Chapter 13.

1400 Words
MARCUS “Nagising na lamang siya nang wala ng naalala…” bagsak ang balikat na sabi ni Ivan sa akin nang tanungin ko ang kundisyon niya. Nanginginig na napaupo ako sa waiting area dito sa labas ng kanyang kuwarto. Kakabalik ko lang sa bansa dahil alam kong may nangyaring masama kay Niamh. Tumakas lang ako kay dad, upang puntahan siya. Ngunit kahit sandali ay ayaw akong papasukin ni Ivan sa loob ng kuwarto niya para makita siya. “Kahit sino sa amin, hindi niya kilala…palagi siyang tulala at nawala na ang dating masayahin niyang ngiti dahil sa aksidente.” dagdag pa niya. Kahit hindi niya sabihin alam kong sinisisi niya ako sa nangyari at ganun din ako parang naninikip ang dibdib ko sa lahat ng nangyari sa kanya dahil kung hindi dahil sa akin…hindi siya ma-aksidente… “Kung alam ko lang…kung alam ko lang na sasaktan mo ng ganito ang kapatid ko. Hindi ko na sana siya hinayaan na mapalapit sa’yo. Pero naging tulay mo pa ako para lalong mas magkalapit kayong dalawa sa pag-aakalang mabuti ang maidudulot mo sa kanya. Pero ngayon nagsisisi na ako…nagsisisi na ako na hinayaan kita, Marcus…” puno ng hinanakit niyang saad. Naikuyom ko ang aking kamao. Gustuhin ko man na magpaliwanag. Mababago ba nito ang lahat? Gustuhin ko man na sabihin ang side ko wala naman akong magawa. Dahil nasaktan ko na siya…kung hindi lang ako natakot noon na sabihin sa kanya ang lahat. Kung pinilit ko lamang na ipaunawa sa mura niyang isipan ang pinagdaanan ko sa lumipas na anim na taon. Ngunit habang tumatagal ay nadadagdagan lamang ang kasinungalingan ko at umasa siyang babalik ako para sa kanya. Anim na taon na ang nakalipas nang marinig ko silang nag-uusap ni Marcus tungkol sa akin. Hindi ko makakalimutan ang mga salitang binitawan niya. "H-Hindi siya puwedeng magpakasal sa iba, Kuya Ivan. Dahil gusto ko siya… Gustong-gusto ko siya... Hindi pa sa ngayon pero gusto ko kapag dalaga na ako magustuhan niya rin ako at gusto ko siyang maging asawa…” desidido niyang sabi kay Marcus. Noong gabing yun hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Ang buong akala ko may ibang lalaki na nagpapatibok ng kanyang puso. Ngunit ako pala ang lalaking yun. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na sabihin kay Marcus ang lahat. Binalaan niya ako to never crossed the line dahil bata pa si Niamh at nirespeto ko yun dahil magkaibigan kaming dalawa at alam ko na ang tama at mali. Pero hinayaan niya pa rin akong mapalapit kay Niamh. At ngayon, kahit sandali ayaw niya akong makita siya. Dahil sa nangyari pati pagkakaibigan naming dalawa ay nabahiran ng galit. “Alam kong hindi sapat ang sorry, Ivan…pero sana mapatawad niyo ako. Mahal ko ang kapatid mo—” “D@mn it! Kung mahal mo siya bakit nagpakasal ka kay Railey? Bakit pati sa akin inilihim mo ang lahat?! Do you think I deserve to know the truth? Kaibigan ba talaga ang turing mo sa akin? Or talagang niloko mo lang ang kapatid ko at pinaasa?! Answer me!” singhal niya sa akin. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang m@talim niyang tingin sa akin. Tumayo ako at hinarap ko siya. “There’s no love between me and Railey. She already knows the truth. That I love your sister. At hindi niya pinilit ang sarili niya sa akin. Magkahiwalay kami ng kuwarto sa loob ng anim na taon. Maaring naglihim ako sa’yo at kay Niamh. Ngunit ni minsan hindi ko hinawakan maski dulo ng daliri ni Railey. Maniwala ka man o hindi. I never betray you and cheated with her. Naipit lang ako sa situation. My father is controlling me. He used you and Niamh as a bait para lamang pakasalan ko si Railey…I married Railey to protect you and Niamh…” Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng aking luha. Kaagad kong pinunasan dahil ayokong humingi ng awa na patawarin niya ako. Its all my fault. “Bakit? Manganganib ba ang buhay namin kapag hindi ka pumayag sa gusto ni Tito Archie?” seryosong tanong niya sa akin. “I know my father…hindi siya titigil hanga’t hindi niya ako napapasunod sa gusto niya. Kaya bago pa mangyari ang lahat…pumayag na ako sa kagustuhan niya. Naiintindahan ko kung ayaw mong makita siya…aalis na ako…” Akmang tatalikod na ako pero pinigilan niya ang braso ko. “Kakatulog lang niya…kung gusto mo siyang makita…pumapayag ako bago ka umalis.” Wika niya sa akin. Nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi niya sa akin. Hinayaan niya akong pumasok sa kuwarto ni Niamh. Ngunit pagkabukas ko pa lamang ng pinto parang naduwag nang humakbang ang mga paa ko. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuohan ng kanyang maliwanag na kuwarto hangang dumako ang aking mga mata sa kanya. Nag-ipon ako ng hangin sa dibdib at unti-unti kong hinakbang ang aking mga paa…hangang sa tuluyan akong makalapit sa kanya. Hindi awa ang naramdaman ko kundi galit sa sarili. Nagtiis ako ng anim na taon na hindi ko siya makita, at makasama upang hindi siya masaktan. Ngunit ako pa rin ang dahilan kung bakit siya nagkaganito. “B-bebang…hindi mo na ba talaga ko naalala? Ako ito…yung bebu na mahal na mahal mo.” Nag-aalangan kong hinawakan ang kamay niyang may dextrose. Madami sugat at pasa ang tinamo niya sa aksidente…May nakabalot din sa kanyang ulo na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang ala-ala. “Niamh…I’m so sorry…” Hindi ko na napigilan ang tahimik na mapahikbi. Alam kong ginawa niya ang lahat and I proud of her…lumaki siyang napakagandang binibini. Malayo na sa batang Niamh na minahal ko noon. Sa kanya lang ako humuhugot ng lakas ng loob habang nasa Europe ako noon. Makita ko lamang siya sa video call at makausap. Kinakalimutan ko ang lahat ng resposibilidad ko. Maraming beses kong tinangka na sabihin sa kanya ang totoo. Ngunit natatakot akong makita ang magiging reaction niya. Natatakot ako na baka mawalan na siya ng pagmamahal at masaktan ko lamang siya. Ngunit sa huli, ang sakit na ipinaramdam ko sa kanya ang magiging dahilan ng paglimot niya sa akin. Kinuha ko ang maliit na box sa loob ng aking jacket. Binuksan ko ito at kinuha ko ang isang silver ring na may nakapalibot na diamond. Pagkatapos ay dinala ko ito sa aking labi. “I love you so much…maalala man ako ng puso mo o hindi…babalik ako at aayusin ko ang lahat ng pagkakamali ko. Pangako ko sa’yo…tatangalin ko ang lahat ng hadlang sa ating dalawa. At ipaglalaban kita mahalin mo lang ako ulit…” Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at hinalikan ko siya sa labi upang magpaalam. Dahil alam kong sa mga oras na ito. Sigurado akong pinapahanap na ako ni Dad. Kaya kailangan ko nang bumalik bago pa niya malaman ang ginawa kong pagbalik dito. “Babalik ako para sa’yo.” Sambit ko bago ko siya talikuran. Ayoko mang umalis at nais kong antayin ang pagising niya. Ngunit baka hindi ko na gugustuhin pang umalis sa tabi niya at alagaan na lamang siya hangang gumaling at maalala niya lang akong muli. Hindi yun magiging Madali dahil kasal pa ako kay Railey. Kaya bago ako bumalik…sisiguraduhin kong wala nang magiging problema sa aming dalawa. Paglabas ko ng pinto ay sumulyap pa ako sa kanya bago ko sinara ang pinto. “Thank you for giving me a chance, and sorry…but I have to go…” paalam ko sa kanya. “Paano si Niamh? Tatalikuran mo ba siya ng ganun-ganun lang?” usal niya. Napatigil ako sa paghakbang palayo at nilingon ko siya. “Alam mong mahal ko ang kapatid mo. I’m willing to risk everything and die just for her. Maalala man niya ako o hindi. Babalik pa rin ako para tuparin ang pangako ko sa kanya.” Seryosong sagot ko at nagpatuloy na ako sa paglakad. Paglabas ko ng hospital ay may nakaabang na ang mga bodyguards ko sa akin. “Sir, kailangan na po nating bumalik sa airport. Bago po malaman ni Mr. Alvaro ang pag-alis niyo.” “I know…” Lumingon ako sa ikatlong palapag kung nasaan ang kuwarto ni Niamh. “Let’s go.” Sumakay ako sa kotse at umalis na kami kaagad. Binuksan ko ang palad ko upang tignan ang bracelet na kinuha ko sa kamay niya kanina. Basag na ito siguro dahil sa nangyaring aksidente. Kaya bubuohin ko ito ulit at ako mismo ang magbabalik nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD