si Kuya Marcus at ako ang nasa larawan. Ang bata ko pa dito. Pero nasa mukha naming dalawa ang saya. Napahawak ako sa aking sintindo. Nagsisimula na namang sumakit ang ulo ko at manginig ang kamay ko. Para akong nilalamig na hindi ko maipaliwanag. Kinakabahan ako na parang natatakot. Nabitawan ko ang mga pictures sa sahig hangang sa nahulog na rin yung box at pati ang kasama nitong stuff toy.
Pagapang akong nagpunta sa cabinet nanginginig ang aking binti at halos hindi ko maihakbang ang aking mga paa. Sumasabay din ang magulong mga ala-alang nagre-replay sa aking utak. Ang bracelet…ang mga pictures namin…yung time na sumakay ako sa motor niya…yung staff toy na bigay niya sa akin na nakuha namin sa unang date. Hangang sa naalala ko ang pag-uusap ni Kuya Ivan at Kuya Marcus sa phone.
“Limang taon na silang kasal…”
“Limang taon na silang kasal ni Railey…”
“I’m sorry Niamh…”
Para akong sinasakal na hindi ako makahinga hangang sa lumalabas na rin ang butil-butil kong pawis at nawalan ng lakas ang kamay kong hilahin ang cabinet upang kunin ang gamot ko.
“Maghihintay ako bebu…magiging proud ka sa akin…gagawin ko ang lahat para maging karapatdapat sayo balang araw…”
“Limang taon na silang kasal ni Railey…”
Masaganang luha ang sunod-sunod na bumaha sa aking pisngi dahil sa pagsulputan ng mga ala-ala. Mga ala-alang ginusto kong ibaon sa limot noong panahon na tumilapon ang aking katawan dahil sa aksidente…ang aksidenteng bumago sa takbo ng aking buhay, isip at pangarap.
Tuluyang nagdilim ang paningin ko at nawalan ako ng malay sa sahig.
Nang magising ako ay sumisilay na ang liwanag. Akala ko katapusan ko na kagabi ngunit nagising pa rin ako. Nagising akong naalala na ang lahat ng nangyari. Napaupo ako at niyakap ko ang aking tuhod. Nagsimula na namang pumatak ang aking luha. Ngayon na naalala ko na ang lahat…pati ang masasakit na alala ay bumalik din.
Wala sa sariling tumayo ako at naligo sa banyo upang kalmahin ang aking sarili. Pagkalabas ko ay nagbihis ako ng pantalon at t-shirt. Tinawagan ko si Tinay at cloe na magkita kami sa meeting place namin. Nagtaka pa sila dahil sobrang aga pa daw. Hindi ko sinabi sa kanila ang lahat.
Pagbaba ko nang hagdan ay nakasalubong ko si Kuya Marcus.
“Hi, goodmorning…pupuntahan sana kita—”
“May lakad ako.” Seryosong sabi ko sa kanya. Lumipat ako sa kabila upang makababa ako ngunit humarang siya sa akin.
“Niamh, kumain ka muna bago ka umalis. Saan ka ba pupunta? Gusto mong ihatid—”
“Hindi mo ba ako narinig? May lakad ako at kailangan ko ng umalis.” Nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya.
“Niamh, at saan ka na naman pupunta?” sabay sulpot ni Kuya sa likuran ni Kura Marcus.
“Makikipagkita ako kina Tinay at Cloe. Okay na?”
Tinulak ko siya upang makadaan ako ngunit hindi pa ako nakakailang hakbang hinaklit na niya ang braso ko.
“Hindi ako susuko, Niamh. Kahit ganito ang trato mo sa akin hindi ako susuko—”
“Bakit ka naman susuko kung sa umpisa pa lang wala ka nang inalaban?” putol ko sa sasabihin niya.
“Lumaban ako Niamh, kung alam mo lang ang ginawa ko para sa’yo—”
“Ayoko nang malaman pa. Lalo na kung yun din ang dahilan kaya ako na-aksidente at nawalan ng ala-ala.”
Naramdaman ko ang pagluwag niya ng hawak sa akin kaya nagawa kong mahila ang braso ko mula sa kanya.
Nagpatuloy ako sa paghakbang pababa at bumaling ako kay Kuya.
“Punta lang ako kila Tinay. Tawagan mo si Tita kung duda ka. Alis na ako.” Paalam ko sa kanya. Kaagad kong tinungo ang pinto at nagmamadali akong makalabas. Sumakay ako ng taxi para dalhin niya ako sa bahay nila Tinay.
Pagkarating ko ay kakarating lang din ni Cloe. Sinalubong nila akong dalawa.
“May nangyari ba? Bakit ang aga mo?” nag-aalalang tanong ni Tinay. Hindi ko na napigilan ang aking emosyon at napayakap na ako sa kanya.
“Beshy…” narinig kong sambit niya. Para akong batang iniwan ng nanay sa gilid ng kalsada kung umatungal. Pati si Cloe ay panay din ang hagud sa likod ko. Kung wala sila paano na ako? Paano ko na mailalabas ang lahat ng sakit na pinagdaanan ko?
Pagkatapos ng iyakan session namin sa labas ay pumasok na kami sa loob. Pina-akyat niya kami sa kanyang kuwarto at nagpahatid na rin siya ng makakain.
“Pasensya ka na ha? Kakagising ko lang kaya makalat pa ang room ko.” Wika niya sabay ligpit ng mga nakakalat sa kama.
“Ano ba kasi ang nangyari? Usisa ni Cloe. Nagipon ako ng hangin sa dibdib.
“Naalala ko na ang lahat—”
“OMG!” bulalas ni Tinay.
“Talaga?” Segunda naman ni Cloe.
Tumango ako sa kanila.
“Pati yung—”
“Oo…lahat-lahat…” nangingilid ang luhang sambit ko.
“Ibig sabihin, naalala mo na din si Kuya Marcus?”
Tumango ako sa kanya. “Pati ang pagpapa-asa niya sa akin at ang pagpapakasal niya kay Railey. Lahat yun naalala ko na…”
Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang aking emosyon.
“Ang ipinagtataka ko, bakit nagpunta si Railey sa birthday ko at bakit magkausap sila ni Kuya Ivan? Diba mag-asawa na silang dalawa? At bakit bumalik pa siya at sinasabi niyang hindi siya susuko sa akin? Naguguluhan na ako…hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.”
“Beshy, bakit hindi mo itanong kay Kuya Marcus? Malay mo may paliwanag siya sayo diba?”
Sunod-sunod akong umiling.
“Nagsinungaling na siya sa akin ng isang beses. Sa tingin niyo hindi na ulit niya gagawin yun? Natatakot ako…natatakot akong masaktan ulit…nang makita ko siya kanina imbis na pagkasabik ang maramdaman ko. Mas nakaramdam ako ng galit, dahil sa lumipas na isang taon ni hindi man lang niya inalam ang kalagayan ko. Tapos babalik siya sa 18th birthday ko at guguluhin niya ang buhay ko? Saka, paano si Charles? Napalapit na rin siya sa puso ko. Naguguluhan na ako…hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin at maramdaman.” Nangingilid ang luhang sabi ko sa kanila.
“Niamh, hindi matatapos ang problema kung panay ka lang iwas. Harapin mo si Kuya Marcus, you deserve to know the truth. Kung hindi ka mahalaga sa kanya hindi na siya babalik pa. Para malaman mo din kung ano ang totoo. At kung ano talaga ang nangyari sa pagitan niyong dalawa.” Wika ni Cloe.
“Tama siya Beshy…kausapin mo si Kuya Marcus. At kapag narinig mo na ang paliwanag niya. Saka ka magdesisyon kung ano ang dapat mong gawin. Para hindi ka na rin nahihirapan pa.”
Napabuntong-hininga ako sa kanilang dalawa. Pagkarating ng pagkain ay kumain muna kami. Dahil hindi naging maganda ang tulog ko nagpahinga muna ako sa silid niya.
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na tapik sa akin ni Tinay.
“Bakit?”
“Tumawag si Charles sa akin, nasa hospital daw ang mommy niya…malubha ang lagay.” Malungkot na sabi ni Tinay.
“Ano?”
Kaagad akong bumangon at nagpaalam na rin kaming pupuntahan sa hospital si Charles sigurado akong kailangan niya ng karamay. Si Tinay na lamang ang kasama ko dahil may lakad daw si Cloe. Nang makarating kami sa hospital ay hinanap ko na agad ang room number ng mommy ni Charles. Papalapit pa lamang kami ay nagkakagulo na sa room ni Tita Cora. Napatakip ako sa aking bibig nang makita ko si Charles na halos maglupasay sa labas ng kuwarto nito.
Kaagad ko siyang nilapitan at itinayo. Napayakap siya sa akin.
“Niamh, si mommy…si mommy… hindi ko kayang mawala si mommy…” patuloy na paghikbi niya. Pati ako ay napaiyak na rin dahil malapit din ako kay Tita Cora. Nagpupunta kasi ako sa kanila at sadyang napakabait nito.
Lumabas ang doctor
“Sorry…ginawa namin ang lahat…” sambit nito. Napatakbo si Charles sa loob ng kuwarto at parang binagsakan siya ng mundo dahil sa nangyari sa kanyang ina. Nandoon din ang kanyang ama at mga kapatid. Nagyakapan na lamang kami ni Tinay dahil pati kami ay nalulungkot sa pagkawala ni Tita. Brain aneurysm pala ang sakit nito at hindi na kinaya pa.
Gabi nan ang makauwi ako. Sinamahan ko kasi si Charles hangang sa ma-iuwi na ang labi ni Tita Cora sa bahay nila. Nagpaalam lang ako upang magpaalam kay Kuya dahil namatay na ang phone ko. Nakalimutan ko kasing i-charge at sunod-sunod na pala ang tawag sa akin.
Pagkarating ko sa bahay ay naabutan kong nakatayo si Kuya Marcus sa labas ng pintuan. Kita ko sa mukha niya ang kunot niyang noo at salubong niyang kilay.
“Bakit ngayon ka lang? Gabi na ah? Saan ka nangaling?”
Hindi ko sana siya papansinin dahil wala ako sa mood gutom at pagod din ako ngunit nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko.
“Ano ba?! Bitawan mo nga ako!”
Malakas na hinila ko ang kamay ko mula sa kanya at m@talim ang tingin na ipinukol ko sa kanya.
“Bumalik ka na sa Europe kung gusto mo. Huwag mo nang guluhin ang buhay ko dahil ayoko na sa’yo. Ayoko nang mahalin ka ulit—”
Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong kabigin at siilin ng halik sa labi. Sinubukan ko siyang itulak ngunit mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin at halos hindi na ako makahinga. Nawalan na rin ng lakas ang mga kamay ko hangang sa nagtagumpay na siyang halikan ako at unti-unti niya akong binitawan.
“I’m sorry for crossing the line. Wala na akong ibang alam na paraan para maalala mo ako. Parang mababaliw na ako Niamh sa ginagawa mo sa akin…kung naalala mo lamang ako. Hindi ganito ang magiging pakikitungo mo sa akin. Dahil alam kong mahal mo pa rin ako.” mahinang sambit niya.
“Naalala na kita, pati ang pagpapaasa mo sa akin ng ilang taon at pagpapakasal mo sa ibang babae. Pero yung pagmamahal na sinasabi mo? Hindi ko na nararamdaman ngayon. Ayaw na kitang makita Marcus. Kaya bumalik ka na sa lugar kung saan ka nangaling dahil hindi na ako si bebang mo. Bumalik ka na kay Railey at tigilan mo na ako.”
Pagkatapos kong sabihin yun ay pumasok na ako sa loob. Pagkarating ko sa aking kuwarto ay napasandal na lamang ako sa likuran ng pinto.
Kasinungalingan lang ang lahat ng sinabi ko sa kanya. Dahil ang totoo…gusto ko lang subukan kung hangang saan ang sinasabi niyang hindi niya ako susukuan. Katulad noon kung paano ko siya hinintay.
Napahawak ako sa aking labi kung hindi pa niya ako binitawan baka tumugon na rin ako sa h@lik niya.