NIAMH
Napamulat ako nang malakas na tumunog ang alarm clock ko. Bumalikwas ako ng bangon at inabot ko ang maingay na orasan sa ibabaw ng aking side table saka ko ini-off. Napahawak ako sa aking sintido. Pakiramdam ko kakapikit ko pa lamang. Napuyat kasi ako kagabi kakaisip ng sinabi ni Bebu sa akin. Kahit puyat napapangiti pa rin ako sa tuwing naalala ko yun dahil paulit-ulit na nagpi-play yung salitang yun sa isip ko.
Nagseselos ako! Nagseselos ako! Nagseselos ako!
Wahhh!!! Nagseselos siya!!! Napatayo ako at napasayaw sa harapan ng whole body mirror ko. Wala akong naririnig na musika pero naririnig ko ang mga hippopotamus na nagdiriwang ngayon dahil sa saya na nararamdaman ko!
Ganito pala talaga ang in-love. Tama si Tinay. Parang tumitigil sa pag-ikot ng mundo at ang naririnig ko na lamang ay ang abnormal at ang malakas na pagtibok ng aking puso. Bago pa ako tanghaliin ay naligo na ako. Pagkatapos ay naghanap ako ng dress para sa magiging date namin ni Bebu. Dapat maganda ako sa paningin niya kaya maglalagay ako ng makapal na make up.
Napalingon ako nang may kumatok sa pinto.
“Niamh, gising ka na ba? Sabi ni Marcus sabay na daw kayo kumain ng agahan. Siya ang nagluto kaya bumaba ka na!” narinig kong sabi ni Manang.
“Susunod na po!” excited na sagot ko sa kanya. Ibinaba ko ang lipstick at nagsuklay lang ako ng basa kong buhok pagkatapos ay bumaba na ako.
“Aba’y dahan-dahan at baka mahulog ka!” saway ni Manang sa akin dahil sa mabilis na pagbaba ko sa mataas na hagdan.
“Sorry pooo…”
Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko siyang may ginagawa sa harapan ng stove. Nakatalikod siya sa akin at may suot siyang apron habang nakasando lang at pinapakita na naman ang maskels niyang malalaki.
“Ang yummy naman ng amoy!”
Nilingon niya ako at itinaas ang hawak niyang sandok.
“Good morning my bebang, I cooked fried rice, mas maganda ang heavy meal para hindi agad tayo magutom.” nakangiting sabi niya. Kahit ano pa ang lutuin niya kahit gulay pa na hindi ko kinakain. Kakainin ko basta si Bebu ang magluluto!
“Siguraduhin mong masarap yan ha?”
“Of course, ayokong mapahiya sa girlfriend ko.”
Gusto kong humimlay sa kinatatayuan ko pero baka di matuloy ang date namin! Hindi puwede! Kailangan kong maging strong at composed! Sayang itong red lipstick ko.
“Enebe! Parang tenge nemen si Bebu!”
Natawa siya sa sinabi ko at inilagay na niya ang special at yummynies niyang fried rice sa dalawang bowl.
“Nagluto din ako ng itlog, perfect sunny side up ‘yan.” Pagmamalaki pa niya sabay lagay ng egg sa bowl ko. Guwapo, may maskels, my dimples, may turtle at marunong magluto? Check na check! Ang perfect naman ng bebu ko! Hayyy…
“Hmmm! Ang sarap ng itlog mo—”
Nabitawan niya ang baso na babasagin sa mesa at lumikha yun ng ingay kaya itinayo niya ulit ito.
“Ang ingay mo talaga, kapag narinig ka ni Manang baka kung anong isipin noon.” Kunot ang noo na saway niya sa akin.
“Bakit? Ano bang iisipin niya? Totoo naman masarap ang itlog mo. Tama lang ang alat at hindi malansa. Perfect for breakfast lunch and dinner.” Nakangiting sabi ko sa kanya sabay subo ulit.
“Thank you sa compliment my bebang…” sagot niya. Napansin ko din ang pamumula ng kanyang tenga at pisngi. Ang ganda talaga ng balat niya. Sabagay may pinagmanahan kasi!
Pagkatapos naming kumain ay dumating naman si manang at siya na daw ang magliligpit para makaalis na kaming dalawa. Nag-retouch ulit ako dahil nawala na yung make up ko. Pagkatapos ay nagpalit ulit ako ng short na parang macarena ang style saka sleeveless turtle neck t-shirt na kulay white. Inayos ko ang likod ng buhok ko at naglagay ako ng ribbon. Kinuha ko ang sling bag ko at bumaba na rin ako. Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa at hawak ang phone niya. Nag-angat siya ng tingin at nagtama ang mata naming dalawa hangang makababa ako sa hagdan.
“O-okay na ba itong suot ko?” nahihiyang tanong ko sa kanya. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hangang paa. Nagsuot talaga ko ng 2-inch heels sandal para umabot naman ako sa balikat niya.
“Okay, but I don’t like your lips. Masyadong matingkad ang kulay. Is It okay kung mas light yung shade na gamitin mo?”
“H-ha? Ah-okay lang may dala naman akong wipes at lip balm.”
Naupo ako sa sofa at kinuha ko ang wipes para burahin ang lipstick ko.
“Okay na?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa akin. Tumayo siya at hinawakan ang baba ko. Ipinaling niya ang ulo ko sa kaliwa at kanan habang nakatingin sa aking labi.
“Meron ka pa dito.”
Pinunasan niya ang aking labi gamit ang kanyang daliri sobrang lapit ng mukha niya sa akin kaya nakatitig talaga ako sa kanya.
“Wait lang, kaunti na lang.” sambit niya at patuloy sa pagpunas ng aking labi. Hangang sa tumigil siya at napatingin sa mga mata ko.
“Bakit? May dumi ba ako sa mukha?” nagtatakang tanong ko sa kanya.
“W-wala naman, busog kasi yung eyebag mo.” Pang-aasar niya sa akin sabay ngiti.
“Ikaw ang may kasalanan kaya nagkaroon ako ng eyebag. Hmp!” Paninisi ko sa kanya.
Binitawan niya ang baba ko at naupo siya sa tapat ko.
“Why me? Anong ginawa ko?” tanong niya. Hindi ko alam kung nagpapangap lang ba siya o nakalimutan na niya ang mga sinabi niya kagabi.
“Sabi mo your jealous diba? So ibig sabihin noon?” nahihiyang tanong ko sa kanya na may kahalong kaba.
“Ano sa tingin mo?” seryosong tanong niya.
“Love?” hindi siguradong tanong ko din sa kanya.
Tumayo siya at inilahad niya ang kamay niya sa akin.
“Let’s go…baka abutan tayo ng traffic.”
He’s a gentleman. Iginiya niya ako sa car at pinagbuksan pa niya ako. Panay ang sulyap ko sa kanya sa byahe dahil hindi niya sinagot ang tanong ko kanina. Tumigil kami sa mall.
“May gusto ka bang bilhin?”
Umiling ako sa kanya. Hindi ako materialistic na bibili ng hindi ko kailangan. Dahil alam kong bawat sentimo na gagastusin ko ay pinaghirapan ng mga magulang ko sa Canada. Kung bibili man ako yung for sure na gagamitin ko. Para hindi sayang. At ang sobra sa allowance ko ay inilalagay ko sa bank account ko.
Umikot na kami sa mall pero wala akong maisip na gagawin dito kundi mag-window shopping at magutom sa mga pagkain.
“Bebu? Ito na ba yung date? Bakit ang boring?” reklamo ko sa kanya.
“Mee too, hindi ko rin alam kung anong ginagawa sa date eh.” Kamot ulo niyang sagot. Kinuha ko ang phone ko at nagsearch ako kung anong ginagawa kapag nagde-date ang magjowa. Nang mabasa ko ay nakasimangot ko siyang tinignan.
“Why?” nagtatakang tanong niya.
“Gusto ko manuod ng sine, mag-arcade, picnic, biking, hiking, triathlon—”
“Teka? Ang dami naman niyan? Hindi puwede na gawin natin lahat yan Bebang.” Putol niya sa suggestion ko.
“Pero exciting ang mga yun diba? Anong klaseng date ba ang gagawin natin?” nakasimangot kong tanong sa kanya. Nawalan na ako ng gana minsan nan ga lang kami lumabas na magkasama tapos parang wala din siyang gana kasama.
I heard him sigh…
“Okay, lets go to movie date first tapos mag-arcade tayo after.”
“Tara!”
Kaagad ko siyang hinila sa escalator para magpunta kami sa top floor kung nasaan ang sinihan. Ano naman kayang magandang palabas ngayon? Pumili muna kami ng palabas na papanuorin naming dalawa.
“Anong gusto mo?” tanong niya sa akin habang tinitignan ang poster ng Kindom of the planet apes.
“Ikaw.”
Napatingin siya sa akin.
“Ano?” ulit niya.
“Ikaw, kung anong gusto mo. Yun din yung panunuorin ko.” nakangiting sabi ko sa kanya.
“Ikaw ang dapat mamili kasi ikaw ang babae.” Giit niya.
“Ha? Ganun ba? Sige! Doon tayo!”
Hinawakan ko ang kamay niya at nagpunta na kami sa counter para bumili ng dalawang ticket.
“Anong movie po sir?”
“The Garfield movie po for two!” excited na sagot ko sa babae para malipat ang tingin niya sa akin.
“Are you sure yun ang panunuorin natin?”
Sunod-sunod akong tumango. Binigyan ko siya ng time kanina mamili ayaw niya. Kaya ako ang masusunod! Nag-order na rin ako ng popcorn and orange juice drinks. Tapos ay pumasok na kami sa loob.
“Ang dilim!” bulalas ko dahil wala akong makita.
May naramdaman akong pumaikot sa beywang ko at sigurado akong kamay yun ni Bebu. Kaya silent kilig na muna ang ferson.
Unti-unti na rin na lumiwanag ang paligid at sa itaas kami naupo. Kakaunti lang naman ang tao. Nagsimula akong kumain ng popcorn. Hangang sa tumatawa na rin ako dahil comedy ang napili kong panuorin.
“Good thing hindi ka mahilig manuod ng romance movie.” Nakangiting wika niya sabay subo ng popcorn sa bibig.
“Nanunuod din ako ng adult movie, curious nga ako kung paano nakakahinga yung mga naghahalikan ng matagal eh—”
“Manuod na lang tayo okay?” nakangiting sabi niya habang nakatakip ang kamay niya sa aking bibig. Tumango ako sa kanya at nagpatuloy kami sa panunuod.
Pagkatapos ay masaya kaming lumabas ng sinihan. Super nakakatawa talaga si Garfield! Lalo na yung mga expression niya ang cuteee!
Nagpunta kami sa arcade at sumubok kaming maglaro. Pagkatapos ay nag-photo booth kami. Nagposed ng iba’t-ibang pose saka inabangan namin ang mga pictures namin pagkatapos. Kung ano lang maisip namin. Merong sumakay ako sa likod niya at nakalingon siya sa akin, merong magkatabi lang kami, magkadikit ang mukha naming dalawa. Meron ding nakaupo nakatayo at nakatalikod. Game na game siya sa lahat ng kalokohan ko pati nga wacky face ginawa rin namin.
“Ang unfair! Bakit ang pogi mo parin dito?!” reklamo ko sa kanya. Kahit anong deform ng mukha niya hindi man lang nababawasan ang kaguwapuhan.
“Syempre, pogi ako eh! Maganda ka rin naman ah!”
Pumalakpak ang tenga ko at napatingin ako sa kanya.
“Maganda ako? Tunay ba yan?” paniniguro ko na ikinatango niya.
“Magugustuhan ba kita kung hindi?”
Awang ang labi na napatingin ako sa kanya.
“Nagpapangap pa rin ba tayo?” seryosong tanong ko sa kanya. Until now kasi wala pa akong malinaw na sagot mula sa kanya. Kung ano ba talaga itong ginagawa naming dalawa na pakana ng dalawang kaibigan ko.
“Bakit? Sa tingin mo nagpapangap pa rin ako?”
“Para kang exam, ang hirap mong sagutan.”
“Kasi hindi ka marunong mag-aral kaya hindi mo kayang sagutan.”
“Puwede bang multiple choice na lang? Para may idea ako kung anong isasagot ko?”
“Makukuha mo naman kaya ang tamang sagot?” tanong niya na ikinatigil ko. Napasinghap ako at tumingin ulit sa kanya.
“Depende sa tanong mo.”
Natigilan din siya na parang nag-iisip.
“Pag-aralan mong maghintay sa tamang panahon. Makukuha mo ang sagot.” Makahulugan niyang sabi sa akin. Bago siya lumakad na palabas ng arcade.