NIAMH
Dahil sa nangyari sa akin maaga maaga akong pinagpahinga ni mommy sa room ko dito sa hotel. Maayos pa rin namang natapos ang party at nakakain pa rin naman ang mga bisita. Sila na rin ang nag-asikaso ng lahat. Inaalala kasi nila ang kalagayan ko at naunawaan din naman ito ng mga bisita.
“Beshy…sorry kanina…kasalanan namin kaya sinumpong ka tuloy. Pasensya ka na kung sinabi namin sayo ang tungkol kay Kuya Marcus.” Nagsisisi na sabi ni Tinay. Pareho silang naka-upo sa magkabilang gilid ng kama ko.
“Oo nga Niamh, napagalitan tuloy kami ni Kuya Ivan. Hindi naman namin sinasadya eh.” Saad naman ni Cloe.
“Ano ba kayo? Wala naman kayong kasalanan eh, nasa utak ko ang problema. Hindi ako maka-alala tapos kapag pinipilit kong maalala ang lahat ayun ang nangyayari. Sa totoo lang, ngayon ko dapat sasagutin si Charles. Kaya lang dahil sa sinabi niyo nagdalang isip na ako. Pero…paano ko naman ma-iinlove sa bestfriend ng Kuya ko? Eh parang tiyuhin ko na yun ah?” nagtatakang tanong ko sa kanila.
“Haist…baka kapag sinabi at kinuwento namin sayo lalong magalit si Kuya Ivan sa amin. Kaya hahayaan na lamang namin na ikaw ang makaalala ng lahat.” Sagot ni Tinay sa akin. Di ko maitatangi n amalakas ang dating niya, mabango at naguumapaw ang kakisigan. Pero ang magkagusto sa lalaking ilang taon ang agwat sa akin parang ang hirap naman paniwalaan.
Natigilan kami sa pag-uusap dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto. Tumayo si Tinay at pinagbuksan niya ito.
“Hi, can I talk to her?”
Narinig ko ang pamilyar niyang boses. Nilingon ako ni Tinay at marahan akong tumango sa kanya. Kaagad na tumayo si Cloe at dinampot ang bag niya.
“Pupunta lang kami sa room namin.” paalam niya sa akin. Kinuha na rin niya ang bag ni Tinay at inaya niyang lumabas. Pumasok naman si Kuya Marcus sa loob at sinara ang pintuan.
Napunta sa flowers at gift na dala niya ang mga mata ko.
“How are you?”
“I’m good.” Sagot ko sa kanya. Inabot niya sa akin ang bulaklak at inilagay naman sa ibaba ang malaking gift niya. Pagkatapos ay naupo siya sa gilid ng aking kama. Ngayon pa lamang kami nagkita pero palagay na siyang kumilos sa harapan ko.
“Sila Kuya mom at dad?” usisa ko dahil iniwanan ko na sila sa baba kanina.
“May naiwan pang mga bisita kaya inasikaso muna nila. Huwag kang mag-alala. Wala akong gagawing masama may pahintulot akong umakyat dito para makausap ka.”
“Wala naman sa itsura mo ang gagawa ng masama. Tinanong ko lang kung nagpapahinga na din ba sila sa room nila. At saka…am…Kuya Marcus kung tungkol sa sinabi nila Tinay at Cloe sa akin…sorry pero… hindi kita maalala. Wala akong maramdaman para sa’yo kaya pasensya na…”
Nakita ko ang dumaan na lungkot sa kanyang mga mata. Ngunit sinabi ko lang naman ang totoo. Yes, nakaka-intimidate ang presensiya niya. He’s like a prince kanina kaya siguro ganun ang reaction ko. Pero aside doon? Wala akong maramdaman na kakaiba sa puso ko. At blanko din ang memorya ko.
“Sabi ni Ivan, wala naman daw deperensya ang utak mo. Pero sabi daw ng doctor. Maaring nang dahil sa trauma na pinagdaanan mo Physically and emotionally. Yung utak mo mismo ang pumipigil na maalala mo ang lahat.”
“What do you mean?” naguguluhan na tanong ko sa kanya. Napasinghap siya at muling tumingin sa akin.
“Niamh, hindi na mahalaga sa akin kung maalala mo man ako o hindi. Ang mahalaga…nandito na ulit ako…at hindi na kita iiwan ulit…pangako ko yan sayo. Kung kailangan suyuin kita araw-araw—”
Tumunog ang phone ko kaya naputol ang sasabihin niya sa akin nang sagutin ko ito.
“Sorry, sorry talaga baby…babawi ako sayo promise! Sumama lang talaga ang tiyan ko kanina. Kaya kinailangan kong umalis kaagad. Sorry—”
“Okay lang Charles…tapos na naman ang birthday ko. Kaya lang, ano ba kasing kinain mo? Bakit nasira ang tiyan mo?” nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Wala nga akong kinain eh, tinikman ko lang yung wine na binigay ni Kuya Ivan mo.” Sagot niya sa akin. Narinig ko ang buntong hininga ni Kuya Marcus kaya napatingin ako sa kanya.
“Pupunta na lamang ako sa inyo bukas ng umaga okay? Happy birthday baby…”
Napangiti ako sa sinabi niya. Napakalambing niya talaga. Disappointed ako na hindi ko siya naging kapartner ngayon sa debut ko pero wala na rin naman akong magagawa.
“Thank you…see you soon.” Paalam ko sa kanya at pinatay ko na ang phone ko.
“Ano nga ulit yun Kuya Marcus?”
“From now on…gusto kong malaman mo na nililigawan kita. I don’t mind kung may karibal man ako sa puso mo ngayon. Dahil alam kong ako mahal mo. Ako lang ang nag-iisang bebu mo.”
Awang ang labi akong tumingin sa kanya.
“Pero Kuya Marcus, wala akong nararamdaman para sa’yo.”
Tumayo siya at nagulat ako nang yumuko siya at namalayan ko na lamang na lumapat na ang kanyang malambot na labi sa noo ko.
“I don’t care, as long as nasa akin ang ala-ala ng pagmamahal mo para sa akin hindi ako titigil, Niamh.”
Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya. Sinulayapan niya pa ako bago isara ang pinto ko. Napahawak ako sa aking noo. Bakit hindi ko man lang siya nagawang pigilan na gawin yun sa akin?
Kinabukasan ay bumalik na kami sa bahay. Punong-puno ng regalo ang isang van lulan sina mommy daddy at ang dalawa kong kaibigan. Kasama ko naman si Kuya Ivan sa kotse. Siya ang nagmamaneho at tahimik lang akong nakatingin sa dinaraanan namin dahil may isang oras pa ang byahe namin.
“K-Kuya?” tawag ko sa kanya habang nakatingin pa rin ako sa bintana ng sasakyan.
“Hmmm?” narinig kong sagot niya.
“Ikaw ba ang may kagagawan kung bakit pinagsakitan ng tiyan si Charles?” pag-akusa ko sa kanya. Pinagtagpi-tagpi ko kasi kagabi ang mga nangyari at sa tingin ko may kinalaman si Kuya Ivan sa nangyari. May palagay akong gusto niya si Kuya Marcus para sa akin dahil bestfriend niya ito. At alam kong simula noon pa ay ayaw n ani Kuya Ivan kay Charles.
“Niamh—”
“Please don’t lie to me.” Paki-usap ko sa kanya. Narinig kong siyang bumuntong hininga kaya napatingin ako sa kanya.
“Yes.” Pag-amin niya sa akin. Napasinghap ako dahil tama ang hinala ko.
“Bakit mo ginawa yun? Dahil ba ayaw mo kay Charles? O para mapalapit ako kay Kuya Marcus?” seryosong tanong ko sa kanya.
“Sorry Niamh…marami na ang sinakripisyo ng kaibigan ko para lamang sa’yo. Kaya tinutulungan ko siyang magkalapit kayo ulit.”
“Sakripisyo? Hindi mo ba naisip na kung talagang may nararamdaman siya para sa akin bakit ngayon lang siya bumalik? Bakit niya ako iniwan sa ospital? Bakit hindi man lang siya nagpakita sa akin noong ma-aksidente ako? Bakit ngayon siya bumalik?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Isang taon siyang nawala, kaya paano ako maniniwala sa mga sinasabi nila?
“Dahil nagkasakit ang kanyang ama, at siya ang namahala ng negosyo nila sa Europe.”
“Hindi yun sapat na dahilan Kuya! Kahit chat o tawag wala? Kuya kung mahal mo ang isang tao hinding-hindi mo hahayaan na mawalan ka ng connection sa kanya hindi ba? Bakit kayo? Nag-uusap kayo hindi ba? Kung mahal niya ako bakit hindi man lang niya ako tinawagan? Kinumusta? Bakit ngayon lang siya nagpakilala sa akin?” Katwiran ko sa kanya.
“Dahil habang nagpapagaling ka, inaayos naman niya ang lahat para makabalik siya dito. At isa pa, gusto niyang personal kayong mag-usap.”
Umiling ako sa kanya. Hindi ako naniniwala na yun lang ang dahilan may kutob akong may nangyari at inililihim nila ito sa akin.
“Your lying, right? Hindi ko gusto ang ginawa mo kay Charles. I hope hindi mo na ulit gagawin yun. At huwag mo nang ipagpilitan sa akin ang bestfriend mo dahil wala na akong nararamdaman para sa kanya.” Seryosong sagot ko sa kanya. Pagkatapos ay kinabit ko ang headset ko upang hindi na ulit kami mag-usap tungkol kay Kuya Marcus.
Pagkarating namin sa bahay ay dumerecho na ako sa room ko. Nandito na rin ang mga regalo na natangap ko. Nahatid na rin ni Dad yung dalawang beshy ko kaya tatawagan ko na lamang sila mamaya.
Pabagsak akong humiga sa kama. Hangang ngayon kasi yung mga nangyari pa rin kagabi ang nasa isip ko. Lalo na si Kuya Marcus. Yung mga sinabi niya sa akin kagabi. Wala naman sa itsura niya ang nagsisinungaling.
Dahil hindi naging maayos ang tulog ko kagabi kaya itinuloy ko na lamang ang pagtulog ko sa malambot kong kama.
Nang magising ako ay hapon na…bumangon ako ng kama at humihikab na sumilip ako sa veranda. Napatingin ako sa ibaba at may nakita akong umahon sa swimming pool namin. Nabitin ang paghikab ko nang makita ko kung sino ang lalaking naliligo sa pool namin.
Napatakip ako ng bibig ko nang mag-angat siya ng tingin at nagtagpo sa ere ang mata naming dalawa. Nanlaki ang mata ko at napatakip ako ng aking bibig. Bumaba ang mata ko mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang maputing dib.dib hangang sa matigas niyang turtle—turtle? Bakit bigla kong naisip yun?
Napatakip ako ng mata ko nang dumako ang mata ko sa boxer niya. Parang nabusog ang mata ko pero gutom naman ako! Sa kanya ba lahat yun?
Ibinuka ko ang daliri ko para sumilip ng bahagya.
“Hi, my bebang…” nakangiting sabi niya sa akin.
“Anong ginagawa mo dito? Wala ba kayong swimming pool sa inyo?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.
“I invited him.” Wika naman ni Kuya at inabutan siya ng isang can ng beer. Kaagad akong tumalikod at pumasok sa loob. Sinara ko ang kurtina at saka ako nakahinga ng maluwag.
Ang virgin eyes ko!!!
Bumaba ako sa kusina upang maghanap ng makakain.
“Mommy? Ang bango naman niyang niluluto mo penge!”
Lumingon siya sa akin at inabot niya ang sizzling plate na may lamang umuusok at nakakatakam na sisig.
“Igagawa kita ng food mo. Ihatid mo muna ito sa labas.” Utos niya sa akin sabay abot sa akin ng sizzling plate. Napilitan akong hawakan dahil may kahoy na patungan naman ito sa ilalim kaya hindi mainit.
“Pero mom—”
“Dali na kanina pa hinihintay ni Kuya mo yan.” Giit pa niya. Wala akong nagawa kundi sumunod. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng pinto. Yumuko ako upang hindi ako makakita ng turtle.
Nag-angat ako ng tingin sa sumalubong sa akin. Hangang sa naramdaman ko na lamang ang kamay niya sa kamay ko.
“Ako na, baka mapaso ka.” Sambit niya. Nakasuot na siya ng bath robe ngunit kita ko pa rin ang dibdib niya. Kaagad na inabot ko ang sisig sa kanya. Nag-init ang aking pisngi at kaagad akong tumalikod.
“Niamh! Ipaghiwa mo na rin kami ng fruits!” pahabol ni Kuya Ivan. Nilingon ko siya at masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.
“Anong fruits!” inis na tanong ko.
“Yung favorite ni Marcus.” Sagot niya na lalong ikina-inis ko.
“Paano ko malalaman ang favorite niya? Hindi ko nga siya naalala?!”
Lumapit si Kuya Marcus sa akin at nawala ang pangungunot ng noo ko.
“Yung mapula, kasing pula ng pisngi mo at kasing tamis ng labi mo.” Kagat labi niyang sabi sa akin na nagpa-awang din sa aking labi. Pagkatapos ay tinalikuran na niya ako.
Natikman na niya ang labi ko? Hmp! Manyak!