Chapter 11.

1829 Words
NIAMH Hapon na nang magpasya kaming umuwi. Masakit na rin ang binti ko sa kakalakad. Pero sulit naman ang date namin, kumain kami ng ice cream at naglaro ulit kami sa ibang arcade. May nakuha siya kanina sa machine na malaking aso na stuff toy at ibinigay niya ito sa akin. Kaya meron akong souvenir sa araw na ito. “Napagod ka ba?” nakangiting tanong niya habang inaayos ng parada ang kotse niya sa harapan ng bahay namin. “Oo, pero parang gusto ko ulit mag-movie marathon mamaya. Habang kumakain ng fries at ice cream.” Hirit ko sa kanya. “Hindi ka ba marunong mapagod?” Umiling ako sa kanya. Ngayon lang wala si Kuya Ivan at walang asungot sa amin ni Bebu. Kaya kailangan sulitin ko na. “Okay.” Pagsang-ayon niya na mas ikinatuwa ko. Ngunit natigilan ako pagbaba ko ng kotse nang makita ko si Railey habang nakatayo sa harapan ng pinto at seryosong tingin ang ipinukol niya sa akin bago lumipat kay Bebu na kakababa lang. “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya kay Railey. “Si Niamh lang pala ang kasama mo bakit hindi mo ako sinama?” reklamo niya. Bumaling si Bebu sa akin. “Mag-uusap lang kami…” nakangiting sabi niya. Tumango ako sa kanya at iniwasan ko si Railey. “Pumayag kang maging tagapag-alaga ng kapatid ng best friend mo pero pagdating sa akin ang hirap mong paki-usapan?” narinig kong sabi ni Railey sa kanya. Mariin akong napapikit at umatras ako ulit para humarap sa kanya. “Excuse me? Tagapag-alaga?” nakataas ang kilay na usisa ko sa kanya. “Niamh, umakyat ka na. Ako na ang kakausap kay Railey.” Pigil ni Bebu sa akin. Nilingon ko siya at pinanliitan ng mata kahit hindi ako Chinese. “Selosa din ako, iuwi mo itong ambisyosa hilaw na ito. Kung ayaw niyang ipahabol ko siya kay Bruno.” Mahinang bulong ko sa kanya pagkatapos ay inirapan ko na siya. Pasalamat ang babaeng yun hindi ako nakikisabat sa usapan ng matatanda. Bahala na si Bebu magpaalis sa kanya. Ayokong masira ang araw ko dahil especial ang araw na ito sa amin ni Bebu. Pag-akyat ko ng kuwarto at nagpalit lang ako ng damit pambahay. Maong short at t-shirt. Pagkatapos ay dumapa na ako sa kama at nakipag-chat sa mga beshy ko. Iningit ko lang naman sila at ipinakita ko din ang mga wallet size na pic namin ni Bebu. “Sayang-saya ka ano? Baka nakakalimutan mo na ngayon lang yan.” Litanya ni Tinay na ikinabura ng ngiti ko sa labi. “Ang k*lljoy niyo naman, diba kayo din naman ang tumulong sa akin? Bakit ngayon parang nai-iinggit na kayo dahil may fake boyfriend ako?” nakangusong sabi ko sa kanya. “Asan ang inggit doon? Pina-alalahan ka lang namin na baka masobrahan ka ng ngiti diyan. Makalimutan mong nagpapangap lang kayo.” depensa niya. “Alam ko naman yun ano? Kung hindi ko alam yun eh di sana inaway ko na si Railey sa baba—” naputol ang pagsasalita ko nang may kumatok sa pinto ko. “Wait lang ha?” Tumayo ako at binuksan ko ang pinto. “Ihahatid ko lang si Railey, babalik ako mamaya. Magdadala na rin ako ng food para sa movie marathon natin.” Paalam niya. “Bakit mo pa siya ihahatid? Marunong naman ata siyang umuwi. Nakapunta nga siya dito ng mag-isa eh—” Ginulo niya ang bangs ko kaya nakasimangot ko siyang tinignan. “She’s my fiancé remember?” paalala niya sa akin. Lalo akong nainis sa kanya at akmang isasara ko na ang pinto pero pinigilan niya ito. “Niamh, I hope you understand. Babalik naman ako eh, sasamahan ko lamang siya sandali okay?” “Bahala ka.” Sagot ko sa kanya. Bumuntong hininga siya at binitawan niya ang pinto at tuluyan kong nasara ito. Napansandal ako sa likuran ng pinto. Pakiramdam ko kasi panaginip lang ang lahat at si Railey talaga ang gusto niya. “Beshy? Andito pa kami…” Inangat ko ang phone ko dahil nakalimutan kong naka-video call nga pala ako sa kanila. “Kung hindi mahalaga sa kanya ang babaeng yun, hindi siya aalis.” wika ni Cloe. “Tama siya, Beshy…baka it’s about time na mag-move on ka na lamang kay Kuya Marcus. Baka kasi masaktan ka lang niya—” Naupo ako sa gilid ng kama at bagsak ang balikat akong tumingin sa kanila nagsimulang mangilid ang aking luha. “I know…anong palagay niyo sa akin manhid? Pero hindi ko ba maaring ipaglaban ang nararamdaman ko hanga’t hindi pa sila kasal? Mahal ko si Bebu…mahal ko siya…alam ko dahil yun ang nararamdaman ko at balang araw…kung kulang man ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanya to stay with me. I’ll choose to set him free…” sambit ko. “Kaya mo?” tanong ni Cloe. “K-Kakayanin…” Malungkot nila akong tinignan. Tunay nga na kapag masaya ka…may kapalit din itong lungkot. Ang buong akala ko hindi na siya babalik…alas otso na kasi ng gabi at wala pa siya. Pero nang marinig ko ang car niya ay napababa ako sa kama at napasilip sa veranda. Nakita ko siyang bumaba at may dalang pagkain. Nawala ang tampo ko sa kanya at kaagad akong bumaba upang salubungin siya. Pagkababa ko ay kakapasok lang niya sa pinto. “Sorry ginabi ako…naghanap pa kasi ako ng mabibilhan ng pizza.” Nakangiting sabi niya sa akin. “Okay lang…” tipid na ngiti ko din sa kanya. Nagset-up kami sa sala ng laptop para doon kami manuod ng movie. Inaya namin si Manang pero maaga daw siyang magpapahinga. Kami na lamang dalawa ang nanuod. Kahit anong tampo ko talaga basta food is life! “Anong papanuorin natin?” tanong niya sa akin. “I want romance…” suhestion ko. Ako na rin ang namili ng papanuorin namin. Nang mag-umpisa kaming manuod ay nag-umpisa na rin kaming kumain. Magkatabi kaming naupo sa sofa at seryosong nanunuod. Sa umpisa ng story ay kilig na kilig pa ako at hindi mabura ang ngiti ko sa labi. Paano kasi napaka-clumpsy ng girl sa movie at sobrang cute. Tapos nagkaroon ng confident ang shy type na male lead. Kaya lamang kalagitnaan ng movie hindi ko na mapigilan ang maiyak…parang feeling ko iisa kami ng nararamdaman ni girl. Kung kailan, mahal na mahal na niya si Guy saka pa siya iniwan nito. Napatingin ako kay Bebu…hangang sa tumingin na rin siya sa akin. “Gusto mo ba ilipat natin?” tanong niya. Umiling ako sa kanya at suminghot dahil nasa scene na ako ng sobrang broken ni girl. “K-kung ikaw si boy? Iiwan mo ba si Girl?” Bumalik ang tingin niya sa laptop. “Sometimes, we need to sacrifice things that aren’t meant for us.” Sagot niya habang nakatingin pa rin sa laptop. “Paano mo masasabi kung para sayo o hindi?” “Its just a movie…huwag kang masyadong magpa-apekto. In real world. Maraming paraan para ipaglaban ang nararamdaman niyo para sa isa’t-isa.” Muli siyang bumaling sa akin. “Kung ikaw si Girl aantayin mo ba siya?” “Oo, kahit ilang taon pa.” mabilis na sagot ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at ginulo ulit ang bangs ko. “Haisttt! Sabi ng hindi ako dog eh!” inis na saway ko. May dinukot siya sa bulsa at nakita ko na lamang may hawak na siyang hair pin na butterfly ang design. “Natagalan talaga ako dahil dito.” Sambit niya sabay hawak sa bangs ko at hinawi niya ito bago ilagay ang hair pin. “Ayan, bebang…mas cute ka na.” nakangiting sabi niya sa akin. “Tsk! Cute naman talaga ako.” Nag-iinit ang pisngi na sabi ko. Hindi ko na alam kung paano natapos yung pinanuod namin dahil nang mapasandal ako sa kanya at inantok na rin ako. Namalayan ko na lamang buhat-buhat na niya ako at inilapag niya ako sa kama ko. “Get rest…” sambit niya at hinalikan niya ako sa noo ko. Lumipas ang isang buwan ay araw na ng graduation ko sa elementary. Kahit wala sila mommy at daddy ay nangako naman sila na uuwi next year para sa graduation ni Kuya. “Kuya? Wala pa ba si Kuya Marcus?” nag-aalang tanong ko sa kanya dahil sabi niya sa akin sa text niya kagabi darating daw siya dito sa school. Kanina pa nga ako text ng text sa kanya pero hindi naman siya nagre-reply. Kahit tawag hindi rin siya sumasagot. “H-ha? Baka na-trapik lang…mamaya tatawagan ko.” Wika ni Kuya bago kami magkahiwalay ng upuan. Siya kasi ang kasama ko dito sa school. And after this sabay-sabay kaming kakain sa bahay na hinanda ni Manang. Simple celebration lang pero okay na sa akin. Nang tawagin ako sa stage ay panay ang ikot ng mata ko. Umaasa na makikita siya pero kahit anino niya hindi ko makita. “K-kuya…nasaan ba talaga si Kuya Marcus? Bakit wala siya dito?” pangungulit ko sa kanya nang makababa na ako sa stage. “N-niamh…sorry…hindi ko nasabi sayo. Ngayon ang flight niya pabalik ng Europe. Urgent kasi kaya—Niamh!” Hindi ko na siya pinatapos at tumakbo na ako palabas ng event hall. “Niamh!” pigil sa akin ni Kuya Ivan nang maabutan niya ako sa labas. “G-Gusto ko siyang makita…kahit hindi ko na matapos ang graduation ko. Makita ko lang siya Kuya…please?” pagmamakaawa ko sa kanya. “Niamh…its too late! Kanina pang 10:00 AM ang flight niya.” Nakagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang aking emosyon ngunit lalo lamang nagpumilit ang aking luha. “M-malay mo? Nagbago ang isip niya… malay mo kuya hindi talaga siya umalis at nasa bahay lamang siya diba?” Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako kaya hindi ko na napigilan ang mapahikbi sa kanyang dibdib. Hinagod niya ang likod ng ulo ko. “K-kuya…bakit hindi man lang siya nagpaalam sa akin? Bakit hindi man lang siya tumawag o nag-text man lang? Wala ba talaga akong halaga sa kanya?” “No, hindi totoo yan. Mahalaga ka kay Marcus. Pero mas kailangan niyang umalis pansamantala. Maiintindihan mo rin ang lahat pagdating ng araw. Sa ngayon…kailangan mong tapusin ang graduation mo…saka natin siya tatawagan.” Wika ni Kuya. Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa loob. Sinalubong ako ni Tinay at Cloe. Kaya napaiyak ako ulit dahil niyakap din nila ako ng matagal hangang kumalma na ako. “I-Iniwan niya ako…” humihikbing sabi ko sa kanila. “Tama na beshy, yung make up mo…para ka nang si Sadako…” naiiyak din na sabi ni Tinay. Binigyan niya ako ng tissue at sabay-sabay kaming nagpunas ng luha. Hindi ko akalain na sa ganitong paraan kami magkakahiwalay. Kung kailan sobrang close na naming dalawa. Saka niya ako iiwan na walang paalam. Ngunit kahit ganun…umaasa akong babalik siya. At sa pagbalik niya…ipagtatapat ko na sa kanya ang aking nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD