Chapter 15.

1610 Words
One year later… NIAMH “Presenting! The debutant for tonight! Ms. Niamh Balbuena!” Napuno ng malakas na palakpakan ang ibaba ng event hall sa malakas na pagtawag ng MC sa aking pangalan. Suot ang kulay itim na ball gown ay dahan-dahan ang naging pagbaba ko sa mataas na hagdan na napapalibutan ng kulay pulang rosas. Black and red ang napili kong theme para sa debut ko at subrang ganda ang kinalabasan ng buong event hall. Sa tulong ni Tinay at Cloe ay nabawasan ang stress ko sa paghahanda. I want it to be perfect dahil isang beses lamang ito mangyayari sa buong buhay ko. Si Kuya Ivan ang gumastos ng lahat dahil ito daw ang regalo niya sa akin. Isang taon na din ang lumipas nang ma-aksidente ako at mawalan ng alaala. Ngunit hindi ako nahirapan na kilalanin ang sarili ko dahil ni minsan hindi sila umalis sa tabi ko. Lalo na si Charles na halos gabi-gabi akong dinadalaw sa hospital. Hindi ko lamang siya kaklase at kaibigan kundi masugid ko din siyang manliligaw. At ngayon na dalaga na ako, maaari na akong magkaroon ng boyfriend! Pagtingin ko sa ibaba ay hindi ko mahanap si Charles. Ang pagkakaalam ko kasi maaga pa lamang ay nandito na siya dahil siya dapat ang escort ko for tonight ngunit kahit saan ako lumingon ay hindi ko siya mahanap. Malapit na ako sa ibabang hagdan nang mapansin ko ang isang lalaking papalapit sa akin. Nakasuot siya ng black tuxedo na bumagay naman sa napaka-guwapo niyang mukha. Habang pababa ako ay hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya na papalapit naman sa akin. Napaka-elegante ng kanyang suot na halatang mamahalin nagsusumigaw din ang lakas ng dating niya dahil kahit ang ibang bisita ay napapatingin sa kanya hangang sa magtama ang mata naming dalawa. Parang nag-slow motion ang lahat ng nasa paligid ko kahit ang pagbaba ko ng hagdan ay hindi ko na maramdaman na parang gumaan ako at nakalutang sa ulap dahil sa kanyang nakaka-akit na tingin sa akin. “M-Marcus?” usal ng aking labi nang makilala ko siya ng tuluyan. Siya lang naman ang nag-iisang bestfriend ni Kuya Ivan at kasosyo niya sa fresh restaurant business niya. Sa larawan ko lamang siya unang nakita kaya pala pamilyar ang kanyang itsura ngunit hindi ko inasahan na iba pala ang dating niya sa personal. “Do you remember me?” Napasinghap ako nang marinig ko ang sexy voice niya. Lalaking-lalaki ito at masarap pakingan na parang dinadala ka sa kung saan na demensyon ngunit hindi naman ito nakakatakot kundi naghatid ito ng kakaibang kaba sa aking dibdib. “Best friend ka ni Kuya Ivan, right? I saw your pictures in kuya’s room.” Nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi niya inaalis ang kakaibang tingin niya sa akin na parang nagpapagapang ng kuryente sa nakalabas kong likod. “Right, I’m your brother’s bestfriend and I’m your escort for tonight.” sambit niya. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin at malugod ko naman itong tinangap. Inalalayan niya akong umakyat sa entablado at naging iba ang ritmo ng musika. “May I dance with the most gorgeous woman in my eyes tonight?” halos pabulong na tanong niya sa akin. Namalayan ko na lamang ang pag-ikot ng kanyang kaliwang kamay sa aking beywang. Inilagay naman niya ang kamay ko sa kanyang balikat. Hangang sa nagsimula na kaming sumayaw dalawa. Nakaramdam ako ng pagkailang sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Pakiramdam ko kasi tumatagos na ito sa aking kaluluwa. Napatingin ako kay Kuya Ivan na nasa isang table. May kausap kasi itong magandang babae na sobrang sexy din. Ngayon ko lamang ito nakita. Sila Mom at Dad naman ay ang nag-aasikaso ng mga bisita. Hinahanap ng mga mata ko si Tinay at Cloe at nang makita ko sila nakatingin sa amin ay sinenyasan ko sila. “Ha?” nakangangang sabi ni Tinay nang hindi niya maunawaan ang senyas ko sa kanya. “Si Charles? Nasaan!?” napalakas na sabi ko sa kanya. Sunod-sunod siyang umiling sa akin na parang wala din silang idea. “Bakit hinahanap mo pa siya? Nandito naman ako.” Bumalik ang tingin ko kay Kuya Marcus. Napalunok ako nang titigan niya ako ulit. Para akong ice cream na unti-unting natutunaw sa init na hatid niya sa buong sistema ko kaya hinahanap ko si Charles. “Umuwi na siya, sumakit daw ang tiyan niya sabi ni Ivan kaya ako ang pumalit sa kanya.” Seryosong sabi niya sa akin. “Wala ka ba talagang naalala tungkol sa akin? Kinalimutan mo na ba talaga ako?” “H-Ha? Hindi kita maintindihan…at hindi rin kita maalala. Pasensya ka na Kuya Marcus pero…close ba tayo dati?” naguguluhan na tanong ko sa kanya. Kahit anong isip ko kasi wala talaga akong maalala tungkol sa kanya. Sabi ng doctor ko possible daw na hindi na bumalik ang ala-ala ko. Ngunit may parte sa puso ko na parang pamilyar siya sa akin. Hindi lang sa picture kundi pati ang presensya niya. “I miss you so much…kung puwede lang kitang yakapin at halikan kanina ko pa ginawa. Masakit para sa akin ang ginawa mong paglimot. Kung maari ko lamang ibalik ang dati. Hindi na sana kita iniwan. Inilayo na sana kita sa lugar na walang makakahanap sa ating dalawa. Ngunit huli na…dahil kasamang kinalimutan mo ang pagmamahal mo para sa akin.” Awang ang labi ko sa aking narinig mula sa kanya. “A-ano? Lasing ka ba?” kunot ang noo na tanong ko sa kanya. Hindi naman siya amoy alak pero bakit ganun? Kung ano-ano na lamang ang lumalabas sa kanyang labi. “Nagbalik na ako para sayo bebang…at gagawin ko ang lahat to make you mine.” sambit niya. Kung hindi pa tumigil ang music at kung hindi ako tinawag ng MC hindi niya ako bibitawan. Ngunit higit sa lahat. Naiwan ang huling salita na sinambit niya sa aking isip. Bumaba siya sa maliit na entablado at naupo sa table nila Kuya Ivan. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga sinabi niya. At nabo-bother ako kaya ipinatawag ko si Kuya sa room para makausap nang matapos akong magspeech sa harapan nilang lahat. “Tell me, galing ba talagang Europe yung bestfriend mo? O galing mental? Kasi kung ano-ano ang sinasabi niya sa akin kanina.” Sumbong ko kay Kuya Ivan. “Niamh, kakabalik lang niya galing Europe para umattend sa debut mo. Yun ang pangako niya sa akin bago siya umalis sa hospital one year ago.” Pagtatapat ni Kuya. Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. “At bakit naman siya mangangako sayo ng ganito? Akala ko ba ikaw ang bestfriend niya?” Napabuntong hininga siya sa sinabi ko. “Mas maganda kung sa kanya mo na itanong kung bakit.” Wika ni Kuya Ivan bago siya magpaalam sa akin. Lalabas na sana ako sa room ngunit pumasok ang dalawa “Ano bang nangyari kay Charles? Bakit hindi man lang niya ako tinawagan?” inis na tanong ko kay Tinay pero seryosong tingin lang ang ipinukol nilang dalawa sa akin. “Hoy! Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Kanina ko pa napapansin para kayong na-engkanto habang nakatingin sa aming dalawa ni Kuya Marcus.” “Beshy…the man of your dreams. Nakabalik na siya…hindi mo pa rin ba siya naalala?” wika ni Tinay na ikinakunot ng noo ko. “Ano? The man of my dreams?” nagtatakang tanong ko sa kanila. Bukod kay Charles at iilang manliligaw. Wala akong sinabi sa kanilang meron na akong man of my dreams. Nagkatinginan ang dalawa. “Niamh, nakalimutan mo na ba talaga si Bebu mo?” tanong naman ni Cloe. Natigilan ako at napa-isip sa sinabi niya. “Sino si Bebu?” nagtatakang tanong ko. Ayaw pa kasi nila akong derechuhin para hindi na ako naguguluhan pa sa mga sinasabi nila. “Si Kuya Marcus, ang nag-iisang lalaking minahal mo simula noon pa. Siya si Bebu mo…at bumalik na siya Niamh…” nangingilid ang luhang sabi niya sa akin. “S-si Kuya Marcus? Mahal ko?” Sunod-sunod siyang tumango sa akin. Napahawak ako sa aking sintido. “Niamh? Okay ka lang ba?” “O-okay lang…medyo mainit lang…” nanghihinang sabi ko. “Sandali—diyan ka lang kukuha kita ng tubig!” sabi ni Tinay at si Cloe naman ang nagpaypay sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Mabigat ang loob ko na parang hindi ako makahinga. Malakas na bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Kuya Marcus. “Niamh? Are you okay? Dadalhin kita sa hospital!” natatarantang sabi niya dahil nahirapan na akong huminga at nanginginig na rin ang kamay ko. “Marcus! Ako na!” narinig kong sabi ni Kuya Ivan. May kinuha siya sa bulsa niya at inabot niya sa akin ang gamot na palagi kong iniinom kapag inaatake ako ng anxiety inabutan naman ako ng tubig ni Tinay na kakabalik lang. Hangang sa unti-unti na rin akong kumalma. “What happen? Bakit nangyayari sa kanya yun?” narinig kong tanong ni Kuya Marcus kay Kuya Ivan at halata sa boses niya ang pag-alala. “Kapag pinipilit niya ang sarili niyang makaalala. Inaatake siya ng anxiety and stress. Much better na huwag na natin siyang pilitin na maalala ka niya Marcus. Dahil baka makasama lang ito sa kundisyon niya.” Narinig kong sabi ni Kuya Ivan. Napatingin siya sa akin at nagtama ang mata naming dalawa. Totoo nga kaya ang sinabi ni Tinay kanina? Totoo nga kayang mahal ko siya dati? Kaya ba ganun na lamang ang sinabi niya kanina habang nagsasayaw kaming dalawa? Totoo nga kayang nagbalik siya para sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD