Six years later…
NIAMH
Maraming naganap sa loob ng anim na taon na lumipas sa buhay ko. Ginawa kong inspirasyon ang pagkakahiwalay namin ni Bebu para mas mag-aral ng mabuti at ngayon hindi na ako bumabagsak sa subjects ko. Minsan nga nagto-top pa ako sa klase namin. Nasa second year college na rin ako sa kursong BSIT. Syempre nahirapan ako noong una dahil palagi na lamang akong umiiyak. Ngunit kalaunan natangap ko din na may tamang panahon para sa aming dalawa. Now I’m turning eighteen next year. I’m so excited dahil nalaman ko kay Kuya Ivan na uuwi daw si Bebu next year.
Sa ngayon ay busy na si Kuya sa French restaurant na itinayo nila ni Bebu. Sa araw ng debut ko din uuwi sila mommy at daddy at mag-stay na daw sila for good dito sa Pilipinas upang makatulong din kay kuya. Plano kasi nilang e-expand ang restaurant business nila sa ibang lugar dito sa luzon. Hindi man kami madalas mag-usap ni Bebu dahil busy siya sa Europe at busy din ako sa aking pag-aaral. Okay lang sa akin at least my contact kaming dalawa.
“Kuya? Bakit hangang ngayon wala ka pa ring girlfriend?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Dahil halos lahat ng oras niya binuhos na lamang niya sa restaurant business nila ni bebu. Minsan nga inaabot na siya ng madaling araw sa pagawa ng menu.
“I’m just busy, I want to penetrate international market. Aside doon marami pa akong gustong pasukin at pinag-aaralan na business. Hindi ako puwedeng magpaka-kampante. Lalo pa ngayon na uuwi na sila mommy at daddy for good at magtatapos ka na rin.” Wika niya sa akin. Napakasipag talaga niya. Siya na nga rin ang nagpapa-aral sa akin at nagbibigay ng mga kailangan ko sa school. Mas malaki ang allowance ko kapag si kuya ang nagbibigay kaya malaki-laki na rin ang ipon ko sa banko. Puwede na rin akong mag-start ng business kapag naka-graduate na kami nila Tinay at Cloe. Until now magbestfriend pa rin kaming tatlo. May mga boyfriend na nga sila pero kahit ganun may time pa rin kaming lumabas na magkakaibigan.
Gabi na at excited akong buksan ang laptop ko. Para tawagan si bebu. Tuwing gabi lang kasi siya may oras para kausapin ako. Eksakto naman na naka-online kaya pinindot ko ang video call.
Napangiti ako kaagad nang bumungad ang guwapo niyang mukha. Kagaya ni Kuya Ivan may bigote na rin siya. Pero hindi nakabawas ito sa kaguwapuhan niya.
“Wala kang project at assignment ngayon?” seryosong tanong niya sa akin.
“H-ha? Ah…tapos na! Kanina ko pa ginawa.” Nakangiting sabi ko sa kanya. Sa tingin ko nasa office pa rin siya.
“Are you tired?” nag-aalalang tanong ko sa kanya nang luwagan niya ang necktie niya at sumandal siya sa swivel chair.
“Yes, I’m tired.” Seryosong sagot niya. Parang wala siyang gana na kausapin ako.
“Ah…sige—magpahinga ka na muna. Sa ibang araw na lang ako tatawag. Babye!”
Kaagad kong pinatay ang video call. Nagtatampo ako dahil nitong mga nakaraan palagi na lamang siyang seryoso at hindi ko makausap ng maayos. Inintay kong tumawag siya ngunit hindi niya ginawa kaya bumaba na lamang ako upang kumuha ng gatas.
Naabutan ko si Kuya na kukuha din ng tubig.
“K-kuya? May problema ba si Kuya Marcus?” nag-aalangan na tanong ko dahil baka may alam siya sa pinagdadaanan nito.
“Bakit mo naman nasabi yan?” balik tanong niya sa akin pagkatapos ay kumuha siya ng bottled watter sa ref.
“K-kasi para siyang wala sa sarili nitong mga nakaraang araw. Kapag tinatawagan ko siya para kumustahin palagi siyang pagod at wala sa mood.” Nagtatampo na sabi ko sa kanya.
“Niamh, iba kapag adult ka na. Mas malaki na ang responsibilidad mo. Siguro pressure na naman si Marcus kay Tito Archie. Alam mo naman na pinipilit pa rin siyang magpakasal kay Railey diba?” wika ni Kuya. Isa pa yun sa bagay na inaalala ko at wala akong lakas ng loob na itanong yun sa kanya.
Kinabukasan ay pumasok na ulit ako sa school. Nakita ko na naman na magkasama ang apat. Si Tinay at Cloe pati ang dalawang boyfriend nila.
“Niamh, may lakad kami mamaya. Birthday ni Charles. Gusto mo sumama?” aya sa akin ni Tinay. Si Charles ang president namin sa school at nanliligaw ito sa akin. Pero sinabi ko sa kaniyang may boyfriend na ako kaya tumigil din siya sa panliligaw sa akin. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako magboboyfriend ng kahit na sino at aantayin ko si Bebu. Kahit ang totoo wala naman talaga kaming relasyon at hangang ngayon ay hindi ko parin alam kung anong meron sa aming dalawa.
“Some other time na lang, bibigyan ko na lamang ng gift si Charles.” Sagot ko sa kanya. Naupo ako sa upuan at tinabihan nila ako sa magkabilang gilid. Nakaupo kasi kami sa bench dahil may 30 minutes pa bago magsimula ang klase.
“Simula nang umalis si Kuya Marcus, parang nagbago ka na rin. Dati Allergic ka sa libro. Mahilig manuod ng kdrama minsan kino-korean mo pa kami ni Cloe. Pero ngayon, napakasipag mo na mag-aral. Nagto-top ka pa sa klase. Bukod doon napaka-alaga mo din sa sarili mo. Yung totoo? Yan ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig mo sa bebu mo?” pansin ni Tinay sa akin. Nilingon ko siya at nginitian.
“Of course! Ayoko naman magmukhang dugyot pagbalik ni Bebu. Saka yayain ko na kaagad siyang magtanan—aray!” angil ko nang b@tukan ako ni Cloe.
“Ikaw pa rin si Niamh, same pa rin ang expression mo kapag bin@b@tukan kita eh.” Natatawang sabi niya.
“Ako pa rin ito ano! Si Niamh na may cocomelon at abs!” pagmamalaki ko sa kanila. Lumiyad pa ako para makita nila ang pinaghirapan kong body. Di biro ang diet na sinuong ko para ma-achieve ito.
“Napapansin naman ba ng bebu mo ang ganda mo kapag kausap mo siya online?” tanong ulit ni Cloe.
“Ewan ko…siguro…minsan kasi tinitigan niya ako.” Kinikilig na sagot ko sa kanya.
“Sus! Baka naman pinapakita mo yang cocomelon mo ha—aray masakit yun ha!”
“Lukaret ka talaga, eh di n@mur@ ako noon! Si kuya nga kapag nakikita niyang sexy akong magdamit ay sinasaway ako siya pa!” nailing na sabi ko sa kanya.
Nauna akong umuwi sa kanila dahil pupunta pa sila sa birthday ni Charles. Inaya din ako ni Charles kanina pero tumangi ako. Saka malakas din ang ulan kaya umuwi talaga ako ng maaga dahil baka abutan ako. Pagkarating ko sa bahay ay eksakto naman bumuhos ang ulan. Naabutan ko si Kuya sa sala at parang may kausap at kaaway sa phone.
Nang makita niya ako ay binati ko siya at tumango lang siya sa akin. Umakyat siya sa kanyang kuwarto…hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako dahil halata kay Kuya na galit talaga siya. Namalayan ko na lamang na nasa harapan na ako ng kanyang room.
Narinig ko siyang may kausap pa rin sa phone kaya inilapit ko ang aking tenga sa pinto.
“Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Alam mong hinihintay ka niya Marcus! Bakit ngayon pa?! Bakit ngayon mo lang sinabi?” narinig kong sabi ni Kuya. Mabuti na lamang hindi gaanong nakasara ang pinto kaya kahit na mahina lang ang boses niya dinig ko at ramdam ko ang g@lit sa boses niya.
Bakit nagagalit siya kay Bebu?
“At anong plano mo? Gawing mistress ang kapatid ko pagbalik mo?! Dapat hindi mo na pina-asa ang kapatid ko. Dapat sinabi mo na lamang sa kanya ang totoo na kasal na kayo ni Railey! Ngayon pa? Ngayon pa na pinagbubuti niya ang pag-aaral niya para maging karapatdapat siya sa’yo? Ngayon mo pa siya siya sasak—”
Natigilan siya nang makita niya akong nakasilip sa pinto. Awang ang labi at naguguluhan sa narinig ko mula sa kanya habang kausap si Kuya Marcus.
“Niamh—”
Kaagad niyang pinatay ang phone at humarap siya sa akin.
“T-Totoo ba? T-Totoo bang kinasal na siya kay Railey?” may bara sa lalamunan na tanong ko sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang aking emosyon. Sana mali ang dinig ko. Sana nagkamali lang ako ng pagkakaunawa…
“K-kuya…totoo ba? P-Please…tell me…” nagmamakaawang sabi ko sa kanya.
“O-Oo, kasal na sila five years ago…”
Sunod-sunod akong umiling…at mapait akong ngumiti sa kanya.
“H-hindi…nagbibiro ka lang…palagi kaming nag-uusap…wala naman siyang sinabi—kuya? Sabihin mo hindi si Marcus ang kausap mo hindi ba?”
Sinubukan akong lapitan ni Kuya Ivan ngunit umiling ako sa kanya.
“Hindi totoo yan…hindi ako maniniwala…babalik siya para sa akin…alam ko…alam ko na tutuparin niya ang pangako niya. Kaya nga naghihintay ako eh…naghihintay ako na puwede ko na siyang mahalin…kaya hindi puwede…”
Naaawa niya akong tinignan.
“Niamh its okay…marami ka pang makikilala…”
“No, siya lang ang gusto ko…siya lang…kung hindi rin siya…ayoko nang magmahal ng iba.”
Tuluyan na akong nagkaroon ng lakas ng loob para umalis. Inalala ko ang lahat ng hirap na pinagdaanan ko sa loob ng anim na taon na hindi ko siya nakikita ng personal at nakakasama.
“Niamh! Niamh!” sunod-sunod na tawag niya sa akin. Bumaba ako ng hagdan at lumabas ako ng bahay namin. Hindi ko alam kung saan…kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit malakas ang ulan wala akong paki-alam. Patuloy sa pagdaloy ang aking luha. Hangang sa hingal na tumigil ako sa pagtakbo. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko at nang kunin ko ito sa bulsa ay nakita ko ang pangalan niyang tumatawag sa akin.
Wala sa sarili na sinagot ko ang tawag niya.
“I’m sorry…” sambit niya. Lalong n@durog ang puso ko sa narinig mula sa kanya.
“Niamh, I’m sorry…I can explain everything—”
Ibinaba ko ang phone upang hindi ko na marinig ang lahat ng kasinungalingan niya.
“Niamh! Bumalik ka dito!”
Nanlalabo ang matang napatingin ako kay Kuya dahil sa magkahalong luha at ulan. Sunod-sunod akong umiling sa kanya. Kahit ano pa ang sabihin niya. Masasaktan at masasaktan pa rin ako. I want to be alone. I want to bare all the pain na nararamdaman ko. Dahil hindi ko kaya…hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman ko ngayon
Sorry kuya…
Tumakbo akong muli at narinig ko ang pagtawag niya kaya nilingon ko siya.
“Niamh!!!”
Hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari. Dahil ang huli ko nalamang naalala ay ang pagtilapon ko sa gitna ng kalsada. Namanhid ang aking katawan at nanlalabo ang mga matang napatingin ako kay Kuya Ivan na papalapit sa akin hangang sa tuluyan akong mawalan ng malay.