Chapter 17.

1799 Words
NIAMH “Oh? Anong nangyari sayo? Bakit namumula ka? May lagnat ka ba?” usisa ni mommy pagkabalik ko sa kusina at nilapitan ako upang salatin ang noo ko. Umiling ako sa kanya. “Hindi po mommy, medyo mainit lang po sa labas.” pagdadahilan ko sa kanya. Pero ang totoo ay si Marcus ang dahilan kung bakit parang kamatis ang mukha ko ngayon. “Naku, mabuti pa kumain ka na. Ipinagluto na kita ng sisig mo.” Wika ni mommy na ikinabaling ko sa tray na hinanda niya para sa akin. “Thank you mommy! Kayo po? Kumain na kayo?” Naghugas siya ng kamay sa lababo. “Oo, kumain na kami ng dad mo. Aaalis kasi kami ngayon may titingnan kaming farm sa Laguna. Doon muna kami mag-stay kila Tito Edgar mo. Gusto sana kitang isama kaso baka matagalan kami doon. Kaya kayo na muna bahala ni Kuya Ivan mo dito at si Manang okay?” bilin niya sa akin. “Yes, mommy. Huwag niyo pong kalimutan yung salted egg ko ha? Ingat po kayo sa byahe.” Tumango siya sa akin at nagpaalam siyang aakyat muna para maayos daw ang mga dadalhin nila patungong Laguna. Sarap na sarap akong kumain ng nilutong sisig ni mommy nang bumungad sa akin si Kuya Marcus. Nabitin tuloy sa ere ang kutsara ko na isusubo ko na sana dahil bigla akong nahiya sa presensya niya. “Ako na lamang maghihiwa ng fruits.” Nakangiting sabi niya sa akin. Pagkatapos ay binuksan niya ang ref namin at siya na mismo ang kumuha ng isang container ng strawberry at malaking pakwan sa ibabaw ng mesa. Kumuha din siya ng chopping board at matalas na knife. Naupo siya sa harapan ko na walang pasabi. “Puwede ka naman maghiwa doon sa counter island diba? Bakit sa harap ko?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Nakaka-inspired maghiwa ng fruits kasi kapag kaharap kita.” Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Pero kailangan kong tibayan ang loob ko. Hindi ako puwedeng magpadala sa mga matatamis niyang salita. “Sanay na sanay kang magsalita ng ganyan ano? Siguro maraming babae ka nang inuto.” Pinilit kong magpatuloy ng pagkain ko at binawasan ko ang malaking subo ko kanina. Baka kasi isipin niya PG ako. “Wala akong ibang naging babae bukod sa’yo bebang.” Seryosong sabi niya sa akin. “Puwede ba? Huwag mo nga akong tawaging bebang? Niamh ang pangalan ko at hindi kasing chaka ng tawag mo sa akin.” Litanya ko sa kanya. Dinampot ko ang tray ko at lumabas ako ng kusina. Lumipat ako sa dinning table upang tapusin ang pagkain ko ng mabilis. Nang matapos ako ay tapos na rin siyang maghiwa ng fruits. Nagkasalubong pa kami at nauna akong mag-iwas sa kanya. Pagkatapos kong linisin ang pinagkainan ko ay pabalik na ako sa sala nang masalubong ko naman sila mommy at daddy. Pababa na sila at paalis na. Hinatid ko sila sa labas ng bahay. “Ivan! Ikaw na ang bahala sa kapatid mo okay?” bilin ni dad kay Kuya. Lumapit silang dalawa kila mommy at daddy. “Mag-ingat po kayo.” wika ni Kuya Marcus. “Salamat, baka matagalan kami you can stay here if you want.” Sabi naman ni mommy na ikina-awang ng aking labi. “Thank you po tita and tito.” Kunot noo akong napatingin kay Kuya Marcus. Hindi lang pala si Kuya Ivan ang gusto siya. Sa tingin ko pati sila mom at dad ay nakuha na rin ang loob nila ni Kuya Marcus. Kumaway pa kaming tatlo habang tinatanaw silang palabas ng gate namin. Papasok na sana ako sa loob nang makita ko ang kotse ni Charles. Napatakbo ako sa gate upang salubungin ko siya. Bumaba siya ng kotse at pagkatapos ay may kinuha siya sa backseat niya. Isang bouquet ng roses and isang paper bag na maliit ang dala niya. May dala din siyang maliit na cake. “Hi baby…” nakangiting bati niya sa akin. Binuksan ko ang gate at hinalikan niya ako sa pisngi. “Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Inabot niya sa akin ang roses na dala niya. “Gusto lang kitang makita kahit sandal lang. Puwede ba akong pumasok sa loob?” “Hindi.” Napalingon ako nang marinig ko si Kuya Ivan. Katabi niya si Kuya Marcus na seryoso din ang tingin sa aming dalawa na parang may ginagawa kaming masama. “Kuya, bisita ko siya. Hindi naman siya magtatagal mag-uusap lang kami.” “Magandang hapon po.” Nahihiyang sabi ni Charles sa kanila. “Anong maganda sa hapon? Nakikita mo bang makulimlim?” pagtataray ni Kuya sa kanya. Nilakihan ko ang gate at pinapasok ko siya sa loob. Binalingan ko ang dalawa at inikutan ko ng mata ko. Pagpasok namin sa loob ay pinaupo ko siya sa sofa. Kumuha ako ng platito at tinidor para sa cake na dala niya. Pagbalik ko sa sala ay nilibas na niya ito. “Ang cute naman niyan, parang ayokong hiwain.” Nagdadalawang isip na sabi ko sa kanya. May mga puso kasi ito sa gitna. “Bago yan kakantahan muna kita ng happy birthday tapos mag-wish ka okay?” Magiliw akong tumango sa kanya. “Happy birthday baby…happy birthday baby…happy birthday happy birthday…happy birthday Niamh!” kanta niya sa akin na ikinangiti ko mula umpisa hangang matapos. Kahit hindi pa kami nakasanayan ko nang marinig ang pagtawag niya sa akin ng baby. Babyface daw kasi ako sa paningin niya at sobrang cute ko pa daw. Totoo naman! Pumikit ako at nagsimula akong mag-wish pagdilat ko ay hinipan ko ang maliit na cake pero pinahiran niya ako sa ilong ko. “Ano ba! Pasaway ka talaga!” saway ko sa kanya at natawa na rin ako sa ginawa niya. Kinuha niya ang knife at hiniwaan niya ako ng kapiraso saka nilagay sa platito. Sinubuan niya ako at nagpasubo naman ako. “Hmmm ang sarap!” bulalas ko. Napunta sa glass wall ang mata ko at nakita kong nakatayo si Kuya Marcus doon. Hawak niya ang isang can ng beer at sunod-sunod niya itong tinunga. May kung ano akong naramdaman sa loob ko na hindi ko maipaliwanag. Kung talagang minahal namin ang isa’t-isa noon sana gumaw siya ng effort upang hindi ko siya makalimutan. Dahil sa ngayon si Charles ang nakikita ko at yung nararamdaman kong kaligayahan ngayon ay si Charles ang dahilan. “Syempre, alam kong favorite mong flavor yan. Mabuti naman nagustuhan mo.” Bumaling ang tingin ko sa kanya nang buksan niya ang maliit na paper bag na dala niya. Kinuha niya ito at nakita kong jewelry box ito. Nang buksan niya ang box ay bumungad sa akin ang isang set ng gold na bracelet, necklace, earrings at singsing. “C-charles…diba mahal yan?” nakatingin sa alahas kong sabi sa kanya. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng mesa. Kinuha niya ang ring at kinuha niya ang kamay ko. Nakita niya ang suot kong singsing. “Puwede ko bang palitan yan?” Iniwas ko ang kamay ko at umiling ako sa kanya. “No, dito na lang sa kabila. Mahalaga ito sa akin.” Wika ko sa kanya. Wala siyang choice kundi isuot sa kabilang kamay ko ang singsing na regalo niya sa akin. “Thank you.” Yumakap ako sa kanya sandali at pinagmasdan ang bigay niya. “Pinag-ipunan ko talaga yan for you…I hope napasaya kita.” Sambit niya. Sunod-sunod akong tumango sa kanya. “Salamat Charles.” Pagkatapos naming makaubos ng tig-isang hiwa ay nagpaalam na rin siyang umalis. Hinatid ko siya sa gate at inantay ko pang makalayo ang kotse niya. Napahawak ako sa singsing na nasa isang kamay ko. Hindi malinaw sa akin kung bakit gusto kong manatili yun sa kamay ko. Basta ang alam ko parang nanaginip akong may isang taong nagbigay nito sa akin. Pagbalik ko sa loob ay nailigpit na ni manang ang pinagkainan namin. Dinala ko ang bulaklak at regalo ni Charles sa itaas. Hindi ko nga napansin na tapos na palang magdrink session ang mag lasengero sa labas. Baka doon sila dumaan sa likuran na hagdan kaya di ko namalayan. Pagpasok ko sa room ko ay nabitin ang pagsara ko ng door ko nang makita ko si Kuya Marcus na nakaupo sa puti at malambot kong sofa. Nakabihis na ito ng puting sando at gray na pajama habang naka-dikwatro. “Anong ginagawa mo dito?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Napunta sa kamay kong may suot na singsing ang mga mata niya. Nakita ko ang pagalaw ng kanyang panga kaya napalunok ako na parang may halong kaba. “Aware ka na sa ginagawa mong ito masasaktan mo ako? Sinabi na sayo ng mga kaibigan mo kung anong meron tayo dati hindi ba?” seryosong tanong niya sa akin. “Ano? Ikaw? Aware ka din ba na kahit dulo ng buhok mo hindi ko naalala? Bakit? Ano ba talaga ang meron sa atin dati? Puppy love? Dahil nagkagusto ako sayo noong elementary pa ako? Kung nasasaktan man kita. Hindi ko na kasalanan yun. Hanga’t wala akong naalala mananatili kang bestfriend lang ni Kuya Ivan sa paningin ko. Dahil kung totoo man na minahal natin ang isa’t-isa noon. Nasaan ka? Nasaan ka noong mga panahon na hindi ko alam kung ano ang pagkatao ko? Yung mga panahon na kahit pangalan ko hindi ko alam kung ano? Nasaan ka? Si Charles ang palaging nasa tabi ko noon. Matiyaga niya akong dinadalaw sa hospital kasama nila Tinay at Cloe. Ikaw? Kahit isang tawag ba nagawa mo para kumustahin mo ako? Kaya paano ako maniniwala sayo?” Litanya ko sa kanya. Tumayo siya at lumapit sa akin kaya umatras ako hangang dumikit na ako sa aparador. “A-anong gagawin mo—” “Tinatanong mo kung nasaan ako? Nasa puso mo ako Niamh, maaring hindi ako naalala ng isip mo o pinipilit mo ang sarili mong kalimutan ako. Pero alam kong may nararamdaman ka kapag lumalapit ako sa’yo ng ganito. Kapag nakikita mo ako, at naririnig mo ang boses ko. I miss you so much…kung alam mo lang kung gaano kita kagustong yakapin at halikan. Gustong-gusto kong gawin yun.” Mahinang sambit niya. Lumakas ang t***k ng puso ko na parang hindi ako makahinga. “Niamh—” “No, get out of my room…p-please…” paki-usap ko sa kanya. Narinig ko siyang bumuntong hininga. Akala ko hindi niya gagawin ngunit tinalikuran niya ako at walang lingon siyang lumabas sa room ko. Napahawak ako sa aking dibdib. Pakiramdam ko s@sabog na ito sa lakas ng t***k ng puso ko. Gustuhin ko man siyang maalala hindi ko alam kung paano nang sa ganun matapos na rin itong pag-iisip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD