Chapter 8.

1502 Words
NIAMH Hindi ko alam kung anong nakain niya para puntahan ako dito sa lunch hours. At paano kaya siya nakalusot sa masungit na bantay sa gate? Nang makarating na kami ng parking lot hawak pa rin niya ang kamay ko. Kahit malakas ang t***k ng puso ko ay mas naalala ko ang nangyari kahapon kaya napatigil ako sa paglakad nang nasa tapat na kami ng car niya kaya nilingon niya ako. "Why? Sandali lang naman tayo ibabalik din kita." May pagpisil pa siya ng kamay ko. "A-Andiyan ba siya?" nag-aalangan na tanong ko. Binitawan niya ang kamay ko at pagkatapos ay binuksan niya ang unahan na pinto. "At bakit ko naman siya isasama dito? Nasa mall siya ngayon namimili ng gamit after this ko siya pupuntahan." nakangiting sambit niya. Paano ako hindi magseselos? Doon siya nakatira, palagi silang magkasama at fiance pa niya ang karibal ko… Hinila niya ako at pinasakay sa unahan ng sasakyan. Pagkatapos ay umikot siya sa kabila at sumakay din siya. "Bakit ba kasi kailangan mo pa akong dalhin dito? Akala ko ba limang minuto mo lang akong kikidnapin? Eh yung lakad natin tatlong minuto na—" Pinigilan niya akong magsalita at tinapat niya ang daliri sa aking labi. "Ang ingay mo talaga." nakangiting sambit niya. Tsk! Kung hindi lang kita mahal ay aawayin kita dahil sa Railey na yun! Pasalamat ka! Hmp! May kinuha siyang paper bag sa likod at ini-abot niya sa akin. "Pasalubong ko sa'yo." Puro tsokolate ang laman ng loob ng paper bag kaya nakasimangot akong tumingin sa kanya. "Nagpunta ka dito para sa imported chocolate?" Seryosong tanong ko. Nakataas pa ang kilay ko kahit wala naman talaga akong kilay. Kinuha niya ang kamay ko at may dinukot siya sa loob ng jacket niya. Siya mismo ang nagsuot nito sa akin. Isang itim na bracelet at may half moon at isang star. "Ang gandaaa…" nakangiting sabi ko sa kanya. Akala ko bibitawan na niya ang kamay ko pero pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa at nakita kong may suot din siyang bracelet sa kabila ngunit imbis na katulad ng sa akin. Araw na design ang nakadrawing dito. "Just wait…" sambit niya habang nakatitig sa akin. Hangang sa umilaw yung moon at sun na design ng bracelet naming dalawa. "Ingatan mo ang bracelet na yan. Balang araw malalaman mo ang meaning niyan. Sa ngayon, gusto ko palagi ko yang makikita sa kamay mo." wika niya na hindi ko maunawaan. "Kailan yung balang araw na yun? Hindi ba puwedeng ngayon mo na sabihin. Bibitinin mo pa ako eh—" Nanlaki ang mata ko nang hilahin niya ang kamay ko at dinampian niya ng halik ang noo ko. Hindi lang isang segundo. Kundi limang segundo na tumigil ako sa paghinga dahil sa ginawa niya. At namalayan ko na lang nakalapat na ang kamay ko sa kanyang dibdib. Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. "I will wait for you…" sambit niya na ikina-awang ng aking labi. "H-ha? Pero alas-singko pa ang out ko…" "Ay! Oo nga pala!" natatawang sabi niya. Napakamot pa siya sa ulo niya. "Mabuti pa bumalik ka na sa room mo. Bigyan mo sila Tinay at Cloe baka ubusin mo yan lahat, tataba ka." pananakot pa niya sa akin. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko at habang pabalik ako ng room ay panay din ang sulyap ko sa bracelet na bigay niya. Ano ba kasing meaning ng moon at isang star na bracelet na ito? Saka kailan naman kaya yung balang araw na yun? Pagbalik ko sa room ay tuwang-tuwa ang dalawa. Binigyan ko kasi sila ng mga chocolates. Saka ipinakita ko din sa kanila yung bracelet na bigay niya. "Ano? Meron din siya? Ibig sabihin---couple bracelet yan!" bulalas ni Tinay. "Enebe? Huwag ka ngang ganyan? Baka maniwala ako. Saka si kuya din naman binibigyan niya ako ng gift kapag birthday ko." "Ay ang slow mo talaga! Diba sabi mo same kayo ng bracelet tapos sun yung sa kanya moon yung sayo? It means may gusto siya sayo bakla!!! Kaya niya sinabi na pagdating ng araw malalaman mo kung anong meaning niyan!" dagdag pa ni Tinay at nagtatalon ang dalawa sa tuwa. Para kaming nababaliw na dito sa likod ng classroom dahil wala pa si Teacher kaya sa labas kami nag-usap. "Sigurado ka ba diyan?" nangingilid ang luha na tanong ko. "T-teka wait? Paano kung gift lang talaga at meron din pala si Kuya Ivan?" Nabitin ang luha ko dahil sa pagsingit ni Cloe. Pero napaisip din ako…paano nga kung meron din si Kuya? "Haist! Kainis ka naman Cloe, nagdidiwang na ako oh!" Litanya ko sa kanya. "Sorry naman, pero…may naisip ako. Gusto mong malaman kung may gusto sayo si Kuya Marcus diba?" Sabay kaming tumango ni Tinay kahit di naman siya ang kausap. "Paano?" interesado kong tanong. "Ehem! Madali lang, pagselosin natin. Ayaw ng mga lalaki ang may kakompetensya sila sa isang babae. Kung magagawa natin pagselosin si Kuya Marcus. Malalaman natin kung may pagtingin ba talaga siya sa'yo." seryosong sabi niya. "Eh paano? Saka alam mo naman over protective ang dalawang kuya niya kay Niamh. Paano natin malalaman kung selos or hindi ang nararamdaman niya?" Napaisip kaming tatlo. Matagal nang bilin ni Kuya sa akin na huwag daw ako magpapaligaw. Mahirap na! Iba pa naman yun magalit nagtatransform! "Alam ko na!" bulalas ni Tinay na ikinagulat naming dalawa dahil sa lakas ng boses niya. Nakinig kami sa suggestions niya at sinang-ayunan ko naman ito. Nang matapos ang klase namin ay naghintay na lamang ako ng sundo ko. Eksakto naman na pumarada ang kotse ni Kuya Marcus sa harapan ko. Pero seryosong mukha ni kuya ang bumungad sa akin sa tabi ng driver seat. "Sa likod ka na." utos niya sa akin. Binuksan ko ang pinto at naupo na rin ako. Nasa driver seat si Kuya Marcus. "Kuya? Nasaan si motmot? Bakit nakisabay ka kay Kuya Marcus?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Sira si motmot kaya from now on kay Marcus na muna ako sasabay." masungit na sagot niya sa akin. May tupak na naman ata. Lumingon si Kuya Marcus at sabay kaming ngumiti sa isa't-isa pero sandali lang dahil pina-andar na niya ang sasakyan. Tumunog ang phone ko at sinagot ko naman ang tumatawag. "Hello? Bakit ka napatawag, Owen?" Napatingin ako sa rear view mirror nang sumilip ang seryosong mukha ng dalawa. P@tay ako nito sa dalawa! Bakit kasi pumayag pa ako sa plano nila?! "Ahhhh! Oo nga nakalimutan ko!" bulalas ko sabay tawa ng malakas. Para mabawasan ang kaba ko. Pero lalong kumunot ang noo ng dalawa sa salamin. "Ha? Sa sunday? Okay! Wala naman akong gagawin sa linggo. Tawagan mo na lang ako mamaya." nakangiting paalam ko sa kabilang linya. Actually si Tinay talaga ang kausap ko sa phone. At silang dalawa daw muna ang magpapangap na online boyfriend ko daw. "Sino yun?" sabay na tanong ng dalawa sa harapan. Lumingon pa si Kuya sa akin. Hindi naman kasi talaga siya kasama sa plano kaya lang nandito siya wala na akong choice! "Si Owen kuya, classmate ko. Nag-aaya magsine sa sunday." "Nanliligaw sayo? Reject him." derechong sabi ni Kuya. "Reject agad? Di pa nga nanliligaw eh. Saka friend lang kami—" "I don't care, bata ka pa para magkaroon ng boyfriend unahin mo studies mo." putol niya sa sasabihin ko. Sabi ko na nga ba eh hindi ito uubra. Hayyyy… "Tama si Ivan, hindi ka puwede magpaligaw. Sagabal yan sa studies." dagdag naman ni Kuya Marcus. Hindi na ako umimik at pagdating namin sa bahay ay nauna na akong magpaalam sa kanila. Pagpasok ko sa room ko ay tinawagan ko ang dalawa at sinabi ko ang tungkol sa nangyari. Pero hindi pa daw kami tapos. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba ako ng hagdan at wala pa rin sila sa sala. "Mukhang seryoso ang usapan nila ah?" Wika ni Manang sabay nguso sa salamin na pinto at tinutukoy niya ang dalawang magkaibigan sa labas at seryoso na nag-uusap. Tapos na pala nagluto si Manang kaya naisipan kong lumabas. Naabutan ko si kuya na may hawak na isang bouquet ng bulaklak. "Kuya? Para kanino yan?" Masamang tingin ang pinukol niya sa akin. "Galing kay Levi. Reject him or else ipapadala kita ng Canada." Nagulat ako nang i-shoot niya ito sa basurahan. Pati ang pangalan ng sender ay hindi ko kilala. Hindi kaya si Cloe ang gumawa noon? Naunang umakyat si Kuya Ivan at naiwan si Kuya Marcus na nakasandal sa gilid ng kotse na parang may malalim na iniisip. "Ah, nag-away ba kayo ni Kuya—" "Who's Levi and Owen? Hindi ka ba talaga marunong maghintay hangang matapos ka ng kolehiyo bago magpaligaw?" Salubong ang kilay na tanong niya. Mukhang mas galit pa siya kay kuya dahil mas mataas pa ang boses niya. "Bakit ka ba nagagalit? Kasalanan ko ba kung may manligaw sa akin? Kasalanan ko ba kung maganda ako?" "Tell them may boyfriend ka na para hindi ka na nila ligawan." "Ha? But I don't have a boyfriend!" "Then tell them. I'm your boyfriend!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD