MARCUS
“Dad—”
Napasubsub ako sa mesa nang tumama sa mukha ko ang malakas na sunt*k niya.
“How many times did I told you that you can’t go back to the Philippines?! Hindi ka ba talaga marunong sumunod sa akin, Marcus?!” singhal niya. Pinahid ko ang du.go sa gilid ng aking labi.
“I’m sorry…”
“Sorry? Yan lang ang sasabihin mo? Yan lang ba ang kaya mong gawin, Marcus? Hindi kita pinapunta dito para maging tao-taohan ko! Pinapunta kita dito para humalili sa akin balang araw pero hangang ngayon hindi mo pa rin magawa ang pinagagawa ko sa’yo! Kahit ang bigyan ako ng apo hindi mo rin magawa!” Igting ang panga na sigaw niya sa akin. This is the second time na nakita ko siyang nagalit dahil ito rin ang pangalawang beses na tumakas ako sa puder niya.
“Anong bang kailangan kong gawin para magtanda ka? Gusto mo bang ang mga kaibigan mo ang balikan ko?” banta niya sa akin.
M@talim ang tingin na ipinukol ko sa kanya.
“Ginawa ko na ang gusto mo…nawala na sa akin ang babaeng mahal ko at nagpakasal ako kay Railey kahit wala akong nararamdaman para sa kanya dahil yun ang gusto niyo. Naging sunod-sunuran ako sa inyo pagkabalik ko dito. Pero huwag na huwag mo silang gagalawin dad. My respeto pa rin ako sa inyo kahit sinira niyo ang pangarap ko. Pero kapag may ginawa ka sa kanila. I’m warning you…kaya kong pulbusin ang lahat ng pangarap mo.” Matapang na sagot ko sa kanya. Ngunit nakaka-insulto na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
“Ganun? Ang tapang mo…”
Umalis siya sa harapan ko at nakita kong kinuha niya ang iron golf club stick na ginagamit niya sa paglalaro ng golf. Hinila niya ang hawakan nito at sinayad sa sahig. Alam ko na ang susunod niyang gagawin kaya hinanda ko na ang aking sarili na tangapin ang map@nakit niyang p@rusa.
“Gusto ko siyang makita papasukin mo ako!”
Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang malakas na boses niya.
“Ma’am hindi po talaga puwede—"
“Kapag hindi mo ako pinapasok, ipapatangal kitang tauhan ni Ninong.” Banta pa niya sa nagbabantay sa labas ng pinto. Bumukas ang pinto nang sapilitan niya itong itulak.
“W-what are you doing… here?”
Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hangang paa.
“Buhay ka pa?”
Mapait akong ngumiti at nalasahan ko ang maalat na likido sa aking labi.
“Hindi ka dapat pumunta dito. Paano kung—”
“Nag-aalala ka ba talaga sa akin? Don’t worry, alam mong hindi ako kayang saktan ni Ninong.”
Naiiling niya akong tinignan pagkatapos ay bumaling siya sa mga bantay ko na nasa likuran niya.
“How dare you all treat him like a prisoner? Baka nakakalimutan niyo na siya ang magiging tagapagmana ni ninong? Gusto niyo bang balikan niya kayo?” matapang na banta niya sa mga ito. Pero nang tignan ko ang kamay niya ay nanginginig naman ito sa takot.
“Ma’am mahigpit po na bilin ni Mr. Alvaro na hindi siya aalisin dito at pakakainin. Yun po ang parusa niya sa pagsuway niya sa kanyang ama.” Sagot nito sa kanya.
“What? So, you mean tatlong araw na siyang hindi kumakain? Anong klaseng mga tao kayo!?” singhal niya sa mga ito na kanya-kanya ang yuko.
“Railey, bumalik ka na sa kuwarto mo—”
“Tumahimik ka! Hindi kita kinakausap!” baling niya sa akin.
“Bumukas muli ang pinto at bumungad ang seryosong mukha ni dad.”
“Anong ginagawa mo dito?” seryosong tanong niya kay Railey. Kaagad siyang lumapit kay dad at humawak sa braso nito.
“Ninong, please itigil mo na ito. Patawarin mo na siya alam kong hindi na siya uulit. Kawawa naman ang asawa ko…” nangingilid ang luhang pagmamakaawa niya. Pero alam kong palabas lang ang lahat ng yun upang malinlang niya si Dad.
“Railey, hangang ngayon ba hindi mo pa rin napapaibig ang anak ko? Kung magagawa mo lang sanang mahalin ka niya hindi na siya babalik sa pilipinas para sa babaeng yun!”
Masamang tingin ang ipinukol ni Dad sa akin nalaman din niyang hindi kami magkasamang natutulog sa iisang kuwarto kaya mas lalo siyang nagalit sa akin at ipin@bugbog niya ako bago ikinulong dito sa mainit na bodega at nakat@li na parang h@yop.
“Hindi na kailangan ninong, tangap ko na hindi niya akong mahalin. That’s why I want a divorce. Kaya niyo lang naman ako ipinakasal sa kanya para sa kompanya namin diba? Ibibigay ko na rin sa inyo yun ngunit sa isang kundisyon. Give me back my freedom...” seryosong sabi ni Railey na hindi ko inasahan mula sa kanya.
“What did you say? Willing kang ibigay sa akin ang kompanya niyo? Basta makalaya ka lang sa marriage niyo ni Marcus? Nasisiraan na ba kayong dalawa?! Ano bang nangyayari sa inyo? Nakahiga na kayo sa ginto tapos mas pipiliin niyo ang masalimuot na buhay? Ikaw Railey? Pinaki-usapan ka ba ng anak kong gawin ito?”
Sunod-sunod na umiling si Railey sa kanya.
“It’s my own decision ninong. Mas gugustuhin ko pang mamuha ng simply lang pero may Kalayaan akong gawin ang lahat ng gusto kong gawin at maging masaya. Kaysa ang makasama habang buhay ang lalaking napilitan lang magpakasal sa akin masunod lang niya ang kanyang ama. I already give up 6 years of my life for nothing. So please…hayaan niyo na po kaming maghiwalay ni Marcus.” Paki-usap niya kay dad. Imbis na sumagot ay tinalikuran niya kaming dalawa at lumabas siya ng pinto. Napatukod si Railey sa wall nang magsara ang pinto.
“R-Railey…” nag-alalang tawag ko sa kanya. Nilingon niya ako at kita ko ang butil-butil niyang pawis sa noo. Alam kong takot din siya kay dad. Ngunit nilakasan pa rin niya ang loob niya upang masabi yun lahat kay dad.
“Do you think he’s going to k*ll me?” nag-alalang sambit niya.
“I don’t know…pero umaasa akong lalambot ang puso ni Dad.” Wika ko sa kanya. Kinagabihan ay pinalaya na niya ako. Hinatid ako ng bodyguards ko sa aking kuwarto. Naabutan ko si Railey na nakaupo sa gilid ng kama at nasa tabi niya ang medical kit.
“Huwag mo nang itanong kung bakit nandito ako sa kuwarto mo. Gusto ko lang tulungan na gamutin ang sugat mo.” Sambit niya. Tumayo siya at inalalayan niya akong makaupo.
“Hindi na kailangan, gagaling ang lahat ng ito.”
Hindi siya nagpapigil at nagsimula siyang kumuha ng bulak at panlinis ng sugat sabay dampi sa aking noo. Hinayaan ko na lamang siya sa gusto niyang gawin. Pumikit na lamang ako upang mas maging komportable siyang gamutin ang mga sugat ko.
“Railey, alam kong mabuti kang babae…kaya hindi ako ang nararapat para sa’yo.” Sincere na sabi ko sa kanya. Noong nasa pilipinas kami ay palagi kong sinasabi sa kanya ang tungkol kay Ivan at Niamh. Inamin ko din sa kanya ang totoo na may mahal na akong iba at siya na mismo ang nagsabi na si Niamh yun dahil ramdam niyang kakaiba ang pagtrato ko sa kanya. Ngunit nang dahil sa usapan ng namayapa niyang ama ay pinakasal nila kaming dalawa. Ako ang nagmamanage ng herbs at supplement business nila at si Dad naman ang namamahala sa factory at lupain na pinagkukunan ng kompanya nila ng supply. Marami ding pagmamay-aring lupa si Dad dito sa Europe na tinayuan na ng mga commercial buildings. Kaya mataas ang naging respeto ko sa kanya. Dahil kahit hindi siya nakapag-aral. Nagawa niyang magtagumpay dahil sa murang edad pa lamang niya namulat na siya sa hirap ng buhay kasama ang kanyang mga magulang. Sadyang kamay na bakal lang ang ginagamit niyang pandisiplina sa mga taong hindi marunong sumunod sa kanya. Ngunit alam kong may kabutihan pa rin si dad.
“Alam mo? Noon…palagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit hindi mo ako magustuhan…kung bakit hindi ko makuha ang loob mo. Kung bakit hindi mo ako kayang mahalin. Pero sa tuwing nagkakausap kayo ni Niamh, sa tuwing kinukwento mo sa akin kung paano nabago ang buhay mo nang makilala mo sila. At sa tuwing nakikita ko ang kinang ng mga mata mo kapag kausap mo siya. I realize na walang problema sa akin…kaya unti-unti kong natangap na kahit kailann hindi mo ako kayang mahalin. Actually, noong una masakit…kasi nagustuhan na kita…but I already move on. I had to.”
Napadilat ako at nakita ko ang pagtakas ng luha sa kanyang mga mata. Pinigilan ko ang kamay niya at ibinaba ito.
“I’m sorry…”
“Sira! Bakit ka nagso-sorry?” nakangiting sabi niya kahit ang totoo naiiyak naman siya.
“For everything…simula nang ikasal tayo hangang ngayon…patawarin mo ako kung hindi ko kayang turuan ang puso ko.”
Pinahid niya ang kanyang luha at kumuha ulit ng panlinis ng sugat.
“Wala kang kasalanan, pero may isa akong kundisyon bago pirmahan ang divorce paper natin.” Wika niya.
“Kahit ano, basta kaya kong ibigay gagawin ko.”
“Ipakilala mo ako kay Ivan. Malay mo siya pala ang nakatadhana para sa akin.” Nakangiting saad niya na ikinakunot ng noo ko.
“What? You mean…gusto mo din mag-stay sa Philippines?”
“Of course! Saan pa ba? Saka maraming magagandang lugar doon. Hindi ako mabo-bored.” Excited na sabi niya sa akin. Gumaan ang loob ko dahil sa naging pasya ni Railey. Wala na akong problema pagdating sa pagiging kasal ko sa kanya. Ang problema ko na lamang ay si dad…kung paano ko siya mapapayag na hayaan na lamang akong bumalik sa lugar kung saan mas gusto kong tumira.
Kakatapos kong lang magbihis ng damit nang may kumatok sa aking kuwarto.
“Come in.”
Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni dad.
“Ano pong kailangan niyo?” kinakabahan na tanong ko sa kanya.
“Payag na akong umalis ka. Ngunit, wala kang makukuha kahit na anong supporta mula sa akin. Itatakwil kita bilang nag-iisang anak at tagapagmana ko. Kaya mamili ka…ako…o ang buhay mo sa pilipinas.” Wika niya sa akin.
“Dad—”
“Mamili ka, Marcus. Ako na ama mo? O ang babaeng yun?”
Nakuyom ko ang aking kamao. Ginawa ko ang lahat para maging mabuting anak para sa kanya. Ngunit hindi ko akalain na pipilitin niya akong gawin ito. Ang papiliin ako sa magiging buhay ko.
“Dad—mahal kita…mananatiling ama pa rin ang turing ko sa’yo. Ikaw ang nag-alaga sa akin nang mamatay si mommy dahil sa panganganak sa akin. At kahit kailan hindi kita itatakwil bilang aking ama. I’m sorry if I failed you. But this time, gustong piliin naman ang magpapasaya sa akin. At si Niamh yun.” desidido kong sagot sa kanya.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga at tumango sa akin bago niya ako tinalikuran.
Alam kong nasaktan ko siya dahil sa pagpili ko kay Niamh, pero kung bubuksan lamang niya ang puso niya para sa taong minamahal ko. Mas magiging lubos ang kaligayahan ko.
“Dad?” usal ko nang mapatigil siya sa paglabas ng pintuan ko. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Kaya kahit masakit ang mga sug@t at p@sa ko sa kat@wan ay pinilit kong lapitan siya.
“Dad? Are you okay? Kailangan mo ba ng gamot?”
Napahawak siya sa damit ko hangang sa parang kandila na siyang unti-unting nauupos sa harapan ko.
“Dad? Dad!”