NIAMH
"Ano sabi mo?" ulit ko dahil baka nagkamali lang ata ako ng dinig. Narinig ko siyang bumuntong hininga pagkatapos ay nagkamot ng ulo at nag-iwas ng tingin sa akin.
"I-I mean, I can pretend to be your boyfriend, Niamh. Para tigilan ka na rin ng mga nanliligaw sa'yo." ulit niya.
Nakagat ko aking ibabang labi. Ito na ba yung matagal ko nang hinihingi sayo Lord? Kahit pretend lang kuntento na ako doon. Basta matatawag ko siyang boyfriend ko!
"Sige!" Excited na sagot ko. Parang may naghahabulang hippopotamus sa dibdib ko. Magkahalong saya, excitement at kilig ang nararamdaman ko ngayon na hindi ko maipaliwanag.
"Sige? Payag ka na maging fake boyfriend mo ako?"
"Uwu! Kaya lang dapat may tawagan tayo diba? Ako na mag-iisip." nakangiting sabi ko sa kanya. Malalim akong nag-isip kaya di ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya kaya napatingala ako sa kanyang mukha.
"I'm just kidding…walang maniniwala na boyfriend mo ako dahil kita naman na malayo ang edad nating dalawa."
Sinuyod ko siya ng tingin mula ulo hangang makintab niyang sapatos.
"Wala nga…pero kung balak mong bawiin yung sinabi ko. Okay, makikipagdate na lang ako sa suitor ko sa sunday."
Akmang tatalikuran ko siya pero pinigilan niya ako at humarang siya sa harapan ko.
"Tayo ang may date sa sunday. Kailangan mo ng pruweba na may boyfriend ka diba?"
Napatitig ako sa kanyang mukha. Sa kanyang mga mata, ilong at labi na parang perpektong ginawa nila tito at tita.
"Siguro, hindi sila maniniwala kung wala akong pic na ipapakita sa kanila." kunwari'y katwiran ko.
"Okay, ako na bahala sa sunday. Just promise me na hindi ka sasama kahit kaninong lalaki okay?" paninigurado niya na ikinangiti at tango ko.
"Yes, Mr. Browny!"
"Browny? Parang pangalan ng aso yun ah? Yun ba ang itatawag mo sa akin?" kunot noo na tanong niya.
"Oo, bagay sayo kasi makapal ang kilay mo. Lalo na kapag nakasimangot kang ganyan." Napatakip ako sa aking bibig at di ko mapigilan ang matawa sa seryosong reaksyon niya.
"Ayaw mo ba? Baby na lang total baby mo naman ako…"
Nawala ang kunot ng noo niya.
"Okay bahala ka na kung anong gusto mo. I have to go. See you tomorrow." paalam niya sa akin. Nilapitan niya ako at nagulat ako nang halikan niya ako sa pisngi.
"I'll call you later." bulong niya sa tenga ko. Palagay ko ay na-stroke na ako sa kinatatayuan ko dahil kahit na nakalabas na siya ng gate namin ay nakatayo pa rin ako sa labas at hawak ang pisngi ko.
Parang zombie akong pumasok sa loob ng bahay.
"Hey? Anong nangyare? Para ka na naman lutang diyan. Anong sabi ni Marcus? Hindi daw ba siya kakain dito?" narinig kong tanong niya.
"I don't know, wala siyang sinabi." Pigil ang ngiti na sabi ko sa kanya. Umakyat ako sa kuwarto at pagkasara ko ng pinto inilabas ko ang kilig na nararamdaman ko.
Kulang na lang magreklamo ang unan ko dahil sa ginawa kong pagrestling sa kanila!
"May swimming kami sa sunday kasama ang ibang classmate namin sa Mindoro. Ayaw sumama ni Marcus dahil may lakad daw sila ni Railey. Kung gusto mong sumama okay lang kaya lang baka ma-OP ka or kung ayaw mo naman. Papuntahin mo na lang sina Tinay at Cloe dito. Maghouse party kayo ako bahala sa pagkain." paalam ni Kuya sa akin habang kumakain kami ng hapunan.
"Kuya, okay lang ako dito malaki na ako. Highschool na ako sa susunod na pasukan. Kaya ko na mag-isa. Andyan naman si Manang. Mag-enjoy ka na lang sa swimming niyo."
Napatigil siya sa pagkain at tumingin sa akin.
"I trust Marcus more than you. Kaya ibibilin kita sa kanya. But…I'm warning you. Sa oras na may ginawa kang kalokohan…you know what i mean, Niamh—"
"I know ipapadala mo na naman ako sa Canada." putol ko sa sasabihin niya. As if naman na gagawa ako ng kalokohan? Ano naman yun?
Kinagabihan ay nakatangap ako ng tawag mula sa kanya. Kasalukuyan akong nakaharap sa vanity mirror ko at naglalagay ng anek-anek sa face. Para kahit paano lumamang man lang ako ng kakinisan ni Railey. Inilagay ko ang phone sa holder para makapag-massage pa rin ako ng face.
Nakasando lang siya at kita ko na naman ang maskels niya.
"Hi bebu." nakangiting bati ko sa kanya. Hindi nakaligtas sa akin ang tipid niyang ngiti sa labi.
"Hello bebang," sabi niya na ikinatigil ko at ikina-awang ng aking labi.
"Parang mabantot yung bebang pero kapag sa'yo galing masarap pakingan." wika ko na ikinangiti niya. Kita ko na naman ang malalim niyang dimple sa sulok ng kanyang labi.
"Nasabi na sa'yo ni Ivan na may lakad siya?"
Tumango ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalagay ng moisturizer sa mukha.
"Yes, bebu. At nasabi na rin niyang ikaw ang magbabantay sa akin." nakangiting sagot ko.
"Ah okay, diyan na ako matutulog ng saturday ng gabi. Kasi gabi pa lamang aalis na sila. Okay lang ba sayo?"
Tumango ako sa kanya. Noon pa man madalas na rin siyang matulog dito at wala naman yun sa akin dahil parang kapatid na rin ang turing niya sa akin.
"What are you doing here?" narinig kong tanong ni Kuya Marcus habang nakatingin sa kanan niya.
"I can't sleep alone sa bed ko. Dito muna ako kahit sa sofa lang." narinig kong sabi ng boses babae. Kung hindi ako nagkakamali boses yun ni Railey!
"No, go back to your room. Hindi pa tayo kasal, Railey. Kung hindi ka makatulog itabi mo si Soersia." seryosong sabi niya sa kausap. Narinig ko na lang ang paglagabog ng pinto niya.
Nagkatinginan kami sa isa't-isa. "I'm sorry about that. Makulit lang talaga siya minsan–"
"Papakasalan mo ba talaga siya?" may bara sa lalamunan na tanong ko sa kanya. Palagi kong inaalis sa isip ko ang tungkol sa kanya. Pero umaasa pa rin ako na tama ang tinitibok ng puso ko. I know crush is only paghanga. Minsan nawawala at minsan lumalala. In my case. I dont think crush pa rin ang nararamdaman kong ito. Kasi isipin ko pa lamang na ikakasal siya sa iba parang madudurog na ang puso ko.
"Ayokong pag-usapan…goodnight…see you tomorrow…" paalam niya sa akin.
"I love you bebu…" pahabol ko sa kanya na lumabas na lamang sa bibig ko.
"Goodnight my bebang…" sambit niya.
Kaagad kong pinatay ang phone ko at iniyakap ko ito sa akin. Malakas na tumibok ang puso ko. Nagawa kong mag-i love you sa kanya!!! Oh my gasss!!!
Wait Niamh! Kalma ka lang…Inhale! Exhale! Practice lang yun! Kabahan ka na Railey! Andito na si bebang, ang tunay na mahal ni Bebu! Antayin mong magdebut ako at magkaroon ng cocomelon lalabanan kita ng patas!
May ngiti sa labi akong nahiga sa kama. Excited na ako sa sunday para sa date naming dalawa. It doesn't matter kung fake man or real. All I want is to have time with him at makilala pa namin ang isa't-isa.
"Marcus, ikaw na bahala sa sister ko. Kapag may kalokohan tawagan mo agad ako." Bilin ni Kuya Ivan sa kanya.
"Okay, mag-ingat ka." paalam ni Kuya Marcus sa kanya. Lumapit si Kuya sa akin at niyakap ako. Pagkatapos ay kiniss pa niya ako sa noo ko.
"Be a good girl. Tatawagan kita bukas." Bilin niya na ikinatango ko din.
"Take care kuya! Pasalubong!" pahabol ko sa kanya bago siya sumakay sa van. Mahaba kasi ang byahe nila kaya ngayong gabi sila aalis para makaiwas sa trapik.
Nang makaalis na si Kuya ay naupo muna kami ni Kuya Marcus sa sala. Tapos na kami magdinner. At dinalhan kami ni Manang ng dalawang baso ng milk. Bago siya magpaalam na matutulog na.
"Paano si Railey? Iniwan mo siya doon sa bahay niyo?"
Tumango siya at sumandal sa sofa.
"Kasama naman niya ang dalawang kasambahay namin. Saka yung cat niya." sagot niya habang nakatingin sa kisame.
"Ah…ganun ba?"
Kinuha ko ang baso at uminom ako ng gatas.
"Yung babaeng gusto mo na kinukuwento mo sa akin? Si Railey ba yun?"
"No." derecho na sagot niya walang paligoy-ligoy.
"Kung hindi siya si Railey…sino? Bakit hindi mo siya pinapakilala sa akin or kay Kuya?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Umayos siya ng upo at pinagsiklop ang kamay niya at pinatong sa kanyang tuhod.
"Tayo ang magkasama Niamh. Pero ibang babae ang nasa isip mo. Hindi mo na kailangan mag-isip ng kung ano-ano. Ang isipin mo na lang yung date natin bukas. And after that ayoko nang may mababalitaan nagpapaligaw ka sa iba okay?" seryosong sabi niya sa akin.
"Bakit? Dahil ba bata pa rin ako sa paningin mo at hindi pa ako tapos sa studies ko? Kailangan ba talaga tapusin ko muna ang college bago ako magkaroon ng boyfriend?"
"No, dahil nagseselos ako Niamh and I don't want this kind of feeling. Goodnight…"
Tumayo siya at dinampot ang baso ng gatas niya saka niya ako iniwan na naka-awang ang labi habang nakasunod ang tingin sa malapad niyang likod.
Jealous means? Love?